The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[12] Eggnogs and Ballpens

219K 4.3K 696
By shirlengtearjerky

Ang chapters 12 & 13 ay medyo filler chapters dahil I'm preparing for the 14th chapter! Sorry if masyadong mataas ang expectations niyo for this Christmas chapter. Pero.. first Christmas nila together.. I think may second Christmas pa XD

Enjoy! :)

-A&Z-

Chapter 12: Eggnogs and Ballpens

 

DECEMBER 24

 

From: Ms. Marisse Valerio

Hey Zade! What time are you swinging by? J

Gosh, ba’t ba ako napressure sa text ni Ms. Marisse? I’m on my way to their condo right now, nasa jeep na ako actually. It must be the smiley, Zade. Yeah, the smiley.

O sadyang paranoid ka lang ngayon.

It’s Christmas in a three hours yet I’m nervous. Dahil ba ngayon lang ulit ako magpa-Pasko ng may kasama? My Christmases for the past five years were kinda bland.. and lonely. May kasama naman akong iba kaso.. yung feeling na kasama mo lang sila para mairaos mo lang ang occasion.. basta ganun ang feeling ko.

Ngayon lang ako magpa-Pasko na may kasamang.. okay sa’kin.

Four years akong nakitira sa iba’t ibang kaibigan nina Mima at Nana Tinang dito sa Manila. Lahat naman sila mababait, very accommodating and itinuring akong pamilya. Kaso.. pag may family-oriented occasions like Christmas, I can’t help but to feel left out. Hinahanap ko kasi yung authentic Christmas feel, the domestic one. Hindi yung parang nakibisita lang ako. Sige pa sa drama!

Last year, sa dorm ako nagcelebrate ng Pasko. Bumisita kasi ang family ni Tita Mel at dun na rin nagcelebrate kaya medyo okay na sa’kin. This year.. I’m spending it with a family I’ve come to love. Bago ako umalis papuntang San Ignacio two weeks ago nung nagstart ang Christmas vacation, todo paalala sina Tristan and Ms. Marisse about my Christmas with them. Buti pinayagan ako nina Nana na bumalik ng Manila sa mismong Pasko para kina Tristan, they’re so grateful na mabait ang family nila sa’kin. I promised na sa San Ignacio ako ang magcecelebrate ng New Year.

Welcome naman ako sa bahay nina Ms. Marisse pero ba’t kabado pa rin ako?

Ugh. Dahil siguro sa sinabi ni Andreau two weeks ago, nung nagkasalubong kami sa lobby ng building nila. Palabas na ako tapos siya pasakay ng elevator.

Zade.. kina Marisse ka sa Christmas, right?

Uhmm.. yes. Bakit?

Ah. Nothing. Sinisigurado ko lang.

What’s that supposed to mean?

Nothing.

Come on. Sinisigurado ang ano?

Na.. masaya si Tristan sa Pasko? Yun lang. He can’t stop talking about you, you know.

Really? That’s all?

Do you think there’s more?

Uhmm.. w-wala na. Naninigurado lang.

Hm. See you on the 24th, then. Bye.

 

So may karapatan naman akong maparanoid dahil diyan. He never texted me about that, either. Talagang ineexpect ko na itetext niya ako ha. The last text I received from him was a month ago, November 1. Tinanong niya ako if buhay pa raw ako, as per Tristan’s request. And that’s it. Feel na feel ko namang pag-aaksayahan niya ako ng load!

It’s Christmas, Zade. Chill ka lang.

xxx

WHOA.

Yung totoo.. alam ko apat lang kami ngayong gabi pero bakit.. parang buffet ‘tong nadatnan ko?

Grabe lang.. ang daming handa nina Ms. Marisse! May turkey, smoked ham, carbonara, lasagne, fried chicken.. I could go on but damn, I’m hungry! Nakatulog ba ako sa jeep at panaginip lang lahat ng ito?

“Come on, Zade! Don’t be shy. Sa’tin lang yan tonight,” Ms. Marisse said, handing me a plate. Nasa family din siguro nila ang pagkahilig sa costumes. Naka-Mrs. Claus costume siya ngayon tapos si Tristan naman ay sobrang cute sa elf costume niya. Hah, nagcocostume rin kaya si Andreau pag Pasko? Siya kaya si Rudolph? Sometimes I crack myself up.

