DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUN...

By z-rOan-2

759 13 1

Anime and Video Games Crossover Fantasy Story! Mula sa kuwento ng isang lalake na hinirang ng tadhana upang i... More

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDO
CHAPTER 1: "Karaniwang Araw"
CHAPTER 2: "Fina The Priestess" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)
CHAPTER 3: "Mahika" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)
CHAPTER 5: "EUDOKAIOSUNE" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)
CHAPTER 6: "Ang Pagtatapat" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

CHAPTER 4: "Alberto The Holy Knight" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

73 1 0
By z-rOan-2

CHAPTER 4:  "Alberto The Holy Knight" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Dumaan ang tatlong araw mula nang matutunan ni Noah ang Mahika. Pansamantalang nanunuluyan si Noah sa tirahan ni Fina at kanyang Lola. Sa isang maaliwalas na takip-silim, naka-hain ang hapunan sa hapag kainan. Napag-usapan nina Fina at Noah ang lalakeng nag-ngangalang Alberto...

Noah: "Fina, may binanggit ka dati na Alberto na kababata mo, taga-saan siya?"

Fina: "Dito din siya nakatira sa bahay! Nakalimutan kong banggitin sayo, ngayong gabi ang kanyang pagdating."

Lola: "Si Alberto ang nakakita sayo sa kalaliman ng Piltz Forest. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang misyon nang matagpuan kang walang malay."

Noah: "Ngayon ko na pala siya makikilala. Gusto ko magpasalamat sa kanya mamaya."

Lola: "Oo iho, makikilala mo siya mamaya."

Fina: "Matagal na siyang kawal ng Holos Guild! Isang kapisanan ng mga sundalong handang ibuwis ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kaligtasan ng buong Isla Valencia. Ang nagtatag ng Holos Guild ay ang mismong Valencia Church Council."

Noah: "Ipagtanggol ang kaligtasan ng buong Isla Valencia? May mga nanggugulo ba?"

Lola: "May mga balitang kumakalat na nagiging mabangis ang halimaw sa kalaliman ng Piltz Forest dahil sa kagagawan ng Illuminati!"

Noah: "Eh lola, ano po ba kasi ang gusto ng Illuminati? Bakit gumagawa sila ng ganyan?"

Lola: "Nais kasi nilang maghari sa buong Valencia iho, at gusto nilang makuha ang mahiwagang aklat na nakita ng Holos Guild sa kalaliman ng Piltz Forest na nasa pangangalaga ng Church Council ngayon."

Noah: "Mahiwagang aklat? Para po saan?"

Fina: "Hindi pa alam ng Church Council kung para saan yung nakitang mahiwagang aklat. Pero alam nila na malaki ang kahalagahan nun dahil malaki ang pagkilos ng Illuminati ngayon laban sa Church Council."

???: "Mystical Gate."

Nagulat sina Noah, Fina at ang matanda nung may narinig silang boses ng isang lalake sa may pintuan.

Fina: "Alberto!"

Isang lalake ang bumungad sa kanilang paningin na may matipunong pangangatawan, kulay araw ang buhok, suot ay kumikinang na baluti, may kaluban na may espada na naka-kabit sa baywang at hawak na mahabang sibat na mas mataas pa sa tangkad ng lalake. Sinalubong ng lola at ni Fina ang lalakeng nag-ngangalang Alberto.

Alberto: "Ang mahiwagang aklat na tinutukoy niyo ay ang Mystical Gate."

Napatayo si Noah sa kanyang narinig at sinalubong niya si Alberto.

Noah: "Maari ko bang makita yung Mystical Gate?"

Pinagmasdan ni Alberto si Noah upang makilala.

Alberto: "Ikaw yung nakita namin sa Piltz Forest! Kamusta na kalagayan mo?"

Noah: "Ok naman. Maraming salamat nga pala."

Alberto: "Ano nga pala pangalan mo? Taga-saan ka?"

