The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[11] Zade, Meet Heisenberg

241K 4.5K 1.4K
By shirlengtearjerky

Halloween chapter. Hmmm.. Kung If I Fall timeline 'to, 3rd year highschool sina Barbs. Ano kayang nangyari dun, ano?

March 14, Friday ang next update! :) That would be the Christmas chapter <3

#TSIB GUYS! <3

-A&Z-

Chapter 11: Zade, Meet Heisenberg

 

HALLOWEEN

 

Next to Valentine’s Day, isa sa least favorite events ko ay Halloween. Laking probinsya kasi ako, wala namang trick or treat o cable sa San Ignacio kaya hindi ako exposed sa mga ganyan. Bihira rin akong manood ng horror movies dahil sabi ni Nana Tinang, bad influence raw yun. Well.. nung high school nakapanood ako ng ilang movies at di naman ako natakot. I even laughed at some, sobrang unrealistic kasi ng story at hello ang panget ng prosthetics!

But since medyo affiliated na ako sa yamings (ex. Andreau & Ms. Marisse), I have to conform with their norms. Apparently, Tristan insisted to go trick-or-treating tonight and he wants me to go with him. May trip kasi sa Siargao sina Ms. Marisse kaya hindi niya masasamahan si Tristan. Aayaw sana ako kaso.. vampire raw ang costume ni Tristan. How could I say no to such cute thing?

“Aaahh ang cute cute mo naman Tristan!!!” agad kong kinuha ang digicam ni Kesh at pinicturan si Little Vampire. Tristan flashed a fangy smile and even tried a menacing look. He’s too adorable! Thanks to his genes, effortless sa kanya ang paper white skin! Ang cute rin ng fake blood sa may baba niya. Aahh cuteness overload!

Ms. Marisse watched as his son tried to bite my neck. In fairness, nakakakiliti! “Tristan, don’t hurt Ate Zade, okay?” paalala niya. Maya-maya ay aalis na siya papuntang airport. “Zade, ano nga palang costume mo?” she asked.

Aww patay tayo dyan. Baka magtampo sa’kin si Tristan pag sinabi kong wala akong costume! “Uhmm.. meron po. Magpapalit ako mamaya bago umalis!”

Tristan sat on my lap and pinched my cheeks. “Magiging si Bella ka na ba pag kinagat kita sa leeg?”

Ms. Marisse and I exchanged shocked looks and laughed. “Naku where did you learn that, Tristan?” tanong ko sa kanya. Nakitawa na rin siya.

“Kay Kuya Andreau! We watched that movie last week!”

Whoa, that was news. Who would’ve thought Andreau likes Twilight? Hah, feeling ko for the love of film ang idadahilan niya pag tinanong ko siya about this!

I excused myself for awhile para makapagpalit na sa costume ko. Dahil sobrang wala ako sa mood na gumastos para sa costume, sinuot ko ang ever default costume ko: pajamas. Fine, I’m not that creative.

May kausap sa phone si Ms. Marisse pagkalabas ko ng CR. She gave me a weird look when she saw me. Si Tristan naman..

“Ate Zade.. yan na ang costume mo?”

Shit, he sounded so disappointed. He obviously loves Halloween and here I am, crushing his cute, little hopes. At yung tingin pa niya sa’kin.. nakakakonsensya. Ba’t ganito ang mga bata, Lord?

“Ah ano ka—“

“Relax lang, baby,” Ms. Marisse came in to the rescue. Kinarga niya si Tristan and hinalikan ito sa pisngi. “Okay naman ang costume ni Ate, di ba?”

“But.. it’s a pajama..” Aray naman, cutiepie! Stating the obvious!

“Pero she looks great, right? Besides it’s Halloween! You can wear whatever you want. Di ba you don’t normally wear your pajamas outside? But today.. you can! Right, Ate Zade?” kinindatan niya ako, as if saying na sakyan ko ang spiel niya.

“O-oo nga, Tristan! Ang cute naman ng pajama ko, di ba?” Yuck, anong cute dyan Pascual? Saang banda ang cute sa red pajamas mo na may teddy bears? Nakakahiya ka talaga.

Mukhang bumenta naman kay Tristan ang reasons namin ng Mama niya. “Okay.. pero next year Ate Zade.. dapat magcocostume ka na ng maganda ha? You can be Bella!” God Andreau, anong ginawa mo sa batang ‘to?

Minutes later Ms. Marisse bade us goodbye. Naghihintay na sa lobby ang crew niya. Wait a second.. sino ang maghahatid sa’min dun sa village? Baka hindi kami papasukin dun!

“Nga pala, Zade,” sabi niya bago siya lumabas ng unit, “Si Andreau ang kasama niyo later. He’s on his way now. Pakihintay na lang siya, okay? Have fun!”

O-kay.. now what?

xxxx

I’m trying not to freak out.

What’s wrong with me, anyway? Ba’t ba ako kabado na makita si Andreau ngayon? It’s been months since we last saw each other. That was normal. Kahit madalas ako kina Ms. Marisse ngayong sembreak hindi ko siya nakitang bumisita. I heard may tour something si Big Boss with Sarah right after ng finals namin. Ano kayang nangyari? Hmm..

Ayoko nang bumaba dito sa elevator na ‘to. Shit, elevator na naman. Kung pwede lang na si Tristan lang ang magtrick or treat mag-isa!

Nakaupo si Andreau sa may waiting area ng lobby nang makababa kami. Eto namang si Tristan sobrang galak na tumakbo sa pinsan niya. They look so cute together! Medyo binagalan ko pa ang paglalakad para panoorin silang magkulitan. Kung hindi ko lang kilala ‘tong si Andreau, pagkakamalan ko silang mag-ama.

“O Zade ka—“ Andreau stopped in mid-sentence and gave me his really now look. “Costume mo na yan?!”

Ouch, strike two na! Nakakahiya naman sa kanila! “Can you please not mock my poor choice?”

“Hey I’m not mocking you. I was just asking kung yan ba talaga ang costume mo. Parang kakagisi—“ natigilan ulit siya. Ano bang problema nito? He was staring at me.. or something behind my back. Ah,, yung backpack ko!

“Wag kang maparanoid dyan,” biro ko sa kanya. “Wala ako sa mood para mamalo ng bag ngayon promise.”

Si Tristan lang ang pinansin niya habang naglalakad kami palabas ng building. Real mature, Big Boss. Uulitin ko lang naman yung paghampas na yun kapag kailangan sobrang galit ako. Medyo irita lang ako sa kanya! Makapanlait ng costume!

“This isn’t your car,” I commented once Tristan and I seated at the backseat. He owned a Mercedes-Benz, not this Ford one. Well.. mayaman naman siya, baka marami siyang kotse.

“Kay Roldan ‘to,” Andreau replied with a shrug. O-kay.. someone’s grumpy.

Halos 25 minutes ang layo ng exclusive village mula sa Skyline, pero Friday ngayon at Halloween pa kaya inexpect kong maiipit kami sa traffic. Isa ‘to sa ayaw kong mangyari, ang maipit sa traffic na kasama si Andreau. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at maitanong ko sa kanya yung mga nakakairita kong naisip last time.

Three weeks na mula nung ikwento sa’kin ni Ms. Marisse yung nangyari sa parents ni Andreau. Three weeks na rin akong paranoid para sa mga sagot. I’m not the obsessive type pero may something talaga sa kwento ni Andreau na gusto kong malaman. Ang sarap mag-ala Sherlock Holmes di—

“Scheherazade!”

That voice brought me back in a jolt. Nakatingin pala sa’kin ang magpinsan. “W-what?”

“Yun ang name mo, Ate Zade?” tanong sa’kin ni Tristan. “Ba’t ang hirap i-pronounce?”

Tawang-tawa si Andreau sa comment ng pinsan niya. Nauntog pa nga siya sa bintana sa kakatawa! “Walang nakakatawa dun, Andreau!” I pretended to be angry pero di effective sa kanya. Tawa lang siya nang tawa. Si Tristan na lang muna ang pinansin ko.
“Yes, that’s my name. Zade na lang itawag mo sa’kin, okay? Para di ka mabulol.”

“Your name’s cute!” Tristan chuckled. Buti pa ‘tong bata cute! Si Andreau.. grrr nakakagigil sa sobrang asar!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya kinausap. “Ba’t mo nga pala ako tinawag?”

“I know I’ll regret asking this bu—“

“Ask anyway.”

“Ba’t yan nga ang costume mo?”

I rolled my eyes. “Ba’t ba agit ka sa costume ko, ha? Ikaw, what’s your costume?” Naka-red long sleeves lang siya at black pants. Mas corny ang costume niya compared sa’kin!

“Don’t change the subject here.”

“Answer my ques—“

“Mamaya pa ako magpapalit, okay?” medyo irita niyang sagot. “Now.. answer me.”

Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng kotse. Hay traffic please medyo gumalaw ka naman! “I.. I don’t really like Halloween.”

Nagulat ang dalawang kasama ko sa sinabi ko. Tristan gaped at me with wide eyes. “Talaga ate? Why?”

Okay super uncomfortable na titigan ka ng dalawang ‘to. “Uhh.. more of hindi ako sanay sa Halloween. I grew up in the province so.. I guess we weren’t that enthusiastic to events like th—.”

“Halloween is not just an event,” Andreau interjected with a defensive tone. “It’s a holiday, Zade. Kids and adults enjoy wearing costumes once a year.”

“I don’t enjoy wearing costumes.”

“Halata naman, no need to defend yourself.”

What’s with him, really? Napalitan ng inis ang excitement ko kanina! I was expecting na medyo okay na kami after everything pero.. he’s too worked up because of a costume? Weirdo talaga ‘to.

Silence enveloped us the whole drive to the village. Wala ako sa mood para makipag-away kay Andreau, at ayokong maspoil ang Halloween spirit ni Tristan kaya tumahimik na lang ako. Later, I will give him a piece of my mind. Lagot siya sa’kin!

xxxx

Ganito ba talaga ang mga mayayaman, willing gumastos ng malaking pera para sa temporary happiness?

Literal na napanganga ko nang makarating kami sa  gate ng exclusive village na ‘to. Career talaga ang Halloween theme! May Jack-o-Lanterns sa may gate, mga fake na agiw sa guard house, mga paniki na nakasabit sa gate.. at syempre hindi nagpatalo ang guards! Zombie guards ang peg nila ngayon.

Ako lang ba talaga ang hindi makagets ng Halloween high? Unbelievable.

As I expected, Andreau didn’t need thorough inspection dito sa village. He just rolled down the windows and greeted the guards. Ayun, pinagbuksan agad siya. Eto namang katabi ko, mas naexcite nang makita niya yung mga bahay na may Halloween decors. Binaba rin niya ang windows at kinawayan ang ilang trick or treaters. God, sana mahawahan nila ako ng enthusiasm for Halloween!

After few turns, tumigil kami sa tapat ng isang three-storey house. Compared sa karamihan ng bahay dito na may pagka-modern, this house is smaller and has a rustic appeal. Nagstand out ‘to in a weird way. Plus, color brown halos ang kulay ng labas ng bahay kaya type ko!

Pinagbuksan kami ng gate ng isang lalaking nakasuot ng Grim Reaper costume. Okay.. kaninong bahay ‘to? Pati ba naman helper nakacostume?

“Tristan,” Andreau turned to his cousin after he shut off the car’s engine. “May cookies sa loob. Do you want to eat first?”

Umiling si Tristan. “Trick or treat! Trick or treat!” he chanted. Kinuha pa nito ang mini Jack-o-Lantern basket niya. Ang cute ni Little Vampire!

I didn’t notice na nakatingin sa’kin si Andreau. He cleared his throat para tingnan ko siya. “What?”

“Ano nga palang cellphone number mo?” he casually asked as he fiddled his phone.

Wait.. what!?

Wag kang masyadong maexcite, Pascual. Wag ka munang mag-isip ng romantic situations dyan! Baka may iba siyang motive ano!

“Uhmm.. I don’t give my numb—“

“Parang ewan ‘to. Tinatanong ko lang para mapuntahan ko kayo mamaya. May aasikasuhin lang ako dito sa bahay. Di ko naman ibebenta yan kung kanino.”

Fine, you win. Binigay ko sa kanya ang cellphone number ko. Medyo natempt pa nga ako na palitan ang last digit kaso baka mamaya mawala kami ni Tristan, mahirap na.

Cookies kaagad ang naamoy ko pagkalabas namin ng kotse. I’m starting to love this house already!

“Kaninong bahay ‘to?” I absentmindedly asked Andreau.

Andreau stopped for awhile before replying. “This is my parents’ house.”

Parents’ house.

He was sleeping when I got back in their house. I cried in front of Andreau’s door all night.

Triple shit.

This is the house.

xxxx

Halos 20 minutes na kaming nag-iikot ni Tristan sa village na ‘to pero hindi pa rin siya pagod.

I’m not complaining. Nadidistract lang ako sa iniisip ko kaya medyo irritable ako. May ilang bata kasi na ginulat ako kanina. Pasalamat sila cute ang costumes nila! At dahil biased ako, si Tristan ang pinakagwapong vampire sa lahat ng vampire kids na nakasalubong namin.

Speaking of, tuwang-tuwa si Tristan sa pagsabi ng trick or treat sa bawat bahay na pinupuntahan namin. May ilan na nakarecognize sa kanya na anak ni Ms. Marisse at nagpapicture pa! He seemed to love the attention, though. Halloween is really for kids, anyway. I don’t understand why Andreau’s making a big deal out of this.

On the way na kami sa susunod na bahay nang magvibrate ang phone ko. Huh, a text from an unknown number.

Where are you?

Sino naman kaya ‘to? Baka mamaya pra— Ah. Must be Andreau. Nakalimutan ko na binigay ko nga pala sa kanya ang cellphone number ko!

London St, I think? In front of this crazy house.

What crazy house?

Lord, hanggang sa text kailangang English!?

Basta yung bahay na OA ang décor. You can’t miss it.

Gusto kong makauwi ng may sufficient blood supply pa, thank you.

Hinintay ko si Tristan sa may sidewalk habang nagpapacute siya sa current house na pinuntahan niya. Nakakaamaze talaga ang Halloween high ha. Ang gaganda ng decorations ng halos lahat ng bahay dito sa village na ‘to. Itong bahay sa tapat ko, ginawang graveyard ang front lawn nila, with tombstones and coffins alike. Pag ako talaga yumama—

I felt someone tapped my shoulder. “Tapos ka na agad, Tristan?” I asked, not looking back. Pero nang humigpit ang grip ng kamay niya sa balikat ko.. ohmygod. This is definitely not Tristan. Kelan pa lumaki ang kamay niya?