Kahit malakas ang taga-kain genes ko, kaunti lang muna ang kinuha kong food. Baka kasi maturn off sa’kin si Ms. Marisse at di na ako makaulit sa kanila. Still.. this is too much for four people. Pwede mo nang mapakain ang barangay dito sa handa nila!

Bitbit ang mapagpanggap kong plato, tinabihan ko si Tristan sa may couch. Busy siya sa panonood ng Christmas movies sa HBO at sa pagkain ng cupcakes na regalo ko sa kanila. Yep, I suck at giving gifts. Si Tristan na mismo ang nagsabi na gusto niya ang cupcakes ngayong Pasko, and I delivered well, right?

“Ms. Marisse? Si Andreau po pala nasaan?”

Bukod sa pagkain, ikinagulat ko rin na wala si Andreau dito. I’m expecting na magkasama silang nanonood ni Tristan ng The Grinch at matutuwa sa cupcakes na dala ko. Nasa trabaho pa kaya siya? Wow, walang kapaguran!

“As usual, caught up with work,” she replied casually. “Tinatapos lang niya yung shoot ng guesting niya. Don’t worry, tinabi ko na yung cupcakes niya. That little elf might eat them in one sitting.” Narinig yun ni Tristan at binelatan niya ang mama niya. Adorbs!

So.. no Andreau Cortez for tonight, huh?

xxx

Ibang klase ang Pasko sa Valerio household, promise.

11:30 PM nang magpatugtog si Ms. Marisse ng Christmas songs and bigla siyang sumayaw. As in sayaw. Sinundan siya ni Tristan na nag-imbento ng sarili niyang groovy steps. Hindi ako sumasayaw, pero napasayaw ako sa ginagawa nilang mag-ina. The three of us danced and laughed to every Christmas song kahit mukha na kaming mga engot dun.

Then come 11:55 PM, may tumunog na alarm sa may TV. May kinuhang mistletoe si Ms. Marisse at sinabit sa may chandelier ng sala. When the clock struck 12 midnight, Tristan kissed her mother on the cheeks and vice-versa. Maya-maya sabay nila akong hinalikan sa cheeks! My god nakakahiya! Niyakap ko na lang sila in return. Tawang-tawa sila sa reaction ko!

“So Zade, kelan balik mo sa San Ignacio?” tanong sa’kin ni Ms. Marisse habang sinisimot niya ang pudding sa container. Isa pang custom nila ang pagkain ng chocolate pudding after midnight. Nakaupo kaming tatlo sa carpet ng sala, sobrang pagod at hinihingal pa dahil sa pagsayaw kanina. “Sure kang okay lang sa lola mo na dito ka ngayon?”

“Okay naman sa kanila, Ms. Marisse. Medyo sanay naman sila na wala ako dun for Christmas,” sabi ko. She frowned at my answer. “It’s not a big deal, really. Gusto kasi nina Nana na lumaki akong independent. Tsaka nandun naman ako sa New Year. I can’t miss that one.” Nakapangako kasi ako kay Butchoy na manonood kami ng fireworks sa bayan, magtatampo yun pag wala na naman ako.

“Is your mom coming home for New Year?”

I shook my head. “She wants to watch the ball drop in person. Pero uuwi siya next year!” Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Mima sa Skype two days ago. Ilang taon na rin siya sa New York pero hindi pa niya napapanood ang ball drop sa Times Square. Busy kasi lagi ang restaurant nila kapag New Years Eve kaya hanggang TV lang siya nakakanood.

“Naku I would love to meet your mom, ha! Make sure may dala kayo nung buffalo wings you’re talking about!”

“Noted na raw po sabi niya sa’kin. She’s excited to meet you. Lagi niyang pinapanood ang Wanderlust!” Minsan nga napapaisip ako kung anak ba talaga ako ng nanay ko o si Kesh. Parehas kasi silang showbiz fanatics!

Around 12:35 AM nang magdecide ang mag-ina na matulog na. I was expecting na bubuksan nila ang napakaraming regalo sa ilalim ng Christmas tree nila kaso sabi ni Tristan hihintayin daw niya ang Kuya Andreau niya. Wala akong choice kundi matulog dito sa kanila ngayon, wala kasing tao sa dorm at takot akong mag-isa dun (Thanks to Andreau and Tristan, of course).

