MOMENTUM (Book I of Momentum...

By prynnrose

78.4K 1.7K 186

Selene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seek vengeance about her mother... More

Chapter 1: Attempted
Chapter 2: Danger Zone
Chapter 3: Case Closed
Chapter 4: The Annoying Newbie
Chapter 5: A Mysterious Shadow and The Detectives
Chapter 6: Logics and Prizes
Chapter 7: A Drug Case (Meeting Florence Albert and the Identical Twins)
Chapter 8: Missing Files
Chapter 9: Halloween Party
Chapter 10: Unknown Number
Chapter 11: Captivated
Chapter 12: Quarantine
Chapter 13: Quarantine 2
Chapter 14: Idiosyncratic Welcome
Chapter 15: Her Impenetrable Father
Chapter 16: Who's the Culprit?
Chapter 17: Classified
Chapter 18: A Puzzle Piece
Chapter 19: The Visitors
Chapter 20: Home
Special Chapter: His Not So Good Adventures
Chapter 21: His Twin and a Commotions
Chapter 22: Threatened
Chapter 23: Creepy House
Chapter 24: Her Old House and Memories
Chapter 25: Kris Johnson
Chapter 26: The Exchange Student
Chapter 28: Gettin' Involve
Chapter 29: Who Will Be My Date?
Chapter 30: Identity
Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance
Chapter 32: Behind the Camera
Chapter 33: Lost Memories and the House
Chapter 34: A Glimpse of Voldemort
Chapter 35: Kidnapped
Chapter 36: Chasing the Game
Chapter 37: Big Shots
Chapter 38: Confusions
Chapter 39: The Man Behind and The Bullet
Chapter 40: Getting Normal
Chapter 41: Seeking Answers
Chapter 42: Reality Slaps
Chapter 43: Hidden Memory
Chapter 44: Closer
Chapter 45: Into the Beginning

Chapter 27: Calculated

1K 23 2
By prynnrose

***

Chapter 27: Calculated

"If you can't get someone out of your head, maybe they are supposed to be there."
                        – Unknown

Siguro nga tama si Min na kailangang malaman na nila kung sino kami, pero natatakot ako sa maaaring epekto ng lahat. 

Bumungad sa amin ang naiiyak na mukha nina Grace at Shanua. Habang ang ibang classmates namin ay nag-iikot sa buong room na para bang may hinahanap.

Nahagip pa ng aking tingin na hinalukaykay ni Baek ang garbage bin gamit ang isang sticks. Aish! Habang si Louie nama'y nasa mini library ng room namin. At sina Gyeong at Shin na isa-isang binubuksan ang mga bag. Wala ata sila Tan at Duri?

Naramdaman kong lumapit si Min kay Grace. 

"Anong nangyari?"

"Nawawala kasi ang phone ko." wika nito. 

"Kailan lang?"

"Kanina lang. Habang nagkakagulo kanina hinahanap ko na ang phone ko pero wala pa rin."

Lumapit ako kay Grace.

"Bakit may sumigaw kanina?"

"Kasi may nakita akong p-patay na d-daga sa bag ko."

Bigla kaming nagkatinginan ni Min. Is there someone trying to threaten her? 

"Sino ba ang maaari mong suspect sa gumawa nito sayo?" wika ni Min.

Biglang itinuro ni Grace si Sassy na tila alam na ang sasabihin nito.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wala akong alam sa nangyayari sa'yo ngayon?!" reklamo ni Sassy.

Pinagmasdan ko si Grace.

"Pwede bang makita ang bag mo?" sambit ko rito.

Itinuro niya ang kulay grey na bag na malapit sa kinauupuan ni Sassy. That's why she pointed Sassy as the primary suspect since magkatabi lang sila.

Lumapit ako sa bag at agad itong binuksan. Bigla akong napatakip sa ilong. Nandito pa rin ang patay na daga. Mas lumapit pa ako sa patay na daga. May tusok ito sa tiyan.

Inikot ko ang tingin sa paligid. Tatlo silang malapit sa kinauupuan ni Grace. Si Shanua, Sassy at Cael.   

Hinanap ko si Shanua at nahagip kong nakaupo lang ito sa upuan niya. Mismong sa likod ng arm chair ni Grace. Habang si Cael nama'y nasa may mini library rin namin na tinutulungan si Louie sa paghahanap. Habang si Sassy ay hindi matigil sa pagtitig ng masama kay Grace. 

Tumingin ako sa direksiyon ni Matthew ba papunta sa cr at kay Gyeong na pabalik-balik ang pagbukas sarado sa mga bag.

