Perfect Combination | VhongAn...

By catcurtissmith

71.6K 2.4K 1.3K

If Vhong Navarro and Anne Curtis is married.. what would it be? More

Prolugue
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
IG Series| Anne
IG Series | Anne 2
IG Series | Vhong
IG Series | Vhong 2
36
IG Series | Random
37
PROMOTE!
38
39
40
41
PROMOTE!

9

1.3K 48 36
By catcurtissmith





Kinabukasan wala sa mood na pumasok si Vhong sa Showtime. Dulot na din ng matinding sagutan nila kahapon at ang hindi pag-uwi ng asawa kagabi. Tinawagan na niya sila Solenn pero wala naman daw sa kanila si Anne.


"Ay nandiyan na pala si Vhongskie baby ko! Ang gwapo pakiss nga!" salubong ni Vice pagkadating niya backstage. Kumpleto na sila pwera lang si Anne kaya lalong nainis si Vhong.



"Tigil-tigilan moko Vice ha! Wala ako sa mood baka masapak kita." inis na turan ni Vhong sabay upo sa tabi ni Billy. Agad naman niyang kinuha muli ang phone at tinext ang driver para ipacheck kung umuwi naba si Anne.



"Chill bro! Init ulo mo! Meron kaba brad?" biro ni Billy pero seryoso pa din ang mukha ni Vhong kahit nagtawanan na sila.

"Bad trip 'tol? Palibhasa di inuwian ng asawa eh.." pang-aasar ni Vice dahil isa din siya sa tinawagan ni Vhong kagabi.


Napaigtid naman ang bagang ni Vhong sa nadinig. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung nasan nga ba si Anne. Sinenyasan naman ni Teddy si Vice na manahik dahil mukhang kahit anong oras ay mananapak na si Vhong.


"Kuys Vhong, hindi pa din ba umuuwi?" tanong ni Jhong sabay lipat sa tabi ni Vhong. Umiling naman ito sabay sandal ng ulo niya sa sofa. Tila ba inaantok dahil kulang nga siya sa tulog.



"Bruh baka naman na sa mga friends niya lang.. Nagpapalamig lang siguro ng ulo si Anne. Alam mo naman yun ayaw niyo ng may kaaway." sabi naman ni Karylle para pagaanin ang pakiramdam ng kaibigan.

"Wala din eh, tinawagan ko na sila Georgina. Pati nga din si Jasmine tinanong ko na. Hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung nasan siya." sambit ni Vhong habang nakapikit pa din.



"Uuwi din yun kapag di kana galit.." biro ni Teddy. Napangiti na lang si Vhong at napailing.



Nanahimik na lang sila dahil alam naman nilang kulang sa tulog si Vhong. Pero kahit nakapikit ay hindi naman natutulog si Vhong kundi iniisip lang ang naging sagutan nila ni Anne kahapon.





///


Maya-maya pa ay may humahangos na dumating sa backtstage. Sabay-sabay silang napatingin dito. Nagulat naman sila ng makilala ang babaeng hinihingil habang gulo-gulo ang buhok at namamaga pa ang mata.




"ANNE?!" sabay-sabay na bulaslas ng mga host. Dahil doon ay napaupo naman ng maayos si Vhong at nagulat ng makita ang asawa niya.


"Ako nga ito guy's.." nagtama naman ang mata nila ni Vhong pero iniwas din ni Anne kaagad dahil naiinis pa siya sa asawa.


"Anyare sa'yo girl? Tinalo mo pa ang buhok ni Kurba kapag bagong gising." nakakunot-noong sabi ni Vice habang tiningnan si Anne.



"Hoy! Hindi naman ganyan kagulo hair ko." nakangiwing angal ni Karylle dito.




"Okay ka lang din ba, Anne? Halos kakulay mo na yung singkamas.." sita din ni Jhong dahil putlang-putla nga si Anne. Nahalata mo iyon dahil sa eyebags ng dalaga. Mahahalata mo din dito ang panlalata.





Sasagot na sana si Anne sa tanong ni Vice at Jhong pero biglang nagsalita ang hindi niya inaasahan. "San kagaling? Bakit hindi ka umuwi? Bakit patay cellphone mo?" walang emosyong tanong ni Vhong.




Napatahimik naman ang lahat at nakikinig lang. Alam nilang wala sila sa lugar para makielam sa usapan. "Kanina lang natapos ang shooting ko kaya hindi nako nakauwi satin. Dito nako dumeretso sa Showtime kase mas malapit at para makaidlip pako. And hindi ko na nakuha pang magcharge sa pagod." payak na sagot ni Anne.



Kahit naman nag-away sila ay may karapatan si Vhong bilang asawa niya na malaman ang ginagawa niya. Hindi niya din kase ito nakapuhang tawagan o itext dahil pagod na talaga siya kagabi.



"Ahhh okay." walang bahalang tugon ni Vhong. Pero kagabi ay halos mabuang na siya sa pag-alala sa asawa.


