PHANTASIA DOMINUM: Rise Of Th...

By _jammi

9K 530 60

This is Fantasy World Online's Second Book. FWO has ended. A new World Arise. Samahan uli natin sina Ashe, K... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
[P.D] CHAPTER 1: THE BEGINNING
[P.D] CHAPTER 2: WISH'S EMBARRASSING MOMENT
[P.D] CHAPTER 3: NEW GAME?
[P.D] CHAPTER 4: ASHE'S ASTONISHMENT
[P.D] CHAPTER 5: KIRO MEETS WARD CALEB WALLHAVEN
[P.D] CHAPTER 6: ASHE & WARD'S CONVERSATION
[P.D] CHAPTER 8: THREE WORDS, EIGHT LETTERS
[P.D] CHAPTER 9: THE PROJECT'S COMPLETION
[P.D] CHAPTER 10: THE BREAKING NEWS
[P.D] CHAPTER 11: THE QUALIFIERS
[P.D] CHAPTER 12: MYSTERIOUS GIFT
[P.D] CHAPTER 13: KIDNAPPED
[P.D] CHAPTER 14: OVERPOWERED?
[P.D] CHAPTER 15: ADVICE
[P.D] CHAPTER 16: 'UNKNOWN'
[P.D] CHAPTER 17: INESCAPABLE TOWN
[P.D] CHAPTER 18: THE ISLAND'S HISTORY & THE KEY
[P.D] CHAPTER 19: JOINT FORCES

[P.D] CHAPTER 7: GOOD NEWS

336 22 1
By _jammi

K  I  R  O

Nakatambay ako ngayon sa isang mini mart pagka-alis ko galing sa cafe. Hindi muna ako diretsong umuwi dahil medyo maaga pa naman. Maya-maya, natanaw ko si Khalia sa di kalayuan.

"Oh hi! Nandito ka rin pala." bati niya sa'kin at nginitian ko siya. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko.

"Kamusta na 'yung report mo?" tanong ko sa kanya.

"Ayos na ayos. Naka-usap ko na din yung CEO." nakangiti niyang sabi.

"Buti naman." nakangiting sabi ko sa kanya.

Gusto ko siyang tanungin about dun sa ARMMORPG kaya lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Napatingin siya sa'kin at tinaas niya ang dalawa niyang kilay. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, hindi ko lang napapansin.

"Ah, alam ko na 'yang nasa utak mo." sabi niya. "Gusto mong malaman ang tungkol sa Phantasia Dominum no?" tanong niya.

"O-oo! S-sana?" bigla kong sagot.

"Hahaha! Sabagay, para sa mga gamers kasi, nakakamiss din maglaro ng VR kasi nga ilang taon naring na-banned. Pero iba 'to tol. Isang ARMMORPG." sabi niya.

"Gamer ka rin ba?" tanong ko sa kanya.

"Nah, hindi masyado. Di ko naman kasi hobby at madali akong ma-bored." sagot niya.

Kaya pala hindi niya alam ang tungkol sa FWO. Ni hindi niya man lang kasi nabanggit sa'kin ang tungkol dun. Hindi man lang din kasi siya nagtanong.

"Wala pa akong masyadong alam dun kaya sasabihin ko nalang sa'yo kung ano 'yung mga nalalaman ko." sabi niya at tinanguan ko siya.

"Ang Wallhaven Inc., which is 'yung company na pinuntahan natin kanina ay maglulunsad ng panibagong laro. Ito ay nagngangalang Phantasia Dominum. Hindi na ito isang VR kundi isa na itong AR. Hindi ka na naka-stay sa iisang posisyon lang habang suot ang gagamiting game device dito. Ang device na gagamitin ay light lang. Hindi sagabal at hindi mabigat. Dito sa AR na 'to, maigagalaw mo ang katawan mo ng malaya." sabi niya. "ARMMORPG means 'Augmented Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game. Haba no? Nakakabulol." natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Anong ibig sabihin ng augmented?" tanong ko sa kanya.

"Ano, meaning mas pina-enhance, mas lalong pina-intensify. Mas lalong pinaganda 'yung mga makikita mo sa kapiligiran mo." paliwanag niya.

