Kailan Darating Ang Pag-ibig...

By Divine26

7.7K 261 2

Jealeth Salindo - ang Babaeng lumaki sa marangyang buhay dahil sa tulong ng mayamang Lola,sabik sa pagmamahal... More

Kailan Darating Ang Pag-ibig?
chapter one
chapter 2
chapter 3
chaptet 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
CHAPTER 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12 spg
chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
CHAPTER 20
Chapter21
CHAPTER 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
FINAL Chapter

Chapter 15

306 9 0
By Divine26

Chapter 15.

Malakas na malakas ang kabog ng Dibdib ni Jealeth habang nakaupo siya,hinihintay niya ang Cardiologist na sumuri sa kanya.

Kasabay ng pag examine sa kanya ang pag Ultra sound sa tiyan niya.

Labis ang galak ni Jealeth ng sabihin sa kanya kanina ng doctor na kambal magiging anak nila ni Aidan.

Isang babae at isang lalaki.

Excited na naman siyang ipaalam sa asawa iniisip din niya kung ano magiging reaksyon ng asawa sa ibabalita nya kasabay ng pag iisip niya sa asawa ay iniisip din niya angipapangalan sa magiging baby nila.

Dumaan pa ang ilang minuto at bumukas ang dahong puntuan ng office ni Dr. Robles ang Cardiologist. Iniluwa ng pinto ang isang nilalang na nag lalaro sa sisiyenta ang edad.

Nang agad mapuna ni Jealeth ang pagpasok ng Dr. Napahinto siya sapag iisip ng mga pangalang ibibigay sa baby niya pag nailabas niya ito.

Tumayo si Jealeth bumati at nakipag kamay siya sa Cardiologist na si Dr. Robles.

"Have a seat mrs. Aldana"

Wika ng Matandang Doctor..

Naupo si Jealeth ganun din naman ang Doctor umupo ito sa silyang yari sa kahoy na narra na nasa harapa ng mesa,saka pinasadahan ng mga mata nito ang hawak nitong papel.

Sa hula ni Jealeth ito ang resulta ng pag susuri sa kanya.

Biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha ng doctor nabahidan ng lungkot.

Ang kabang naramdaman ni Jealethkanina ay lalong tumindi sa nakita niyang eskpresyon ng mukha ng doctor.

'God wag naman po sanang masama ang resulta!'

Piping usal ni Jealeth sa sarili.

"Tatapatin ko kayo mrs."

Panimula ng Doctor sa pormal na salita habang nakatingin sa magandang at maamong mukha ni Jealeth na nababanaagan ng takot.

"Hindi po ba maganda ang naging resulta ng test ko?"

Malungkot na tanong ni Jealeth.

"Meron kang Congenital Heart Disease we diagnos it when you was a baby and this is the second time that i review the result of your test."

Pagpapahayag ng Doctor.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Naguguluhang tanong ni Jealeth.

'Kung may depekto na ako sa puso sapol pag kabata bakit diko alam? At pangalawa beses na niyang nabasa ang result ng test ko?'

Ito ang gumugulong tanong sa isip ni Jealeth.

"Hindi ko po kayo maintindihan?papaanong pa second time ko na pong pag susuri ito?"

Gulong gulong tanong niya

saka pumasok sa isip ni Jealeth ang lola niya.

'Si Lola ang nakakaalam sakin ng lahat sapol pag kabata siya ang imaasikaso sakin kaya pala prinsesa akong maturingan ng Mansyon?'

Sa isip ni Jealeth.

Kaya pala noong bata pa siya hanggang sa magdalaga eh may yaya pa din siya,hindi siya pinagagawa ng kahit ano sa school di siya pinapahintulutan ng lola niya na sumali sa mga larong pampalakasan.

Ngayon niya lang napagtanto ang lahat at nakuha ang sagot.

Ipinaliwanag naman sa kanya ng matandang doctor ang lahat.

Si Doctor Robles ang nagsagawa ng operation kay Jealeth sa sakit nito na complex congenital heart disease noong munti pa lamang ito at alam na alam din ni Doctor Robles kung ito paano ito lumaban at kung paano nakipagsapalaran kay kamatayan.

Noon naging matagumpay naman ang surgery at medication na ginawa nila,at ngayon natatakot siya para dito tila sa pangalwang pagkakataon muli itong makikipag buno kay kamatayan.

