It Started In The Bus [BoyXBo...

By blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... More

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
2: Roommate
3: Bwiset
4: Pasukan
5: Alaga
6: Kakambal
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
10: Paglago
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
30: Man
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

13: Kumag VS Hambog Part 2

1.4K 19 3
By blackfoxsenpai

Good evening!! MakakapagUDna uli hahaha. Pasukan kasi.

Sana suportahan nyo pa rin ako dito at sa mga susunod ko pang istorya.

Special mention to sir Ai_Tenshi. Sir Ai, nagamit ko pangalan ng karakter nyo hahaha. At kay  ZachJohnReineEavon na echoserang pagkahaba haba ng Username! Imbyerna! Anyway, ginamit ko title ngg story mo. Hahaha

So yun, keep on reading guys!

~=Khyron=~

Habang naglalakad lakad ay naisipan naming humiga sa ilalim ng malaking punong acacia.. Sa tabi lang din ito ng daan at napakagandang magstargazing dito, sa palagay ko lang.

"Tol, alam mo ba na ang mga bituin na yan ay maaring patay na? Liwanag na lang nila yung nakikita natin kasi nagtratravel pa ito ng millions of light years bago makarating sa earth ang liwanag nya. Kaya minsan ay mas nauuna pang mamatay ang isang bituin kaysa maabot ng liwanag nya ang earth." Mahabang eksplanasyon ni Zarex sa akin. Para namang hindi kami ng aral ng astronomy dati nung highschool.

"Alam ko. Alam mo rin bang minsan ay ganyan din ang nararamdaman ng tao? Minsan mas nauuna pang mawala at mamatay yung feelings nila kaysa masabi nila ito sa taong karapat dapat na mapagsabihan nito." Tugon ko naman sa kanya sabay harap ng aking mukha sa kanya. Nakatingala kasi sya.

"Wow. Ang lalim naman ng hugot mo don tol. Oo nga at minsan ay mas nauunang namamatay ang feelings ng isang tao bago nila ito masabi dahil wala silang kakayahang sabihin ito. Mahina ang kanilang loob at wala rin silang self confidence upang maipahayag ito. Kaya ikaw tol, sabihin mo na yang kung anong nararamdaman mo, kung meron man, sa taong pagsasabihan mo nyan. Bahala ka, mamaya nalingat ka lang eh nakatingin na pala ito sa iba. Sabi nga ng iba, repentance is always at the end." Sagot naman nito saka habang humaharap din sa akin. Eh mas malalim naman yata ang hugot nang taong to eh.

(A/N: ZachJohnReineEavon, taray!! Pagamit ng title ng isa sa mga stories mo. Hehehe!)

"Eh paano ko naman sasabihin yun kung naghahanap pa ako ng pagsasabihan ko?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Asus! Bakit ka pa kasi naghahanap kung alam mong nasa paligid mo lang sya. Minsan daw kasi, yung taong hinahanap mo eh yung katabi mo na pala, yung palagi mong kasama, yung palagi mong kakulitan, yung palagi mong kausap, yung nandyan lang sa tabi mo palagi pero ikaw itong bulag para hindi makita yun. Nasa tabi mo na lang pala, naghahanap ka pa ng iba." Sagot naman nito saka tingin sa akin ng seryoso. Dama kong nagiging seryoso na ang usapan kaya't pinutol ko na ito at hindi na sumagot pa. Mamaya eh mapunta pa sa ibang bagay ang usapan na ito.

Tumahimik kami. Parehas kaming nakatingin sa kalangitan. Napakaganda ng panahong ito. Halos walang ulap at walang nakakahadlang upang lumabas ang kinang ng mga bituin. Maliwanag rin ang buwan at perfect na perfect itong lugar para sa aming dalawa. Na baka ako lang pala ang nagiisip na perpekto ito para sa aming dalawa.

Romantic. Yan lang ang naiisip ko ngayon. Kahit na alam kong wala naman ako sa kanya at wala rin naman sya sa akin. Wala ba talaga? A basta. Napakasaya ng gabing ito para sa aming dalawa. Wala naman talagang 'kami' o 'tayo' pero dama kong nagiging higit pa sa kaibigan ang turingan naming dalawa.

Hanggang sa nagsalita sya ulit. "Sana ganito na lang palagi no? Payapa, walang ibang problema. Saya siguro ng ganun." Pagsalita nito.

"Oo nga maganda yung ganun. Kaso hindi naman tayo buhay at hindi naman tayo mabubuhay sa mundong ito ng walang problema. Lahat ng taong masaya at succesful ngayon ay dumaan sa napakaraming unos at pagsubok. Kasi, hinuhubog nila tayo upang maging isnag taong matapang, matatag, at malakas ang loob. Ngunit minsan ay nasa tao na rin yan kung paano ihandle ang mga problema. Yung iba kasi, masyadong nadedepress kaya naman nagsusuicide sila. Minsan kasi kailangan rin antin silang unawain." Mahabng eksplanasyon ko naman. Nakita ko namang tumingin to sa akin na nakasalubong ang mga kilay.