“Happy Halloween,” a deep, husky male voice whispered to my ear. Tumayo ang mga balahibo sa batok ko! Ohmygod.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!” Hinigit ko ang kamay ng lokong yon at kinurot ng sobrang diin. Triple shit, Pascual! Tama bang ganun ang gawin mo in case of emergency? Mangurot!? Bago pa ako makatakbo, he grabbed my wrists. Shit, si Tristan! I can’t stop screaming! And natatakot din akong tingnan kung sino si—

“Relax, it’s me.”

Shit. Shit. Eyes still firmly closed, I spoke. “I-I don’t kno—“

“Scheherazade, it’s me.”

Only one person could utter my name like that. I opened my eyes instantly, hoping to see his charming face. Lord, ibang klaseng kaba ang dinulot sa’kin nun, baka pwedeng gwapong Andreau naman ang makita ko pagka—

“Andreau!?! What the hell happened to you!?”

Imbis na gwapong Andreau Cortez ang makita ko.. oh god. An old guy’s staring at me intently. Old guy. balbas-sarado, with matching eyeglasses and a weird black hat. The thing that most scared me was his black leather jacket. Ganito ang exact description ni Nana Tinang ng goons.

His eyes softened.. and.. he laughed. Loudly. Napaupo pa siya sa tabi ko habang feel na feel niya ang pagtawa nang wagas. Napatingin tuloy sa’min yung mga batang nagti-trick or treat!

“Oh.. God, the look on your face was.. oh god,” he managed to say, almost out of breath. Ibang klase pa rin ang adrenaline sa katawan ko. My heart’s still pounding like crazy, and I could clearly picture what I look like right now. I’m sure namumutla ako sa galit at takot.

Fighting the urge to strangle him to death, kinurot ko na lang ang sarili ko. “You… you are not a funny person.”

Andreau stopped laughing and threw me a look. “What? I beg to differ,” he scoffed while trying to catch his breath. “People say I’m damn funny.”

I rolled my eyes. Grabeng self confidence ha! “Well, I’m not people.” Hindi ko muna siya pinansin at kinalma ko ang sarili ko. I closed my eyes and did the breathing exercises Kesh told me. Matagal-tagal pa ata bago ako makarecover dito!

“Hey Zade.. look..” Andreau was standing in front of me when I opened my eyes. He looked so.. guilty. Acting ba ‘to o ano? “I’m sorry, okay? I thought you’re expecting m—“

“Hindi ko naman alam na ganyan ang costume mo!” I angrily spat out. Okay walang kwenta ang breathing exercises. “What the hell! You almost gave me a heart attack!”

“I said I was sorry..” Goodness sige gamitan mo pa ako ng puppy dog eyes mo! Hindi ka na nakakatuwa! “Gusto mo ba ng tubig? I cou—“

“No I’m fine. I.. I just need to breathe.”

Damn it.

xx

“Ano ba yang costume mo ha?” I asked him as we walked around the village again. It’s already 8 PM at mas dumami na ang mga bata sa streets. May mini-program sa clubhouse ng 9 PM para sa mga bata and since sobrang aga pa, nagdecide kami na samahang mag-ikot si Tristan sa ibang part ng village.

“What?”

Bingi talaga ‘to. “For someone who loves Halloween.. I was kinda expecting your costume would be something.. more extravangant. You look like a goon.”

He was obviously surprised at my bluntness. Buti nga. “What?” replied with a chuckle.

Tumigil kami sa harap ng isang bahay sa Yemen St., at tumakbo na si Tristan papunta sa pinto. At first I was kinda scared na pabayaan siyang basta pumunta sa mga bahay, but Andreau assured me na safe ang village na ‘to. Sa gate kami nagbantay ni Andreau.

“Mukha kang goon na pupunta sa meeting sa isang lumang warehouse.”

Tinawanan na naman ako ng loko. “Don’t you recognize me?” I shook my head in reply. Andreau sighed and said, “I’m Walter White from Breaking Bad!”

“Who?”

Ba’t gulat na gulat siya sa reaction ko? As if president ng Pilipinas ang binanggit niya! “Heisenberg.. I am the danger.. I am the one who knocks.. Blue meth..”

“I don’t know what you’re talking about.”

Napahawak siya sa gate. Wow, hihimatayin agad siya dahil dun? “He’s a TV show character from Breaking Bad, the awesomest TV show ever.”

“Awesomest isn’t even a real word, Andreau. Most awesome dapat.”

His eyes blinked at me twice before he retorted back. “I know. I was just exagg—“

“Baka akalain ni Tristan na may word na awesomest. He’s in his formative years, Andreau. He’ll believe in everything you say.”

“Tristan is a smart kid, Ma’am,” he stressed on the word Ma’am to annoy me. well, he succeeded. “And since when did you become a Psych major? Formative years, really?”

“Psych major ang roommate ko. And oh really? Paki-explain nga kung bakit ineexpect niya na magiging si Bella Swan ako after niya akong kagatin sa leeg?”

