Thirteen

110K 3K 133
                                    

Nasa byahe na kami ngayon ng asawa ko papuntang Bar, kung saan kami mag iinum nila Joanne, Ian and Majah. Ngayon na ang araw ng hangout namin kaya ito ring si Damon ay hindi na naman maipinta ang mukha.

Paano ko kaya mapapa-ganda ang mood niya?

"Baby," Tawag ko sa kanya habang busy siya sa pag mamaneho.

"What?" Tanong niya.

"Mangako kang hindi ka magseselos mamaya kapag kasama na natin si Ian." Alam kong suntok sa buwan na mangangako siya pero malaya mo? Para world peace.

"I can't promise you that baby. Alam mo ang epekto sa'kin ng ex. mo."

"I know kahit subukan mo lang."

"I will."

"Ganito nalang kapag nakita kong tila nag seselos ka na kay Ian, kakagatin ko tenga mo."

Bigla niyang naibaling ang tingin sa'kin habang naka ngiti na tila natuwa pa sa sinabi ko. Basta talaga kapilyuhan, mapapangiti siya.

"Mukhang masayang mag selos mamaya kung ganun." Biro niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Seryoso ako baby!" I scolded.

"Okay, okay!" Natatawa niyang sabi. At least nag lighten ang mood niya buti nalang naka isip ako ng pwedeng ika-lighten ng mood niya. Pangit naman kung hindi maganda mood niya 'pag nandun na kami.

Nakarating kaming dalawa sa parking ng Bar, sakto naman na nag ring 'yung cellphone ko sa pouch na bitbit ko. Kinuha ko dun 'yung cellphone ko at nakita kong si Maj ang tumatawag.

"Hello?" I answered it.

"Nasaan na kayo? Nandito na 'ko sa parking."

"Same."

"Oh good! Sasabay na 'ko sa inyo."

"Okay." Ibinaba ko na 'yung tawag at binalik sa pouch 'yung cellphone ko tsaka binaling ang tingin kay Damon.

"Nandito na daw si Maj sa parking." I informed him.

"Sige, bumaba na tayo." He said.

Just like he said bumaba na kami ng kotse sakto naman na narinig ko ang boses ni Majah na tinawag ako. "Amber,"

Tumingin ako sa direksyon niya. Sinalubong ko siya ng lakad at pagkalapit namin sa isa't-isa, nag yakapan kami tsaka bumeso sa isa't-isa.

"Where's Mar?" I asked.

She shrugged. "Hindi pa din niya 'ko kinukontak simula nung pag reject ko sa proposal niya."

"Oh shit! Really? Kinukontak mo ba siya?"

She nodded. "I'm texting him Hi pero walang reply. Tinatawagan ko siya hindi siya sumagot. Right timing talaga 'tong pagyaya nyong uminum."

"Are you okay?"

She shakes her head. "No! Nag sisimula na 'kong mag isip nang hindi maganda dahil sa hindi niya pag kontak sa'kin."

"Bigla mo lang siya ng time," Biglang pag singit ni Damon sa usapan namin sabay hawak sa bewang ko. "He's serious with you, he won't ask you to marry him if not. Just give him time and for sure tatawag din 'yun." Damon advice.

"Oo nga, tatawag din 'yun." Pagpapalakas ko ng loob.

"Sana nga!" Huminga siya ng malalim. "Anyways thanks sa pagpapalakas ng loob. Pumasok na tayo?"

"Sige, baka hinihintay na din tayo nila Joanne." Binaling ko naman 'yung tingin ko sa asawa ko. "'Yung pinag usapan natin." Pagpapalala ko.

He just nodded and bends down his face to kiss my lips.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon