Their Kind of Love | √

By wordsofharlixx

49.3K 2.8K 789

May klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't... More

Their Kind of Love
Chapter 1 √
Chapter 2 √
Chapter 3 √
Chapter 4 √
Chapter 5 √
Chapter 6 √
Chapter 7 √
Chapter 8 √
Chapter 9 √
Chapter 10 √
Chapter 11 √
Chapter 12 √
Chapter 13 √
Chapter 14 √
Chapter 15 √
Chapter 16 √
Chapter 17 √
Chapter 18 √
Chapter 19 √
Chapter 20 √
Chapter 21 √
Chapter 22 √
Chapter 23 √
Chapter 24 √
Chapter 25 √
Chapter 26 √
Chapter 27 √
Chapter 28 √
Chapter 29 √
Chapter 30 √
Chapter 31 √
Chapter 32 √
Chapter 33 √
Hi, TKOL Readers :)
Chapter 34 √
Chapter 35 √
Chapter 36 √
Chapter 37 √
Chapter 38 √
Chapter 40 √
Chapter 41 √
Chapter 42 √
Thank you ❤
Chapter 43 √
Chapter 44 √
Chapter 45 - Final Chapter
Author's note
Special chapter i
Special Chapter iii
Special Chapter ii
Announcement

Chapter 39 √

813 36 22
By wordsofharlixx

"So, kumusta naman ang father ng kaibigan mo, anak?" Tanong ni Daddy sa'kin habang nagdidinner kami.

"Maayos naman, dad. Successful ang operation." Nakangiti kong sagot.

"That's good to hear."

Tumayo ako at saka lumapit sa kanila. I hugged them tightly. "Thank you, dad, mom."

"No problem, baby." Natatawang sabi ni Mommy. "By the way, kumusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw?" Biglang tanong niya.

Payapa ang mga nagdaang araw para sa 'kin. Parang 'yung dati lang. Mag-aaral. Aasikasuhin ang mga activities ng org. Makikipag-bond sa mga kaibigan.

"Okay naman po, Mommy. No need to worry."

Payapa nga pero parang may kulang pa rin.

I always think na baka sumuko na siya sa 'kin. Bakit nga naman hindi, 'di ba? Matapos ng lahat ng sinabi ko sa kanya, martir na lang siya kung ipupush niya pa 'yung sa 'ming dalawa. Tsaka mukhang tama naman ang desisyon ko. Tahimik ang buhay namin kapag ganitong magkahiwalay kami. Tingin ko narealize niya rin 'yun.

Nakakalungkot ang isiping 'yun pero at least, para naman sa ikabubuti naming parehas. Kailangan lang magtiis. Time will come na makakalimutan rin naman lahat ng sakit ng nakaraan.

Lalim.

***

"Geez. Ang hot talaga ni Ford." Impit na sambit ni Ali habang sumisimsim sa juice niya.

Kanina pa siya nakatingin kay Ford na nasa kabilang table kasama ang mga kabarkada niya. Ford is Ali's ultimate crush.

"Bakit nga pala naisipan mong mag-hang out bigla?" Tanong ko sa kanya. Nagulat na lang kasi ako kanina nang bigla niya akong yayaing magbar. Hindi naman 'to 'yung bar kung saan puno ng mga kabataang wild at tipong dapat na i-raid ng mga police. Kaunting sayawan at inuman lang kaya pumayag na rin akong samahan si Ali. Akala ko kasi may mabigat na pinagdadaanan. Yun pala interesado lang siyang sundan si Ford at ang mga barkada nito.

"Narinig ko kasing may dine-date na raw si Ford."

Kinabahan naman ako bigla. "Aawayin mo?"

Hindi yata ako handang umawat ng nagsasabunutan kung sakali man.

Hindi sumagot si Ali at nagkibit balikat lang.

"Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo, Ali. Marami tayong mga schoolmates dito. And besides, hindi masosolusyunan ng karahasan ang unrequited love mo dyan kay Ford." Pangangaral ko sa kanya.

Bigla naman siyang humalakhak. "Geez, Kirs. I'm just kidding."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. "Pero hindi pa rin tayo pwede magtagal dito, ha? May pasok pa tayo bukas."

"Loosen up, girl." Ali said. "Let's dance?" Yaya niya sa 'kin.

Agad akong napailing. "Dito na lang ako."

Tumayo na siya at hinila ang kamay ko para maitayo ako. "Don't be such a killjoy."

Syempre hindi ako papatinag sa sinabi niya. Ni hindi ko na-imagine na makikipagsayaw ako sa bar. Kahit parang party party lang. "Hindi ako marunong sumayaw. Ikaw nalang."

Dismayado niyang binitiwan ang kamay ko. "You sure?"

"Yup. 'Wag ka makikipagsayaw kung kani-kanino, ha?" Bilin ko.

She smirked at me, "Susubukan ko nga kuhanin ang atensyon ni Ford eh." Sabi niya at bago pa ako makapagreact ay umalis na siya.

Geez. Ano ba ang iniisip niya? Kinakabahan ako sa mga plano niya. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na isipin pa ang mga kalokohan ni Ali. Hindi naman siya nakainom ng kahit anong alcoholic beverage kaya hindi ako dapat mag-alala. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa chips sa mesa. Wala naman ako talagang interes sa mga ganitong klaseng lugar. Na-i-stress lang ako.

"Kailan ka pa nahilig magbar?"

Parang naestatwa ako ng marinig ko ang boses ni Yuan. Kinakabahan akong nag-angat ng tingin. Baka naman imagination ko lang kasi?

Pero hindi lang siya imahinasyon. He's really standing in front of me, nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay umupo lang siya sa tabi ko at nagsimulang abutin ang chips sa mesa.

Medyo nainis naman ako sa inaasal niya. Parang wala lang sa kanya ang pagtabi niya sa 'kin. Relax na relax siya samantalang halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Ilang araw ko siyang hindi nakita kaya sobrang miss ko na talaga siya. Pinapanindigan ko lang ang paglayo ko sa kanya kaya nakakayanan kong hindi siya makita or ni makibalita lang tungkol sa kanya.

Hindi niya pa rin ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Ganito ba talaga kapag nakamove on na? Parang wala na lang? Ganun?

Huminga ako ng malalim at nilakasan ko na ang loob ko para harapin siya. Pero nawala ang anumang lakas ng loob na inipon ko nang maabutan ko ang titig niya sa 'kin. Akala ko ay iiwas siya ng tingin pero nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa 'kin. Kahit naiilang ay hindi ko rin maialis sa kanya ang tingin ko.

Ano ba 'yan! Titigan contest kami, ganun?

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" Nauutal kong tanong.

"Ikaw? Why are looking at me that way, too?" Tanong niya pabalik.

Napalunok ako at imbes na sagutin ang tanong niya ay napako ang tingin ko sa galos niya sa may gilid ng kanyang noo. Wala sa loob na hinawakan ko 'yon. "Napano 'yan?" Nag-aalala kong tanong.

"Nauntog lang." Marahan niyang sagot.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko para macheck ng mabuti ang sugat niya. Baka mainfect. "Nagamot mo na ba 'to?" Tanong ko habang hinahaplos ang sugat niya.

"Maliit lang naman 'yan."

Napanguso ako, "Kahit pa. Paano kapag na-infect, ha? You shou- " Kusa akong natigilan nang ma-realize ko kung ano na ang ginagawa ko. Napapalunok na nagbaba ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin.

"Are you worried?" He asked softly.

Bahagya akong lumayo sa kanya at umiwas ng tingin. "H-Huh? Ikaw na nga ang may sabi na maliit na sugat lang 'yan, di ba?" Sabi ko. "B-Bakit naman ako mag-aalala." Dagdag ko at tumawa ng peke.

"So dapat magkaroon ako ng sugat na mas malaki para lang mag-alala ka?" Seryoso niyang tanong.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagsabihan siya. "Nababaliw ka na ba? 'Wag ka nga nag-iisip ng mga ganyang bagay! Malay mo kung saan humantong kahit gaano kaliit na sugat lang!"

"So nag-aalala ka nga sakin?" Muli niyang tanong. Mababakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

"H-hindi nga." Pagsisinungaling ko.

"Pag nasaksak ako, mag-aalala ka ba?" Nababaliw na tanong na naman niya.

"Yuan, pwede ba?" Nauubos ang pasensya kong tinusok ang sugat niya gamit ang aking hintuturo. Bahagya naman siyang napangiwi. "Fine. Nag-alala ako." Nakaingos na binaling ko sa nagsisipagsayaw ang atensyon ko. "Pero kaunti lang. As in sobrang kaunti lang talaga."

Narinig ko pa rin ang pagtawa niya sa kabila ng nakakabinging tugtugan.

"Wanna dance?" He asked suddenly.

Tumingin ako sa kanya na para siyang nagtransform at naging alien. "Ayoko."

"You don't dance?" Naaaliw niyang tanong.

Inirapan ko siya. "I CAN'T dance."

"I can teach you." Sabi niya at bahagya pa akong sinisiko para mapatingin ako sa kanya.

"Ibang babae na lang turuan mo." Huminga ako ng malalim at saka sumimsim sa juice ko. "Di ako interesado."

"Di ka ba nabobored na nandito ka lang?"

I tsked. "No. So you can leave me alone now."

Bigla naman siyang nagseryoso. Dapat lang naman talaga siyang lumayo at iwan ako eh. What's the point of our sacrifices kung at the end eh ipipilit pa rin namin ang sarili namin sa isa't isa?

"You really want me to leave you alone?"

No.

"Yes." Sagot ko ng 'di siya tinitingnan.

"Too bad I don't." Sabi niya at saka pinagpatuloy ang pagkain.

Nanliliit ang mga matang tumingin ako sa kanya. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay. "Why are you so kulit?" May pagkamaarte kong sabi.

"Why are you so masungit?" Gaya niya sa pagsasalita ko. Ngumisi pa siya sa 'kin na tila nang-aasar.

"Saya mo, ah." Puna ko. Of course I want him to be happy. Masaya ako kapag masaya siya. Kahit ibang babae pa ang dahilan ng kasiyahan niya. Ouch.

"Is it too obvious that I am happy?" Tanong niya at nangalumbaba pa para matitigan ako.

Hindi ako umimik at nagkibit balikat na lang. Nasaan na ba si Ali? Baka naman napaano na yun.

"Alam mo namang automatic na yung pakiramdam ko na 'yon pagkasama kita."

Napailing ako. "Tigilan mo ako sa mga banat mo, ha."

He chuckled and ruffled my hair. Napaiwas naman ako. "Ano ba?" Iritado kong sabi.

Di ko rin alam kung bakit naiirita ako. Siguro dahil kahit gusto kong i-enjoy ang moment kasama siya ay hindi pwede. Baka hindi ko mapanindigan ang mga sinabi ko sa kanya at ang mga pangako ko sa sarili ko.

"Hi, Yuan." Malambing na bati ng isang babae kay Yuan. Pamilyar ang mukha niya pero 'di ko alam ang pangalan. Muntik pa akong masamid sa paraan ng pagtitig niya kay Yuan.

"Hello." Matipid na bati ni Yuan at saka umusog pa sa tabi ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya lalo na nang akbayan pa niya ako.

"What are you doing?" Pabulong kong tanong.

"Basta." Bulong niya pabalik.

Napalunok na lang ako. Ang weird lang sa feeling. Nakakapanibago pero pamilyar na pakiramdam. Super dugdug na naman ang heart ko.

"So, she's your girlfriend?" Nakataas ang kilay na tanong ng babae.

Mas humigpit pa ang akbay sa 'kin ni Yuan. Sino ba 'tong babaeng 'to? Baka ex niya? 'Di ko maiwasang mainis. Grabe naman kasi si ate girl kung makatitig kay Yuan. Like hello? Nakaakbay na nga sa'kin si Yuan tapos ganun niya pa rin tingnan?

Well, maiintindihan ko naman kung nagpapanggap si Yuan na boyfriend ko para makaiwas sa babaeng nasa harap namin. The way she looks at Yuan is kind of scary. Parang pipikutin niya si Yuan anytime.

"Ah, yes. Her name is Kirsten." Sagot lang ni Yuan.

Disappointed naman na tumingin ang babae sa nakaakbay na braso ni Edward sa 'kin. Matalim niya akong tiningnan na sinuklian ko naman ng alanganing ngiti.

"Hi." Bati ko pero inirapan niya lang ako at saka umalis na.

Wew.

