The Powerless Immortal Prince...

By ayelliene

31.5K 827 53

VEIRSALEISKA KINGDOM SERIES #2 Ako si Clerxiene Dayle Madrigal Harvaux. Isa akong prinsesa sa aming kaharian... More

MUST READ! MUST READ!
PROLOGUE
CHAPTER ONE : Princess Clerxiene
CHAPTER TWO : Mission
CHAPTER THREE : Park Hyun Ra
CHAPTER FOUR : Lorain Radean
CHAPTER FIVE : Meet Arys
CHAPTER SIX : Bully
CHAPTER SEVEN : Eurydice
CHAPTER EIGHT : Water Element
CHAPTER TEN: Magulo...
CHAPTER ELEVEN: Elleya Nim Shin
CHAPTER TWELVE: Her Side
CHAPTER THIRTEEN: Good!
CHAPTER FOURTEEN: DUSE DASHEL
CHAPTER FIFTEEN: Weirdo
CHAPTER SIXTEEN: Rebel
CHAPTER SEVENTEEN: Magic
CHAPTER EIGHTEEN: Seven Fairies
CHAPTER NINETEEN: Do you like him?
CHAPTER TWENTY: Last Help
CHAPTER TWENTY-ONE: The Comeback
CHAPTER TWENTY-TWO: My Prince
CHAPTER TWENTY-THREE: A Gift
CHAPTER TWENTY-FOUR: See You Again
CHAPTER TWENTY FIVE: Goodbye
CHAPTER TWENTY SIX: Ang Pitong Diwata
AUTHOR'S POV
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Evil Witch
CHAPTER TWENTY-EIGHT: She's dead!?
CHAPTER TWENTY NINE: I love you
CHAPTER THIRTY: Ambrosia
CHAPTER THIRTY-ONE: Serpent Island
CHAPTER THIRTY-TWO: The Keeper
CHAPTER THIRTY-THREE: Marry Me
CHAPTER THIRTY-FOUR: The Queen Died
CHAPTER THIRTY-FIVE: Mnemosyne
CHAPTER THIRTY-SIX: Dark Shadows' Queen
CHAPTER THIRTY-SEVEN: Life Support
CHAPTER THIRTY-EIGHT: Mythical Guardian
CHAPTER THIRTY-NINE: SILVER BLIZZARD
CHAPTER FORTY: A Child
CHAPTER FORTY-ONE: Contrast of the Twins
CHAPTER FORTY-TWO: The Past of Hercus and Clerxiene
CHAPTER FORTY-THREE: A Curse of Death
CHAPTER FORTY-FOUR: The Forgotten Princess
CHAPTER FORTY-FIVE: I Killed Her
CHAPTER FORTY-SIX: Samantha's Treasure
CHAPTER FORTY-SEVEN: Time Travel
CHAPTER FORTY-EIGHT: The Queen Consort

CHAPTER NINE: Muntik na...

753 25 0
By ayelliene


Clerxiene
~*~

Napangiti ako ng marinig ang desisyon ni Eurydice. May tatlong diamante pa  ang kailangan kong hanapin. Bago ako tuluyang makauwi sa Veirsaleiska kasama sila.

"Paano kung matagalan ka sa paghahanap? Gaano katagal akong magiging ganito? Baka hindi ko na talaga makasama yung family ko!"

"Huwag kang mag-alala, Eurydice. Magtiwala ka sakin mahahanap ko agad ang tatlong 'yon. At, kung magtatagal man tayo sa mundo namin. Mabilis lang ang oras doon. Ang isang buwan sa mundo namin ay isang araw lang rito." ngumiti ako sa kanya.

"Tutulungan kita sa paghahanap mo." lalo akong napangiti.

"Salamat, Eury..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog yung compass at may tinuturong direksyon.

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong niya.

"May nade detect na diamante yung compass ko." sabi ko.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" hinila niya ako palabas ng bahay.

Buti nalang at nakapagpalit na ako ng damit. Hindi na ako nahihirapang gumalaw kaya mabilis kaming nakatakbo. Pero napahinto kami ng nasa highway na kami. Wala masyadong sasakyan sa parte na'to at wala ring ibang tao.

"Wala namang tao dito? Baka nagkakamali lang 'yang compass mo." sabi ni Eurydice.

"Hindi naman ito nagkakamali, eh." nakatingin pa rin ako sa compass. Patuloy ang pagturo nito sa North kaya sinundan ko. Nasa gitna na ako ng kalsada, tumuro naman ito sa may bandang silangan. Pagkalingon ko ay may isang kotse ang palapit sakin. Mabilis na parang hangin lang ang pagpapatakbo nito.

"CLERXIENE!" sigaw ni Eurydice.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pero nagawa ko pa ring tumalon. Huminto ang sasakyan at napaupo ako sa bubungan nito.


"Tangina! Miss! Magpapakamatay ka ba?" bulyaw ng isang lalaking kabababa lang ng sasakyang muntik ng bumangga sakin.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Mas natuon ang pansin ko sa suot niyang kwintas. Bahagya itong kumikislap.

"Oy? Miss?" tawag sakin ng lalaki.

Naghanap ako ng patalim sa bulsa. Pero wala akong makita. Napatingin naman ako sa sariwang sugat sa braso ko.

Pinihit ko ang ang sugat ko kahit sobrang sakit basta dumugo. Napapikit ako sa hapdi.

"Hoy! Miss! Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?" sigaw niya ulit.

Nang tumulo na ang dugo sa braso ko. Agad akong tumalon pababa sa harap niya. Bahagyang nanlaki ang mga chinito niyang mata sa gulat. Pero lalong lumaki 'yon nang umilaw na ang kwintas.

'Sinasabi ko na nga ba!'

Lumakas ang ihip ng hangin. Iwinagayway nito ang buhok ko.

"Anong meron sayo? B-bakit..." hindi siya natuloy sa sasabihin niya.

Biglang lumakas ang hangin sa paligid. Maski ang kotseng nasa tabi namin ay umuugoy sa lakas nito. Lumapit si Eurydice samin. Gamit ang kapangyarihan niya ay nagawa niyang hindi maapektuhan.

"Tigilan mo 'yan!" hirap na sabi ko.

"Hindi ko alam kung paano!" sigaw niya.

Mabigat akong humakbang patungo sa kanya. Pinilit kong makalapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin.

"Ipikit mo...yung mga mata mo at...huminga ka ng malalim." pilit ang pagsasalita ko.

Binibigatan ko pa ang sarili ko dahil unti unti nang tumataas ang paa ko sa semento. Anytime, maaari na akong tangayin ng hangin.

"Ikalama mo ang sarili mo!" sabi ko. Tumataas na talaga ang paa ko sa sementong tinatapakan ko.

Nasa ilang minuto pa bago tuluyang humina at nawala ang hangin. Napaupo ako sa sobrang pagod. Lumapit sakin si Eurydice at inalalayan ako. Nanghihina ang tuhod ko. Parang muli akong babagsak.

"Muntik na tayo dun, ah!" mahinang sabi niya.

"Hindi mo makontrol ang kapangyarihan ng diamante. Kailangan kitang madala sa mundo namin." diretsong sabi ko sa lalaking kaharap ko.

Pagod niya akong tinignan at tinaasan ng kilay. "Diamante? Kapangyarihan? Pinaglololoko mo ba ko, Miss?"

"Hindi ka pa ba naniniwala? Nangyari na kanina ang kawalan mo nang kakayanang kontrolin ang malakas na kapangyarihan ng diamante ng hangin. Paano kung wala kami? Ano nalang mangyayari sa mundo niyo?" inis na sabi ko.

Tumuwid siya sa pagkakatayo.
"Kung sasama ako sa inyo, mawawala na ba ang sumpang 'to sakin?"

"Hindi ko sigurado. Pero alam kong gagawin ng Reyna ang lahat." sabi ko.
"Paano ako makakasigurado na hindi niyo ako niloloko? Sa mga sinasabi niyo hindi kapani paniwala. Baka mamaya, yung kagwapuhan ko lang ang habol niyo." aniya at kumindat pa.

Bahagyang napaawang ang bibig ko. Bagay na napunta sa kanya ang elemento ng hangin.

"Na apektuhan ba ng hangin kanina ang utak niya?" bulong ni Eurydice.

"Hindi ko alam. Pero baka..." nagkibit balikat ako.

"Kailangan nga talaga natin siyang dalhin sa mundo niyo." aniya.

"Hoy! Anong pinagbubulungan niyo dyan?" pasigaw na sabi niya samin.

Napansin kong napairap si Eurydice kaya tumikhim ako. Bago may mamuong tensyon.

"Ako si Clerxiene Dayle Harvaux. Nakatira ako sa mundo ng mga Imortal. Binigyan ako ng misyon dito at yun ay hanapin ang apat na dimante na sumisimbolo sa apat na elemento. Kung hindi ka parin naniniwala..." tinuro ko si Eurydice. "Siya si Eurydice, isa siya sa mga natagpuan ko na. Siya ang may hawak ng diamante ng elemento ng tubig."

Tumingin ako kay Eurydice. Tinaas niya ang kamay niya. May iilang patak ng tubig ang sumusunod sa kilos ng kanyang kamay.

"Tulad mo. Gusto ko ring mawala na 'tong kwintas ko para mabuhay na ako ng normal. I just want to be happy and enjoy life pero malabo 'yon, kung katatakutan ako ng marami." mahinahong wika ni Eurydice.

"I'm Jairsen. Sasama na ako sa inyo. Tutal gwapo naman ako." aniya.

Seryoso ang mukha niya kaya sa palagay ko hindi siya nag jo joke.

"Pumunta ka nalang sa address na'to. Kung handa ka na talagang sumama samin. Kapag nahanap na namin ang dalawa pa, maaari na tayong lumisan sa mundo na'to..." napahinto ako ng parang mamama alam naman kami. Inabot ko sa kanya ang isang papel. "At, tutungo tayo sa mundo namin."





Continue Reading

You'll Also Like

10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
78.8K 2.9K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
56K 3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.