Dahil sa pagkakaroon ng sakit nito sa puso at naging success nga naman noon ang operasyon .ang problema naman ngayon ay ang panganganak baka hindi nito makayanan,kung napaaga ang pag papa check up nito at mga 18 weeks palang ang tiyan nito maiiguide niya ng maayos ito.

Sa naging resulta naman ng eksamin malusog naman ang dalwang sanggol na nasa sinapupunan nito.

"Hija 50/50 ang tiyansang mabubuhay ka...baka hindi makayanan ng puso mo.

Although CS ka pag nanganak,dahil hinding hindi ka pwede sa normal delivery"

Malungkot na wika ni Dr. Robles matapos ipagtapat ang sakit nito noong munti pa,na inilihim pala ni Donya Luisita sa apo

Napahagolhol ng iyak si Jealeth buhat sa mga narinig sa Doctor.

Kanina pang gustong umalpas ng mga luha niya ng mag umpisa itong magkwento tungkol sa sakit na inilihim ng lola niya.

Hindi naman alam ni Dr. Robles ang gagawin kung papaano pakakalmahin si Jealeth kaya tinawagan niya ang kaibigang si Donya Luisita.

Hindi nagtagal humahangos na lumapit ang Donya sa apo niyakap niya ang apo maging ang matandang donya ay lumuluha rin.

"I am really really sorry hija.kung alam ko lang na ganito ang kakalabasan hindi ko na sana inilihim ang lahat."

Lumuluhang wika ni Donya Luisita sa apo saka niyakap niya ito.

Kahit papaano mapagaan niya ang bigat na dinadala nito.

Nang tumawag ang Kaibigang Doctor kani kanilang sa donya ay agad nitong sinabi ang tungkol sa kalagayan ng pinaka mamahal na apo.

Sinisisi din naman ni Donya Luisita ang sarili dahil sa panganib na nag hihintay sa apo niya,masyado naging kampante ang donya dahil sa matagumpay na operation noon ng amo,

kung nasabi lang sana niya noon sa apo ang sakit nito malaki ang tiyansang maligtas ito sa panganganak at naiguide ng maayos.Dahil sa pag iisip at pagluha hindi na niya tuloy matandaan ang mga sumunod na pangyayari kung papaano siya na punta sa mansyon nila.

Hanggang ngayon lumuluha parin si Jealeth.

"Apo ko tama na mas lalonf makakasama sa iyo iyan"

Malungkot na wika ni Donya Luisita.

May hinampong nararamdaman su Jealeth sa lola niya dahil sa palilihim nito buhay niya ngayon ang nakataya sa pag sisilang niya.

Kung sisihin niya ang abuela wala ding mangyayari narito na ang problema.

Malaki ang naitulong ng lola niya sa kanyA,kAya hindi niya ito dapat sisihin.

Kasabay ng paluha ni Jealeth ang pagpapakatatag.

Iyon ang kailangan niya.

Isang sugal ang buhay niya ngayon.

Mahirap makipag tongitan kay kamatayan hindi natin bka trio ang kunin nito.

Ma chaw man siya wag lang ang dalwang sanggol na isisilang ang basagin nito.

(tongitera si writer hehehe)

"Lola may ipapakiusap po sana ako sayo,sana wag ninyo sabihin kay Aidan ang maaring sapitin ko"

Pakiusap ni Jealeth sa lola niya ng mapayapa niya ang sarili.

"Hija hindi naman sa pinapangunahan kita,mas makakabuting malaman niya."

"Lola,sasabihin ko din sa kanya pero sa ngayon hindi pa."

Mas nanaisin pa ni Jealeth na ilihim sa asawa ang lahat.ayaw niyang kaawan siya nito, at sabihing mahal siya nito dahil sa walang kasigueaduhang mabubuhay pa siya pagkatapos niyang manganak.

Ano pa nga ba silbi ng buhay niya.

Uo nga may asawa siya ang tanong mahal ba siya ng asawa niya?si Bianca lang naman mahal nito. Minsan kasi pag Nanaginip ang asawa nadidinig ng dalwa niyang tenga ang pag tawag nito sa pangalang ni Bianca

Ni minsan hindi pa siya sinabihan nito ng asawa ng salitang "I love you o mahal kita"

may ama nga siya mahalaga ba siya dito?siya ang tunay na anak ni minsan ba tinawag siyang anak ng Daddy niya?si Bianca lang naman mahalaga dito.kailan nga ba niya naramdaman ang yakap ng isang ama?ni minsan hindi niya naranasang yakapin ng ama at kargahin noong munti pa siya.