“Ate Zade, no peeking ha?” paalala sa’kin ni Tristan bago siya pumasok sa kwarto ni Ms. Marisse. Ang cute ng suot niyang green pajamas na may red Christmas tree prints! “Magagalit si Santa Claus sa’yo!”

Nasa ilalim ng Christmas tree ang isang red medium-sized box na may tag na Ate Zade. Last month ko pa kinukulit si Tristan para magbigay ng clue kung ano ba ang regalo niya sa’kin kaso di siya nagsasalita. Malamang imported ‘to, sabi ni Big Boss nung September pa raw binili ni Little Boss ang gift na yun.

“Promise! Hindi ko sisilipin!” tinaas ko pa ang right hand ko. “Good night, Tristan!”

“Good night Ate Zade! Merry Christmas ulit!”

Hay. Merry Christmas, indeed.

xxx

As expected, hindi ako dinalaw ng antok.

First time ko lang makikitulog dito sa condo nina Ms. Marisse. Hindi naman ako namamahay or something. Baka siguro dahil sa aircon ng guest room nila. Or sa malambot na kama. Weird.

After tossing and turning for awhile, I decided to go out and watch some TV. God, ibang klase talaga ang epekto sa’kin ng reaction ni Andreau nung sinabi ko sa kanya na hindi ako mahilig manood ng TV shows. Parang kinaawaan niya ako! That guy! Eh sa busy ako sa trabaho at studies! Nanonood naman ako minsan ng balita. Counted na siguro yun!

Walang masyadong mapanood sa cable ngayon, puro Christmas themed shows ang meron. Napadaan na ako sa Animal Planet kaso tungkol sa spiders ang show kaya skip! No choice akong manood ng Home Alone marathon sa HBO. How apt.

Sa kalagitnaan ng Home Alone 3 (around 3:30 PM) ako dinalaw ng antok. Wrong timing naman ‘tong body clock ko! Plano ko pa namang umalis ng 9 AM mama—

Shit. What’s that sound?

Hininaan ko ang volume ng TV at pinakinggan ulit ang paligid. Parang.. may gumagalaw ng doorknob ng front door. Shocks ang bilis ko naman atang maparanoid ngayon! Kasalanan ‘to ng pinapanood ko! Sana pala binuksan ko ‘tong chandelier kanina, ilaw lang kasi ng Christmas tree ang gamit ko ngayon. Ang creepy tuloy.

Bumukas na ang pinto. Shit, nilock naman ni Ms. Marisse yun kanina ah? Baka naman si Andreau ‘to? God please sana siya nga!

Ni hindi ako makatingin sa may pinto, baka iba ang makita ko. Titig pa sa TV, Pascual. Ang cute nung bidang bata. Sa TV lang ang tingin. Sa T—

“Zade? Ikaw ba yan?”

Thank you sweet Jesus. Si Andreau nga.

Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon niya. Ooohhh.. he looked so.. tired. First time ko siyang nakitang haggard talaga. Pero gwapo pa rin!! I therefore conclude na pasok sa top 5 ko ang Haggard Andreau (#1 ang Embarrassed Andreau!)

“Yeah. Sorry, did I scare you?” Ako pa talaga ang nagtanong nito ha.

Binaba niya ang gym bag niya sa floor at tumabi sa’kin sa sofa. Nanlaki mata ko bigla. Bakit siya tumabi sa’kin? Anong meron? May ibang upuan naman ah, ba’t dito pa?

“Wow. You’re watching TV!”

I smugly smiled at him. “Ba’t gulat na gulat ka?”

“You said you don’t watch TV. I’m just.. surprised.”

“I can’t sleep. In fairness, magandang pampaantok ang channel surfing. Animal Planet scared me though. Spiders.”

Natawa si Andreau. “Pero sa horror movies hindi ka takot. You’re weird.”

“It’s spiders, they’re definitely real. Unlike ghosts and disfigured men with chainsaws,” I paused for a moment para hinaan ang volume ng TV. “So.. galing ka sa taping?”