Aha! I missed seeing this embarrassed Andreau Cortez! Ni hindi siya makatingin sa’kin ng matino. So damn funny! “Uhmmm…”

Good thing naligtas siya ni Tristan na gusto nang lumipat sa kabilang bahay. Di ko na napigilan ang tawa ko sa itsura ni Andreau. Ano kayang kinakahiya niya, ang panonood ng Twilight or the fact na alam ko yun? Hilarious.

“Don’t be ashamed about it. I’ve been there, too,” I whispered to him once we got to the next house. Natameme na kasi si Big Boss.

“What?”

Nakakairita na ‘tong What what niya ha. “I’m a girl. I’ve been through the Twilight phase but got over it after watching the movie. It kinda killed my enthusiasm for the whole book series.”

He appeared to be so confused right now that it took him a full minute to react. “I’m not a fan,” he said defensively. “I ju—“

“You don’t have to justify yourself to me. Okay lang naman na magkaron ng weird li—“

“Stop it, okay? I only watched that for research.”

“Talagang standard excuse yan ng Film students ano? Research!” tiningnan niya ako ng masama. “Fine. If you say so.”

“Yo don’t believe me.”

“Sakto lang,” I told him nonchalantly. Mas na-agit siya sa sagot ko. “I’m not judgemental. Unlike you…”

Andreau let out an exasperated sigh and groaned. “Can you please let it go?”

“I just did. You’re the one bringing it up.”

Hindi na siya nagsalita pa.

xxx

Medyo out of place kami ni Andreau sa mini Halloween party sa clubhouse. Una, halos lahat ng attendees ay bata and pangalawa.. kami lang ang under dressed sa mga matatanda. Spell effort talaga ang ilan sa chaperones dito! May nakacostume ng Ice Queen, Zorro and thanks to Andreau, na-acquaint ako sa Star Wars reference. May napapala naman pala pag sumama ako sa kanya.

Tahimik kaming umupo sa may bench malapit sa playground habang tuwang-tuwa si Tristan na makipaglaro sa ibang bata. He is a happy kid pero ngayon ko lang siya nakita na ganyan kasaya. Kakaunti lang kasi ang mga bata sa Skyline, and bihira pang makipagsocialize so minsan lang siya nakakapaglaro kasama ang ibang bata.

“Can I ask you a question?” bigla kong nasabi kay Andreau. Ayoko kasing magkaron ng awkward silence sa’min. “Why’d you choose Heisenberg as your costume?”

He hesistantly glimpsed at me. “Why’d you ask?”

“Wearing costumes is a way to explore who you aren’t. So.. my real question is.. your costume is communicating what exactly?”

Saglit siyang napaisip sa sinabi ko. Medyo cute yung concentration line sa noo niya. Hah, dapat pala madalas ko siyang tinatanong ng ganito. “Hmm.. actually, favorite TV character ko si Heisenberg. Ang galing kasi ni Bryan Cranston, the actor. If given a chance, I want to play that kind of role, or direct a movie like Breaking Bad.”

“So.. ano bang kwento nyan?”

Grabe, hindi ko kinaya ang excitement ni Andreau habang kinukwento niya ang synopsis ng Breaking Bad. He talked about chemistry, drugs, adultery, Mexican drug cartel and lots of killing with gleaming eyes.

“Pretty awesome, huh?” he exclaimed after.

“Ugh. That sounds so gruesome.”

He pretended to look hurt but chuckled moments later. “Hey, don’t judge the show. Try to watch it first. I could lend you DVDs.”

Not this.. again. “I don’t watch TV that much.”

“Seryoso?” May judgement sa pagkagulat niya ha! “How come you know me and Marisse?”

At that moment gusto kong sabihin sa kanya na tuwang-tuwa ako sa role niya sa Waiting Shed, na namove niya ako dahil sa acting niya. Na si Kesh ang dahilan kung bakit ko siya nakilala talaga.. at..

Naaah, Zade. That would make you sound like his rabies-infected Dreausters. Besides, I’m not a big fan of him, anyway. Don’t act like a fan around him, Zade. Don’t.

“Ah. My roommate knows you,” was my curt reply.

“Really?”

“So.. gusto mong maging isang drug lord sa next movie mo or something?” I said, changing the subject. Mahirap na, baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. “Isn’t that bad for your image? I mean.. I think na karamihan sa fans mo ay adolescents.”

Nginitian niya ako.. for what? Dahil ba napansin niya ang diversion ko? “Dream role lang naman. Sana may mag-offer sna indie film with that kind of role. I’ll definitely take it.”

Wow, dream role. Hearing that from him somehow made me.. sad. Sabi kasi ni Kesh, ayon daw sa chismis, medyo mahigpit daw ang management kay Andreau kasi siya ang largest asset nila ngayon. Sobrang effort sila para pagandahin ang image ni Big Boss. Kaso.. ba’t ganun ang nangyari sa Minutes With Beau Perez? Andreau walked out! Hay showbiz, sakit ka sa ulo!