Wow, exciting naman pala talaga 'to! Hindi na ako makapag-hintay na masubukan 'to.

"Anong klase ng device ang gagamitin?" tanong ko.

"Ginagamitan ito ng Oculus Rift na tinawag nilang Augere Videre which means Augmented Vision in english. Bale dalawang device ang gagamitin mo. 'Yung isa ay parang headphones na may antenna. 'Yung antenna ay for receiving data, at magiging transparent ito once na suot mo na ito. Kaya parang wala lang din." sabi niya. "'Yung isa naman ay maihahalintulad mo sa contact lenses. 'Yun naman ay para sa vision." dagdag niya.

Alam niyo yung speechless ako? Grabe ang tagal bago magkaroon uli ng isa nanamang kamangha-manghang laro katulad nito. Hindi na talaga ako makapaghintay!

"Alright, 'yan lang ang masasabi ko. 'Yan lang kasi ang alam ko." sabi niya.

"Sobrang rami na ng information na 'yan Khalia. Maraming salamat." sabi ko sa kanya.

"Sige." sabi niya at napatingin siya sa akin. "Ay nga pala, kailangan ko na palang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako." sabi niya at dali-dali siyang tumayo pero pinigilan ko siya dahil may gusto pa akong itanong.

"May date na ba kung kailan ito ire-release?" tanong ko sa kanya.

"Ah about diyan, ang sabi lang naman nila ay soon, so wala pang date. Sige pala mauna na ako ah, bye!" nagmamadaling sabi niya.

"Bye Khalia! Salamat!" sabi ko sa kanya at agad kong minessage ang buong tropa.


[To: Silver, Zeth, Clyde, Mist, Ashe]

[Message Content: Guys, may mahalaga akong sasabihin sa inyo. Magkita-kita tayo sa Sunday. Siguradong ikatutuwa ninyo ito.]

Message sent



A  S  H  E

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Iidlip sana ako pero hindi ako mapakali. Hindi rin ako makatulog. Hindi kasi maalis sa isipan ko si Kuya Ashther.

Eto nanaman, ang mga katanungan na gusto kong mahanap ang kasagutan. Napakamisteryoso nung si Mr. Wallhaven na 'yun. Ang mga salitang sinabi niya, napu-puzzle ako.

Sa sunday, magkikita-kita uli kaming magt-tropa. May mahalagang sasabihin daw samin si Kiro. Sabi niya, matutuwa daw kami sa sasabihin niya.

Excited na akong malaman 'yun.



WARD CALEB WALLHAVEN

"You're late." sabi niya. Napatingin agad ako sa taas pagkasara ko ng pinto.

Kakauwi ko lang ng bahay. Nakipaghang-out lang muna sandali sa mga kaibigan. Dahil nawili ako sa kasiyahan, hindi ko napansin na twelve midnight na pala.

"What time did you arrive?" tanong ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"How many times do I have to tell you? Stop playing around. I told you to focus on our job. Nakalimutan mo na ba--" sabi niya.

"No. Hindi ko nakakalimutan." sagot ko sa kanya.

"Good. Buti naman at nagkakaintindihan tayo." sabi niya at iniwan na niya ako dito.

"Oh by the way, go to his office immediately. May importante siyang sasabihin sa'yo." pahabol na sabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Agad na akong nagmadali para makarating agad sa office niya. Hindi pa man ako nakakarating, may sumalubong na agad na babae sakin.

Umakyat nanaman ang dugo ko. Tch. Siya nanaman.

"Hey you. Hindi pa kita pinapatawad sa ginawa mo, Eri." sabi ko sa kanya.

"I don't need your forgiveness. Wala naman akong matandaan na nag-sorry ako sayo." seryoso niyang sabi. Nagsalubong agad ang kilay ko.

Lagi akong napapatikom ng babaeng 'to, kainis! Kung hindi ka lang---argh!

"Bakit niya pala ako pinapatawag?" tanong ko sa kanya.

"Mas magandang ikaw na mismo ang maka-alam." sagot niya sakin.

"Mukhang may alam ka ah. Sabihin mo na kasi!" sigaw ko sa kanya.

