Chapter 10 - Introduce yourselves
(Alex)
Huh?! Si Apol nga! Anak ng putakte naman o! Classmate ko pala to. At block-section pa kame! Blockmates buong sem! Pak!
Waaaa! Nakita niya akong napahiya sa buong class! Narinig nya pa akong kumanta! Mang-aasar na naman yun! Grabe nakakahiya!
“You may now take your seat Ms. Tan. And thank you for that beautiful song. Mukhang gagawa ng paraan ang mga classmates mo para ma-late ka ulit in the future a. Ibahin ko kaya ang parusa sayo next time. Sayaw naman?” Nagbibirong sabi ni Sir.
“Wag naman po sir. I will do my very best na hindi na po ma-late ulit.” Sagot ko naman kay sir.
Bumalik lang ako sa inupuan ko kanina sa third row.
“That was great girl!” Sabin g katabi kong babae.
“Thanks.” Sabi ko lang na medyo nahihiya.
“Hi I’m Cherry!” Sabi niya sakin.
Cherry? Prutas na naman? Ay hindi nga pala Apple si Apol. Ay sus bat ko ba naisip yun. Hays.
“Ehem, Magsisimula na tayo ng introduction. At since, nag-talent portion ka na Ms. Tan. Why don’t we start with you tapos mula sa likod hanggang sa harap. Tell us something about yourself na rin. Dito sa harap lang. Hindi na sa platform” Sabi ni Sir Garcia nan aka-ngiti na sakin.
Tumayo ako at bumalik na naman sa harap.
“Hi My name is Alexandra Sophia Tan. Please just call me Alex. I’m 17. Nag-graduate ako ng high school sa St. Paul University Manila.” Sabi ko
“Gawin mong mas interesting Alex. Madami pa naman tayong oras. Ano bang mga hilig mo? Konting background tungkol sayo.” Sabi ni Sir.
Ano ba to slumbook? Hays. Fine!
“I’m an only child. I’m half Chinese. Lumaki ako sa Binondo Manila. Dati kaming may Sport’s store dun. Ngayon nasa ibang bansa na ang parents ko kaya I now live… uh… Alone.”
Napatingin ako kay Apol. Wala naman siyang reaksyon. Good.
“Go on Ms. Tan. Interests? Hobbies? Achievements?” Sabi ni Sir
Ano ba yan. Andami naman nitong gusto malaman. Hays.
“I graduated in high school as best in Math. Mahilig din ako mag-drawing. Kaya etong course na to ang napili ko. Bukod dun, wala na akong iba pang talents at interests.” Sabi ko nalang para matapos na.
“Yeah right! Ang galing mo kaya kumanta miss ganda!” Sigaw naman nung isang lalake sa likod sa tabi ni Apol.
Boljakin ko kaya yun! Kalalakeng tao kung ano ano pinagsasabe.
“Uhm.. Salamat. Pinag-voice and dance class ako ng parents ko nung bata pa ako. Thank you sa pag-appreciate pero hindi talaga ako mahilig kumanta at sumayaw.” Sabi ko.
“And I think the boys find you pretty Alex. Ever joined a beauty contest? Kasi ako I’ve won a lot eh!” Sabi nung babae sa 4th row sa harap ng katabi ni Apol.
Yabang naman nun.
“You will have your turn later. Continue Ms. Tan.” Sabi ulit ni Sir
“I was crowned as Ms. St. Paul. Tama na po sir. Ok na po yun.” Nagmaka-awa na ako kay Sir.
“Ok sige sige. Pwede ka na umupo.” Tumuro siya sa upuan ko.
Mabilis akong bumalik sa upuan ko.
“Ikaw naman ang susunod, Mr?” Tinignan ko ang tinuturo niyang upuan. Si Apol ata.
Walang sumagot.
“Ikaw na nasa dulo sa tabi ng bintana. After ni Alex, sabi ko sa likod tayo magsisimula.” Tinuro ulit ni Sir si Apol.
Tumayo naman si Apol at pumunta sa harap. Tumingin siya sakin saglit at nagsimula ng mag-salita.
“I’m Apol. Apolonio Estefano Cuenca. I’m 18yrs old. Half Spanish, Half Filipino. Parents ko nakatira sa Spain. Lumaki ako sa tita ko.” Panimula ni Apol.
“Ang cute naman niya.” Bulong sakin ni Cherry.
“Pareho pang fruits ang name namin.” Sinabi niya ulit.
Sasagot sana ako sa kanya na A-P-O-L ang spelling ng name ni Apol.
“Nga pala, A-P-O-L ang spelling ng nickname ko, hindi yung fruit.” Biglang sabi ni Apol.
Nabasa nya ba yung iniisip ko?
“I graduated High School at Brent International School in Laguna.” Sabi ni Apol.
Big time pala to si koyaaa..
“I was the team captain sa varsity ng basketball team namin. Hobbies and interests ko would mainly evolve around Sports. Achievements naman, I was awarded as the MVP last high school basketball championship. I was also awarded as Best in Art last graduation.” Tuloy-tuloy nyang sinabi yan.
“Awwwww….” Narinig kong sinabi ng ilang babae sa bandang likod pati nang katabi kong si Cherry. Wala naman nakakakilig sa sinabi ni Apol ah. Hays.
“Do you have a girlfriend?” Tanong nung isang babae sa fourth row.
May mga tumawa pero friendly laugh naman.
“Uhm.. Wala.” Sagot ni Apol.
Bat parang may hesitation yung sagot niya? Naisip ko lang.
“Yes!” Sabi nung dalawang babae sa fourth row. May mga nagtawanan ulit.
“Where do you live? Laguna? Isn’t it too far?” Nagulat naman ako at biglang nag-tanong si Cherry.
“I moved here sa Manila. Malapit lang. Intramuros lang din.” Sagot ulit ni Apol.
“Really? Can we come over? Please!” Sabi ulit nung isang babae sa fourth row.
Tumingin muna si Apol sakin bago sumagot.
“Depende siguro sa housemate ko. Di pa namin napag-uusapan ang house rules kagaya ng rules about visitors.” Sabi nito at tumingin ulit siya sakin saglit.
Oo nga no? Hindi ko pa rin naisip yun. It’s too complicated pala. Hays.
“Anong type mo sa girls? Hihihi..” Sabi ulit nung nasa babae sa fourth row.
“Oy grabe ka na ha.” Sabi nung katabing lalaki niya.
“Sige paki-sagot nalang Mr. Cuenca. Tapos proceed na tayo sa next student. Ginawa namang presscon ng ilang classmates mo to.” Natatawang sabi ni Sir.
Nga naman. Ginawang presscon ng mga to. Sus!
“Uhm.. Type sa girls? Ano.. uhm..” Sabi ni Apol.
At bigla siyang tumingin sakin.