“Nga pala, 5 years ka na sa showbiz ano?” I remarked. Bigla ko kasing naalala yung interview niya last month sa showbiz segment ng isang evening news program. “Parang ang dami moa tang free time ngayon?”

“Busy na ulit ako sa summer. Mini-vacation muna ako ngayon. Come January or February.. back to normal na.”

“Graduating ka na ba?”

Napailing siya. “I wish. Next year pa ako gagraduate. I’m doing a movie with Jillian this summer. You know her, right?”

Ugh, not that girl! Every year ba dapat sila magkaron ng movie together? The girl can’t even act! Insulto sa superb acting skills ni Andreau ang maging partner si Jillian! “Ahh.. the annoying one?” my reply made him laugh. “Sorry. Naiirita lang talaga ako sa kanya. Bihira na nga lang ako manood ng TV tapos siya pa ang madalas na naabutan ko.”

“You’re so blunt! Don’t worry, hindi kita isusumbong. Promise.”

Our chat was temporarily interrupted by my phone. It took me a while to locate my phone inside my backpack. Three missed calls and a text from Kesh. The message simply said Please tell me you’re not with Andreau right now or else… Umuwi kasi siya ulit sa Cebu ngayong sembreak at araw-araw niya akong tinatanong kung nakikita ko si Andreau kina Tristan. Hah, hindi ko siya nirereplyan para matorture siya!

I caught Andreau staring at me and he seemed to be unfazed. “Hoy. May problema ka ba sa’kin?”

“What’s the deal with your backpack, anyway?”

Whoa, I didn’t expect that one coming. “Ha? May kinukuha lang ako dito! I’m not gonna hit you!”

“Lagi mo bang dala yan? Hindi ka man lang nabibigatan?”

Is he concerned about me or.. okay imagination, wag maging wild. Tinatanong lang niya sa takot na baka mamaya paluin mo ulit siya. “Naaahh.. sanay na ako. Gusto ko lang magdala lagi ng bag. Masama ba?”

Naalala ko na naman yung incident almost four months ago. Traumatized kaya siya dun? Oh god I’m doomed.

“That bag can seriously kill people,” he said matter-of-factly as he stretched his legs.

“It didn’t kill you, right?”

Parehas kaming natahimik, probably naalala rin niya yung incident. Lagi ba naming babalik-balikan yun pag magkasama kami? Hindi ba pwedeng tawanan na lang namin yun? I already atoned for my sins!

“Can we please not go back there?” I muttered.

“Noted. I’m sorry.”

Case closed.

xx

“Hoy! Wag mo ngang pagnakawan yung bata!”

Ugh. May bagong rason na ako para mainis sa Halloween: isang isip-batang Andreau Cortez. Mga quarter to 10 nang magyayang umuwi si Tristan dahil inaantok na raw siya. On the way home he volunteered to carry the kid’s basket of treats, baka raw mabigatan si Tristan. Siya ‘tong lalaki tapos sa’kin iniwan ‘tong bata! Buti na lang hindi nagpakarga si Tristan sa’kin ngayon, baka mapunit ‘tong pajama ko.

“Tinitingnan ko lang yung nakuha niyang chocolates!” he replied innocently. Hah, walang inosente sa ginagawa niyang inventory ng chocolates!

“Okay lang Ate Zade. Kuha ka na rin ng chocolates! They’re too many for me anyway,” Tristan piped in sweetly. He rubbed his eyes and yawned. Kulang na lang tumumba siya eh.

I heard Andreau sniggered beside me. “Hah. Buti pa si Tristan marunong magshare.” At ang bwiset, nag-asal bata na naman nang makakita ng Kitkat! “Trist, dibs ko na ‘to ha?” Of course, may magagawa pa ba si Tristan?

Binuksan niya ang Kitkat at inalok pa ako. At least ako may hiya! “No, thanks. Ako na lang kukuha ng akin.” Inagaw ko sa kanya ang basket at naghanap ng gusto kong chocolate. I spotted my favorite chocolate of all time, Cadbury Fruits and Nuts. “Yay may taste mga tao sa village na ‘to!”

Andreau stared at me weirdly as I munched the chocolate. Lahat na lang ba ng gawin ko weird para sa kanya? Unbelievable. “Yuck.”

“Maka-yuck ka dyan! Masarap ‘tong fruits and nuts!”

“I don’t like chocolates with nuts.”

WHAT!? IS HE SERIOUS ABOUT THAT? “Paano ka nabubuhay sa mundong ‘to?” That was a rhetorical question. Akala ko sasagutin niya e!

Kinuha niya sa’kin ang basket at naghanap ng chocolate. “Uy Twix!” he exclaimed, parang ginto ang nakita niya ah.

“Aaahh I want that too!”

Binelatan niya ako. “Eh di magtrick or treat ka rin!”

“Andreau.. hindi ka talaga pwede maging comedian. Promise.”

