Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH BOOK 2: Chapter 5

4.1K 161 61
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Nagising ako dahil sa amoy ng masarap na kape. Medyo masakit pa rin ang ulo ko, dahil nilaklak ko ba naman yung alak kagabi. Pagkatapos namin mag dinner ay dumiretso ako ako bar ni Kim, at dun ako uminom, buti na lang talaga wala doon si Kim, dahil for sure, dadakdakan lang ako nun.

Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko kung bakit takot si Rhian. Hindi ko alam ang kinakatakot niya? Ano ba yung hindi ko matatanggap? Ang gulo niya. Hindi ko siya maintindihan. Sumasakit ulo ko sa kanya.

Nagising ako na, nasa ibang kwarto ako, at hindi ko alam kung saan to. Wala na akong matandaan eh. Ang naalala ko lang ay naglasing ako. Tinignan ko kung may saplot pa ba ako, at laking gulat ko, meron naman, kaso iba na?

Asan ba ako?

Nilibot ng mata ko ang kwarto kung saan ako natulog pero wala akong idea kung asan ba ako, hanggang sa...

"Oh gising ka na pala. Nag hain na ako ng breakfast dun tsaka kape. Bilisan mo diyan, para makauwi ka na at makapag ayos ka na, dahil may klase pa tayo. Mabuti na lang at wala kang klase ng first period" laking gulat ko, bakit ako andito. Bakit ako andito kay Rhian? At kay Rhian pa talaga ah.

Hindi na niya ako hinayaan na sumagot dahil agad na rin siyang lumabas ng kwarto. Hinayaan ko na lang siya.

Hinanap ko na lang yung damit ko kahapon at sinuot ko yun bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko nakita ko siyang nakaupo sa dining at nag kakape.

"Upo ka, andiyan na yung coffee mo. Black coffee, and kumain ka na rin" sabi ni Rhian sa akin habang hawak hawaka ng phone niya,

"So, paano ako napadpad dito?" Tanong ko sa kanya, bago ako humigot ng kape ko.

"Well, you're drunk last night, at nagulat na lang ako ng pagkauwi ko, andito ka sa condominium. Ayaw naman kitang iuwing lasing nuh. Nakakahiya kila tito" she said. Ang tanga mo talaga Glaiza, bakit ka pumunta dito?

"May nagawa ba akong mali sayo? Or ano? And bakit iba na ang suot ko?" Tanong ko sa kanya.

"Don't worry wala ka namang nagawang mali eh, and don't worry ulit kasi pinalitan lang kita ng damit at wala ng iba" sabi naman niya sa akin at pinagpatuloy lang ang pag cecellphone niya,

"Ubusin ko lang tong kape, I'll go ahead. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Pero sana tinawagan mo na lang kung sinong pwedeng matawagan sa phone ko. Besides, nakakahiya sayo" I said. Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at napadpad ako dito, knowing na lasing ako ah.

"Hindi ka na ba kakain?" She asked.

"Di na, salamat na lang"

"Uhmmm. Glaiza, about last night. Dun sa restaurant..."

"Forget it. It doesn't matter anymore. Sige Rhian, di ko na mauubos to. I really have to go. Salamat" agad akong tumayo at hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Gusto ko ng makaalis dun kaagad. Hindi na ako makahinga. Damn!.

Iba talaga ang epekto sa akin ni Rhian. Nakakainis.

Naiwan ko pala yung kotse ko sa bar, kaya nag taxi na lang ako pauwi. Dahil sa medyo masakit na rin ang ulo ko, di na muna ako papasok this morning. Itutulog ko na lang pag uwi ko.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko si dad na nasa kusina at nag kakape.

"Saan ka galing?" He asked.. Mukhang galit to. Ikaw ba naman ang hindi umuwi.

"Dad, nakitulog ako sa.... Sa katropa ko" palusot ko sa kanya. Sana lang talaga makalusot.

"Ok sabi mo eh.." Sagot ni Dad sa akin. At mukhang hindi naniniwala kaya hinayaan ko na lang.

Bago ako pumasok ng kwarto, kinausap ko yung driver ni dad na kung pwede kunin niya yung kotse ko sa bar.

Pagkapasok ko ng kwarto ko agad akong naligo para makatulog, dahil masakit pa rin ang ulo ko..

Hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko yung nangyari kagabi. Hanggang ngayon binabagabak pa rin ako. Ano ba ang nagawa ko at bakit nagkaganun? Bakit nangyari yun! Hays! Bahala na talaga.

--

"Oh tsong kanina pa kita hinahanap pero wala ka. Ngayon ka lang daw pumasok. Nag half day ka talaga ah" sabi sa akin ni Chynna ng makapasok ako sa office ko. Ganun pa rin yung ginagawa ko, chineck ko yung seatwork na pinaasikaso ko nung umaga na wala ako

"Masakit ulo ko" sagot ko sa kanya.

"Masakit ulo. Hay naku tsong kilala kita. At kilala mo si Joross. Nagkasumbatan pala kayo ni Rhian kagabi. At alam ko kung saan ka mag punta. Nag bar ka diba? Uminom ka. Tapos tinawagan pa ako ng tatay mo, kung asan ka, kasi anong oras na wala ka pa sa inyo" wala na ata akong maitatago sa mokong na to.

"Oo uminom ako. Oo hindi ako natulog sa bahay" sagot ko sa kanya.

"Eh saan ka natulog? Ohh my gosh! Don't tell me natulog ka kay Kim?! Tsong ang bilis ng galawan mo ah"

"Alam mo ikaw, kung ano ano naiisip mo! Tumahimik ka na nga. Baka nakakalimutan mo may klase ka pa." Paalala ko sa kanya.

"Naku. Mamaya pa ang klase ko. Ikaw ang may klase na maya-maya" sagot niya sa akin.

"Pero tsong. Saan ka ba nang galing kagabi?" Sunod na tanong niya sa akin.

"Kasi ano. Lasing ako and,.."

"HOY GLAIZA DE CASTRO!" Biglang bumukas ang pinto at laking gulat namin na si Kim yun. Anong ginagawa ng babaeng to dito? Alam niyang may klase.

"And yes Ms.Domingo. Bakit ka nandito?" hindi siya sumagot pero nilapitan niya ako agad at binatukan.

"What the f?! Para saan yun?" Medyo masakit yung ginawa niya ah.

"Para yan sa pag lalasing mo kagabi! Tinawagan ako ng tatay mo at sa akin ka hinahanap. At sinabi rin ng mga tauhan ko na nagpakalasing ka sa bar ko. Saan ka ba nag susuuot na babae ka ah!" Una si Chynna tapos ngayon si Kim.

Na-hotseat ata ako ah. Hindi ko alam kung paano ba ako makakalusot nito. Ayoko naman sabihin na kila Rhian ako nakatulog. Eh sa una't sapul pa lang, hindi ko nga alam na dun ako nakatulog, hindi ko alam na dun pala ako napadpad.

"Alam niyo. Bahala kayo diyan. May klase pa ako!" Agad kong inayos ang mga gamit ko for the next class ko, and agad ko silang iniwan sa room. Bahala siya. Basta wala aking sasabihin.

Dahil sa pagmamadali kong maglakad palayo sa mga yun. Hindi ko inaasahan na may mabangga ako.

At sa kasamaang palad...  Si Rhian pa,. Halos nahulog lahat ng gamit ko, pati gamit niya.

Kaya pareho namin pinulot ang mga gamit namin, kaasar lang. Ang malas ko naman ata ngayong araw na to.

"Sorry po Ma'am, di ko nakita" paghingi ng paumanhin ni Rhian sa akin.

"No, kasalanan ko, masyado akong nagmamadali eh" sagot ko sa kanya.

"Glaiza!!!!" Rinig kong sigaw ni Kim. Ano nanaman ba tong babaeng to. Agad naman akong lumingon sa kanya.

"Ano ba? May mga nagkklase ang ingay mo" sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw naman kasi. Bigla kang mag wawalk out nag uusap pa tayo sa loob- oh! Hi Rhian, andito ka pala" sabay baling ni Kim ng tingin kay Rhian.

"Malamang, teacher ako dito eh" sagot naman ni Rhian sa kanya.

