CHAPTER 2: "Fina The Priestess" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

98 2 0
                                    

CHAPTER 2: "Fina The Priestess" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Nasilaw si Noah sa liwanag na nakapalibot sa kanya, napapikit siya at kanyang tinakpan ng mga kamay ang mga mata. Pagkalipas ng ilang sandali ay humupa ang liwanag, dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang kama.

Noah: "(Panaginip lang pala... Pero hindi, parang totoo eh. Teka, nasaan ako?!)"

May isang magandang dilag siyang nakita na naka-bantay sa kanyang kinahihigaan.

Magandang Dilag: "Gising kana pala! Dalawang araw na ang nakalipas mula nung dinala ka dito ng kababata kong si Alberto. Ako si Fina! Anong pangalan mo?"

Noah: "Noah. Saang lugar 'to? Paano ako napunta dito?"

Fina: "Noah? Kakaibang pangalan. Hindi ka nga taga-rito, ang lugar na ito ay tinatawag na Selka. Dito ipinanganak ang dakilang bayani na si Lux Light! Ang tanging nakagawa ng Night Chronicle Seal sa giant dark monster Eveck upang hindi na makawala sa kanyang mga tanikala sa kalalim-laliman ng Irkalla nakaraang isang libong taon na."

Noah: "Ha??? (Selka? Anong klaseng lugar ba 'to?! Lux Light? Monster? Irkalla? Oh hinde!!! Mababaliw ako sa mga sinasabi nito, sayang cute pa naman niya...)"

Fina: "Taga-ibang isla ka pa siguro... Iba ang 'yong uri ng pananamit."

Noah: "(May isla-isla pa talaga! Mabuti sakyan ko nalang muna, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari). Ah oo sa malayong-malayong isla pa ako nanggaling, sa Isla Bonita!"

Fina: "Isla Bonita? Hindi ko pa naririnig yung ganung pangalan ng isla..."

Noah: "Eh kasi malayo nga. Teka, saang isla ba ako ngayon napadpad?"

Fina: "Isla Valencia. Ang pinaka-malaking isla ng Kemco."

Noah: "Isla Valencia? Hindi ko alam na may ganitong pangalan pala ng isla. Kemco? Hindi ko alam talaga yan, sabi ko sayo galing pa ko sa malayong-malayo eh. hehehe!"

Fina: "Hindi kaya tumama ulo mo sa malaking bato? Kemco ang pangalan ng bansa natin."

Noah: "Sabi ko nga! Kemco! hahaha!"

Fina: "Baka nagugutom kalang siguro kaya nalilito ka. Tara kumain na muna tayo sa baba, malamang tapos na si lola magluto."

Noah: "Ah salamat po! Gutom na gutom na nga ako. hahaha!"

Fina: "Sige babalikan kita pagkatapos kitang ipaghain ng makakain. Ikinagagalak kitang makilala Noah."

Noah: "Ako rin, salamat po!"

Bumaba si Fina upang ipaghanda ng makakain si Noah. Samantala, naisipan naman ni Noah na gamitin ang cellphone niya.

Noah: "(Nasaan na ba talaga ako?! Makapag-Google Maps nga.)"

Napansin ni Noah sa kanyang cellphone na walang signal.

Noah: "(Talaga naman kung mamalasin oh... Useless na cellphone! Wala bang cell site sa lugar ba 'to?! Teka muna, ito na kaya yung binabanggit ng tinig na narinig ko dun sa library? Hindi kaya nasa ibang mundo na ako ngayon? Pero paano nangyari yun...)"

Ilang sandali pa ang nakalipas, binalikan ni Fina si Noah para yayain ng kumain. Ngunit...

Fina: "Bakit may Codex Tablet ka?!!!"

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon