Magical Downfall. (NashLene...

By kryptonitegirl

64.9K 1.8K 308

Will the Prince's Spell continue? Or it's just another Magical Downfall? 》Book 1: The Prince's Spell. ♥ More

Magical Downfall.
MD #1.
MD #2.
MD #3.
MD #4.
MD #5.
MD #6.
MD #7.
MD #9.
MD #10.
MD #11.
MD #12.
MD #13.
MD #14.
MD #15.
MD #16.
MD #17.

MD #8.

2.9K 86 5
By kryptonitegirl

    ****

SHARLENE’S P.O.V

“Sharlene! Ano ka ba namang bata ka?”

“Sorry po Mommy! Mauna na po ako.” Bakit ba kasi di ko narinig yung ring ng alarm clock ko. Sanay pa rin kasi ako ng timezone ng Paris eh, yan tuloy. Hay! It’s official! Papasok na ulit ako sa Imperial Academy!

“Naku bata ka! Wala ka talagang pinagbago oh. Grow up naman Shar!”

“Opo Mommy, I promise that I’ll be a good girl na.” Nag-pout pa ako para magpa-cute kay Mommy bago tuluyang lumabas ng bahay.  Sakto namang may taxi pagkalabas ko kaya agad ko yung pinara at sumakay na! Sana makaabot pa ako! Ilang minuto ng biyahe ay nakarating na kaagad ako at ng kapain ko yung bulsa ko,

“Patay!” Aish! Yung wallet ko nawawala!

“Miss, anong patay?” Naku! Anong gagawin ko? Kinapa-kapa ko yung loob ng bag ko para hanapin yung wallet ko.

“Kuya, nawawala po kasi yung wallet ko. Teka lang po! Hahanapin ko lang po.” sabi ko habang todo hunting pa rin ako sa wallet ko. Saan ba kasi napunta yun?

“Paano na yan Miss?” Saka naman nag-sink in sa utak ko na naiwan ko yata yung wallet sa dining tabe namin. Kapag minamalas ka talaga oh! Mukhag kailangan kong bumalik sa bahay.

“Kuya! Balik na lang po tayo sa bahay namin. Pasensya na po!” Bigla namang may nagbukas ng pinto ng taxi.

“May problema po ba Manong?”

“Sino ho kayo?” tanong ni manong driver. Woah! Bakit siya nandito?

“It’s not a big deal. Ano po ba ginawa ng babaeng ito sa inyo?” Sabay turo niya s a akin.

“Kasi ho Sir, nakalimutan daw po niya yung wallet niya kaya di po siya makapagbayad.” He handed 500 pesos sa taxi driver. Ang yaman talaga niya! As-in!

“Ito po sukli niyo.”

“Keep the change na lang po. Payment din po yan sa sakit ng ulo na binigay niya sa inyo.” Nagulat ako sa mga sinabi niya. Seriously? P500? At tinuro na naman niya ako. Dang! Eh sa nakalimutan ko nga yung wallet ko eh!

“Seryoso po kayo?” He nodded at saka niya ako tinanong,

“Hindi ka pa bababa dyan?”

“Pero…”

“Anong pero, pero?” Hindi na ako pumatol pa, gusto niyang ibigay yung 500 ng basta basta eh. Bumaba na rin ako sa taxi.

“Thank you! Babayaran na lang kita.” sabi ko sa kanya habang sabak kaming naglalakad.

“Hindi na kailangan.”

“Ang bait natin ngayon ah.” sabi ko using a mapang-inis tone.

“Talaga? Matagal na kaya akong mabait.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Wow ha!” Hindi ko pa sinara ang bunganga ko pagkatapos. Wala lang, trip ko lang siyang asarin.

“Kung hindi ako mabait, hindi ako mag-aalala sa’yo kasi hindi ka pa bumababa dyan sa taxing sinasakyan mo, nakita kasi kitang sumakay  sa taxi sa harap ng bahay niyo. Kung hindi ako mabait, hindi ko bubuksan yung pinto at babayaran yung driver kasi wala kang perang dala. Kaya in one way or another, talagang mabait ako. Bitter ka lang yata eh.” with matching twitch pa ang labi niya.

“What? Hindi ah. Baka ikaw ang bitter dyan.” Hinampas ko siya, yung malakas.

 “Mukhang bumalik na yung Sharlene San Pedro na nakilala ko. Ayos pala eh, hindi ako bitter. Hindi ka bitter. Balik na tayo sa normal?” Statement bay un o tanong? Naguguluhan ako.

“Matagal namang normal ang lahat Nash, ikaw lang ang abnormal.” Natigilan siya sa sinabi ko at makalipas ng ilang minuto, siya naman ang humampas sa akin.

“Aray ko naman!” pagrereklamo ko sa kanya.

“Masakit ba? Hmm. Pero alam kong mas masakit dyan ang ginawa ko sa’yo. Ang labo ko kasi eh, simula noon hanggang ngayon. Sorry! Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya sa huli kasi may sumisigaw ng sobrang lakas mula sa likod ko.

“TABI DYAN!”

“Jairus?” yan ang nasabi ko pagkatapos kong bumagsak sa sahig. Hindi ko din alam ang nangyari sa akin, natapilok yata ako pagkatapos kong umiwas kasi nga may sumigaw sa likod ko.

“Ang hapdi! Aishhhh!” pagrereklamo ni Jairus habang nakahawak sa tuhod niya. Nakaupo na rin siya sa sahig kagaya ko at malapit na ang mukha naming sa isa’t-isa. Ano ba kasing nangyari?

“Oy Jairus! Dumudugo na yang tuhod mo!” Tama nga ang pagkakasabi ni Nash! Dumudugo nga!

“Ang lalim yata ng sugat mo Jairus. Pumunta ka na kayang clinic?” Tumayo na ako at inilahad yung kamay ko sa kanya para tuluyan siyang tumayo pero ayaw niyang tanggapin.

“Hindi na, kaya ko na ‘tong mag-isa. Kay liit liit na sugat lang nito oh.” Nakatayo naman siyang mag-isa pero bakas sa mukha niyang hapding-hapdi na siya sa sugat niya.  

“Pumunta ka na Jai, sasamahan na kita.” sabi ni Nash at inalalayan na niya si Jairus.

“Sasama na ako.”

“Diba may first subject ka pang aattendan?” Yoks! Oo nga noh? Napakamakakalimutin ko talaga!

“Oo nga pala. Sige Nash, ikaw na bahala dyan sa pinsan mo. Mauna na ako!” saka na ako lumakad papalayo hanggang sa makarating sa building ko. Binuksan ko naman yung papel na binigay sa akin para malaman kung anong room at kung ano ang sched ko.

“Hala!” Isang malaking HALA talaga! Guess what? 9:00 pa pala ang first subject ko at 8:10 pa lang. Bakit kasi hindi ko muna ito tinignan kahapon para hindi ako madaling-madaling pumasok ngayon? Nakalimutan ko pa tuloy yung wallet ko! Ang sakit lang talaga sa aking invisible bangs!

“Saan kaya pwedeng mag-stay?” tanong ko sa sarili ko. Ayaw ko namang magmukhang ewan sa may garden. Ah! Kung sundan ko kaya sila Nash at Jairus sa clinic? Tama yun nga ang gagawin ko! Alam ko naman kung nasaan yun, nailibot na ako ni Ella dito.

    ****

“Hello po! Nandito po ba si Jairus? May itatanong lang po ako.” tanong ko sa nurse.

“Opo, nandoon po siya sa loob ng kwarto. Puntahan niyo na alng po kung may kailangan kayo.” Kumatok na nga ako sa kwarto sa loob ng clinic at nakita ko nga si Jairus na nakahiga sa kama. Tumayo naman siya pagkatapos niya akong makita.

“Sharlene, bakit nandito ka?”

“9:00 pa pala first subject ko eh.”

“In short, wala ka lang mapuntahan? Haha. Nauna na si Nash, may aasikasuhin daw muna siya.”

“Parang ganun na nga. Haha. Teka, bakit naman nadamay si Nash dito? Kakamustahin kaya kita, ano ba kasing nangyari sa’yo? Bakit nagtutumba ka mag-isa sa bike?”

“Sira pala yung preno nung bike na ginamit ko papunta dito sa school. Kung kelang kailangang-kailangan kong mag-preno saka ko naman napansin. Sorry ah! Pati ikaw nasaktan pa sa kashungahan ko!”

“Ayos lang, hindi naman ako nagalusan eh.”

“Sabi mo yan ah. Gusto mo?” Inabutan niya ako ng chocolate cupcake.

Saan galing yan?”

“May nagbigay lang sa akin. Kunin mo na kasi.”

“I bet na isa yan sa mga admirers mo. Baka magtampo yan, pinapamigay mo lang yung bigay nila sa’yo.”

“Hindi naman niya malalaman eh. At saka marami naman siyang binigay.” Kinuha ko na rin yung cupcake na inaabot niya at nung tikman ko.

“Wow! Ang sarap Jairus! Tikman mo kaya?!” Oo nga, heaven ang lasa nung cupcakes. Ang sarap ng cupcakes na ito! Promise!

“Ibuka mo yang bibig mo.” Sumunod naman siya sa akin at ishinoot ko sa bibig niya yung cupcake ng buo.  

“Ano ba Sharlene? Ayaw ko sa cupcakes, ayaw na ayaw ko yan!” Yung tono niya, parang nagagalit na. May allergy ba siya sa cupcake?

“So-sorry.” Nag-peace sign pa ako sa kanya at nagpa-cute para matawa naman siya kahit papaano.

“Forgiven. You know what Sharlene? I used to love cupcakes, but now, I hated it the most.” pagktapos niyang sabihin yan, may luhang tumulo sa mga mata niya. Wait, bakit biglang naging drama?

To be continued…

    ****

A/N: And the author is back~! Hindi ko po alam kung anong kinalabasan nitong chapter na ito kasi 1 buwan na akong hindi gumagawa at nag-uupdate ng story. Busy kasi si PG/@kryptonitegirl. Haha! Sige, kailangan ko ng feebacks niyo at comment kung anong masasabi niyo sa chapter na ito at sa flow ng story ko. Yun lang. Thanks for reading! 14344! :**

P.S: Nagsisimula pa lang po ang story. I guess? Haha! 

Continue Reading