Fina: "Mahabang istorya, kumain na muna tayo. Dun na tayo mag-kuwentuhan sa hapag-kainan."

Habang pinagsasaluhan nila ang hapunan, na-kuwento lahat ni Fina ang mga pangyayari mula nung magkamalay si Noah sa kanilang bahay, maliban sa pangyayaring pagtuturo niya ng Mahika kay Noah.

Alberto: "Isla Bonita? Hindi ko alam na may ganung pangalan ng isla. Pero nagulat ako sa kagamitan mong cellphone, hawig niya ang Codex Tablet na ginagamit ng Illuminati! Makabubuting huwag mong ipakita sa ibang tao yan Noah."

Noah: "Oo nga, nagulat din si Fina dito nung una niyang makita itong cellphone ko. Kaya palaging nakatago na 'to sa bulsa ko."

Napatingin si Alberto kay Fina na may bakas ng pag-aalinlangan, kaya binasag ng lola ang panandaliang katahimikan.

Lola: "Oh siya, kailangan ko na magpahinga. Matulog narin kayo at maaga pa kayo gigising."

Alberto: "Opo lola, maraming salamat po sa masarap na lutuin."

Fina: "Magandang gabi sa atin!"

Noah: "Salamat at magandang gabi!"

Umakyat sina Fina at Alberto habang naiwan si Noah para magligpit ng mga pinagkainan. Palihim na nag-uusap ng pabulong sina Alberto at Fina sa ikalawang palapag ng bahay. Pinag-usapan nila si Noah...

Alberto: "Hindi ba binilin ko sayo na igapos yung lalake at bigyan lang ang pangangailangan niya hanggang sa pagbalik ko?! Hindi natin alam kung pakawala siya ng Illuminati!"

Fina: "Pero Alberto... Alam kong hindi siya masamang tao!"

Alberto: "Hindi mo alam yun Fina! Paano kung sabihin ko sayong isa siyang espya o tiktik ng Illuminati?!"

Fina: "Hindi siya ganun! Sa mga araw na kasama namin siya ni lola, wala siyang ginagawang anumang kasamaan."

Alberto: "Huwag kang magpapadaya sa pinapakita niyang kabutihan! Malalaman natin ang totoo bukas. Tulungan mo akong isama siya sa looban ng Piltz Forest, doon natin mapapatunayan ang mga sinasabi ko."

Fina: "Ano ang binabalak mo kay Noah? Huwag mo siyang sasaktan..."

Alberto: "Hindi siya masasaktan kung magsasabi siya ng totoo. Hindi ako naniniwala sa kanya, alam kong alam mo rin na walang Isla Bonita! Hindi ko alam kung bakit nagpapalinlang sa kasinungalingan niya."

Fina: "......."

Alberto: "Huwag sana sasama loob mo Fina, alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyong kaligtasan ni lola..."

Maluha-luhang iniwan ni Fina si Alberto at pumasok nalang sa kanyang silid.

Alberto: "Fina..."

Bumaba si Alberto sa unang palapag ng bahay at dun naabutan niya si Noah na naglalaro sa kanyang cellphone.

Alberto: "Noah, nais sana kitang imbitahan sa Holos Guild kung iyong mamarapatin. Malaki ang maitutulong mo sa pagpapanatili ng kapayapaan dito sa Valencia. Maaari kang makapaglakbay sa malalayong lugar, maari natin mapuntahan ang iyong Isla Bonita."

Noah: "Wow! Talaga? Interesado akong sumali sa Holos Guild! Sana makapunta rin ako sa Valencia Church Council para makita ko ang aklat na Mystical Gate."

Alberto: "Tama. Pero bago kita isali sa guild, gusto ko sanang sanayin ka muna sa paggamit ng espada."

Noah: "Sige ba! Pero gaano ka kagaling gumamit ng espada?"