"Well nice to see you again, Ms. Ramos. Sige ah. Kausapin ko lang saglit si Glaiza" hindi na hinintay ni Kim na sumagot si Rhian dahil agad na niya akong hinila palayo sa kanya.

"Kim, may klase pa ako. Ano ba!" reklamo ko sa kanya bigla ba naman akong hinila palayo.

"Ano yun?!" Tanong niya sa akin. Problema nito?

"Anong ano yun?" Takang tanong ko sa kanya. She acting so weird.

"The Rhian thingy?! Duh?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo ah?" Ewan ko sa babaeng to.

"Bakit kayo nag uusap?" Tanong niya sa akin

"Nagkabunguan kami. Alangan na hindi ako humingi ng pasesnya? Tsaka ano ba sayo?" Bigla siyang natahimik.

"Wala. Sige na alis na ako." Bigla na lang siyang lumakad palayo at iniwan akong nagtataka.

Hay! Ang weirdo naman nun. Makapasok na nga ako sa klase. Bwisit late na ako..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Katatapos lang namin mag meeting ng mga heads. Hay naku ito nanaman magaganap nanaman ang pinakaayaw ko sa lahat na trabaho. Bleacher gimmick. Every year ginaganap to. Mygosh. At nakatoka ako sa mga Grade 10, tutal andun naman ang klase ko,. Kapagod kaasar. Mas gusto ko na lang magturo araw-araw kaysa ito, ang daming kailangan gawin.

"Tsong buti na lang magkateam tayo nuh. Hahahaha! Ang saya nun" kasama ko ngayon si Chynna halos kalalabas lang namin ng room.

"Oo nga eh. Ikaw nanaman sawa na ako sa mukha mo!" Sabi ko sa kanya. Kaurat kasi.

"Ang hard mo. Hahahaha. Tsaka ang pag kakaalam ko, pati si Rhian, kasali sa team natin" she said.

"And so? Wala akong pake. Tsaka di ako makikisali sa inyo kapag mainit. Bahala kayo diyan."

"Alam mo ikaw. Ang arte arte mo. Chance mo na nga na makamoves kay Rhian ulit eh. Hahahaha" tinignan ko lang ng masama tong si Chynna, pinag sasasabi nanaman kasi eh.

"Ito naman joke lang, sige na. Punta ka na ng office mo, sungit." Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na rin ako sa office ko para makapag ayos at makauwi na ng maaga dahil marami pa akong kailangan gawin.

Pauwi na sana ako ng makita ko si Rhian na mukhang problemado sa sasakyan niya.

"Anong problema nito?" Tanong ko sa kanya.

"Flat yung gulong eh. Di ko naman macontact si TJ. Papasundo sana ako." Medyo nakaramdam ako ng konting kirot ng binanggit niya si TJ. So baka nga, baka nga ay something sa kanila.

"Uhmm. If you want, sakay ka na sa akin. Hatid na kita. Tutal pinatulog mo naman ako sa condo mo. And about your car, safe naman yan dito eh. So shall we?" Tumango lang siya at sinundan lang ako kung saan nakapark ang sasakyan ko

Sana lang talaga maging ok tong naging desisyon ko. Sana kayanin ko na magkasama kami ulit. Sana makahinga pa rin ako ng maayos.

Agad kong pinaandar yung sasakyan ko para maihatid ko na siya.

"So Glaiza, may so-something ba sa inyo ni Kim?" Biglang tanong ni Rhian sa akin. Huminga muna ako ng malamin bago ako makasagot.

"Wala." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Pero bakit ganun siya mag react?" Inis na tanong niya. Parang may hint ng selos? I don't know.

"Ewan ko sa kanya. Baka nababaliw lang nanaman yun." Sabi ko sa kanya. Tumahimik ulit kami at nag focus na lang ako sa pag ddrive.

Pero ewan ko ba, hindi ako nakatiis, gusto ko na talagang itanong to.

"Eh.. Si TJ? Kayo ba?" Tanong ko sa kanya. Actually natatakot ako sa pwede niyang isagot. Sana naman,... Hindi? Pero ano pa nga ba ang pakielam ko? Wala naman na kami eh.

