Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU2
#YU3
#YU4
#YU5
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU35

3.2K 263 41
By pureasfierce

•RICHARD•

Sa sobrang excitement ko sa event ngayon, 9am pa lang sinundo ko na si Maine sa bahay nila kahit pa alam kong 4pm pa yung event mamaya. Hindi ko kasi matiis, gusto kong makita agad si Steph Curry (fanboy na fanboy ang walangya). Sabi nga ni Maine kanina sa'kin, mukha daw akong kiti-kiting hindi magkandaugaga sa sobrang likot ko. Kahit tatay niya, natatawa na lang sa akin kanina.

Nagpunta agad kami sa mall kung saan gagawin yung event. Nakarating naman kami ng mga 10:30, saktong kakabukas lang.

"Anong gusto mong gawin muna, RJ?" Maine asked. She was holding my hand as we went inside the mall. "Ang aga pa, mamaya pa naman yung event."

"Hindi ako makapag-isip, Meng. Sobrang excited lang talaga ko ngayon eh."

"Hindi nga halata," she chuckled. "Ang aga nga natin oh."

I smiled shyly and pressed a kiss on her temple. "Sorry na. Alam mo namang bukod sa'yo, ito talaga kasiyahan ko eh."

"Asus. Nambola pa. Teka, di ka pa naman ba nagugutom?"

I shook his head and pulled her closer to me. "Hindi pa naman."

"Sure ka? Kasi hihilahin talaga kita magshopping ngayon."

"Sige okay lang. Mamaya na tayo kumain."

She held hand as we started walking towards Stradivarius, yung paborito niyang boutique. "Sabi mo eh."

Pucha, dito na naman, I murmured. Pero syempre wala naman akong magagawa. She looked at me and saw her smirking. Napakamot na lang ako sa ulo habang papasok kami sa loob.

Sinusundan ko na lang siya habang namimili. Kapag kasama ko siya sa mall, hindi pwedeng hindi kami papasok dito. Halos lahat nga ata ng damit niya, dito niya binibili. Kahit sa ibang bansa, nagpupunta sila sa Stradivarius basta may branch.

Nakatingin lang ako kay Maine habang binabayaran niya yung mga pinamili niya. I offered to pay it for her but she declined, telling me that those are her purchases and not mine. Nahihiya pa siya sa'kin.

With 3 paperbags in my left hand, and my right holding her hand, I pulled her towards one of the japanese restaurants inside the mall so we can eat lunch.

"Huy, wag mong masyadong bilisan RJ. We still have time," she said after I finished my bowl of ramen. "Wala pa nga ako sa kalahati ng kinakain ko oh. Yung totoo, gutom ka ba o excited ka lang?"

"Excited ako, love. Kanina pa ko excited."

"Para ka talagang kiti-kiti," she grabbed her wallet from her bag and pulled out a five hundred peso bill, saka inabot sa'kin. "Bili mo kong california maki. 8 pieces. Sige na love."

Binalik ko yung pera sa kanya. "Wag na, ako na magbabayad. Sige na, finish your ramen na. Take out ko na lang yung maki mo?"

"Yup. Doon ko na lang kakainin sa venue mamaya habang hinihintay ka."

She finished her ramen just in time before we leave the restaurant. Pagdating namin sa venue sa taas, may mahabang pila na for the event. Buti na lang, maikli pa lang yung pila for the meet and greet pass holders. We were the 5th in line para doon.

Umupo muna kami sa lapag habang naghihintay na magsimula yung event. Pero si Maine, tumayo. "Mag-iikot lang ako saglit, diyan ka lang," she told me as she stood up. She left her bag with me, pero dala niya yung wallet at phone niya. A few minutes later, she came back with an NBA Store paperbag.

"I bought you a shirt. Nakita ko kasi sa poster na pwede magpapirma ng shirt sa kanya later yung may mga meet and greet pass. Pero hindi natin nadala yung shirt mo."

Tangina. How did I even get so lucky having a girl like you, Maine?

Tumayo ako saka niyakap siya ng mahigpit. Nagulat pa yata siya sa pagyakap ko sa kanya kasi hindi niya agad ako nayakap pabalik. But when she did, it was as tight as mine. Saka ko naramdaman na nakangiti siya.

"I love you," I whispered to her ear. "You don't know how much you make me happy, Maine."

I felt her caressing my back. "Anything for you, love."

She must've felt my tears falling down my face kaya humiwalay na siya saka pinunasan yung luha ko. "Hala ang baby, naiiyak na. Ganyan ka ba ka-excited na makita si Steph Curry?" she said, chuckling while she wiped my tears off with her thumb.

"Grabe ka sa'kin," I pouted at her. "Di naman ah."

She tapped my cheeks lightly and smiled. "Oo nga pala, nakita ko din kanina na may raffle. Sana manalo tayo."

"Anong prize?"

She smirked at me before grabbing her bag. "Secret," she looked around and saw that the line has moved and the people are starting to go inside the venue. Inabot niya sa'kin yung kamay niya. "Tara na, alam kong excited ka na eh."