“Kaya nga nagpapakilig na lang ako, di ba?” he winked and flashed his Cortez Charm Smile at me. Lord, lethal combination pala yun! That left me dazzled for a moment. Before I knew it, binuksan na niya ang Twix at kinain ito.

Damn.. nabiktima pa ako.

xxx

After some prodding and Tristan’s beautiful eyes, nagstay ako sa bahay nina Andreau para kumain ng late dinner.

Gumala na naman ang imagination ko habang naghihintay kami ng pagkain sa dining table nila. Is this really the house? Okay Zade stop thinking about it. Sige, nag-uusap nga kayo ni Andreau about things pero hindi pa kayo ganung kaclose. Baka mga magalit pa siya pag nagtanong ako about his parents!

Dumating na ang dinner namin, courtesy ng fastfood chain na ineendorse niya. Perks talaga ng pagiging artista! Binuksan pa niya ang TV, sumaktong sa isang horror movie marathon ang palabas ng channel.

“Alam mo ba yan?” tanong niya sa’kin, sabay turo sa palabas sa TV. May lalaking suot na leathermask at bitbit na chainsaw.

Umiling ako. “I don’t watch too much movies.”

Parang awang-awa sa’kin si Andreau na di ko alam yun. Ugh, sorry naman! Mas trip ko pang magbasa ng libro kesa manood ng horror movies!

“Ate Zade,” Tristan called me out. “Nakakamiss yung cupcakes na dinadala mo. kelan ka ulit babalik ng café?”

“Hmm.. I really don’t know eh..”

Andreau cocked his head and looked at me. “Wala pa kayong sched?”

“No.. I’m resigning.” Nagulat silang dalawa sa announcement. “Conflict s asked ko this sem ang sched sa café so..”

“But why?” Andreau questioned. His shock shocked me too. Anong meron?

“21 units ako next sem. I don’t want my studies to suffer. Ikaw, papasok ka ba this sem?”

“Of course. OJT ko na this sem.”

Pwede ba yun? Akala ko sum— oh well. Artista nga naman siya, magagawa ko di ba?

“What about the cupcakes?” tanong niya ulit sa’kin.

“What about them?”

He smiled at me sheepishly. Ugh kaasar napapangiti din ako! “Wala na akong maaabutang free cupcakes sa ref.”

“Kaya nalulugi café namin eh!” I joked. “Bumili ka na lang dun!”

“Hindi ka ba marunonng magbake, Ate?” tanong ulit ni Tristan. Hala, nalungkot ba siya dun sa announcement ko?

“Nope. Bibili na lang 'ko kesa magbake. I didn’t inherit my mom’s cooking skills eh.”

“Mas okay pang mamana ang genes ng taga-kain kesa sa taga-luto, ano?” Andreau joked, and for the first time tonight, I laughed.

 Medyo funny naman pala siya. Medyo.

 

xxx

Persistence really runs in their family.

Ang dapat dinner lang ay naextend hanggang 11:30 PM, at nakilala ko na rin si Leatherface. Hindi ko talaga trip ang movies na ganun, too much gore. Well we’ve watched the 1974 movie kaya medyo tinawanan ko lang. Andreau told me na marami pang movies ang Texas Chainsaw Massacre, at pinapahiram pa niya ako ng DVDs. Hindi pa naman ako naiinis sa mga pamimilit niya sa’kin.

Pinagpilitan pa ng magpinsan na ihatid ako sa dorm namin. Ayoko nang makipag-away, matatalo rin naman ako kaya pumayag na ako. Andreau and I listened as Tristan recounted his trick or treat experience earlier. Grabe, ang cute nilang panoorin, para talaga silang magtatay!

“Ate Zade.. dito ka nakatira?” Tristan asked as Andreau pulled up in front of our dorm. Ilaw na lang sa may front door ang nakabukas kaya mukhang haunted house ang dorm namin. “Na..nakakatakot naman dyan…”

“May tao ba dyan?” It was Andreau’s turn to question me now, brows furrowed in curiosity.

“Meron naman, malamang tulog na sila. Anong oras na kaya oh.” I lied. Kaming dalawa lang ni Tita Mel ang tao sa dorm buong sembreak. Ako lang naman ang hindi umuwi sa probinsya sa’ming lahat eh. Tinatamad kasi ako. Bu— mamaya, November 1, ako lang mag-isa dahil bibisitahin ni Tita Mel ang puntod ng nanay niya sa Cavite. Of course, they must not know about that.

“Kuya Andreau.. sa bahay na lang natin patulugin si Ate Zade.. baka kunin siya ni Leatherface sa loob..” may takot sa boses ni Tristan. Awww..

Andreau and I traded glances, and awkwardly laughed. MATUTULOG AKO SA BAHAY NIYA? NO. FREAKING. WAY. I don’t want to cross that line. Ni hindi nga kami close!

Sinukbit ko na ang bag ko tsaka ako sumagot. “Don’t worry about me, Tristan. I could defend myself. And malakas naman akong sumigaw, I’m pretty sure matatakot na dun si Leatherface.” Tiningan ko si Andreau, requesting for backup.