"Sinisigawan mo na ako? Baka gusto mong..." sabi niya sa'kin at pinanliitan niya ako ng mata.

"Okay, okay. Sorry." sabi ko agad.

Geez! I hate my life.

"Where's Calix? Diba lagi kayong magkasama nun?" nakanguso kong tanong sa kanya.

"Nasa lab." maikli niyang sagot.

"Bakit hindi kaya pumunta ka na rin doon nang magkalaman din 'yang utak mo." bulong ko sa sarili ko.

"Try to talk again or else I'll shut your world down." cold niyang sabi. Again, napatahimik nanaman ako. Takot ko nalang no. Ayoko pang mamatay.

Die woman. Die!


*****


Nakarating na kami dito sa office niya. Pinagbuksan ako ng pinto nitong babaeng 'to.

"Sir." bati ko at yumuko ako as courtesy.

"Long time no see, my grandson. Have a sit." sabi niya at sinunod ko agad siya.

"May importante daw po kayong sasabihin?" tanong ko sa kanya.

"Yes. I just wanted to tell you that we have a new recruit. I want you to meet her." sabi niya at napatingin ako sa pinto na nasa kanan nang magbukas ito.

Mula sa pinto na iyon, lumabas ang isang babae na maikli ang buhok at nakapang-ninja na suit? I guess? Mukhang ganun eh. Naka-all black siya. Maya-maya, napatingin ako kay Eri. Nakangisi ang loko.

Hm. Mukhang magkakilala na sila.

"Meet Yoru. Code name Izo. She's from Japan." sabi ni lolo.

"Uh... would you mind if I ask kung bakit nagrecruit pa po tayo? Ang dami na po nating tao, Sir. I think, we don't need a new one." sabi ko sa kanya.

"Your team is not enough. Three is not enough. Why don't we make it four? Tsaka we need more allies. Strong allies." sagot niya.

"Agreed." sagot naman ni Eri at nginitian siya ni lolo. So, this is for our job. This is for our plan.

W-wait--what?

"Then it is settled. Take Izo with you and go to the meeting room. Have some introductions." sabi ni lolo. Tumayo na ako at nag-bow uli as courtesy. Lumabas na kaming tatlo kasama si Izo. Paglabas namin, nakasalubong namin si Calix.

"Oh, hey guys! Who is she?" tanong niya sa amin.

"The name's Izo. New recruit in this team." sagot ni Izo mismo at nakipag-kamay kay Calix.

"Nice to meet you. I'm Calix." pakilala niya naman.

"Welcome to the team. Let's go." pangunguna ni Eri at sinunod na namin siya.


*****


"Kanina ko pa kayo hihintay." seryoso niyang bungad sa amin. Kararating lang namin at nagulat ako dahil nadatnan namin ang CEO sa loob. Tumayo ng maayos sina Eri, Calix at Izo at sabay-sabay kaming yumuko.

"Please introduce yourself, new recruit." sabi ng CEO kay Izo.

"I'm Yoru. Code name Izo." pakilala niya.

"Hello Izo. I'm Alpha Wallhaven, CEO of Wallhaven Inc." sabi niya.

The CEO is no other than, my mom. Yes. Alpha Wallhaven is my mother.

"Let's proceed with the details of our plan." sabi ng CEO at umupo na kami sa kanya-kanya naming mga upuan.



K  I  R  O


Linggo na ngayon. Kararating lang ni Silver at sa wakas, kumpleto na din ang lahat.

"Sorry guys, nalate ng gising." sabi niya.

"Ayos lang." sagot ko sa kanya.

"So, may mahalaga kang sasabihin Kiro diba? Ano 'yun?" tanong ni Clyde.

"Sabi mo na ikatutuwa namin 'yan. Ano? Excited na ako." sabi naman ni Zeth.

"Spill it." sabi ni Mist.

"Ano yun bro?" tanong ni Silver.

"What is it?" tanong naman ni Ashe.

Lahat sila may sinabi no? Haha!

"Ganito kasi 'yan." sabi ko at nagsimula nang magkwento.


Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
823K 44.2K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...
270K 20.5K 57
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

587K 38.3K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...