***

I was sitting just a few feet from Steph Curry and I can't contain my feelings. Kingina, para akong babaeng nakita yung ultimate crush niya ng malapitan. Alam ko na feeling ni Maine nung makita namin si Alden Richards sa Concha's. Ganito rin siya nun eh. Gulat, nanginginig na kinikilig (iba naman yung sa'kin) saka nagpapawis yung kamay. Hindi ko kinakaya yung mga ganap. Nasa harap ko na kasi yung idol ko.

After ng lecture kanina ni Steph Curry, nagproceed na sa raffle. Yung tickets namin, may control numbers pala para doon. Inannounce ng host na jersey ni Steph Curry yung prize, at may pirma niya. Muntik na kong malaglag sa kinauupuan ko.

Napalingon ako kay Maine na tinatawanan pala ako. "Kaya ba ayaw mong sabihin sa'kin kanina kasi gusto mong malaglag ako sa kinauupuan ko?" I asked her. She was giggling when she nodded at ako naman, napabuga na lang ng hangin habang natatawa. "Sira ka talaga."

Magkahawak kamay kaming nagdadasal sa mga utak namin habang hinihintay kung anong number yung matatawag para sa grand prize. 0717 yung number ko sa ticket ko habang kay Maine naman, 0716. Feeling ko sasabog yung puso ko sa sobrang kaba habang naghihintay.

"And the winner for our grand prize, a jersey of Mr. Stephen Curry....

...zero..."

Natawag ko na yata lahat ng santo na pwede kong tawagin. Mas kinabahan pa ako dito kesa sa championship game namin.

"...seven..."

I closed my eyes tightly as possible. Ang OA ko ba? Gusto ko kasi yung jersey niya eh. Kasi nasuot yun sa game. Legit. Kingina sagad kinakabaha ako sa—

"...sixteen!"

I felt Maine's hand loosened it's grip. Napadilat akong bigla kasi niyugyog niya ko.

"RJ!!! Oh my god!!!"

"Ha?"

"I won!!!"

"Ha?"

"Teka lang, diyan ka lang wait!" tumayo siya agad sa upuan namin saka pumunta sa announcer. Nakita kong binulungan niya yung announcer saka dumiretso kay Steph mismo. I saw him smile and nod. Kingina, anong nangyayari?

"May we call the person who's ticket has 0717 as it's control number, please proceed to the stage."

Sinesenyasan ako ni Maine na pumunta sa kanya sa may stage. Pinapila na rin yung mga tao for the meet and greet. Sakto naman na yun yung ticket namin kaya pinauna na kami sa pila.

Naguguluhan akong lumapit kay Maine dala yung mga pinamili niya kanina. "Anong nangyayari?" I asked her.

"I asked them kung pwedeng sa'yo na lang ibigay yung prize tutal magkasama naman tayo. Pumayag naman sila kasi pinaliwanag ko na mas fan ka talaga kesa sa akin," kinuha na niya yung mga paperbags sa akin at tinulak niya na ako palapit sa stage. "Sige na, claim your prize na."

Nilingon ko siya bago ako umakyat but she was just waving her hands at me and telling me to go up. Hawak yung shirt na binili ni Maine kanina, umakyat ako sa stage at saka kinamayan si Steph Curry.

Hindi ako makakalma.

"Hello po," I shook his hand and smiled. "Welcome to Manila, sir."

"Thank you," he said. "What's your name?" he asked me after we shook hands.

"RJ, sir." Kingina close kami eh. Bakit ba. Pinirmahan niya na yung shirt at inabot sa akin, pati na rin yung jersey na napanalunan ni Maine kanina.

Pumuwesto na kaming dalawa ni Steph para sa photo op. Ang daming camera sa paligid, pero si Maine talagang sumiksik sa bandang gitna para makakuha ng magandang picture.

"RJ!!! Para kang najejebs! Ngumiti ka naman!" I heard Maine shouting while holding her camera as she started taking pictures. Buti na lang hindi nakakaintindi ng tagalog tong si Steph Curry kundi magpapalamon na ko sa lupa. Napa-facepalm na lang akong bigla eh.

Nakita kong natatawa si Steph sa amin ni Maine. "Is she your girlfriend?" I nodded. "And she came here with you huh?"

"She was actually the one who gave me tickets, sir."

"And she asked me as well if she can give my jersey, which she won, to you. Damn, you're one lucky guy."

I looked at Maine, who is still taking photos, and smiled. Damn right, I am.

•MAINE•

Late akong nagising kanina kasi madaling-araw na rin kaming matapos mag-usap ni RJ sa facetime. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang napanalunan naming dalawa yung jersey ni Stephen Curry. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala. We just met an international basketball superstar.

Mangiyak-ngiyak nga si RJ nung pauwi kami. Habang nagdadrive siya, hawak niya yung kamay ko and he was occassionally giving my knuckles light kisses. Hanggang sa pagdating sa bahay namin, thank you pa din siya ng thank you.

"Ano ka ba RJ, wag ka na umiyak. Sige ka babawiin ko yang jersey."