"Sa tingin mo ilang minuto na ang nakaraan na napansin mong wala ang phone mo?" muli akong napatingin kay Min habang sinasabi niya yun kay Grace. 

"Nung lumabas na si Selene pagkatapos dumating yung lalaki." wika nito.

So it was almost 15minutes. Lumapit ako kay Sassy.

"Sassy."

"Selene."

"Anong ginawa mo before kayo nag-away ni Gyeong?" bungad ko rito.

Biglang umayos ng pagkakaupo ang babae.

"Staring on you." wika nito sabay yuko ng ulo. Really? Seryoso siya? 

"Maliban doon?"

Muli itong tumingin sa akin. 

"Nakaaway ko saglit si Grace dahil ayaw niyang pahiramin si Shanua ng phone niya. Nakiusap kasi si Shanua na may gusto lang siya na apps na ipapasa sana sa kanya pero ayaw ni Grace kaya napagsabihan ko siya. Bago pa yun na may pumasok na lalaki." salaysay nito.

Hmmm.

"Hindi ba nakahiram si Shanua?"

"Hindi eh kasi bigla ng dumating yung lalaki."

"Ganon ba." seryoso kong wika.

"Ah, matanong lang Selene para ata kayong nag-iimbestiga?"

Tinitigan ko ng maigi si Sassy at nginitian.

"You will know after this."

Nagpaalam na ako kay Sassy at lumapit naman kay Cael na kasalukuyang ibinabalik ang mga libro. 

"Cael, pwede ba kitang makausap?" bungad ko sa lalaki.

Bigla itong lumingon sa akin.

"Yes Selene?" nakangiti nitong wika. 

"Anong ginawa mo bago may mangyari sa phone at sa bag ni Grace?"

Napakunot noo ito at nakatingin ng nagtataka sa akin. But due of his confused mind sumagot na lamang ito.

"Nakamasid lang ako sa pakikipagpalitan nila ng salita." wika nito sabay turo kay Sassy at Grace. 

"Ano ang mga narinig mo?" interesado kong wika rito.

"Sinabi ni Sassy na kapag hindi mo pahihiramin si Shanua ay ipapahiya siya nito. Alam mo namang dakilang bully si Sassy." wika nito.

"Si Shanua? Anong naging reaksiyon niya?"

Tumingin ito sa direksiyon ni Shanua na nakaupo sa tabi ni Sassy.

"Pilit niyang ipinatitigil ang dalawa pero biglang may dumating na lalaki. Boyfriend mo yun?"

Bigla naman akong namula sa tinuran niya. 

"A friend." tipid kong wika at umalis na sa harapan niya.

Maya-maya'y naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napalingon ako rito. Si Louie.  

Minsan naisip ko na maaaring siya si Detective Andrei nung napansin ko ang performance niya sa creepy house ni Mrs. Won but they are really different in terms of attitude. That annoying Duri. 

Nasaan ba kasi sila? Sila lang ata ang wala rito?

"Alam ko namang ikaw si Detective Sandra diba?" diretsa nitong sambit.

Wait! Kilala na niya ako? Paano?

"Ano ba yang pinagsasabi mo?"

Ngumiti ito.

"Minsan lang ako makakita ng totoong
Detective. Napansin ko yun nang may namatay sa ABM section A nung Halloween party, at nakita ko kayong dalawa ni Min na pumasok sa kabilang room at nung lumabas na kayo ay nag-iba na ang mga suot at mukha niyo. 2nd year high school tayo nang una kong nakita si Detective Sandra at Detective Mark which is si Min, una palang may hinala na ako na kayo yun lalo't sinusundan ko kayong dalawa ng hindi niyo nalalaman. At napatunayan ko yun nang nakita ko nga kayo sa ABM-A. And it was also the right time to speak what I had discovered, I guess." wika nito.

I sigh. Since then pala alam na niya. 

"Bakit hindi mo agad sinabi?" naiinis kong wika.

"I am really sorry Selene, nahiya lang ako sa'yo nun lalo't naging idol na kita kahit hindi ko pa nalamang detective ka." usad nito.

Alam ko na ang patutunguhan nito eh.

"Ah, pupunta lang ako kina Min."
wika ko at umalis na.

It seems that he likes me. Sobrang straight to the point na ba ako? Ano pa nga ba? Yun lang ang naiisip ko.

Sayang nga lang at huli na siya. I was first year and him nang nagustuhan ko siya.

Ganon ba yun kapag nawawala na ang feelings mo sa isang tao ay siya namang pagkagusto nila sa'yo? Bakit ang unfair ata ng mundo? Tsktsk.

"Anong nakalap mo?" bungad ko kay Min.

