The Billionaire's Protege

By Makris_Stories

211K 5.9K 670

COMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous fa... More

Chapter 1
Chapter 2-Plan A
Chapter 3-Plan B
Chapter 4-Deal or No Deal
Chapter 5-Breathe
Chapter 6-Plan C
Chapter 7-Work It
Chapter 8-Tears
Chapter 9-Dance
Chapter 10-Broken
Chapter 11-Guardian Angel
Chapter 12-Missed
Chapter 14-Dream Sequence
Chapter 15-Shooting
Chapter 16-Reality
Chapter 17-Purpose
Chapter 18-Smile
Chapter 19-Trip
Chapter 20-Songs
Chapter 21-Formality
Chapter 22-Confessions
Chapter 23-Searching
Chapter 24-Grieving
Chapter 25-Understanding
Chapter 26-Meeting
Chapter 27-Party
Chapter 28-Vows
Bonus Chapter 29-Lucas Part 1
Bonus Chapter 30-Lucas Part 2
Q & A
Announcement

Chapter 13-Fever

5.2K 163 27
By Makris_Stories


"Miss. Do you need help?" 

Hindi ko alam kung dahil ba sa init kaya ako parang biglang nahilo nang marinig ko ang boses at makita ko ang may-ari nito. I almost fainted, buti na lang nahawakan niya ang braso ko at nahila papalapit sa kaniya.

"Luke?" Oh my gosh! Siya nga! Si Lucas Kendrick, in his delicious flesh and blood ay kaharap ko.

"Karen. Are you ok? You look pale. At Anong nangyari? Nasiraan ba ang sasakyan mo?" Ang bango niya. Ang hirap magfocus. Ang dami niyang tanong. Lalo akong nahilo sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Isang pulgada lang ang layo pwede ko nang pagpiyestahan ang red kissable lips niya.

"I'm feeling a little dizzy at the moment baka dahil sa init. Yes, nasiraan. Nag-overheat yata. I tried to fix it pero di ko na alam paano.  Hindi naman pala reliable ang Google." Nakatitig ako sa mukha niya. Gusto kong alisin ang shades niya para makita ko ang namiss kong blue gray niyang mga mata. Nabasa kaya niya ang iniisip ko? Dahil bago siya magsalita muli, tinanggal niya ang salamin niya at itinaas sa kanyang ulo. Muntikan na naman akong mahimatay. Nakakawala ng ulirat ang kagwapuhan ng future husband ko.

"You Googled how to fix an overheated car? Where are you heading?" Tama ba ang nakikita ko? Ngumiti siya! Daig ko pa ang nanalo sa Lotto dahil sa ganda ng ngiti niya. Ang image ng pearly white teeth niya at ang crease sa mapungay na mga mata niya noong ngumiti siya ay sakto na para maging ulam ko mamayang gabi kapag nagutom ako.

"Oo eh. Hindi pala effective. Tatawag na nga dapat ako ng mechanic. Sa Ilocos Norte ako papunta." He took my right hand na puno pa ng grasa ng makina at sumignal sa sasakyan na dala niya. Bumaba ang driver niya. I assumed na driver dahil nakauniform ng asul na barong at nakashades din. Parang bodyguard and driver in one.

"Damian, pakipaayos mo ang kotseng ito at iuwi mo na sa Maynila.  Idiretso mo na sa casa para mapakondisyon. Ako na lang ang magdadrive papunta ng Ilocos."

"Sige po Sir Luke."

Lumingon pa siya sa akin at ngumiti. Naghuhurumentado na ang puso ko sa sobrang kilig. Pagkatapos niya magbilin sa driver ay kumuha siya ng wetwipes at alcohol mula sa sasakyan niya at iniabot sa akin. He cleaned his hands na nadumihan ng kamay ko. Akala ko magpupunas ako ng kamay mag-isa, pero after niya sa kamay niya, kumuha siya ng wetwipes at nilagyan muli ng alcohol, tapos ay iniabot niya sa driver ang lagayan nito. Kinuha niya ang mga kamay ko at siya na mismo ang nagtanggal ng mga grasa mula dito. Nakatingin lang ako sa kaniya the whole time. I relished that special moment with him.

Dahil sa kalituhan ko, hindi ko nakuha ang mga gamit ko sa loob ng sasakyang dala ko. Ang mamang driver pa ni Lucas ang naglipat ng mga gamit from CRV to FJ Cruiser. Masisisi ko ba ang sarili ko na masyado lang talaga akong nag-enjoy kaholding hands si Lucas? First time kaya 'yon! Nang spotless clean na ang kamay ko, he did not let me go. HHWS. Holding hands while standing ang peg namin.

"Karen, baka may naiwan ka pa sa loob?" Extra nice talaga siya ngayon. Baka maganda ang gising. Wala akong choice kaya't bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakuha ko ang wallet at charger ko sa may compartment. Pati pala ang hand bag  at cellphone ko ay nailipat na ni Manong Damian the driver. Nang masiguro ko na wala na akong naiwan, lumapit na ako sa naghihintay kong Prince Charming.

"I have everything that I need." Including you. Idudugtong ko sana kaso baka magalit na naman.

"Great! Let's go?" He opened the passenger side at hinintay akong makasakay. He even fastened my seatbelt! Grabe na ang feeling! Para akong lumulutang dahil sa magkahalong excitement at kaligayahan na finally after ilang tigang months na hindi ko siya nasilayan, eto na kasama ko na siya muli. Kasama ko na siya at may bonus na pakilig pa!

Kinausap pa niya ang driver niya bago siya tuluyang sumakay ng driver's seat. Narealize ko lang na pawisan pala ako dahil sa init sa labas nang abutan niya ako ng panyo.

"Here. Magpunas ka muna ng pawis, malamig dito sa loob, baka magkasakit ka from the sudden change of temperature." Kung dati inlove ako sa kanya ranging from 1 to 10 ay 10 ang score, ngayon nasa 100 na! Over over na sa limit.

"Thank you." I smiled at him and he smiled back. Sinuot niya ulit ang shades niya habang ako naman ay nagpunas na ng leeg, braso, noo at likod. Pati ang dibdib ko ay pinunasan ko din ng pasimple. Isasama ko na sana ang kilikili ko kaso lang diyahe baka maturn off sa akin si Lucas.

"So, tell me, saan ka sa Ilocos ka mag-stay? I have a 7 pm dinner meeting at Laoag kaya kung hindi kita mahahatid before that, sumama ka muna sa meeting ko tapos I can drop you off kung saan ka man pupunta."

Kakanta sana ako ng I'll go Wherever you will go, napigilan ko lang. 7 pm pa daw pero magtatanghali pa lang. Bakit naman kaya hindi niya ako mahahatid agad?

"I'm heading to Laoag din now. Sa Java Hotel." He smirked. Oo sigurado akong smirk yon at hindi smile dahil kabisado ko na ang facial expressions ni Lucas. Dahil sa dami ng pictures niya sa phone ko, naaral ko na talaga lahat ng detalye ng mukha niya.

"Coincidence ba na parehas tayo ng pupuntahan? Doon din ang reservation ko sa Java Hotel." Sasagutin ko sana na walang coincidence. Fate led you to me. Pero siyempre hindi ko sinabi, ang ganda na ng development namin tapos sisirain ko lang ng mga banat ko.

"Ah talaga ba. Ang galing no? Luke, salamat pala. Buti napadaan ka, kung hindi baka inabot na ako ng gabi hindi pa ako nakakaalis doon." I heard him sigh at kumunot pa ang noo niya. Parang disappointed siya sakin.

"Dapat kasi pinaservicean mo muna ang kotse bago ka nagbiyahe ng malayo. Hindi safe lalo na babae ka pa naman tapos wala ka pang kasama.  Buti na lang tanghaling tapat ka nasiraan, paano kung madilim na?" Concerned ba siya sa akin o naalala lang niya na hobby niya dati na pagalitan ako. Pero malumanay naman ang pagkakasabi niya at sa tono ng boses niya, mukhang worried talaga siya sa akin.

"I know. Yari nga ako sa kuya ko pag nalaman niya. Bilin din kasi niya 'yon sakin bago niya ipagamit ang kotse niya." I don't know why pero parang mas at ease na ako sa kanya this time. Siguro dahil hindi na siya naninigaw or nanglalait. Medyo nabawasan na rin ang exagerated na pagtibok ng puso ko tuwing mapapatingin ako sa kanya. Kung dati intensity 7 ngayon nasa 6.5 na lang.

"You should have listened to him. Anyways, Im sure you've learned your lesson. Naglunch ka na ba? May alam akong restaurant sa Vigan, gutom na kasi ako. Kain muna tayo? May appointment ka bang hinahabol?" Parang super bait ata niya at super daldal pa. Parang tora tora sa diretsong pagsasalita.

"May lagnat ka ba?" Wala talagang preno ang bibig ko minsan.

"Wala naman. Bakit?" Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Kumunot ang noo ulit at iniangat pa ang shades niya. Shiyet ang gwapo talaga!

"Parang ang bait mo kasi. Hindi lang ako sanay." There, I said it. Totoo naman. Last time nagkita kami nag-away kami ng bongga.

"Ganun ba. . .masanay ka na." Pabulong niyang sagot pero narinig ko. Nagpalpitate na naman ang puso ko. He turned his gaze back to the road.

"Hindi nga, bakit nga ang bait mo bigla?" Napabuntung hininga pa siya bago ulit sumagot. Ako naman itong makapigil hininga ang paghihintay sa sasabihin niya.

"The last time, sa party, you said I should try giving you something positive." Like positive preg test ba? Juicecolored ano ba itong mga naiisip ko?  Buti hindi ko nasabi ng malakas.

