The Millionaire's First Love...

By iamanncollins

7.7K 403 40

"Your brain may forget but your heart won't." More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
ái

Chapter 22

175 6 0
By iamanncollins

"ANG lalaking tumulong sa'yo, alam ko at nararamdaman ko na malaki ang kaugnayan niya sa pagkatao mo. Sa nakaraan mo. Mabait siya. Batid ko iyon. At nakikita ko sa mga mata ng taong 'yun ang pinagsamang magpamamahal at pangungulila."

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. Walang tigil sa pag-agos ang kanyang luha.

IVAN... I'm sorry... if I could only knew it earlier. Patawarin mo ako. Binaliwala ko ang dikta ng puso ko. Pinairal ko kung ano ang nasa utak ko dahil ang alam ko iyon ang tamang gawin.

"Ang singsing na iyan ang magtuturo sa totoo mong pagkatao, Veronica."

Tumaas ang tingin niya sa ina.

"Nay..."

Ngumiti ang ginang at pinahiran ang luha niya.

"Ngayong alam mo na ang totoo, wala akong ibang hangad kundi ang makita at makasama mo ang totoo mong pamilya. Masaya ako na ibinigay ka sa akin ng panginoon sa maikling panahon. Patawarin mo sana ako sa kasalanang nagawa ko, anak. Alam ko na mahirap paniwalaan, lalo na't hindi pa rin bumabalik ang ala-ala mo. Sinasabi ko sa'yo ito, bago pa mahuli ang lahat. May mga taong gusto kang mawala." Kinilabutan siya, kasabay ng muling pagtulo ng mga luha.

Gustong-gusto na niyang bumalik sa mansyon. Ipagtapat kay Ivan ang lahat at humingi tawad. GOD! Binawala niya ang malakas na bugso ng damdamin noon na baka totoo nga ang iginigiit ni Ivan. Sila ang totoong pamilya niya. Ang asawa niya. Si Georgina ay anak niya. Anak nila ni Ivan.

Nagyakapan silang mag-ina. Halos hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan. Hanggang sa makarinig ng yabag sa labas ng pinto. Kumalas sila sa isa't-isa at sabay nagkatinginan na may mababakas na pagtataka sa mga mata.

Kapwa sila napapitlag ng may sumipa sa pinto dahilan ng pagkasira niyon.

"Jusko!" Sigaw ng ginang. Dalawang armadong lalaki ang biglang tumututok ng baril sa kanila.

"A-ano'ng kailangan n-niyo?" Kabadong tanong ni Veronica, mababakas ang labis na takot sa nanginginig na boses kasabay n malakas na kabog ng dibdib.

Nakilala niya ang isang lalaki. Ito iyong kasabayan niya sa bus kanina. Kaya pala... kaya pala tumaas ang balahibo niya nang una itong mahagip ng tingin kanina. Pero sino ito? Ano'ng kailangan ng lalaki sa kanya? Kinilabutan siya. Namuo ang labis na takot sa puso niya.

Nabigla siya ng hiklatin ng lalaki ang braso at takpan ng panyo ang mukha. May naamoy siyang mabaho kasabay ng pagkawala ng ulirat.

Ang mukha ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ang muli niyang naalala.

HAWAK-hawak ni Ivan ang ulo. Pabalik-palik ito ng lakad sa sala. Labis na pag-aalala ang nararamdaman dahil hindi pa rin bumabalik ang asawa. Halos kalahating araw na itong wala. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hindi ito binantayan ng mabuti.

"Ano'ng balita?" Mabilis na tanong niya sa tauhang kapapasok lang sa pintoan. "Na-trace niyo ba kung saan pumunta si Veronica?"

"We're still working sir, nakita namin ang tricycle na sinakyan niya. Ayon sa driver hinatid niya sa sakayan ng bus ang asawa ninyo. Papunta ho sa Santo Rosario ang bus."

"What? Ano'ng gagawin niya sa Santo Ros-"

"IVAN iho, patawarin mo ako." Si Aling Lilia na biglang sumulpot galing sa kusina. Napatingin si Ivan sa matanda na parang may takot sa mukha.

Kumunot ang kanyang noo.

"Aling Lilia? May alam ho ba kayo sa pag-alis ni Veronica?"

"Ibinigay ko ang address ng babaeng nagpakilalang ina niya na pumarito kahapon. At ayon sa kanya, pupuntahan nga niya ang ina dahil gusto niyang maliwanagan ang lahat." Napasintido si Ivan.

"Patawarin mo ako, iho."

Tumango-tangong pumikit si Ivan.

"I have to find her." Tinungo niya ang pinto, kasunod ang mga tauhan.

"Mag-iingat ka iho, sana kasama mo na si Veronica sa pagbalik mo. Ipagdadasal ko ang kaligtasan ni ninyo."

Tumango siya. "Salamat, Aling Lilia." Sinarado niya ang pinto. "Tumungo tayo sa Santo Rosario." Anya sa driver.

NAKAKASILAW na liwanag ang sumalubong sa nanlalabong mga mata ni Veronica. Akmang hahatakin nya ang kamay para pahiran ang tila dumi sa mukha nang matigilan. Nakagapos ang kamay nya? Nagpa-panic siya ng maalala ang ina. Nilinga nya ang paligid. Walang katao-tao. Mukhang nasa imbakan sya ng lumang warehouse. Maalikabok at mainit.

Sinikap niyang mabuwal ang tali ngunit naka-ilang subok na sya at nananakit lang ang kamay ay ganoon pa rin. Hindi man lang lumuwag kahit kaunti.

Helpless na itinigil nya ang ginagawa. Narinig nya sa isip ang sinabi ng ina. Malinaw iyon na tila inu-ukit sa kanyang utak. Unti-unting nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata niya. Impit siyang umiyak. Ivan... Georgina... noon niya napagtanto kung bakit ganoon kalakas ang pwersang nagsasabi na manatili sya sa mag-ama. Iyon pala ay ang mga ito ang tunay niyang pamilya.

Namuo ang galit sa puso nya laban sa mga taong may tangka sa buhay nya. Bakit siya pa? Anong kasalanan ang nagawa nya sa mga ito? It hurts seeing Ivan hurting because of her. Nagdudusa ang mga mahal nya sa buhay at dapat na magbayad ang sinumanng nagtangka na patayin sya. Na sirain ang pamilyang binuo nila. Pero paano nya maisasagawa iyon kung nakagapos sya? Paano kung iisa lang taong iyon noon at ngayon?

Tumaas lahat ng balahibo nya sa katawan. Hindi sya papayag. Dapat ay makawala sya at makaalis sa lugar na iyon. Kailangan nyang makaalis para makabalik sa pamilyang naghihintay sa kanya.

Napaigik sya nang maramdaman ang hapdi sa pulsuhan. Balong ng luha ang pisngi niya. Naroon ang kasabikan sa dibdib na mayakap ang mag-ama. Babawi sya. Babawiin nya ang ilang taon na pagkawala sa piling ng mga ito.

GOD! Please, I'm begging you. Give me this another chance na makapiling muli ang mag-ama ko. Nagmamakaawa ako sayo.

She frustratingly exhaled after making many attempts to get rid of the rope. Lalaban siya hanggang sa huling hininga niya kung ang nais ng taong nagpadukot sa kanya ay kamatayan niya. Pwes, handa siya. Handang-handa na siya.

Ganun pa man, naroon pa rin ang malaking takot sa puso niya. Paano kung... kung katapusan na nga niya talaga?

Ipinikit niya ang mga mata. Nag-uunahan ang mga luha niya. Bakit kailangan mangyari ang ganung bagay? Bakit may mga tao na walang kasing sama?; na mas nanaisin pumatay ng tao para sa pansariling motibo?