"Oh bakit ganyan tingin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman, sabi ko lang na masarap sa feeling yung ganto ganyan eh andami mo nang sinabi. Pinaglihi ka naman ata sa parrot tol eh." Sabi nya sabay pout.

"Bakit ba? Anyway, tingnan mo yun oh! Nagiisa yung isang bituin. Yun ata yung venus? Diba?" Pagiiba ko ng usapan sabay turo sa nagiisang star nga na nakahiwalay sa ibang bituin sa kalangitan.

Humarap naman ito sa akin saka nagsabing. "Alam mo, ikaw yan eh. Nagiisang bituin sa madilim kong kalangitan." Hugot nito saka ngumisi ng parang aso. Gago lang.

"Ulol. Corny mo!" Natatawa ko namang sabi sa kanya saka tumalikod para naman matago yung nagblublush kong mukha. Pake nyo ba! Eh sa kinilig ako dun eh.

"Hahahaha!" Narinig ko namang tawa nya.

"Buwisit ka talaga." Balik ko sa kanya.

-----------

Nandito kami ngayon sa may freedom park sa loob ng WilU. Naguusap lang kaming dalawa ni Zarex dito tungkol sa mga gagawin naming thesis.

Hanggang sa may dumating sa isa sa mga tropa namin. Ang kambal ni Zarex, si Zarah.

"Huy! Huy huy!!! Wait lang kayong dalawa! Pause muna tayo sa babe time ninyo. Tingnan nyo to bilis!" Pagaapura sa amin ni Zarah. Tiningnan naman namin ito saka binasa ni Zarex ng malakas para marinig naming dalawa.

"Who will be the next Mr. and Mrs. WilU? Do you have the heart and courage to get the crown? If yes, register now and get a chance to show your handsome and beautiful faces to all WilUans. For inquiries, see wilsonuniversity.edu.ph or message us in our social media accounts at WilUniversity Official." Pagtatapos ni Zarex saka naman tinanong si Zarah tungkol dito.

"Ano nanaman ba to kambal?"

"Ano ka ba? Ang tanga mo talaga, binasa mo na nga lang eh. Pageant yan engot. Dalawang pambato sa Mister and Miss per college department. At kayo ang napagbotohang isali ng Engineering Department. Isa nga rin ako sa mga Miss eh. Ganda ko kasi." Sabi nito sabay hawi ng kanyang buhok at nagpaganda.

"Kami? Eh, ayoko ng sumali sa mga pageants. Highschool pa ako nung last kong panalo as Mr. Campus eh. Baka palayado na ako." Pagmamaktol ko naman kay Zarah.

"Ano ka ba. Sa gwapo mong yan eh malamang kayong dalawa ang magtotop 2. Yung mga kalaban nyo nga eh ang chachaka. Nakuu! Kung hindi ka lang pagmamayari ni kambal eh ako na mismong nanligaw sayo Khy eh." Sabi naman nito ng medyo pabebe.

"Naku, top 2? Kaming dalawa? Ewan ko lang. Atsaka hindi naman ako pagmamayari nitong kumag nato." Pagtutol ko naman sa mga sinabi nya.

"Wag ako Khyron ah. Kasweet sweet nyo nga dyan kulang na lang magsex kayo sa tabi ng daan eh. Teka...baka naman nagsex na nga talaga kayo? Hoy ikaw kambal eh, baka mamaya hindi ka lang nagsasabi sa akin. Nasaktan mo na pala itong si Khy. Malilintikan ka talaga sa akin." Pagsesermon sa amin ng dakilang kambal ni Zarex.

Dahil naman doon ay pinagpawisan kami ng malamig ni Zarex at nagtinginan sa isa't isa. Syempre, hindi nya pwedeng malaman yun na may nangyari na nga sa amin. Nakakahiya yun at isa pa ay nakakabawas moral yun kay Zarex lalo na't kakambal nya ang nasa harapan namin ngayon.

"Ah...syempre wala pa kambal. To naman. Malamang walang nangyayari sa amin ni Khy. Eh parehas kaming lalaki eh. Diba Khy?" Sabi nya sabay siko sa akin para malaman ko ang kanyang ipinaparating.

Agad ko naman itong nagets at sinangayunan ang sinabi nya.

"Ano ka ba Zarah. Malamang wala talagang mangyayari sa amin ni Zarex. Isip mo talaga eh. Hahaha..." Pagdepensa ko naman kay Zarah. Hindi naman ata ito naniniwala sa mga pinagsasabi namin kaya naman tumayo na ito at inayos na ang kanyang mga gamit.

Ngunit bago pa ito umalis ay nagiwan muna ito ng mga salita sa amin. "Alam nyo, kayong dalawa, napakadenial nyo. May naamoy ako sa inyong dalawa eh. Pero anyway, hindi ko naman kayo tututulan. Desisyon nyo yan eh. Basta ba sumali kayo sa contest na to at maghanda na rin para naman magkaroon ng Mr. WilU ang Engineering Department diba? O sya sige, akoy lalayas na." Sabi nito saka umalis.

