A Hot Night with Mr. CEO [AHN...

By blue_mie

809K 14.3K 3.2K

Book 2 of A Hot Night With Mr. Bartender[AHNWMB] -Ahmira and Adam Story- Please read it first for you to know... More

A Hot Night With Mr. CEO
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Blue note
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Blue Note
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 20

11.8K 261 43
By blue_mie

Sleepover?

We are on our way to Adam's place and all I can hear is Xyler making sounds while playing his car toys.

Wala naman akong maisip na magandang topic na pwedeng pag-usapan, pero hindi ko na talaga matiis ang sobrang pagkabagot lalo na at masyadong mahaba ang byahe.

Napabuntonghininga na lang ako.

"Are you hungry?" Tanong bigla ni Adam.

"Hindi naman." Maikling sagot ko.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

Napaayos ako ng upo at sunod sunod na tumango. Napansin kong natahimik si Xyler na nakakandong sa'kin, napangiti ako ng makitang ang himbing na pala ng tulog niya.

"Kaya pala biglang tumahimik." Naiiling na sabi ko at inayos ang pagkakaupo niya sa kandungan ko.

Binalingan niya ito at napangiti na lang din.

"Mukhang close sila ng lalaking iyon." He suddenly said.

I nodded. Gosh I hope we won't end up arguing again.

"Yes and I hope it is okay with you. At isa pa tulad ng sinabi ko kanina, alam naman ni Xyler na ikaw ang totoong Daddy niya at kaibigang ko lang si Bryan." Sagot ko.

He smirk after hearing my explanation. For sure he has something in mind and whatever it is, I don't know.

Hinintay kong sumagot siya pero lumipas ang ilang minuto ang tahimik niya na ulit.

"What?" Naiinip na tanong ko.

"Wala." Maikling sagot niya.

I sigh in frustration. Minsan ang kulit niya pero ngayon siya naman itong nagdadrama.

"Akala ko ba gusto mong pag-usapan natin si Xyler? So tell me, paano ko malalaman kong ayaw mong may ibang tinatawag na papa ang anak mo kung bigla ka na lang mananahimik." Bulalas ko, nagulat naman siya dahil sa biglang pagtaas ng boses ko kaya natigilan siya at mukhang nagising mula sa malalim na pag-iisip.

"I'm sorry may iniisip lang ako." Sagot niya. " Okay lang naman sa'kin, kahit ayaw ko sa lalaking 'yon nagpapasalamat ako sa kanya dahil nandoon siya noong mga panahon na wala ako sa tabi ni Xyler." Parang kinurot ang dibdib ko ng marinig ang sinabi niya. So far iyon na yata ang pinakamatinong sagot na nakuha ko sa kanya.

"Well, thank you. Hindi ko na hihilingin na magkasundo kayo dahil alam kong mahirap mangyari 'yon, pero sana harapin mo naman ng maayos 'yong tao, kaibigan ko pa rin siya. At lalong lalo na kapag nandyan si Xyler, baka kung ano ang isipin ng bata." Litanya ko. He stayed quite for awhile. Hay heto na naman siya.

"He loves you." Sabi niya na lang bigla. Sandali akong napaisip. I face him at sakto naman na tumingin siya sa gawi ko kaya nagsalubong ang mga mata namin.

Agad akong umiwas.

"W..what do you mean?" Nauutal na tanong ko. Maya maya ay naramdaman ko na lang na tinigil niya ang kotse sa gilid ng daan.

Tumigil siya at humarap sa'kin.

"Mahal ka niya simula noon pa man, tama ba?" He asked. Malumanay ang boses niya at parang nagmamakaawa. 'Yong tipong ayaw niya kong magalit at ang tanging gusto lang niya ay marinig ang sagot ko.

Nakipagtitigan muna ako sa kanya bago tuluyang magkalakas loob na sumagot.

"I don't know." Iyon lang ang tanging naiisip kong maisasagot sa kanya.

He look relieve but disappointed at the same time.
Napayuko na lang siya at muling pinaandar ang kotse.

I seriously want to comfort him. Gusto kong itanong ung ano ang gumugulo sa isip niya. Saka napapansin ko lang lately mas madalas niya akong pakialaman kesa pag-usapan si Xyler.