Life isn't really fair.

Parang mabibiyak ang ulo niya sa labis na frustration. Gusto niyang makaalala pero kahit anong piga ang gawin sa utak, ganun pa rin.

Pinili niyang 'wag nang pag aksayahan ng panahon ang tali. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar pero paano? Gayong maaring hawak din ng mga ito ang kinilalang ina sa loob ng maraming taon? Utang niya ang pangalawang buhay sa ginang. Hindi niya ito maaaring pabayaan.

Inot-inot siyang humakbang, kahit mahirap ay titiisin niya basta makaalis lang sa lugar at mahanap ang ina.

DUMERETSO ng Santa Rosa terminal bus si Ivan. Kaagad na nagtanong ukol sa asawang hinahanap. Sa kabutihang palad ang kundoktor ng mismong na sinakyan ni Veronica ang unang nakaharap. Kaagad nitong itinuro ang lugar kung saan bumaba ang asawa.

Pinuntahan nila ang lugar na nalampasan na pala kanina. Nanghina siya ng matagpuan ang hinahanap na bahay. Sira ang pinto at nagkalat ang kagamitan. Ayon sa mga napagtanungan, nagkagulo sa lugar dalawang oras na ang nakaraan nang may dalawang armadong lalaki ang sumalakay sa bahay ng ginang. Tangan daw ng mga armado ang dalawang walang malay na babae.

Naghihingpis ang loob niya. Gusto niyang magwala. Magmura at sumigaw hanggang mapaos. Umiyak hanggang sa maubos ang luha. Pero naisip niyang walang saysay iyon. Nasa panganib ang asawa at kailangan niyang kumilos agad para mailigtas ito mula sa kamay ng mga taong dumukot.

He gritted his teeth. Titiyakin niya na pagbabayarin ang sinumang may pakana ng lahat. Hindi siya makakapayag na mapahamak ang asawa sa ikalawang pagkakataon. Over his dead body. Mamamatay muna siya.

He immediately contacted all his connections. Si Brent ay kumikilos na rin. Nakausap niya ang kapatid sa cellphone habang nasa byahe. Umiiyak ito. Tulad niya ay labis na nag aalala para sa kaligtasan ni Veronica.

Tinapos niya ang tawag. Nais man na makausap ang anak, minabuti niya na wag na lamang. Ibabalik niya si Veronica. Ibabalik niya ang asawa. Mabubuo muli sila. Siya, si Veronica at si Georgina. Ang kanilang pamilya.

If he could only put himself on his wife's situation. Walang pag alinlangan na ipagpapalit niya ang sarili matiyak lang ang kaligtasan ng asawa.

GOD! I know I've been so cruel to my wife. Please, with all my heart I'm begging you to return her to us. I promise to make things right this time. I promise protect her with my powers. Just... just give me this chance to let her know how much I love her. How much I love them. If you given me a chance, ilalayo ko sila rito. Ilalayo ko sila sa mapait na karanasan. Sa buhay na hindi nila dapat na matamo.

"TITA, can I call, daddy?" Pinunasan ni Mandy ang luhang pisngi bago binalingan ang maanong mukha ng pamangkin.

Wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari. Naaawa siya para kay Georgina. Ang bata pa nito para malaman ang nangyari sa ina. Kaya minabuti niya na sarilinin na lamang iyon. Yakap-yakap nito ang teddy bear na laging dala-dala.

She took a deep breath and step towards her. Wala itong kangiti-ngiti na parang nagtataka. Ngumiti siya para dito. Hinawakan niya nang kamay ni Georgina at iginiya sa sofa. Wala si Brent sa bahay. Kaagad umalis ang asawa matapos makatanggap ng tawag mula sa kapatid. Marahil sa ngayon ay abala na ang mga ito sa paghuli sa kung sinuamang may pakana ng pagkawala ng kaibigan.

Hindi niya alam ang eksaktong mararamdaman. Pinaghalo iyong tuwa, takot, pangamba at pag asang mabawi ng kapatid ang asawa ng ligtas.

Naluluha na naman siya sa isiping may posibilidad na mapahamak ang isa sa mga mahal niya sa buhay. Minsan naisip niya na tanungin ang panginoon kung bakit iyon nangyari sa kapatid. O sadyang may mga tao lang talaga na makasarili. Walang iniisip kundi ang pansariling kasiyahan at motibo. Kung pera ang habol ng ito, tiyak niya na walang pag alinlangan na ibibigay niyon ng kapatid.

With her two eyes. She witnessed how miserable her brother was since they thought Veronica is no longer alive. Sa kaibituran ng puso niya, somehow may malaking pag asa roon na nagsasabing buhay pa rin ang kaibigan. She knew it. At ganoon din Ivan. Hindi nawalan ng pag asa ang kapatid na balang araw, babalik si Veronica. Ang kaibigan niya at nag iisang best friend. Her soul sister.

"Tita, why are you crying? May masakit po ba sa inyo?"

Noon lang niya napansin ang tumutulong luha. She wiped it immediately. Ang luhang pilit na itinago sa pamangkin ay kusang bumagsak dahil sa matinding emosyon na nadarama.

"No, sweety. Tita's fine. Medyo masakit lang ang ulo ko. Anyway, ang sabi ng daddy mo. Miss na miss na raw niya ang unica hija niya but since he has meeting to attend today, we cannot be able to call him. Maybe later, when he is not busy?"

Ngumuso ito. Ngumiti siya. Para itong si Veronica. Georgina is her best friend's mini mini. Oh, how she love her niece! Niyakap niya ito.

"He said, I love you. Did you love your, daddy too?"

Naramdaman niya ang pagtango ni Georgina.

"I love my daddy, so much. But why he is always busy, tita? I want to be a big girl na so I can help daddy."

"He loves you so much, too, sweety. He is busy because he needs to work for the company. And that company is yours, too."

"But I don't want that company. I want my daddy, tita."

Kinalas niya ang pamangkin. Inayos niya ang buhok nito at binuhat paupo sa sofa. Kung pwede lamang niya ipaliwanag ang lahat. Kung maintindihan lang sana nito ang mga nangyayari. Kaso hindi. Ang dapat niyang gawin ay protektahan ang pamangkin laban sa masasamang tao.

"When you grow up and become a big girl na. You'll understand. For now, just enjoy yourself playing your dolls and colored you coloring books. Because that's what a baby girl like you did."

Nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha ni Georgina. Nakahinga siya ng maluwag.

"Come, tita. I want to show you my latest drawing." Lumundag ang pamangkin. Hinila siya papunta sa sariling silid nito sa loob ng pamamahay. Gaya ng mga anak. May sarili ring kwarto si Georgina. Ganun niya ito kamahal.

Mabilis itong umakyat sa kama. Naroon ang mga colored books nito. Kinuha ni Georgina ang isang bond paper. Bumaba ito at ipinakita sa kanya. Pumiyok siya ng makita ang drawing. Isang masayang pamilya.

"I wish my drawing was real, i miss mommy too."

Tahimik na niyakap niya ang pamangkin. Parang pinipiga ang puso niya.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 321 6
(malakai mitchell x femoc) Over the summer, Eden began hooking up with a guy, never expecting to see him again. However when returning to school, she...
845K 62.3K 28
Book 1 in BURNING BETRAYALS What occurs when the four Rajvansh siblings are compelled by their father and stepmother to marry? With their own troub...
66.1K 1.5K 6
Tomura Shigaraki is a student at U.A, it's gone without being said that he'll become a villian, no doubt about it. But then Dabi came along.
5.1K 93 65
Hi and welcome to the TF2 one-Shot Series, here you will find One-Shots of TF2 Ships and TF2 related content Ships include BushMedicine (Sniper x Me...