CHAPTER 6: "Ang Pagtatapat" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

65 1 1
                                    

CHAPTER 6: "Ang Pagtatapat" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Pagdating nila sa bahay, hinayaan na muna nilang makapagpahinga si Noah dahil sa mga nangyari sa Piltz. Makalipas ng dalawang oras na pamamahinga, nagising si Noah sa kanyang tinutulugang silid sa bahay nila Fina. Nakita niya na nakaabang na sina Fina, Alberto at ang lola sa kanyang pagmulat.

Fina: "Noah! Kamusta na pakiramdam mo?"

Alberto: "Hahaha! Akala ko matatagalan ka pa sa pagkaka-himbing mo."

Lola: "Nabanggit sa akin nina Alberto at Fina na may ipagtatapat ka sa amin."

Noah: "Ayos na pakiramdam ko. Opo lola, sasabihin ko na po ang totoo tungkol sa katauhan ko, sana manatiling lihim 'to dahil kahit ako ay hindi parin makapaniwala..."

Lola: "Makakaasa ka sa amin iho, pero hindi ko matitiyak na mabubunyag din ang lihim mo dahil ikaw pala ang EUDOKAIOSUNE."

Noah: "Bago ko po sabihin ang mga bagay tungkol sa akin, baka puwede niyo po ipaliwanag kung ano ang EUDOKAIOSUNE?"

Lola: "Isang libong taon na ang nakakaraan, naghari si dark king Eveck dito sa Kemco, sa mga taong yun ay nababalot ng lagim at takot ang buong bansa. Ang kanyang mga halimaw ang mga namamahala sa bawat isla. Ngunit hindi nila napigilan ang pag-usbong ng isang bayani na nag-ngangalang Lux Light. Si Lux Light ang EUDOKAIOSUNE, ang tanda ng Katarungan! Umukit ang liwanag sa kanyang noo! Tinapos niya ang pamamahala ng isang halimaw ni Eveck dito sa Valencia. Doon natatag ang Valencia Church Council, maraming sinanay na mga kawal at priestess upang samahan si Lux Light na selyohan si Eveck na naging giant dark monster sa pakikipaglaban. Hanggang ngayon ay hiwaga parin sa church council ang EUDOKAIOSUNE, ang tanging nalalaman naming ay pinapalakas nito ang astral strength ng taong taglay ang Eudokaiosune! Lahat ng magical properties ay kaya niyang gamitin, matataglay niya rin ang passive white magics tulad ng 'regenerate', 'auto-haste', 'auto-barrier' at iba pa na matatagpuan lamang sa mga 'rare' weapons, armors and accessories. Sa madaling sabi, ikaw ang pinili ng tadhana para tapusin ang paghahari ng kasamaan. Ang nakapagtataka lang, wala namang naghaharing kasamaan sa panahon ngayon..."

Noah: "Aray ko lola, ang haba naman po ng paliwanag niyo. Sumakit ulo ko. Hehehe! Pero bakit ako ang Eudokaiosune? Puwede naman kahit sino 'di po ba?"

Alberto: "May mga bagay sa mundo na natatago sa lihim, isa ito sa mga bagay na yun. Kaya kami man ay walang alam kung bakit ikaw ang Eudokaiosune..."

Noah: "Ah ganun... (Hindi kaya may kinalaman ito sa mga sinabi nung tinig dati sa library?...)

Fina: "Ngayong alam mo na ang tungkol sa Eudokaiosune, sabihin mo na sa amin ang ipagtatapat mo Noah..."

Noah: "Ok. Ganito po yung mga nangyari..."

Sinimulan ni Noah ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya mula sa pinanggalingan niyang mundo, yung mga naganap sa library hanggang sa napadpad siya sa kasalukuyang mundo. Lubos na nanggilalas sila sa mga narinig nilang pagtatapat ni Noah.

Lola: "Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong mga salaysay... May mga mundo pa pala bukod sa mundong ito..."

Fina: "Hindi... ako makapaniwala... Masyadong matayog ang mga narinig ko. Taga-ibang mundo ka pala..."

Alberto: "Nararapat lang talaga i-lihim itong mga narinig namin sayo Noah. Kailangan mo nga ang Mystical Gate! Malaki ang ugnayan mo sa aklat..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDOWhere stories live. Discover now