"T-teka baka nakakalimutan mo 'yong rules, you can date or have a girlfriend and so am I. Hindi ko pinakikialaman ang relasyon niyo ng girlfriend mo so sana 'yon din ang gawin mo." Sabi ko pero tanging mga buntonghininga lang ang naririnig ko sa kanya.

"Tsk, kalimutan mo na lang ag sinabi ko." Seryosong sabi niya at tinuon an atensyon sa pagmamaneho.

Ugh! Okay.

Hindi na kami nag-imikan pagkatapos nun. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa bahay niya at doon niya lang nakuhang magsalita.

"We're here." He said and stop the engine. Agad siyang lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako ng pinto at kunin si Xyler.

"Slowly, baka magising siya." Sabi ko, pero mukhang huli na dahil bigla itong umiyak.

"Mommmyy *cries" Agad naman siyang kinomfort ni Adam hanggang sa tuluyan itong magising.

"Shh nandyan lang si Mommy." Sabi niya at tumingin sa gawi ko.

I smile and wave at him.

Tumahan naman siya at tahimik na humiga sa balikat ni Adam.

"I have a lot of toys inside." He said when we are heading to their door.

"Hmm weally? Can I bowwow it?" Tanong niya sa namimilog na mata. Napailing naman ako at napangiti na lang.

"You don't have to, 'cause it is all yours." Sagot naman ni Adam na lalaong nagpasaya kay Xyler.

"Yeeii..! wab you Daddy." Masiglang sabi nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg ng Daddy niya. Napatawa na lang din si Adam.

Nang makapasok kami sa bahay niya, nagtaka ako kung bakit ang tahi-tahimik. Nasaan si ate Amanda?

Agad niyang binaba si Xyler at kinuha ang hawak kong gamit.

"Adam, nasaan si ate Amanda?" Hindi ko napigilang itanong. Mahirap na baka niloloko niya lang ako.

"She's upstairs, siguro natutulog na naman 'yon." Sabi niya habang inaayos ang gamit ni Xyler. "Anong gusto mong kainin? magluluto ako." Sunod na tanong niya.

I sigh in relief. Akala ko naisahan na naman niya 'ko.

"Ikaw ang bahala, at isa pa hindi pa naman ako nagugutom." Simpleng sagot ko.

"Okay, sabihin mo lang kung may kailangan ka." He said smiling, tumango lang ako bilang sagot. "May kukunin lang ako sa taas." Pagpapalam niya.

Niyaya niya si Xyler at hindi naman ito nag-alangang sumama, sa katunayan nagkukulitan pa sila habang paakyat ng hagdan.

Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay niya at hindi ko mapigilang mamangha sa ginanda nito. Dati halos walang nakadisplay sa mga dingding but now it is full of expensive artwork.

Napatayo ako ng makita ang isang litrato niya na nakadisplay.

It was a stolen shot I guess, he was wearing a business suit while smiling in the crowd. I can really see happiness in his eyes and I will not deny fact that he's really handsome in this photo.

I was about to hold it when someone called my name.

Napatalon ako ng makita si Adam na may hawak na malaking box habang si Xyler naman nakahawak sa laylayan ng damit niya.

"Mommy, that's Daddy wight?" Inosenting tanong ni Xyler habang titnuro ang litratong tinitingnan ko kani-kanina lang.

Napatingin ako kay Adam and he was smiling mischievously. He just caught me staring at his photo which is really embarassing.

Sigurado akong nagdidiwang naman siya loob loob niya dahil sa nakita niya.

"Hmm yup, may nakita lang akong dumi kanina kaya pinunasan ko." Sagot ko sa tanong ni Xyler pero sa kanya ako nakatingin.

He chuckles then walks closer to me. Nagulat ako ng bigla niya kong akbayan.

"Liar." Bulong niya na lalong nagpainit sa pisngi ko.

"Baby gwapo ba si Daddy?" He asked all of a sudden. Lumiwanag naman ang mga mata ni Xyler at sunod sund na tumango.

"Yes!" Sagot nito. Mas lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sakin kaya pasimple ko siyang sinaway.

"Nakatingin ang anak natin." Mahinang sabi niya. Tsk!