Binunot ni Alberto ang kanyang espada mula sa kaluban na nakakabit sa kanyang baywang at nagpakitang-gilas sa harap ni Noah sa paghawak ng espada. Namangha si Noah sa kanyang nakita...

Alberto: "Hindi ko nabanggit sayo na isa akong Holy Knight. Isa sa pinakamataas na punong-kawal ng Holos Guild! Mapalad ka at ako ang magtuturo sayo sa larangan ng pakikipaglaban gamit ang espada."

Noah: "Ang galing... Kelan tayo mag-training? Lalo tuloy akong na-excite."

Alberto: "Bukas maaga tayo magsanay sa looban ng Piltz Forest! Kasama natin si Fina. Kaya matulog tayo ng maaga para marami kang matutunan sa paghawak ng espada."

Noah: "Maraming salamat talaga Alberto... Una iniligtas mo ko, ngayon tuturuan mo pa ako..."

Alberto: "Walang anuman yun, maganda rin kasi yung may alam kang paraan ng pakikipaglaban at pagtatanggol sa sarili. Hindi rin naman ako palaging nandito sa bahay para ipagtanggol si lola at Fina, maaasahan ba kita Noah?"

Noah: "Oo ba! Sige maaga tayo bukas. Maraming salamat ulit!"

Umakyat sila sa pangalawang palapag at pumasok sa kanya-kanyang silid upang makapag-pahinga. Kinabukasan ng madaling-araw, naghanda at gumayak sila Noah, Fina at Alberto papuntang Piltz Forest. Dala ang dalawang espada para may magamit si Noah sa pagsasanay. Sa kanilang paglalakad, napansin ni Noah ang pagiging tahimik at balisang mukha ni Fina na tila malayo ang tingin...

Noah: "Fina, inaantok ka pa ba? Lalim ng iniisip ah. Ganda pa naman ng umaga. Smile naman dyan!"

Ngumiti si Fina ng papilit ngunit  hindi parin matanggal ang pagkabalisa na nababanaag sa mukha.

Alberto: "Fina, sabihin mo lang kung hindi mo gusto sumama sa amin sa Piltz Forest."

Umiling si Fina sa sinabi ni Alberto.

Fina: "Sasama parin ako, may iniisip lang ako na iba. Huwag niyo nalang muna ako pansinin."

Alam ni Alberto ang iniisip ni Fina kaya tumahimik nalang ito. Lumipas ang isang oras at nakarating na sila sa Piltz Forest. Nagpatuloy sila ng lakad sa looban ng kagubatan ng Piltz. Pagkalipas ng kalahating oras...

Noah: "Ang layo na natin. Saan ba tayo magsasanay?"

Alberto: "Puwede na dito."

Noah: "Game!"

Binunot ni Alberto ang dalawang espada at itinutok sa mukha ni Noah!

Noah: "Huh?! Bakit?"

Fina: "(Dual-Wield Sword technique... Alberto, hinde...)"

Nagulat si Noah sa ginawa ni Alberto. Matalim ang tingin ni Alberto kay Noah.

Alberto: "Sino ka at ano ang pakay mo?! Bakit gusto mong makita ang aklat na Mystical Gate? Alam kong tiktik ka ng Illuminati! Hindi mo ako maloloko, walang Isla Bonita na umiiral! Maaari kitang tapusin dito kung hindi ka magsasabi ng totoo!"

Noah: "Fina, ano nangyayari? Alberto, wala akong alam sa sinasabi mo..."

Fina: "Alberto, hindi masamang tao si Noah..."

Alberto: "Tumigil ka Fina! Ginagawa ko 'to para sa kapakanan niyo ni lola! Noah, binibigyan kitang sampung segundo upang magsabi ng totoo. Ano ang binabalak mo sa aklat na Mystical Gate?"

Napatulala si Noah sa mga pangyayari, hindi niya alam ang isasagot niya...

--- END OF CHAPTER 4: "Alberto The Holy Knight" (Mystic Fantasy Chronicles Arc) ---

Continue Reading