Leaving Him Scars

Af myxgm_

2.4K 72 19

"Don't make things more complicated than they are right now... just-go and leave." -Marcos Suarez Mere

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12

Kabanata 13

346 10 4
Af myxgm_


Kabanata 13

Napaupo na lamang ako sa buhanginan nang makaramdam ako ng pagod dahil sa haba ng aking nilakad. Pinananuod ko ang pag-uunahan ng alon papunta sa dalampasigan at ang mga taong nasa daga't nagkakasiyahan. Karamihan ay foreigners ang nandito sa mga oras na 'to. Malayo-layo na rin ako mula sa hotel building namin kaya makakapagliwali ako ng konti kasama ang aking sarili. Halos ayokong magpakita sa kanila... Ewan ko, pero ang laswa sa pakiramdam. Kahit ako lang naman talaga ang nakakaalam sa feelings ko pero hindi, e, ang awkward at nakakahiya... Paano ko naisip na gusto nga talaga ako ni Marcos? Bakit ako kumagat ng gano'n-gano'n na lang? Nakakahiya... Siguro tawang-tawa si Marcos at Kuya habang pinagmamasdan ako't kinikilig. Wala naman silang kasalanan, e. Culture na siguro nila 'yung pag-trippan ang mga babae at dapat ako 'yung nag-adjust para sa kanila dahil bagong salta lang ako dito sa Maynila. Baka gan'tong klase nga talaga ang games para sa kanila. At kung iisipin... Hindi naman gano'n karami ang nagawa ni Marcos sa akin, e. Ako lang talaga 'tong assumera. I really feel bad for myself 'ayt now. Halos gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

Matapos ang iilang sandali ay napagdesisyonan ko rin'g tumayo para bumalik sa hotel suite. I don't have the right to act disappointed and mad at all. May kasalanan din naman si Marcos, but who am I kidding? Unang-una pa lang talaga ako 'tong isip nang isip ng mga bagay-bagay dahil sa maliliit na gesture nya. Kasalanan ko naman talaga at bakit sa kanya ko pa napiling i-divert ang atensyon ko mula kay Kim... All I have to do right now is to shrug this all off. Act normal and as much as possible, don't assume. Paano ako makakasurvive dito sa Maynila kung kay Marcos pa lang tiklop na ako? Frexie, kaya mo pa. Malakas ka at matalino... You can do this.

I was about to enter the hotel's building when I encountered Marcos along the entrance of the building. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, pero nakaya kong ngitian sya like nothing happened. Well, wala naman talagang nangyari sa'min. Ako lang 'tong may problema.

"Saan ka pumunta?" he said in his serious tone. Even his eyes and expression are really serious. What's wrong, Marcos? Why did you have to make me feel so uneasy just by staring at my eyes? This is hopeless.

"May binili lang. Ikaw? Saan ka pupunta?" I casually replied. I'm always been good at acting. I won't be named as the Best Roleplayer of the School's Roleplay for nothing.

"I was about to find you," sagot nya at marahan'g ginulo ang kanyang buhok. I swear to heavens... He should haven't done that... Not now, not here, not in front of me! Damn you, Marcos Suarez!

"Why would you?" I said and laughed a li'l bit. Trying to act normal when in fact, I'm almost near on peeing on my fucking pants just by staring at his brown dazzling eyes. His freaking scent isn't helping at all! I am going nuts! Crush na crush na crush ko na talaga 'tong mukong na 'to!

"What do you mean? You acted so strange there—"

"It was nothing. At h'wag ka nga inglis nang inglis! Nahahawa na ako sa inyo!" and I laughed out. Sobrang galing ko talagang umarte! Grabe! I saw how a small pout formed on his lips while staring at me. He's really playing the game, and he just aced it.

"Nasan sina Ate?" tanong ko. Mas lalo lang kasing lumalalim ang tingin nya sa akin. He's like trying to have a glimpse on my soul. I really don't get him. I'd probably never gonna understand him, like ever. He's like the deepest poetry that nobody could understand, it takes a very fortunate person to go through it and could possibly touch him spontaneously. Parang ang hirap-hirap nya abotin...

"Having breakfast," sagot nya. Napatango na lamang ako at nilampasan sya. I needed to get a way. Mas binilisan ko ang paglalakad papunta sa elevator at nang pipindutin ko na sana ang floor number namin ay agad syang pumasok at sya na ang pumindot niyon. Isinirado nya agad ang elevator and there, I'm stuck with this tall guy and his undying scent. Nasa medyo unahan ko sya pero pinili ko pa rin'g yumuko dahil alam kong nakikita nya ako through the mirror-like surrounding namin. Nagkunwari akong inaayos ang suot kong relos.

"Are we cool?" nagulat ako sa biglaang pagtanong nya kung kaya't napaangat ang tingin ko sa kanya. "H-ha?"

"You seem very upset earlier when you walked out," sabi nya sabay tingin sa akin. His hands are in his pockets and he looks so damn fine!

"N-no, I'm not. I told you, wala 'yun. Maybe... mood shiftings? Ganun talaga ako minsan. Sorry." Sabi ko at tumawa ng konti. I could see doubtness on his eyes. He's really a good observant.

"May nagawa ba akong mali?" he asked out. Bigla-bigla na lamang bumilis ng triple ang tibok ng puso ko. Why is he like this? Ba't sobrang galing nya sa larong 'to?

"W-wala. Ano ka ba!" sabi ko at palokong hinampas sya. Gosh, he's taking my breath off of me!

"Please tell me if I'm doing it all wrong or you're not comfortable of anything. I'd totally appreciate that," he seriously said. How could he—how could he conclude that something's off if I'm doing my best to hide it all. Paano nya nabasa ang iniisip ko? Paano sya umabot sa gan'tong konklusyon?

"Let me know everything, okay?" he said and gave me a small smile before going out of the elevator. Naiwan akong natayo sa loob ng elevator nang iilang sandali pero nang tumunog ito para sumirado ulit ay mabilis akong lumabas.

Why do he have to do that? Kung kelan okay na 'yung mind settlement ko. Na I'll try to act casual at hindi na papatulan ang laro nya ay timing naman at nag drama na naman ulit sya sa akin. Ginagawa nya ba 'to in purpose? Para pahirapan ako? Well, this is really hard... I could clearly feel the familiar butterflies in my stomach right now. I could hear the beating of my heart yelling his name. Ba't ang bilis naman ata ng pangyayari? Without my consciousness... ito na ako, nabubuang na sa kanya.

***

Back to 0 na naman. Back to my unwanted track... Kani-kanina lang okay na 'yung plano ko, ah? Ba't ang bilis naman ng transition ng mga pangyayari sa buhay ko?

"Kelangan'g nakalock 'to ng mabuti, you don't have any idea how deep i—" napahinto si Marcos sa pagsasalita habang inaayos ang life jacket kong suot sa pangatlong beses na nang kalabitin sya ni Ate Shane.

"Chill, bro. She's good. 'Ayt, Frex?" sabi ni Ate. Napangisi naman ako nang bahagya dahil do'n. Ayoko lang magkaro'n ng mahabang conversation kami ni Marcos kung kaya't hinayaan ko na lang syang gawin ang kung anong trip nya. Mabuti na lang at wala si Ate Sheena't Kuya Gino dito, may ime-meet daw kasi silang American cousin nila na happened na nandito rin sa resort kaya naiwan ako kasama ang Suarez siblings.

"She isn't a good swimmer, Ate." Kalmadong sabi ni Marcos na para bang sure na sure ito sa sinabi nya. I unconsciously raised my eyebrows while staring at his neck. Hindi ko alam... masyado kasi syang matangkad, kung doon kasi ako nakatingin ay hindi ko kelangan'g tumingala ng sobra. I like staring at his moles and how his skin getting pink because of the heat of the sun kissing it. He's... indescribably perfect.

Gusto ko man'g magcomplain dahil hindi totoo 'yung sinabi nya ay mas pinili ko na lamang manahimik at hayaan sya. I just feel like letting him do anything, like he got all the rights to do so. I am actually a good swimmer. Nakatira sa tabing dagat ang pamilya ni Mama kung kaya't palagi kaming nabakasyon do'n.

Naunang tumalon si Marcos sa dagat mula sa pump boat at sumunod din agad sa pag dive si Ate Shane. Susunod na rin sana ako nang bigla na lamang hinawakan ni Marcos ang binti ko, nakaupo kasi ako at nakaposisyon para ihulog ang katawan sa tubig. I suddenly felt an extreme electricity from my legs up to my heart. How could it be possible to feel additional feels in my case? Akala ko kanina wala na 'kong ikakakilig pa tapos ito na naman, oh! He's breaking another record!

I don't know how it happened pero iisa lang ang alam ko... Sobrang lapit namin sa isa't isa. Before I knew it, we're facing each other while his arms are on my waist and mine's on his neck. Pakiramdam ko ay bigla na lamang may bumara'ng napakalaking bato sa lalamunan ko dahilan upang 'di ako makapagsalita at hindi makahinga ng maayos. I've seen his eyes a couple of times but not this close... They're so beautiful.

There's nothing wrong on giving up first. Alam ko naman'g 'di hamak na mas matibay ang loob nya kesa sa'kin kaya umiwas na ako ng tingin at nagawang lumayo sa kanya. Sa sobrang tindi kasi ng nararamdaman ko ngayon parang naiiyak na ako... I missed this. I missed this kind of feeling—naaalala ko si Kim...

Snorkeling on this beach was really a wonderful experience. Napakaganda ng corals and the different species that can be seen using goggles up here. Hinubad ni Ate Shane ang suot n'yang life jacket at sumisid pailalim upang makita ng malapitan ang mga isda at iba't ibang species kaya naiwan na naman ako kay Marcos. Nagkunwari akong enjoy na enjoy ang panunuod sa mga isda para lang makaiwas sa kanya. Nakaahon kami sa tubig matapos ang mahaba-haba rin'g picture taking gamit ang waterproof camera ni Ate Shane. Ang awkward nga ng mga ngiti ko dahil sa pabigla-bigla na lang na akbay ni Marcos sa akin o hindi kaya, ididikit nya 'yung ulo nya sa akin sabay pacute at meron pa'ng sinasandal nya ulo nya sa balikat ko—Ang likot-likot nya!