"Hindi naman kailangang ganito ka lapit." Sabi ko pero hindi man lang niya ito pinansin.

"Baby bagay ba kami ni Mommy?" He asked again. Muli ay tumango si Xyler. Siguro may briefing na naganap ng isama niya ito sa taas.

"Yesh po Daddy!" Sigaw nito habang pumapalakpak pa.
Pinanood ko lang silang dalawa habang nagbobolahan.

"Hmm baby sino mas gwapo ako o si Bryan?" He asked. Sandali munang nag-isip si Xyler. Mukha talagang, litong lito siya at tila excited si Adam na marinig ang sagot nito, kahit ako man ay hindi makapaghintay.

"Hmm weyt." We both laugh ng sabihin 'yon ni Xyler. Ang seryoso kasi talaga ng mukha niya.

"Um you.." He said while pointing Adam. Bigla tuloy napatawa ng malakas si Adam. "And papa Bwyan also." Pagpapatuloy nito. Mabilis nawala ang mga ngiti sa labi niya ng marinig ang sunod na sinabi ni Xyler. Now it's my turn to laugh.

Nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat.

"What do you mean, dalawa kaming gwapo?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Opo." Nakangiting sagot ni Xyler.

"Pffft.." Nilingon niya ko ng marinig akong nagpipigil ng tawa, kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Tsk, tara maglaro na lang tayo." Naiinis na sabi niya at kinarga si Xyler.

Naiiling na sumunod na lang ako sa kanila. Ang kulit kasi, iyan tuloy.

Sinundan ko sila sa sala at naabutan ko silang binubuksan ang box na punong puno ng laruan. Wala na talagang tatalo kay Adam, hindi ko alam kung paano niya pinamili ang ganoon ka rami.

"Wow! Ang danda Daddy." Namamanghang sabi nito.

"Mommy sawi ka po." Pagyaya niya pero tumanggi ako.

"Kayo na lang ng Daddy mo baby, hindi ako marunong niyan eh." Pagdadahilan ko.

"Sabihin mo baby, tuturuan siya ni Daddy." Utos niya kay Xyler, sana sinabi niya na lang total ang lakas lakas ng boses niya.

"Mommy tuwuan ka ni Daddy" Sunod naman nito. Ngingiti ngiti naman ang loko dahil ginagawa naman ni Xyler ang mga pinagsasabi niya.

I glare at him.

"Sabihin mo din baby--"

"Ahem pwedeng sumali." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

There we saw a pretty lady, standing on last step of the staircase while smiling happily. Ang ganda pa rin niya tulad ng dati, but it was the little bump in her belly that really catch my attention. Omo she's pregnant.

Sa sobrang pagkagulat, hindi ko na namamalayang nakalapit na siya sa amin.

"Hi Ahmira! Gosh I miss you so much little sis! Kamusta ka na?" Sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit. Wala akong nagawa kundi yakapin na lang din siya.

"I'm fine and I miss you too ate Amanda." Sagot ko bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap niya.

He tap my shoulder and slowly brush my hair using her fingers.

"You're so pretty, as always. Hindi obvious na nagkababay ka na, ang sexy mo pa rin. Kaya pala patay na patay 'tong kapatid ko sa'yo." Bigla akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi niya. Si Adam naman halatang inis na inis na.

"Ate." Nahihiyang sabi ko. Feeling ko kasi matutunaw na 'ko sa titig ni Adam.

"Hayaan mo si Adam, totoo naman ang sinabi ko." Tumatawang sabi niya.

Ngumiti na lang ako. Nang balingan ko si Adam, nakapout siya. I don't know why but I find it cute.

Sunod naman niyang binalingan si Xyler na walang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Tinawag ko siya at mabilis naman niyang binitawan ang hawak niyang laruan at lumapit sa akin.

"Baby, say hi to Tita Amanda. Kapatid siya ng Daddy Adam mo." Utos ko sa kanya at agad naman itong lumapit sa Tita niya.

"Hi po Tita Amanda, yow so pwetty like Mom." He said and pout his lips to kiss her.

Yumuko naman si ate para maabot siya nito.

"Say hi ka din sa baby ni Tita." Turo nito sa maliit na umbok sa tiyan niya. Kita ang pagkamangha sa mukha ni Xyler ng mapansin niya ito.