Hinawakan niya ako sa balikat sabay lakad palayo kina Grace.  

"Anong sinabi sa'yo ni Louie?"

I sigh. Nakatingin pala siya sa amin kanina.

"Kilala na niya tayo since 2nd year." wika ko. 

Nagkasalubong ang dalawang kilay nito. 

"Ganon ba? Alam na niya pala." walang emosyon nitong wika.

Hindi man lang siya mabibigla?

"Hindi ka man lang ba mabibig–

"Bakit naman ako mabibigla? It was not a secret then, Boo. I just want to discover something."

"Kamusta ang pagtatanong mo?" pag-iiba nito ng usapan. I sigh.

"Nakaaway ni Sassy si Grace kasi hindi raw pinahiram ng phone si Shanua. While Cael was just watching them. At kung sa position ng kinauupuan nila, mas malapit si Shanua at Sassy while Cael ay nasa likod naman." wika ko.

Tumango ito.

"Nakita na namin ang phone!"

Napatingin kami kay Sunny na iwinagayway ang sinasabing phone ni Grace.

"Saan mo nakita?" turan ni Min.

Itinuro niya si Shin.

"Sa bag niya."

Kay Shin? Paano?

Hindi naman magnanakaw si Shin. Hindi kaya–

Napatingin ako kay Min na seryosong nakatingin kay Shin.

"Wala akong alam diyan Grace. Kilala mo ako. Oo, maldita ako pero hindi ako magnanakaw." seryosong wika ni Shin.

"Yeah. Naniniwala ako sa kanya." singit ni Louie na nasa tabi na pala ni Shin maging si Gyeong.

"Nagawa mo nga dati na nakawin ang answer key, hindi ba?" nakangiting usad naman ng isa naming classmate.

At sinasabi ko na nga ba, at ibabalik nila yong nangyari eh.

Sasagot na sana ako nang nagsalita si Duri.

"That was just the result of fear and depression. It has nothing to do with this case."

"At isa pa, I know her better than yours though I am a transferee here." segunda naman ni Matthew na nasa tabi ko.

Bigla itong tumingin sa akin at ngumiti. Tsk. Kahit kailan talaga. 

"Pero bakit nasa bag niya ang phone ko?" malumanay na sambit ni Grace.

Lumapit si Min kay Grace.

"It is because it was all planned." turan niya.

Everyone gasps. Kaya nakuha na ngayon ni Min ang atensiyon ng lahat.

"W-What do you mean it was all planned?" nagtatakang turan ni Shanua na tila may naisip sa naging tanong nito.

Tumingin si Min sa aking direksiyon. Gusto niya bang ako ang mag-umpisa?

I sigh.

"Sinabi sa akin ni Shanua na ayaw mong pahiramin ng phone si Shanua kahit na may gusto lang itong ipapasa na apps, pinagsabihan ka ni Sassy na pahiramin si Shanua pero hindi mo pa rin ginawa kaya nama'y nagalit sayo si Sassy at napagsabihan kang kapag ayaw mong pahiramin si Shanua ay ipapahiya ka na narinig ni Cael." wika ko.

Napataas ng kilay si Min habang ang ibang mga classmates namin ay halos nakatingin na sa akin. Aish! Another apple of the eye.

"May sasabihin ka pa alam ko." usad ni Min.

Tinignan ko si Cael.

"Iniba mo ang sinabi mo dahil hindi ka lang nakamasid kundi alam mong sino ang kumuha ng phone ni Grace." wika ko.

Bigla namang may gumuhit na takot at pagkabigla sa mukha niya.

"Paano mo naman nasabi, eh hindi ko na sila pinansin pa simula nung may pumasok na lalaki rito." turan niya.

"Nung papasok ako sa room napansin kitang nakatingin kay Shanua kahit nagkakagulo na sila Gyeong at Sassy. Bakit nga ba? Dahil alam mong may gagawin siya."

Tumingin ako kay Min.

"Sassy was too angry on Grace at nadagdagan pa yun kay Selene kaya nama'y iniwan ka na lang niya at pinili na makipag-away kay Gyeong. Habang naghahanap si Matt sa garbage bin ay may nakita siya na maliit na tuldok which is kulay red sa isang papel. Ipinakita niya ito sa akin, and I found out that it was a blood stain from a dead rat. Ngayon, sa phone naman. Shanua was about to get the phone na nakita ni Cael, but that's when Yuan the annoying guy na pumasok rito at sinabing siya raw ang magiging partner ni Selene sa Christmas Ball–

Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya yun. Ano bang problema nito?

– had destroyed Shanua's plan kaya hindi niya na ito nagawa. Ang blood stain na nasa papel na mismong galing sa brand na Titus which is ikaw lang ang meron, Cael." puna nito sabay turo kay Cael .

Napansin kong nagsibulungan na sila.

"Paano nila nasasabi yan?"

"Baka naman dahil sa katalinuhan lang nila yan."

"Hindi kaya Detective sila? You know gaya ng mga nababasa natin sa libro at napapanood sa TV."

"Detective? Nakakatawa naman ata yan."

Napairap na lang ako. Sabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari eh.

Itinuro ni Cael ang sarili.

"Sinasabi mo bang ako ang gumawa non lahat kay Grace?" naiirita nitong turan.

Ngumiti si Min. Ginagawa niya ito kapag nagugustuhan na niya ang pagbibigay ng deduction.

"I am not yet done. Hindi mo napansin na nabunot kanina ni Sassy ang notebook mo kaya natapon ang kapiraso nito, hindi ba Sassy?" puna niya sabay tingin kay Sassy.

"P-Paano mo nalaman?"

"Kanina pa ako nakasamid sa inyo before dumating si Yuan. Then, sa situation ni Shin, someone put the phone on her bag."

Tumingin sa akin si Min.

"Base sa nakita ko kung ano ang naging posisyon ng pagkakalagay ng phone ni Grace sa bag ni Shin sa tulong ni Sunny, sobrang lalim nito. It means, plinanong ilagay sa bag ni Shin dahil kung nagmamadali lang ang naglagay non, dapat nasa ibabaw lang nailagay." wika ko sabay tingin sa direksiyon ni Louie na nakatingin sa akin ng nakangiti.

Bigla akong namula at agad na iniwas ang tingin rito.

Bakit ba ginagawa niya ito? Hindi ako yung tipong sobrang manhid na kaya nararamdaman kong may gusto talaga siya sa akin.

Tsk. Ayoko na lang isipin at hindi ko na lang iisipin.

"Sino ba talaga ang puno't dulo ng lahat?" napatingin ako kay Grace na nagtatuntrums na.

Sabay kaming nagkatinginan ni Min. Tumango ito sa akin kaya napatango rin ako. Tumingin kaming muli kay Grace.

"It was you, Grace." sabay naming wika.

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkabigla even Grace.

"Ano ba ang ibig sabihin nila?"

"Hindi ako makapaniwalang si Grace lang ang may pasimuno."

"A-Ano ba yang pinagsasabi niyo?" utal-utal na wika ni Grace.

"Simple, bakit nung sinabi ni Sunny na nakita ang phone mo sa bag ni Shin ay parang hindi ka agad nagalit? Kapag nalaman mong nakita ang gamit mo sa ibang tao diba magagalit ka? At isa pa, nung nakita mo ang kapiraso ng papel sa Titus notebook ni Cael, kinuha mo agad yun dahil nagdala ka ng patay na daga kung saan ngayon ko lang naalala na may science investigation pala ang STEM kung saan may kapatid ka doon. Inilagay mo ang daga sa bag mo sabay tapon naman nung papel sa garbage bin." wika ni Min.

"Ang plano mo lang talaga ay i-trap si Shin sa isang kasalanan na siya ang nagnakaw ng phone mo, pero dahil naalala mong may daga ka pala at dahil kapag nahanap sa bag niya ang phone it means maiisip ng lahat na siya rin ang naglagay ng daga sa bag mo." turan ko.

Hindi nakasagot si Grace at nanatili lang itong tahimik.

"Anong klaseng tao ba kayo?" napalingon ako kay Cael.

Sasagot na sana si Min nang sumingit si Louie.

"They are Detectives."

Bakas sa mga mukha ng lahat ang pagkabigla. I even heard them whispering na naririnig ko naman at ng iba.

"Talaga? Detective sila?"

"Hindi naman ako naniniwala. At isa pa isang hamak lang sila na estudyante parehas natin."

"Wow. Cool, mas lalo ko tuloy nagugustuhan si Min."

"Pa-fame."

Napakunot noo ako. Kaya ayaw kong may makaalam ng sikreto namin. Pinagmasdan ko si Min na seryosong nakatingin sa phone. Gusto niya ba talaga ng atensiyon? Tsk.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Gyeong.

"Paano na yan, alam na ng lahat? At posibleng malaman pa ng buong campus." nag-aalala nitong wika.

"Wala akong magagawa Gyeong. It just happened." turan ko sabay lakad nang mahagip kong lumapit sa akin sina Shin, Matthew at Louie.

"Sabi na nga ba eh, may kakaiba talaga sa'yo at kay kambal." wika ni Matthew sabay akbay sa akin. Bakit parang, may ibang meaning pa yong pagkakasabi niya? Tsk.