 “Yeah, last minute re-shoot. Okay lang, sanay na ako. Natapos kami around midnight.”

“Eh ba—“

“Nagpa-Noche Buena ako sa staff and crew kaya ngayon lang ako nakauwi. It sucks to celebrate Christmas Eve without your family, pati ba naman Noche Buena wala sila?”

Whoa saan nanggaling yon? Siya na nagsabi niyan ha, ni hindi ko siya tinatanong! May habit talaga ‘tong si Andreau na mag-overshare. Is it a good thing or not?

Saglit kaming natahimik, nasa climax na kasi ang movie. I have to admit.. wala nang awkwardness sa’ming dalawa ngayon. O wala naman talaga, at ako lang ang nag-aassume na awkward kaming dalawa. If that’s the case, ba’t siya ang unang namamansin? Ang feeling ko na naman, baka loading lang ang utak ko pag nakikita ko siya kaya hindi ako ang nauunang pumansin.

“Psst Zade?”

“Hmm?”

“May dala kang cupcakes?”

Ah gets ko na kung ba’t niya ako tinabihan! Dahil lang sa cupcakes! “Uhmm.. wait lang ah? Tinago kasi ni Ms. Marisse kay Tristan yung box mo. Muntik nang maubos ng elf kanina.”

I stood up and went to the fridge. Really, cupcakes? Kaya lang ba niya sinabi yun kasi tahimik o gutom siya? Aalukin ko ba siyang kumain ng late Noche Buena? God Zade, hindi bagay sa’yo ang maging domestic! Nirequest pa nga niya ang gusto niyang flavors: salted caramel, Kitkat, blueberry cheese & oreo. Tuwang-tuwa si Sir TJ na nagustuhan ni Andreau ang cupcakes kaya free ang box na ‘to for him. Fanboy talaga si Sir!

Pabalik na ako sa sa sala nang.. may mapansin ako.

Sa chandelier.

Yung mistletoe. Nasa ulunan lang pala namin ni Andreau yun.

Triple shit. Napansin kaya niya yun? God tradition nga pala nila yun dito sa kanila. Malamang alam niyang nandun nakapwesto yun. Shit bigla akong kinabahan! Ayoko nang lumapit dun! Baka mamaya..

Gosh come to think of it.. kung nandito rin siya kaninang Noche Buena.. Baka.. nahalikan niya rin ako sa pisngi.

MygodZadeanobayangimaginationmomasgreenpakesakayGrinch.

“Hoy. Okay ka lang?” Andreau called out to me. Nakatingin na pala siya sa’kin. Shit. Am I staring at him? O sa mistletoe? Ah ewan basta ang nasa isip ko lang yung non-existent mistletoe kiss namin!

“Y-yeah,” I replied, faking a yawn. Ako pa ang umacting sa harap ng artista. Ibang klase ka talaga, Pascual. Chill lang akong bumalik sa sofa at umupo sa tabi niya. “O, knock yourself out,” I said as I handed him the box of cupcakes. Ngiting tagumpay ang nireply sa’kin ni Andreau. Shit, another side of him. Childish Andreau. Para siyang si Tristan kanina nung kumakain ng cupcakes: nakangiti tapos may gleam sa mga mata niya. Parang bata.

“Hindi ka ba kumakain nito?” tanong niya sa’kin habang kinakain niya ang Kitkat cupcake.

“Naaah.. too sweet for my taste. Mas gusto ko yung banana cake nila.” Wow.. nila. Two months na rin pala akong hindi nagtatrabaho sa Café Feliz. Dumadaan naman ako dun once in awhile para kay Kesh. Medyo namimiss ko rin ang lugar na yun!

Sa wakas, natapos na rin ang movie. May excuse na ako para matulog! Kaso.. paano ako magpapaalam kay Andreau? Natural lang ba, or medyo weird? Should I greet him Merry Christma—

“Uy, Love Actually!” sabi bigla ni Andreau. I gave him a questioning look. “Uhmm.. the movie? Next na sa HBO.”

Okay may plano pa pala siyang manood ng movie, time to go. Scoot, Pascual. “Ah okay. Sige.. una na ako,” shit, akala ko ba hindi na awkward? “Merry Christmas, by the way.”

