MY FINAL DESTINATION. (FINISH...

By Klovesred

23.1K 273 58

Nakaligtas si Wendy at Julie Christensen sa pagkawasak ng Train 081. Ngayong tinatakasan na naman ang bagong... More

The Sequel of Final Destination Movies.
Characters.
Prologue. (The Flash Back)
Chapter 1. (Ang totoong Estado)
Chapter 2. (Ang pagkakadiskubre sa Kambal)
Chapter 3. (The Fountain Pen)
Chapter 4. (The Cruise Ship)
Chapter 5. (The Beginning)
Chapter 6. (Ang Pangitain)
Chapter 7. (Ang pagkikita-kita)
Chapter 8. (Ang paguumpisa ng pagbawi ng Kamatayan)
Chapter 9. (Ang Barya)
Chapter 10. (Ang Vending Machine)
Chapter 12. (The Construction Site)
Chapter 13. (Ang kwento ng Survivor)
Chapter 14. (Ang Metal Bars)
Chapter 15. (Ang Skating Shoes)
Chapter 16. (The Butterfly Effect)
Chapter 17. (The Sisters)
Chapter 18. (Ang Payo)
Chapter 19. (Ang Industrial Fan)
Chapter 20. (Travel, Again?!)
Epilogue Part 1. (The Final Chapter)
Epilogue Part 2. (The Final Chapter)

Chapter 11. (The Survivor)

644 7 0
By Klovesred

*Julie's POV*

"Life is a bitch, and then you die. Any questions?!"

Pasigaw na sinabi sa amin ni Bettina. Nabwisit ako sa narinig ko, Ikaw ba naman na nageeffort na tulungan ang isang tao tapos pinagmukha ka pang tanga? Aba'y fuck her. Nag ta-try kaming tulungan siya tapos ganito ang igaganti niya? Mukhang di naman yata makatarungan yun.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan? Nailigtas ko kayo sa pagkamatay sa Cruise Ship na yun! ngayon, Isa-Isa tayong binabalikan ng kamatayang dapat ay nangyari sa atin sa mismong lugar na iyon! --"

Sumingit si Bettina kaya naputol ang sinasabi ni Wendy, Mabilis siyang tumayo at sinabing:

"Oo nailigtas mo kami! PERO HINDI ANG NANAY KO!"  Napaluha siya dahil sa nasabi niya, Umupo ulit siya at nagayos ng Ice skating shoes niya, Dahil sa nakita at narinig ko, Naawa ako sa kanya. Masakit ding mawalan ng ina.

"Wendy tumigil ka na, Wag na tayong masayang ng oras sa kanya."  Sinabi ko kay wendy at tinapik ko ang balikat niya. 

Tumayo siya at Umalis kami sa kinauupuan ni Bettina.

Iniwan namin siya dung umiiyak dahil sa pagkakaalala sa nanay niya. Iniwan namin siyang nagiisa.

Malayo na kami, At hindi ko na siya natatanaw. Biglang may tumawag sa cellphone ni wendy.

"Sino yan?" Tanong ko sa kanya.

"Si Clear tumatawag. Saglit lang." Kaya naman sinagot niya na ang cellphone niya. "Hello?"

Naririnig ko pa din ang pinaguusapan nila dahil naka loudspeaker ang cellphone at katabi ko lang naman si Wendy.

"Magkita-kita tayo sa Death by Caffeine."

"Ha bakit naman?" tanong ni Wendy kay Clear.

"May nalaman akong mahalaga."

"Sige papunta na kami."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

*Wendy's POV*

Pumunta kaming dalawa ni Julie sa nasabing coffee shop ni Clear. Nakaupo siya sa table na pang-apatan. Nilapitan namin si Clear sa table na yun.

"Bakit mo kami pinapunta?" Tanong ko sa kanya.

"Umupo muna kayo. May sasabihin ako."

Kaya naman umupo kaming dalawa ni Julie, Nasa gitna ako ni Clear at Julie.

"Uumpisahan ko, Nakausap ko yung Detective, yung nanay ng Crew na namatay dun sa pagkasabog nung kotse sa pyer naaalala niyo pa ba?"

"Oo" Sabay naming sinabi ni Julie.

"Nung 13 years old siya, Muntik na siyang makasakay ng Devil's Flight roller coaster, Pero pinaalis sila ng operator kasama nung pinsan niya kasi Less than 54 inches sila."

"Oo, Naaalala ko yun, Sila yung dalawang bata na naunang sumakay sa upuan namin, pero pinaalis kaya naman kami na yung nakaupo." pagpapaliwanag ko. "At sila din yung dahilan kung bakit hindi ko nalaman na nakasakay dun si Julie at Perry dahil may bakante na sa pagitan namin."

"So asan na yung Pinsan niya pang isa na nakaligtas?" Tanong ni Julie.

"Nawala nalang bigla, nung nalaman ng mga magulang niya yung tungkol sa storya ng buhay natin, Nagtago rin siya kasama ng mga magulang niya."

"Kailangan pa ba natin siyang hanapin?" Tanong ko kay Clear.

"Oo naman, Kailangan natin siyang makita." Sagot ni Clear habang nakatingin ng malalim sa malayo.

"Pero paano natin uumpisahan ang paghahanap sa kanya?" Tanong ni Julie.

"Bahala na" ang nasagot ni clear sa kanya at nagbuntong hininga siya.

May kinuha siyang envelope at binuksan niya ito,  Kinuha niya ang laman at Pinakita sa aming magkapatid.

"Ano ito?" Tanong ko sakanya habang bagong hawak yung papel, tinignan ko ito.

"Ito yung listahan ng mga kwarto natin sa barko, Kasama nadin yung mga nakabook dito."

Kate Browning= Room 354

Mike Hitchcock= Room 355

Bettina Straine= Room 356

Julie Christensen= Room 357

Clear Rivers= Room 358

Simon Iverson= Room 359

Wendy Christensen= Room 360

"Teka, Bakit napagitnan ka ni Julie saka ni Simon?" tanong ko sakanya.

Nagsalita si Julie. "Habang nagpa-book kasi siya ng ticket, Pinuntahan ko siya para magpabili ng Pagkain, Nagugutom kasi ako, Kaya humingi ako ng pera sa kanya, Ang sabi niya, sasamahan niya muna ako. Kaya naman umalis kami, Pero ang totoo, nauna akong nabook. Walang namang tao dun saka matumal, kaya naman ang pagkakaalam ko wala ng magpapabook na susunod."

"Pero dumating ako." Sabi ni clear. "Nakita ko kayong paalis, Akala ko tapos na kayong magpabook kaya naman nagpabook na din ako."

"So ganyan ang pagkakasunod sunod ng kamatayan natin?" Tanong ko.

"Definitely." Sagot ni clear.

Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
14.3K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...