CHAPTER 4: "Alberto The Holy Knight" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

73 1 0
                                    

CHAPTER 4:  "Alberto The Holy Knight" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Dumaan ang tatlong araw mula nang matutunan ni Noah ang Mahika. Pansamantalang nanunuluyan si Noah sa tirahan ni Fina at kanyang Lola. Sa isang maaliwalas na takip-silim, naka-hain ang hapunan sa hapag kainan. Napag-usapan nina Fina at Noah ang lalakeng nag-ngangalang Alberto...

Noah: "Fina, may binanggit ka dati na Alberto na kababata mo, taga-saan siya?"

Fina: "Dito din siya nakatira sa bahay! Nakalimutan kong banggitin sayo, ngayong gabi ang kanyang pagdating."

Lola: "Si Alberto ang nakakita sayo sa kalaliman ng Piltz Forest. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang misyon nang matagpuan kang walang malay."

Noah: "Ngayon ko na pala siya makikilala. Gusto ko magpasalamat sa kanya mamaya."

Lola: "Oo iho, makikilala mo siya mamaya."

Fina: "Matagal na siyang kawal ng Holos Guild! Isang kapisanan ng mga sundalong handang ibuwis ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang kaligtasan ng buong Isla Valencia. Ang nagtatag ng Holos Guild ay ang mismong Valencia Church Council."

Noah: "Ipagtanggol ang kaligtasan ng buong Isla Valencia? May mga nanggugulo ba?"

Lola: "May mga balitang kumakalat na nagiging mabangis ang halimaw sa kalaliman ng Piltz Forest dahil sa kagagawan ng Illuminati!"

Noah: "Eh lola, ano po ba kasi ang gusto ng Illuminati? Bakit gumagawa sila ng ganyan?"

Lola: "Nais kasi nilang maghari sa buong Valencia iho, at gusto nilang makuha ang mahiwagang aklat na nakita ng Holos Guild sa kalaliman ng Piltz Forest na nasa pangangalaga ng Church Council ngayon."

Noah: "Mahiwagang aklat? Para po saan?"

Fina: "Hindi pa alam ng Church Council kung para saan yung nakitang mahiwagang aklat. Pero alam nila na malaki ang kahalagahan nun dahil malaki ang pagkilos ng Illuminati ngayon laban sa Church Council."

???: "Mystical Gate."

Nagulat sina Noah, Fina at ang matanda nung may narinig silang boses ng isang lalake sa may pintuan.

Fina: "Alberto!"

Isang lalake ang bumungad sa kanilang paningin na may matipunong pangangatawan, kulay araw ang buhok, suot ay kumikinang na baluti, may kaluban na may espada na naka-kabit sa baywang at hawak na mahabang sibat na mas mataas pa sa tangkad ng lalake. Sinalubong ng lola at ni Fina ang lalakeng nag-ngangalang Alberto.

Alberto: "Ang mahiwagang aklat na tinutukoy niyo ay ang Mystical Gate."

Napatayo si Noah sa kanyang narinig at sinalubong niya si Alberto.

Noah: "Maari ko bang makita yung Mystical Gate?"

Pinagmasdan ni Alberto si Noah upang makilala.

Alberto: "Ikaw yung nakita namin sa Piltz Forest! Kamusta na kalagayan mo?"

Noah: "Ok naman. Maraming salamat nga pala."

Alberto: "Ano nga pala pangalan mo? Taga-saan ka?"

Fina: "Mahabang istorya, kumain na muna tayo. Dun na tayo mag-kuwentuhan sa hapag-kainan."

Habang pinagsasaluhan nila ang hapunan, na-kuwento lahat ni Fina ang mga pangyayari mula nung magkamalay si Noah sa kanilang bahay, maliban sa pangyayaring pagtuturo niya ng Mahika kay Noah.

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDOWhere stories live. Discover now