“Oo nga, Tristan. I think.. she’s safe there. Di ba, Zade?”

“Safe ako dyan, Tristan! Paano.. I have to go. Goodnight sa inyong dalawa!”

Ayaw pa akong paalisin ni Tristan at ilang beses din niyang tinry na akitin ako ng beautiful eyes niya kaso.. ayokong matulog sa bahay ni Andreau. Natatakot ako na baka may masabi ako tapos.. masira ko ‘tong.. something na meron sa’min.

Hay, life.

xxx

Papikit na ang mga mata ko nang nagvibrate ang phone sa tabi ko.

Unknown number na naman.

Triple shit.

Okay Zade, irrational na matakot ka sa isang unknown number. Sa movies lang naman nangyayari ang mga ganung ba—

Movies are based from real life happenings, Zade. Kay Ed Gein based ang characters nina Leatherface, Norman Bates at Jason Voorhees. Serial killer si Ed Gein sa US noong 1950s. Laugh all you want.. baka mamaya.

Damn you, Andreau Cortez and your horror movie knowledge!

Matapang naman ako kaya sinagot ko tawag. Sana hindi ‘to prank call, tapos na ang Halloween at malayo pa ang April Fools!

“Ate Zade!”

Halos malaglag ang puso ko sa boses ni Tristan! In fairness kinabahan ako dun ah! “Ohmygod Tristan! You scared me!”

His giggle somehow calmed me. Kay Andreau pala yung number. “Safe ka ba dyan? Wala bang mama na nakaka—“

“Calm down, Tristan. I’m fine. Actually I’m about to sleep. Ikaw dapat matulog ka na rin ha? It’s too late na!”

As if on cue, Tristan yawned loudly. “S-sige na nga ate. Basta be safe ha? See you soon!” Muntik ko nang i-end call nang.. “Kuya Andreau! Maggoodnight ka na kay Ate Zade!”

Triple shit.

Nawala ang antok at takot ko dun ah. Hindi naman siguro naka-speakerphone si Tri—

“Zade?”

Oh dear lord.

“A-andreau! Okay lang ako dito,” I took a deep breath and continued, “No need to worry about me.” God, ang sexy ng chuckle niya pag sa phone! Wait mas okay pang si Leatherface ang isipin ko!

“Sorry sa abala. Hindi kasi makatulog si Tristan until di siya sure na safe ka dyan sa dorm mo.”

“Ah.. ganun ba..” Parang sira na mga sagot ko but what the hell!!! Hindi ka dapat kiligin, Scheherazade! Quota ka na dati pa!

“Pero..” he paused for awhile. “sure kang okay ka dyan? Kasi pag hindi raw.. babantayan ka raw ni Tris—“

“I’m fine! Promise! I locked my doors already. Please tell him don’t worry about me. I’m fine.” Nakakaiyak naman ‘tong si Tristan.. masyadong adorable! Bigla ko tuloy namiss sina Butchoy!

“Sure. Okay..”

“Okay.. I have to sle—“

“Alam mo ba kung anong number one rule ang laging kinakalimutan sa horror movies?”

Saan na naman niya ‘to hinugot ha? “Are you insulting my indifference towards movies? You clearly know I do—“

“Rule number one.. don’t ever ask.. Who’s there.

Shit he’s using that Heisenberg voice again! Nakakatakot talaga! Nagtaklubong na ako ng kumot  sa sobrang takot. Ayoko na ring tumingin sa salamin!

“I take it back. You’re not really funny, Andreau Cortez. Buti na lang hindi ka binibigyan ng management mo ng comedy s—“

His boisterous laughter cut me off.. and surprisingly soothed me. Ang galing talaga niyang magtago ng emotions. Dahil ba dun kaya siya nag-artista?

Hours from now alam kong bibisitahin ulit niya ang puntod ng parents niya. Maingat niyang ilalagay sa gilid ng tombstones nina Lianne and Victor Cortez ang isang bouquet ng tulips (I saw them on his kitchen counter earlier. Looks expensive.) at baka kakausapin ang mga ito. Kahit alam niyang walang sasagot sa kanya.

But he won’t cry. He’s too strong for that.

“Goodnight, Scheherazade,” I heard him whisper from the other end.

Someday. Someday.

-A&Z-

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 921 34
"I didn't choose to fall in love with you, my heart did." -Jaye (BOOK 1) Date Started: November 17, 2017 Date Finished: February 17, 2018 [Highest Ra...
199K 3.8K 22
Alexa hates summer to bits. Lahat na yata ng masasakit na pangyayari sa buhay niya ay nangyari during summer. Summer nang mamatay ang kaniyang nakat...
1.9M 49.2K 164
Frankie (Epistolary with narration)
215K 1.1K 7
Victoria is pretty and intelligent, but a bit ignorant. Strikto kasi ang tatay niya sa kanya. So she never really experienced anything outside her co...