'Siguro matutuwa pa sila dahil wala na ako.'

Sa isip ni Jealeth.

Nang araw ding iyon napagpasyahan ni Jealeth na wag munang umuwi sa aswa gusto muna niyang mapag isa at mag isip kaya tinawagan niya ang asawa para ipaalam dito na hindi siya uuwi ngaung araw sa mansyon ng mga Aldana.

Samantala si Aidan naman hindi mapakali sa higaan ala siyete palang ng gabi ay umakyat na siya sa kuwarto para magpahinga.

dahil wala ang asawa at tumawag ito kanina na hindi muna uuwi sa mansyon nila.

Nakaramdam ng pagkabagot at lungkot si Aidan.

Nalulungkot siya dahil nag iisa ngayon siya sa kuwarto nilang mag asawa na mimiss niya ang presinsya ng asawa at ang mabangong cologne nito pagkatabi sa kama.

Hindi rin niya ito nasilayan maghapon.

Pakiramdam niya kulang ang araw niya ng hindi nakikita ang asawa.

At dahil hindi nakatiis si Aidan na hindi makita ang asawa.

Mabilis pa sa alaskuwatrong nagbihis si Aidan.

At pinuntahan ang asawa sa mansyon ng abuela duon din siya matutulog.

Isa pa nasanay na siyang lagi itong kayakap sa pagtulog.

Nagising si Jealeth ng may maramdamang may yumayakap sa kanya

"Anong ginagawa mo dito?"

Gulat na tanong ni Jealeth sa asawa ng makita niyang katabi niya ito sa kanyang kama na nag pawala sa antok niya.

"Sinusundan ka namiss kasi kita!"

Deretsang sabi ni Aidan sabay halik sa asawa sa labi.

Samantalang itinulak niya bahagya si Aidan palayo sa kanya ng maalala ang gusto niyang sabihin dito.

Tila nasaktan ang kalooban ni Aidan sa pag iwas ng asawa sa halik niya dati rati tuwing hinahalikan niya ito tumutugon ito sa mga halik niya.

Biglang lumungkot ang mukha ni Aidan agad naman itong napansin ni Jealeth.

"Wag kA ngang Magdrama diyan di Bagay sa impaktong gaya mo."

Natatawang wika ni Jealeth na may halong pang aasar.

Hindi siya pinansin ng asawa nahiga itot nagbalot ng kumot.

"Nag pa ultra sound ako kanina impakto,kambal ang baby natin"

Masayang wika ni Jealeth kahit ang totooy malungkot siya.

Nagtangal ng pakakatakip ng kumot si Aidan masayang masaya ang mukha nito.

"Talaga honey?"

Halos hindi makapaniwalang wika ni Aidan saka hinila dahan dahan pahiga ang asawa para makatabi at mayakap.

"Mukha ba akong nag bibiro?ikaw ang magbibigay ng pangalan sa baby girl natin at ako naman sa baby boy natin."

Wika ni Jealeth habang nakaharap s asawa at kapwa sila nakahiga.

"Sige hon magandang idea yan"

Wika ni Aidan saka pinisil ang pisngi ng Asawa.

"May naisip ka na ba?"

Tanong ni Jealeth.

"Uo Hmmmmm Jealian.."

"Pwede Bakit naman Jealian?"

Curious na tanong ni Jealeth.

"Pinagsamang name natin iyan"

Ngiting ngiting sagot ni Aidan.

Galak na galak ang puso ni Jealeth kahit papano dahil sa naisip ng asawa mahalaga din pala siya dito kahit papaano.

"Ikaw naman hon anong naisip mo?"

"JaiDan"

Mabilis na sagot ni Jealeth.

"Love mo Talaga ako hon?Pangalan mot at pangalan ko pinag sama mo din."

"Ibig sabihin Love mo din ako ganun din kasi ang ginawa mo.?"

Seryosong wika ni Jealeth.

Hindi sinagot ni Aidan ang tanong ng asawa bagkos niyakap nalang niya ito.

ITUTULOY....


Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
80.3K 4.7K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.5M 95.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...