“Okay. Goodnight. Merry Christmas!” he greeted me with a toothy smile. Kaso.. shit, may chocolate siya sa ngipin niya. Di ko napigilang matawa sa itsura ni Andreau. “Oy, okay ka lang?”

“Y-yu.. May.. chocolate ka sa ngipin mo!”

“Tss. Wala namang camera. Okay lang yan.”

Our gaze locked for a moment, making me feel more awkward than ever. Umalis ka na Zade bago mo pa gawan ng masama yang si Andreau. a—

“Gusto mo?” sabi niya ulit. Inabot niya ang salted caramel cupcake sa’kin. “Masarap yan, promise.”

Wow.. Art of Seduction using cupcakes? Yung totoo, Andreau, may binabalak ka ba? “Nag..toothbrush na ako. Sige, I gotta go. I’m really beat.”

“Okay. Thanks for the cupcakes, Zade. Goodnight.”

Dala ko hanggang sa panaginip ang image ni Andreau na nakangiti with chocolate sa ngipin. Unbelievable.

xxx

Todo sorry ako kay Ms. Marisse pagkagising ko. Pano naman kasi, 10 am na ako nagising. Nakakahiya, di ko siya natulungan na mag-ayos ng kalat kagabi. Kasalanan kasi ‘to ni Andreau eh!

Wala na si Big Boss sa apartment. Sabi na nga ba, cupcakes lang ang habol niya! Anyway, binuksan ko na rin ang regalo sa’kin ni Tristan: isang green cashmere sweater. ”I chose that color, Ate!” proud na sabi ni Tristan habang sinusukat ko ang sweater.

Lunch na nang bumalik si Andreau sa condo nina Ms. Marisse. Over the reheated food last night ay nagkwentuhan sila about sa latest project ni A for next year. Ugh, romcom movie with Jillian Cabrera. Hindi ko talaga magets kung bakit may fans silang dalawa! They have no chemistry at all! Kunwari wala akong naririnig na spoilers! Maiinggit na naman si Kesh nito sa’kin!

After lunch ay niyaya ako ni Tristan na magpractice magsulat habang may ginagawang drink sina Marisse at Andreau sa kitchen. Marunong na magsulat si Tristan bago ko pa siya naging tutee, pero dahil sa’kin, mas umayos ang sulat niya. Ako pa, ang ganda rin kaya ng sulat ko!

“Why are you using brown pens?”

Muntik ko nang mabato ang ballpen na hawak k okay Tristan. Andreau suddenly appeared behind the couch where we were seated. Amused pa ang loko dahil nagulat niya ulit ako.

“Uhmm.. bakit? Masama ba?” Brown ballpens and pentel pens talaga ang ginagamit ko since high school, except sa times na kailangang gumamit ng black pens. Sa paningin ko kasi mas maganda ang sulat ko pag brown ang tinta ng ballpen ko. Handwriting talaga ang pinakavanity ko sa lahat.

“Wala naman. Naweirduhan lang ako,” he admitted. “I only use black pens.”

Ugh Andreau, have you heard about TMI? Thank you for sharing pero.. hindi ko tinatanong. “Why?”

Naging confident siya sa sinagot niya. “Mas maganda ang sulat ko pag black ang tinta.”

“We have the same reason. My handwriting looks so much better in brown. Wait lang.. what if sa isang signing event tapos walang black pen? Would you go diva and order someone to find a black pen for you?”

Seryosong tanong yon pero tinawanan niya ako. Logical naman yun, di ba? Artista siya, ergo may demands din siguro siya kahit paano. “I always bring my own pen during signings. Ikaw, what if walang brown pen sa bookstore? What would you do?”

“Ilang beses na sa’king nangyari yan so I always buy my brown pens in bulk.”

He looked at me skeptically. “Matutuyo yung ink pag matagal na di ginagamit, right?”

“Yes. Tinatry kong gamitin sila in rotation sa loob ng one week. Teka nga.. what’s with this interrogation? What’s wrong with brown pens anyway?”

“The color’s so.. dull. And it reminds me of mud.”

“Brown’s my favorite color.”

“Just an opinion. Sorry.” But he didn’t sound apologetic at all. Nakakairita.