"This is Frexie right here, our cousin from mom's. Frexie, meet Kade," ani Kuya Gino at sabay nun ang paglahad ng kamay ng amerikanong si Kade sa akin. Awkward naman akong napangiti at tinanggap ang kamay nya.

"Hi! Nice meeting you, Frexie," kaswal na sabi ng kano sa akin habang nangingiti. Sobrang gwapo nya, mala-hollywood star pero hindi ko alam bakit hindi ako kinikilig o apektado man lang. This isn't really me.

"Yeah, me too," sagot ko. Iba pa rin talaga ang epekto kung totoong amerikano na 'yung kausap mo. Feeling ko kasi kahit marunong akong mag-inglis mano-nosebleed ka pa rin talaga.

"Don't tryna hit on her, Kade. She's just 16." Nagulat ako sa biglaang sabi ni Ate Sheena sa tabi namin. Napatawa naman agad si Kuya Gino maging 'yung Kade. Ako naman, kunot noo. Was it even possible? Nag jo-joke ba sila?

"And I am just seventee—"

"What the hell, dude? Back off!" putol ni Kuya Gino sa kanya at palokong sinuntok ito sa dibdib. Paloko ba 'yun? Lakas, ah...

"I am not doing anything, Genius!" he yelled out. Nakuha nga talaga siguro nina Kuya't Ate 'yung magagandang pilik-mata nila sa American genes na meron sila.

"Not yet," Ate Sheena corrected, that made Kade laugh. "Where's Shane and Marcos? Weren't they here with you?" tanong ni Kade. Oh yeah, wala sila dito. Na kay Bless Pama sila and their childhood friends here. Mukhang naiwan ako sa gitna ng Brucellaria siblings at Suarez, ah.

"They're just off somewhere, I guess?" Ate Sheena said. Kanina ko pa pansin 'yung palinga-linga ng tingin nya sa paligid. Well, hindi nila alam 'yung tungkol sa meet and greet nina Marcos sa mga childhood friends nila dito. Hindi na rin kasi sila nagkatyansang magkita pa dahil mag-isa akong pumunta dito at nalaman ko lang din dahil sa text ni Marcos. I don't get the fuss of Marcos updating me all the events about him.

"You're really cute," nagulat ako sa biglaang sabi ni Kade kung kaya't napalipat ang tingin ko sa kanya at nahuli ko ito'ng nakangisi sa akin. Playboy's gestures.

"Lucky's calling. Excuses," sabi ni Kuya Gino at mabilis na lumayo sa amin para sagotin 'yung tawag.

"I'm calling Shane on FaceTime," Ate Sheena said and positioned her phone between us three. Napalayo ako ng kaunti nang maramdaman ang balat ni Kade sa akin. "You stayin' in Uncle's house?" he suddenly asked. Napatango ako ng kaunti at ibinalik rin agad ang tingin sa phone ni Ate Sheena na nagda-dial kay Ate Shane.

"Cool! Well, see you everyday for the whole week," sabi nya pa. Napangiti na lamang ako. Hindi ko alam pero hindi talaga ako komportable sa mga ngisihan nya. "How long have you been staying with them?" tanong nya ulit. Hindi nya ba gets na hindi ako komportableng kausap sya? O sadyang makulit talaga sya?

"For about one and a half month now," I casually answered. Sunod-sunod syang tumango at ngumiti sa akin. Okay, I won't deny it. Gwapo talaga sya.

"Hey, where are you?" bungad ni Ate Sheena kay Ate Shane sa FaceTime. I awkwardly smiled at the camera when Ate Shane waved at us. Sobrang lapit kasi ni Kade sa akin, halos ramdam ko na ang hininga nya sa tenga ko.

"Hi, Kade!" bati ni Ate Shane kay kano. Kade smiled widely and "Hey, Shane! Where's Marcs?"

"He's here with me. Marcs, come here!" ani Ate at hindi nagtagal ay sumilay rin ang pagmumukha ni Marcos sa screen. Idinikit nya pa talaga ang ilong nya sa camera dahilan upang magulat ako. Tumawa lamang si Ate Sheena at Kade.

"You crazy weirds! We're on the same resort why you on FaceTime?" sabi ni Marcos at inagaw ang phone ni Ate Shane para ayosin ang buhok nya sa harap namin. He's wearing a shirt now. Mabuti naman. "Hey, Kade!"

"What's up, mah man? You two gotta come here, this is really creeps me out! I didn't came here for a FaceTime!" bulyaw ni Kade. Muntik na akong mapamura nang bigla nya na lamang pinatong ang braso nya sa balikat ko. Gusto kong alisin iyon pero 'di ko magawa! He's still my cousin's cousin! And what the hell is wrong with me? Dahil ba nasa FaceTime si Marcos? Calm down, Frexie!


Fortsæt med at læse

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...