"Ha?" Maang-maangan mode on.

"Look Karen, I'm sorry. I realized na mali nga ako for treating you that way. Masyado ka kasing makulit at siguro sobra lang akong sel. . . I mean pikon." Parang may mga anghel na umawit sa kalangitan dahil sa sinabi niya. He apologized to me? Sana ang kasunod nito ay proposal na. Teka lang Karen, huwag tayong excited at baka maudlot.

"You don't have to apologize. Ok na 'yon. Well, totoo namang makulit ako. Ganon lang talaga 'ko."

"I know and I like you. . . I mean, I like na Ok na tayo." Medyo namula pa ang mukha at tenga niya. He's blushing ba o nagreflect lang sa mukha niya ang nakasalubong naming red na truck?

Lucas ko, kung sasabihin mong 'Tayo Na' ay mas Ok yon. Ngumiti na lang ako. Ano pa bang isasagot ko don. Biglang nagkaroon ng awkward silence kaya't nagpatugtog ako from my cellphone. Gusto ko sanang gamitin ang stereo ng kotse niya kaso nahiya ako bigla.

"Favorite song ko 'yan. Lalo na ang chorus pakinggan mo. Ang ganda ng lyrics." Bigla niyang sabi noong pinatugtog ang In Case You Didn't Know ni Brett Young.

Sinabayan pa niya ng kanta. My Gosh! Pwede na akong mamatay ngayon! Ay joke lang. Hindi pa nga kami nagkakatuluyan eh. Ang galing niya lang talagang kumanta. Ang lamig ng boses plakadong plakado ang mga nota. Hininaan ko ng konti ang volume ng cellphone ko para mas mangibabaw ang boses niya. Mas magaling pa siya sa original singer. Hindi ako biased dahil mahal ko, totoo naman talaga.

Tuwing chorus tumitingin siya sa'kin. Kung memorize ko lang din sana, I'll sing with him kaso hindi ko kabisado kaya't pinakinggan ko na lang mabuti ang lyrics. Ang ganda nga ng message ng song. Sana kanta na lang niya para sa akin 'yon. Hindi naman masamang mangarap.

All of the things that I've been feeling

Mmmm It's time you hear 'em

In case you didn't know,

Baby I'm crazy 'bout you.

And I would be lying if I said that I could live this life without you

Eventhough, I don't tell you all the time,

You've had my heart a long long time ago

In case you didn't know. . .

You've got all I need,

I belong to you

Yeah you're my everything. . .

In case you didn't know. . . I'm crazy 'bout you. . .


Ako din Lucas, I'm crazy 'bout you. Super duper mega crazy!

Sobra yata akong namangha sa mga pagkanta niya na hindi ko namalayan na nasa Vigan na kami. Halos lahat ng nasa playlist ko sa Spotify ay kabisado niya kaya sinabayan niya ng pagkanta. All the while nakatitig lang ako sa kaniya. I'm his number one fan nga 'diba.

"Ang bilis ng biyahe. Kain muna tayo. Ahm, gusto mo bang mamasyal dito? Maaga pa din kasi. Pero pwede naman tayong bumalik sa ibang araw pag may free time." Totoo ba ang naririnig ko? Niyayaya ako ng Lucas ko na mamasyal? Bakit parang kinabahan pa siya nang magtanong sa'kin. Napaiwas kasi siya ng tingin tapos parang nagpunas ng pawis.

"Ok lang naman. Pero, patay na 'ba ko?" Nasabi ko pala ng malakas.

"Ha? Bakit? Ok ka lang ba?" Nag-worry kaagad siya. Nakapark na kami noon kaya inalis niya ang seatbelt niya at bahagyang lumapit sa'kin.

"Para kasing hindi totoo 'to."

"Karen, this is real. I am real. Kaya tara na. Para madami tayong mapuntahan." He removed my seatbelt at umikot sa may side ko para ipagbukas ako ng pintuan. I grabbed my bag and phone before I got off his car. Ang haba ng hair ko diba? Niyaya na ako maglunch at mamasyal tapos ngayon pinagbuksan pa ako ng pinto ng mahal ko.

This day will be one of the best days of my life. Oo, one of many, kasi maraming marami pang kasunod ito. Lucas Kendrick, ngayong napalapit na kita sa bitag ko, hinding hindi na kita papakawalan!  

Continue Reading

You'll Also Like

143K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
962K 15.1K 54
BFF Series #1: Celestine S. Lim Bata pa lang si Celest ay alam na niya ang magiging takbo ng buhay niya. She will go to an all-girls school, she will...
1.9M 17.9K 44
Daniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times...
513K 10.6K 44
Side story of Please Trilogy.. How can I fall "binigyan kita ng permiso na angkinin ako, pero hindi mo ako binigyan permiso na angkinin ka, ang daya...