Nagtinginan na lang kaming dalawa ni Zarex saka tinawanan lahat ng sinabi ng kakambal nya. It sounds weird pero parang nahit right on the spot yung mga salita ni Zarah.

-------------------

So ayun na nga ang set up. Sinali kami sa Search for Mr. And Ms. WilU ng aming mga walang kwentang kadepartment. Mga engot talaga. Sinabi ko na nga sa kanilang ayokong sumali eh pinilit talaga nila.

Buti sana kung si Ford at Zared eh makakapal ang mukha nung mga yun. Kayang kaya nilang humarap sa crowd. Atsaka highschool pa ako nung last akong nagpageant. Take note , highschool. Kokonti pa lang mga spectators nung time na yun. Eh ngayon? University na ito mga ulol?!

Hay nako. Kaya ayun. Sa next month pa naman daw ang contest kaya't may time pa nga kaming maghanda at pagsabaying tapusin na ang thesis namin for this sem. Nagsabay talaga hano? Struggle is real.

Si Ford at mga kaibigan namin yung naging mentors ko sa pageant na to. Gustong gusto talaga kasi nila akong manalo.

"Ayusin mo tol! Dapat sa walk pa lang, may dating na agad. Dapat nakakaakit ganun! Yung malalaglag panty ng mga babae at mga baklang judge!" Hiyaw naman sa akin ni Fors na ngayon nga ay tinuturan ako sa proper na paglakad sa stage.

Suking suki na kasi sya ng mga ganyang pageant kaya sanay na.

"Kaya mo yan Khy! Ikaw pa." Pagcheer naman sa akin nila Lester. Andito rin kasi sila.

"Mga ugok! Kayo kaya dito! Hirap hirap eh. Tsaka sino ba kasing nagsabi na isali ako dito? Dapat ikaw na lang tol. Tutal suki mo naman na ang ganitong event." Sabi ko sabay turo kay Ford.

"Okay nga yan para naman maexpose ka sa ganitong event, tol. Tsaka sisikat ka sa buong university kapag nagkataon. Magkakaroon ka pa ng sarili mong fans club. Ayaw mo nun? Freshmen ka pa lang pero pinagaagawan ka na ng mga kababaihan at kabaklaan sa school. Kayong dalawa ni Zarex. Malay nyo, baka kahit mga maton sa school eh mabihag nyo. Iba na ang panahon ngayon." Pagsasalaysay ni Ford. Masyado talaga. Tsk.

"Heh! Ayoko ngang sumikat. Hindi naman ako famewhore eh. Pero sisikapin kong manalo sa contest na to." Sabi ko naman pabalik sa kanya.

"Ikaw rin Zarex ah! Dapat manalo ka. Go kambal! Ahy, at sayo rin Khy!" Sigaw namab ni Zarah na noon ay nanunuod sa ginagawa naming practice dito sa isang contets hall na rinentahan namin.

"Syempre naman! Alangan namang hahayan kong talunin ako ni babe? Diba babe?" Ngumisi naman sa akin si Zarex na akala mo ay aso. Buset.

"Tigilan mo nga yan. Corny corny. Ang jeje! Para kang adik na manliligaw sa kanto nila Raul o Bart!" Hiyaw ko sa kanya pero sa loob ko ay iba nanaman ang aking nararamdaman.

"Teka sino yon?" Tanong naman nila.

"Wala. Nabasa ko lang sa isang istorya." Sagot ko naman.

"Pero ayieeeeee!!! Pababe babe na lang kayo ngayon ah!" Pangaasar naman ni Zarah sa amin. Kainis kasi si Zarex eh.

"Kaya nga. Baka naman nakagawa na kayi ng baby, Khyron ah? Sabihin nyo lang kung may binyagang magaganap. " Asar naman ni Ford sa amin.

"Ulol. Kung ano ano pinagsasasabi nyo. Ulitin na nga lang natin at para makauwi na tayo!" Pagiiba ko ng usapan.

Nakita ko naman si Zarex na ngumingiti lang sa akin. Nginitian ko naman sya pabalik.

Para lang kaming tanga. Nagngingituan ng walang sapat na rason. Bakit ba? Masaya kami sa ganon eh. Ngiti lang ng isa't isa ay masaya na kami sa buong maghapong pag-aaral naming dalawa.

Pero ngayon, gagalingan ko talaga para manalo sa contest na to. Sayang naman kung masasayang lang ang gandang lalaking binigay sa akin ni Lord. Hahaha.

Mr. WilU, here we come!

===========

Khyron, here I come too! Chareng, de joke lang.

Sana makapagupdate uli ako simultaneously katulad ng dati. Geehee...

So ayun, next chap is Contest proper na nila kaya be ready ah!

Ciao!

Continue Reading

You'll Also Like

761K 41K 103
an epistolary
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
970K 30.8K 129
DIM Series #1: IƱigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...