We were so caught up with this mini argument na hindi namin napansin na pinapanood pala kami ni Ms. Marisse sa gilid. Nang hindi na nagsalita ulit si Andreau, inabutan niya ito ng basong gatas. “Chill ka lang, Dreau. It’s just a color,” she commented with an amused smile. “That’s Zade’s quirk. You have lots of quirks, too.”

Ooohh, burn! Buti nga sa’yo, Big Boss! Binigyan din ako ni Ms. Marisse nung gatas. God, I was deceived! Hindi pala ‘to gatas! I could smell alcohol from this drink! “Ms. Marisse..” I almost whispered to her. Nahiya naman kasi ako kay Andreau, naubos yung gatas sa isang lunukan lang! “I.. don’t drink alcohol.”

Well.. may bionic hearing pala si Big Boss at narinig pa niya ang sinabi ko. “You’re not a minor. Pwede ka namang uminom, right?”

“There’s difference between I don’t and I can’t, Andreau. I can drink but I don’t. Makes sense, right?” Hindi ko sinasadya na magtaray pero.. ang annoying niya kasi. First, he dissed my favorite color then.. he wants me to drink alcohol? Two jabs within 10 minutes, Andreau. nakakairita.

“There’s no diff—“ he was cut off my Ms. Marisse’s death glare. Hah, babarahin mo pa ba ako? Eh para sa’kin may difference yung dalawa, pake ba niya? “Hindi ko naman alam na di ka umiinom. This is just eggnog, Zade.”

Eggnog. God, inumin ng yamings ito. Mukha siya frappe sa paningin ko pero.. amoy alak. Amoy pa lang parang malalasing na ako!

“Meron pang eggnog without alcohol sa fridge, Andreau. Can you get her some, please?” pinandilatan pa ni Ms. Marisse ang pamangkin niya para ikuha ako ng eggnog. No choice si Andreau, mas kakampi ko ngayon ang Bigger Boss.

He returned with my non-alcoholic eggnog and smiled at me. “Sorry about that. Pero wala talagang sense yung sinabi mo kanina.” So.. kaya pala nakangiti kasi mang-aasar? Nginitian ko na lang siya, ayoko na ng away.

Masarap naman yung eggnog kaso.. hindi lang ako sanay sa lasa. Pang-yamings lang talaga ‘tong inumin na ‘to! Si Andreau.. boy he had 8 cups of it! May alcohol problem ba siya? Inasar nga siya ni Ms. Marisse na 75% rum ang iniinom ni Andreau. Ayoko na lang mag-isip ng masama..

We spent the whole afternoon watching Christmas movies and eating leftovers. May ilang tawag ding nareceive sina Ms. Marisse and Andreau from their celebrity friends, na ikinagulat ko ang ilan. Bilib din ako sa kanila, busy silang dalawa pero pinipilit nilang magkaron ng time para magkasama-sama silang tatlo. Hay, namiss ko tuloy si Mima! Sana umuwi rin siya next year!

­­Namimiss din kaya ni Andreau ang parents niya ngayong Pasko? 9 years na rin siyang nagcecelebrate without his parents. Naimagine ko tuloy ang first Christmas niya without them. Mag-isa lang kaya siya o kasama niya si Marisse? Ano kayang handa nila? Dun kaya naisip ni Ms. Marisse ang weird Christmas traditions nila sa Noche Buena? That night din kaya natutong uminom si Andreau ng very alcoholic eggnog? The last one’s impossible but.. what do I know, right?

God, amoy pa lang ng alak parang lasing na ako. Kung anu-ano na ang naiisip ko!

xxx

Around 5:30 PM na nang makalabas ako sa condo nina Ms. Marisse. Si Andreau kasi, pinilit akong manood ng While You Were Sleeping. I was a bit skeptical at first because of the movie title.

 Is that really a Christmas movie?

Oo naman! Di ka naniniwala?

It sounds like a stalker film for me. While You Were Sleeping ba naman ang title eh. Reminded me of Edward Cullen.

Just.. watch the film, will you?

In fairness, maganda naman yung movie. I teared up a little, much to Andreau and Ms. Marisse’s amusement. Kaso..