"Sorry about that." Bulong ni Yuan sa 'kin.

"Okay lang." Sagot ko kahit hindi naman talaga okay. Tumikhim ako at nagtaas ng kilay. "Ex mo?"

"Huh?"

"Yung babae kanina." Napapairap kong sabi.

"Ah, no. To be honest, di ko rin siya kilala, eh. She looks familiar but that's all." He said.

I tsked. Siguro sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, nakalimutan na niya ang mga pangalan. "Whatever."

"Don't be jealous of her, okay?" Malambing niyang sabi.

Agad ko siyang siniko. "Excuse me! Hindi ako nagseselos no!" Nag-iinit ang mga pisnging bulalas ko.

"Okay, okay." Natatawang sabi niya. Hindi naman na ako kumibo pa.

Nanatili siyang nakaakbay sa 'kin. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko. Kung tutuusin, I can now remove his arm from my shoulder pero hindi ko ginawa. Instead, hinayaan ko lang siyang nakaakbay sa 'kin.

"You okay?" Masuyo niyang tanong. Tumingin ako sa kanya pero hindi rin nagtagal dahil sobrang lapit ng face niya. I can even feel his breath on my face.

"Y-Yeah." Nauutal kong sagot.

Biglang umilaw ang cellphone ko na nasa may table. Mula sa kinauupuan ko ay nabasa ko ang nag pop up na message.

Ate Mary:

Hi, Kisses. Kumusta ka na? I miss you.😞😘❤

Para akong natauhan sa nabasa ko. Kumawala ako mula sa pagkakaakbay ni Yuan at saka dinampot ang cellphone ko.

"H-Hahanapin ko na si Ali. Kailangan na namin umuwi." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Kisses." Seryosong tawag niya sa pangalan ko.

"May pasok pa bukas. Um, masyado ng gabi." Dagdag ko.

He held my arm firmly. Walang magawang tumingin ako sa kanya. "May sasabihin ako."

"A-Ano yun?" Kabadong tanong ko.

"About Zia and her gang..." Pagsisimula niya.

"B-Bakit? Anong nangyari? Ni-harass ka ba nila?" Kaya ba siya may sugat sa noo? God!

"If you're avoiding me because of them, you can stop doing that now." Malamlam ang mga matang sabi niya.

"What do you mean?"

"Wala na tayong dapat problemahin tungkol sa kanila... They can never hurt you now..." Nakangiti niyang sabi. "You know Allia right?"

I nodded. "Yes, why?"

"She's Zia's friend." Aniya na ikinagulat ko talaga. "She helped me deal with them. Para raw sa 'yo."

Ilang sandali ko munang ni-process ang mga sinabi niya. I wonder if nakipagkaibigan ba sa 'kin si Allia dahil kay Zia? But I'm glad she helped Yuan. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil sa sinabi niya kahit papaano. Hindi ko rin kasi maiwasang mag-alala sa kaligtasan niya. Pero hindi naman 'yun ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya...

"N-Nagkakamali ka yata."

Agad bumakas ang pagtataka sa kanyang gwapong mukha. "Huh?"

Tiningnan ko siya ng diretso. "Umiiwas ako hindi dahil sa kanila. Umiiwas ako kasi ayoko na talaga. Ayoko ng ipilit pa, Yuan."

Napasinghap siya sa sinabi ko. Ilang sandali siyang tahimik bago dahan-dahang tumango.

"I always want to be with you. Akala ko ganun lang 'yun kasimple. Hindi ko alam na napakakumplikado pala ng gusto kong mangyari." Sabi niya at natawa ng pagak."Bawat araw na hindi kita kasama, sobrang natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari." He reached for my face and gently caressed my cheek. "I don't know what my future holds but I'm hoping you're in it." Malungkot niyang sabi.

Ako rin. Kahit ganito ang mga ginagawa kong desisyon... Umaasa pa rin ako.

Siguro mapagbibigyan din kami...

Sa tamang panahon.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 3.4K 55
Ang tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na dapat mong mahalin sa mga oras na 'yan w...
313K 21.7K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.4K 482 55
storya ng dalawang mag best friend na magkakagusto sa isat Isa Ang storyang Ito ay para na din sa mga LGBTQ+ Hanggang saan sila aabutin ng pag subok...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...