Nasaktan naman si Anne sa inakto ng asawa. Para bang wala itong pakeelam sa kanya. "Anne, bakit hindi kapa nagbibihis? Ilang minutes na lang oh," wika ni Karylle sabay turo sa wall clock.




"Yun na nga eh, wala na pala akong available na damit diyan. I cannot call Raymond or Robbie kase puyat din yung mga yun kasama ko sila kagabi eh." namomroblemang sabi ni Anne.



"Yun lang pala! Tara let's go to my dressing room! May extra skirt pako dun at para makapag-ayos kana din.." sabay hatak ni Karylle kay Anne.



///


Pagkatapos ng Showtime ay piniling kausapin ni Vice si Anne. Naramdaman niya kasing may problema ang mga kaibigan. Hindi kasi ito nagpapansinan.


Tuwing susubukan naman niyang kausapin si Vhong ay hindi naman siya nito kinakausap ng matino nito. Kaya may kutob na siya sa nangyayare.



"Nag-away nanaman kayo?" tumango naman si Anne. "About nanaman sa baby?" dun na nagsimulang umiyak si Anne.


Hinimas naman ni Vice ang likod ng kaibigan para patahanin ito. "Nanggil nako diyan sa asawa mo Anne ha! Para tuloy nagsisisi nako na nagbest man ako sa kasal niyo," natawa naman silang pareho.


"Hindi ako umuwi samin pero parang wala lang sa kanya. Nakita mo lang yung reaksiyon niya kanina girl? Akala ko yayakapin na niya ko at makikipagbati na." may hinanakit na wika ni Anne.



"Anne making ka sakin, hindi yan totoo. Mali ang iniisip mo. Asawa mo yun!"



"How do you say that? Dinaig pa nga niya yung wether sa pagiging cold eh,"




"Kase hindi mo nakita si Vhong kanina! Hindi nga daw siya nakatulog sa pag-aalala sa'yo.. Alam mo bang tumawag pa siya sakin katabi? Tinatanung kung na sakin ka. Kaya may pake siya sa'yo." pangangaral ni Vice dahil ayaw naman niyang maging unfair kay Vhong.




"Nagmamatigasan lang talaga kayo." dagdag pa niya.



Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ni Anne. Nag-alala pa din pala sa kanya ang asawa. Kaso nga lang hindi pa din sila nagkakaayos. "Kaso wala pa din kaming baby.."




"Kaloka naman kase! Siya kaya ang pagbuntisin mo para makita niya!" naiinis ng turan ni Vice.



Mahal naman niya ang dalawa pero ayaw niya kase talagang nakikita na umiiyak ang kaibigan niyang babae.


"May nasabi din kase akong mali kaya nasabihan niya ko ng ganun." malungkot na wika ni Anne.




"Ano ba sinabi mo at sinabi niya?"


"Sabi ko kasi kung atat na atat na siya magkaanak ade humanap siya ng ibang babae. Tapos ayun nagkasagutan pa kami. Hanggang nasabihin niya ko na ayos lang naman daw sa kanya kung hindi kami magkaanak pero wala na nga daw akong ibang kayang gawin, pagbubuntis na lang diko pa magawa."



"Sinabi ni Vhong yun?!" gulat na tanong ni Vice. Tumango naman si Anne at yumuko. "Aba tarantado! Choosy paba siya sa'yo girl? Kahit naman malaki yang bunganga mo, kahit tunog ng lagari yang boses mo tapos hindi kapa marunong magluto-"



"Girl tama na, please lang. Masakit na din eh. Salamat sa suporta ha?" nakasimangot na putol ni Anne sa sasabihin pa ni Vice.











Bigla namang may kumatok kasabay ng pagbukas ng pinto. Nagulat naman sila na ang pinag-uusapan nila ay nandun na. "Ay sorry! Akala ko mag-isa ka lang dito brad.." naiilang na sabi ni Vhong.



Akmang isasara na niyo ang pinto pero tinawag siya muli ni Vice. "Umiiyak asawa mo oh.." sabay nguso niya kay Anne. Pasimple naman siyang kinurot ni Anne sa tuhod nito.


Napatingin naman si Vhong sa asawa at nakita niyang namumula nga ang mata nito. Kahit gusto na yakapin ay naging mas matibay pa din ang ego ni Vhong at nilisan ang dressing room ng walang sinasabi na kahit ano.



"WALA NA," nakangiting turan ni Anne kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya. Naawa naman si Vice sa kaibigan at niyakap na lang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 930 57
After all that Kiara and Gino have gone through. When they've been through the worst and they thought things could start to get better in their turni...
7.7K 432 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
2.1K 144 13
Book 2 of " The Story Of My Life" Author: Mirian Mae Made and Published on: November 23, 2021 Ended on : Hi! thnks for Coming if your Planning to Re...
27.3K 1.1K 71
Dalawang mag kaibigan ang nasira dahil Sa isang aksidente ang hindi inaasahan...... Pero mas lalong lumala ang gulo nang may Dumating na isang anghe...