"Hahahahahha. Me and TJ? My gosh Glaiza, TJ is ga.. TJ is my friend. Yun lang yun. Nakakatawa talaga" sabi niya, halatang tawang tawa talaga siya sa tanong ko. Dahil ang tawang yun is totoo at hindi peke. So I guess friends lang sila.

"Good" bulong ko.

"What?" Rhian asked. Shit narinig niya?

"Ang sabi ko, good good catch naman siya ah" pagsisinungaling ko. Sana di niya mahalata.

"Well, it is. Pero believe me. Hindi kami ang tama para sa isa't isa. Hahaha. Nakakatawa lang" sagot naman niya sa akin.

Tumahimik na lang kami ulit at hindi ko namamalayan na nadito na pala kami.

"Uhmm. Salamat sa paghatid ah" she said.

"Yeah. Sure. No problem." Sagot ko sa kanya. Pagkababa niya agad na rin akong umalis dahil ayoko na ring magtagal dito. Gusto ko ng umuwi at pagpahinga, dahil bukas.. Mag sstart na ang pinakaayaw ko, at for sure mapapagod lang ako..

----

"Uy tsong ang aga mo ata ngayon ah" bungad sa akin ni Chynna, pagkababa na pagkababa ko pa lang ng sasakyan.

"Kailangan eh. Alam mo naman, kailangan natin maayos ang kailangan ayusin, lalo na't this month talagang matrabaho." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman yun. So ano, anong name ng team natin this year. Name daw ng mga gods eh.."

"Actually nakapagsearch naman na ako before pa tayo nag meeting.. So sasabihin ko na lang mamaya sa meeting natin" I said..

"Siguraduhin mo lang na maganda yan ah, kasi kung hindi. Jusko tsong, isa ako sa mga tatawa. Hahahaha!" Sapakin ko kaya to.

"Alam mo ikaw, imbis na tawanan mo ko, tawagin mo kaya yung mga kateam natin na teachers at sabihin mo may meeting tayo sa office ko mga 8am. Ok?" Utos ko sa kanya.

"Eh bakit ako? Pwede namang ikaw?" Pagrereklamo nito sa akin.

"Ahhh. Kasi ako yung inatasan na maging team leader? Kaya siguro ikaw yung iniutusan ko diba?"

"Ay. Hehehe. Sabi ko nga." Agad na rin umalis si Chynna at iniwan ako. Siraulo talaga to. Agad agad lang akong iiwan.

Bago ako makapasok sa loob Univerisity, nakita ko si Rhian at TJ at mukhang ang sweet nila ah. Wala daw sila. Tsk. Sinungaling talaga. Hindi ko na lang sila pinansin at dadaan na lang ako.

"Good Morning Glaiza" pagbati ni TJ sa akin, akalain mo yun, ang bilis ko na ngang maglakad, nakita pa ako

"Morning" cold na pagkasabi ko, agad na rin akong naglakad papasok. Kailangan ko ng makarating sa office ko. Hindi ko to kinakaya.

Oo nag seselos ako!!!

-----

AN:

So hello! Sensya na sa late update nanaman. Medyo tinamad lang talaga ako. Tsaka kailangan ko tong maihabol dahil may gusto akong sabihin sa isang tao.

(Hindi ko alam kung tapos na ba ang board exam mo ngayon or kung magtatake ka pa lang. But I want to congratulate you. And I hope at pinagdasaral ko na sana talaga makapasa ka. I know kaya mo yan. Yakang yaka lang yan sayo. 😊 -A )

P.S. Sa mga readers ko po ng SECOND CHANCE OF LOVE. Im sorry pero hindi ko na itutuloy yun. Kailangan ko na kasing mag let go. Kaya sorry talaga. Tulad niyo minahal ko rin yung story na yun at para sa akin, sa lahat ng gawa ko, yun ang pinakapaborito ko. Pero kailangan ko na talagang alisin yun. Pasensya na po talaga. :(

Don't forget to vote guys!

-A.B.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 272 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
99.3K 4.2K 31
Rhiannon "RHIAN" Oswald - Rhian Ramos Gia Levinson Anastasia"GLAIZA" Collins - Glaiza De Castro Anna Nicollete "ANNE" Oswald - Anne Curtis Katherine...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18