"Wow! Hi baby..I wab you." Nakangiting sabi niya at dahan dahang hinawakan ang tiyan ni ate Amanda.

"Owww ang cute cute cuteee naman ng baby na 'to. Alam mo bang kamukhang kamukha mo ang Daddy mo noong baby pa siya." Nanggigigil na sabi niya at kinurot ang magkabilang pisngi ni Xyler.

"Aw awayyyy!." Nag-alala ako ng mapasigaw si Xyler. Napalakas siguro ang pagkapisil ni ate Amanda.

Mabilis siyang lumapit sakin habang hawak hawak ang pisngi niya.

Pinaupo ko siya sa tabi ko at tumabi din si ate Amanda.

"I'm sorry baby, ang cute mo kasi eh. Pwedeng pa kiss na lang." Malambing na sabi niya pero nagtago lang si Xyler sa likod ko.

"Pagpasensyaha mo na ate, maya maya mamansin din naman 'yan." I said.

"Hindi lang pala sila magkamukha ni Adam, pareho din silang masungit." Tumatawang sabi niya, kahit ako hindi ko din mapigilang tumawa. Totoo din naman kasi ang sinabi niya.

Nang balingan ko si Adam, nakatingin lang siya sa'min, siguro alam niyang pinag-uusapan namin siya.

"Um baby Xyler, punta ka muna kay Daddy Adam, mag-uusap lang kami ng Mommy mo." Dahan dahan niyang binuhat si Xyler at nang hindi ito kumontra ay pinuno niya ng halik ang buong mukha nito bago pinakawalan.

"Slowly baby!" She said when Xyler start to run towards his Father.

Habang nag-eenjoy sa paglalaro ang mag-ama, nagkaoras naman kami ni ate na makapag-usap. Nalaman ko na kasal na pala siya sa asawa niya ngayon. Her husband was a Filipino but they met in San Francisco, doon din sila kasalukuyang nakatira. Nalungkot nga ako ng sabihin niyang mamayang gabi na pala ang flight niya pabalik ng SanFo, kaya pala gusto gusto niyang makita si Xyler ngayon.

Tinanong ko siya kung bakit niya kailangan, umalis agad. Meron lang daw siyang inayos na importanteng papeles. At isa pang rason ay meron silang business na kailangang asekasuhin. She's 5 months pregnant and she promised na babalik siya dito pagkatapos niyang manganak.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa'min ni Adam. She even told me na magtatampo siya sa'kin kapag hindi kami nagkabalikan. Kahit daw may girlfriend ito alam niyang ako pa rin daw ang mahal niya. She gave me some advice at tumatak talaga sa isip ko ang huling sinabi niya.

"Subukan niyong magkaayos hindi lang para sa mga sarili niyo kundi pati na rin sa anak niyo. He deserves to have a complete and happy family."

Hay sana ganun lang kadali ang lahat.

Natigil lang kami sa pag-uusap dahil kailangan na niyang mag-ayos. How I wish na makasama ko pa siya ng matagal, it's really nice to talk with her. Hindi na din namin siya naihatid sa airport dahil merong sumundo sa kanya sa bahay.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi ng magdesisyon akong umuwi. Tinulunagan naman ako ni Adam na iligpit ang gamit ni Xyler. Everything is ready ng biglang sabihin ni Adam na umuulan sa labas.

"Hah? Malakas ba?" Tanong ko.

He nodded.

"Yeah, mamaya ko na kayo ihahatid, masyadong delikado sa daan." Hindi ko mapigilang mag-alala, paano kapag hindi na tumila ang ulan.

Lumipas ang ilang oras, ganun pa rin.

"Inaantok na siya." Tukoy ko kay Xyler na nakahiga sa balikat 'ko.

"Why don't you just stay here, kahit ngayong gabi lang." Suhestiyon niya, napaisip naman ako.

Nasa rules na hindi pwede ang sleepover pero wala yata akong magagawa ngayon dahil sa lakas ng ulan. For sure nag-aalala lang din si Adam.

"Please.." He beg.

Napatingin ako sa kanya at kita ang pag-aalala sa gwapo niyang mukha.

I sigh.

"Okay."

Sagot ko na nakapagpangiti sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.5M 98.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...