"Pwede na ba kitang tawagin na Ms. Sherlock Holmes?" puna nito.

Agad ko naman siyang sinuntok sa braso nito kaya napabitiw siya sa pagkaakbay sa akin.

"I am not as excellent as Sherlock Holmes. Isa lang akong hamak na simpleng nilalang, okay?" seryoso kong wika.

"Simpleng nilalang lang din naman siya ah?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Lalayo na naman kami sa usapan nang dahil sa mga ideas niya.

"Wew Selene, hindi talaga ako makapaniwala na detective pala kayo ni Min. Kaya pala nung sa garden na nahuli niyo kami ni Louie about sa phone at memory ni Duri ay parang umiba yung mga pustura ninyo." namamanghang usad naman ni Shin.

"Yeah. I agreed about that." segunda naman ni Louie.

Napangiti na lang ako, kahit papano nama'y may part sa akin ang masaya dahil hindi na namin kailangan pang magbihis just to hide our true identities.

"Labas lang ako." suhestiyon ko kaya hini ko na narinig pa na umangal sila.

But I was about to go out nang biglang pumasok naman sila Duri at Tan.

They stopped.

"Saan kayo galing?" bungad ko.

"I was in the cafeteria. Bakit? Miss mo na ako?" mapang-asar na wika ni Duri.

Nginitian ko na lang siya ng pilit at inilipat ang tingin kay Tan.

"I was in the library. May hinanap ako eh. Hehehe." wika nito sabay akbay sa akin. 

"Malapit na ang Christmas ball. Pwede tayo na lang partner Selene?" puna niya.

Kinurot ko siya sa beywang kaya napabitiw ito sa akin.

"Makaalis na nga." turan ko sabay lakad palayo.

"Hey Selene!"

Bakit ata ang duration ng pagsabi ni Mrs. Willmae kanina at ang pagkawala nila ay halos magkasabay lang? Hindi kaya isa sa kanila si Kris Johnson?

I shrugged. All things are quiet possible.

"Selene!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Yuan?"

Tumakbo ito palapit sa akin.

"Saan ka pupunta?"

Wait, tama! Muntik ko ng nalimutan. Itinuro ko siya.

"Sino si Kris Johnson? Pati si RG?"

Nagkasalubong naman ang dalawang kilay nito.

"Bakit ba ang atat-atat mo na malaman kung sino si Kris at RG?"

"Bakit ba ayaw mo na lang sabihin sa akin? May itinatago ka ba?" balik kong tanong rito.

Tumawa naman ito.

"Bakit ba ang kulit mo? Ikaw na talaga ang Detective." usad nito sabay pitik sa noo ko sana nang biglang–

"Babo."

Bakit ba ang hilig ng mga tao na tawagin ako? Aish!

"B-Bakit?" utal-utal kong wika.

Baka kasi may sasabihin na naman siyang mga matatalinhagang salita.

"Pakisabi na lang kina Sir Lee na wala ako mamayang hapon kasi pinatawag ako ni papa sa bahay." usad nito at naglakad na. Bakit kaya?

"Okay." wika ko. 

 

"Hey Selene, ganon ba siya palagi? Parang walang gana sa buhay? O napakaprofessional niya lang na gumalaw?"

Tinignan ko si Yuan. 

"I don't know. Siguro nga ganyan talaga siya. But don't think too much over him, he is that kind of person that is very hard to predict." usad ko at naglakad na rin palayo. I just want some peace of mind.

Teka nga lang, makasabay na nga kay Min.    

Tumakbo ako pababa ng first floor until I saw Min na halos hawak na ang doorknob ng pinto rito. 

"Min!" sigaw ko.

Lumingon naman ito sa akin habang dala-dala ang nagtatakang emosyon. Tumakbo ako palapit sa kanya.    

"Sama ako." wika ko sabay ngiti. Napakunot noo ito. 

"Are you out of your mind?" sabi nito. Mas lumaki ang lapad ng aking ngiti.

"Hindi pa naman. Gusto ko lang sumama, matagal na rin akong hindi nakapunta sa bahay niyo." wika ko sabay akay sa kanya.

"Tsk."

***

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
6.5M 274K 88
Nang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga magulang, napilitan siyang pumasok sa isang delikadong paaralan. Sa paaralan na kung saan na puro nangangara...
668K 34.2K 78
When everyone thought that they figured out all the puzzling mysteries that surround them and that everything has its own scientific explanation, Col...
172K 13.1K 15
Everyone is witness to the death of Damon Dominic, except for that one person who might have murdered him. After a "person of interest" is identified...