I still don’t get it. Christmas movie ba talaga yan? The guy had the accident during Christmas. It could happen anywhere, anytime.

Zade.. 1995 pa yung movie. I don’t think your rants would make a difference.

But..

Just admit the movie’s great.

It was b—

See? Now you’re done.

Darn it.

Hanggang sa elevator (yes, pinahatid na naman ako ni Ms. Marisse kay Big Boss) inaasar ako ni Andreau dahil sa pag-iyak ko.

“Hindi ka pa rin makamove on, ano?” sarcastic kong sabi habang papasok kami sa elevator. “Sorry if ginamitan ko ng logic yung film but..”

“Fine, but you still cried.”

I rolled my eyes and he laughed again. “What’s funny?”

“Wala lang. I find it ironic that you hate Halloween and love Christmas.”

“I don’t hate Halloween. I just don’t like it. There’s difference,” I pointed out seriously. Lalo siyang tumawa! Nako, lasing na ‘to. “Are you okay? Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko ah!”

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “God, we’re both speaking English but we mean different things. It’s quite.. amusing.”

Hate is a strong word, compared to the the phrase don’t like which connotes a slight dislike towards something.”

“Okay, I stand corrected. So you don’t like Halloween?” he asked seriously.

“Yes, and Valentine’s Day, too.”

Nashock pa siya sa sinabi ko. “What’s with you and holidays? Christmas lang ba ang gusto mo?”

“Christmas and New Year. And what’s with you and my quirks? Nawiweirduhan ka na ba sa’kin?”

He shook his head solemnly. “It’s just.. amusing. Girls love those holidays.”

“Wow, how sexist of you.”

“So.. uuwi ka pa ng San Ignacio tonight?” he grinned at me, as if telling na pabayaan na siya. “Limang oras kang nakaupo sa bus. That sucks.”

“Sanayan lang! Tsaka mabilis lang naman ang byahe. Inaabangan na rin ako nina Butchoy ngayong gabi eh.” Lumagpas na naman kami sa 19th floor. Damn, hanggang lobby ba niya ako ihahatid? May sasabihin ‘to!

“May gagawin ka ba sa New Year?” he asked me casually. “I mean.. kayo sa San Ignacio. May.. gagawin ba kayo?”

OKAY TURNING OFF MY IMAGINATION RIGHT NOW. “Uhmm.. the usual New Year stuff lang naman. Bakit?”

Bigla siyang nahiya sa sagot ko. “Ano kasi... si Marisse. She wants to go there and meet the people. Free naman kaming dalawa sa New Year so.. kung okay lang sana.. sa inyo kami sa January 1?”

WHAT.

Seriously? New Year.. with them? Halos lahat na lang ba ng occasion makakasama ko siya? Universe.. anong meron? Hindi na ako umaasa kay Andreau pero ikaw.. ang lakas mong magpaasa!

Bumukas na ang elevator door bago pa ako makapagreply. I thought papabayaan na lang ako ni Andreau na umalis kaso lumabas din siya kasabay ko. “Uhm.. wait.. hindi ko sure ah? Baka kasi may gawin sina Nana.. ayoko namang maging spokesperson nila. Pero sasabihin ko sa kanila mamaya pagkauwi ko then I’ll text you. Is that okay?”

His eyes lit up kahit medyo downer ang sinabi ko. “Talaga? Please do text me pag okay kina Nana Tinang. Gusto ko ring magthank you sa kanila for the docu’s success.”

“Sige. Basta magtetext na lang ako mamaya ha? I really have to go, 7PM yung alis ng bus sa terminal. 8 PM pa a—“

Tinawanan na naman niya ako. Nag-eemit ba ako ng laughing gas at tawa siya nang tawa pag nagsasalita ako? “Sige na, itext mo na lang ako. Ingat sa biyahe!”

I was expecting na babanggitin niya ulit ang pangalan ko but naaahh.. okay lang. Quotang-quota naman ako sa interaction with him today.

Shocks. Valentine’s Day. Halloween. Christmas and now.. New Year.

Buti na lang malamig sa San Ignacio pag January, hindi ko siya makakapagtopless.

-A&Z-

Continue Reading

You'll Also Like

3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
12.7K 250 23
Lahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nag...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
6.4K 128 4
(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings f...