"Hoy grabe naman Meng. Wag naman."

"Joke lang ito naman. Pero... happy ka?"

"Sobra, Maine. Sobrang happy. Salamat talaga. Hindi ko alam kung paano ko mapapantayan yung Christmas gift mo sa'kin."

"Basta maging masaya ka lang, sobra pang Christmas-birthday-everyday gift yun."

Nagcheck ako ng phone kung may text ba si RJ. Usually kasi nagigising yun ng maaga tapos magtetext sa akin. Pagtingin ko, meron nga. Sabi niya, tawagan ko lang daw siya paggising ko. I called his number on facetime and after a few rings, he answered his phone.

"Anong oras na po, mahal na prinsesa? Tumawag ako kaninang mga bandang 9am, sabi ni Ate Coleen tulog ka pa daw," he said on the other line.

"12:30 na po. Ehhh... sorry na. Napasarap tulog ko eh. Ano nang ginagawa niyo diyan?"

"Nagluluto sina dad ng para sa media noche namin. Kayo ba?"

"Hindi pa ko bumabangon eh."

"Aba. Kaya pala ang baho dito. Hindi ka pa nagtu-toothbrush at naliligo."

"Napakayabang ha, Pokerson."

"Hinahamon mo talaga ko ha, Nicomaine."

"Halaaaa... inaano ka ba?"

"Diba sabi ko sa'yo isa pang tawag mo sa'kin niyan hahalikan kita?"

"Poks kaya yon!"

"Poks, Pokerson... ganun na rin yon!"

"Hindi kaya!"

"Isa, Nicomaine."

"Poks."

"Humanda ka sa'kin sa isang araw. Yari ka sa'kin."

"Wag puro salita, Pokerson. Gawin mo."

"Hinahamon mo talaga ko ha."

Natatawa ko sa itsura niya eh. Halatang gigil na gigil. Hindi ko alam kung naiinis siya o natatawa or both? Gusto ko na rin sanang matawa kaso baka mainis. Buti na lang, narinig ko si nanay na tinatawag ako. "Noo mo RJ, mapunit yan. Sige na, tawag ako ni nanay eh. Tawag ako mamaya before midnight ha? Love you!"

"'Manda ka talaga sa'kin Meng. Sige na, love you too."

I dropped the call and smiled. Malamang sa malamang, may kiss ako sa kanya sa birthday niya.

***

Nagpaalam ako kay nanay at tatay na tatawagan muna si RJ pagkatapos kong mag-ayos ng table sa garden namin. 11:38pm na rin kasi sa relo ko.

I sat on our swing and called his number on facetime. Sinagot naman niya after a few rings. Nakita kong nasa may lanai din siya sa bahay nila. Kaso puro icing yung mukha niya

"Oh, bakit ganyan itsura mo?"

"Naglalaro kasi kami nina Mary ng lucky 9. Pucha, lagi akong talo."

"Hay nako, pati ba naman diyan tatalunin ka?"

"Palibhasa nandadaya ka kapag tayo yung naglalaro nito."

"Hoy hindi ah! Si Kevin kaya ang madaya!"

"Sus, nagturo pa."

"Oo kaya. Teka nga love, magpunas ka nga."

"Bakit?"

"Naaalibadbaran kasi ako sa icing! Gusto ko tuloy ako magtanggal tapos kakainin ko."

"HOY NICOMAINE!"

"Grabe joke lang! Magpunas ka na nga!"

"Teka maghugas lang ako ng mukha," binaba niya saglit yung phone niya saka nagpunas ng mukha. "Ano okay na ba?"

"Ayan, okay na," hindi ko namamalayan, napatitig na pala ako sa kanya. "Ang ganda ng dimples mo, love."

"Nainlove ka na naman masyado sa'kin."

"Feelingero ka!"

I saw him laugh heartily after saying that. Sobrang sarap pakinggan ng tawa niya, seryoso. "Asus, idedeny pa."

"Hindi nga kasi ehhhh..."

"Pero Meng, ito seryoso na. Salamat."

My brows furrowed after hearing him say that. "Para saan naman?"

"Kasi dumating ka sa buhay ko. Alam mo, masaya at malungkot itong taon ko na to. Masaya kasi dumating ka. Malungkot kasi nawala si mommy. Pero hindi ako ganun kalungkot kasi alam kong nandiyan ka. Ikaw yung nagpupuno dun sa space na iniwan ng mommy sa puso ko. Kaya salamat, Meng. Nakakaya ko lahat basta kasama kita. Kakayanin ko basta magkasama tayo. Hanggang sa dulo. Maraming salamat, Meng, kasi nandiyan ka."

Hindi namin namamalayan pareho na umiiyak na kaming dalawa.

"O bakit ka umiiyak?" sabay naming sabi, saka kami natawa.

"Ang drama natin, RJ," I laughed. "Pero thankful din ako sa'yo. I never imagined for us to be together. Happy na ako sa happy crush ko sa'yo dati pero ngayon? Sobrang thankful ako sa'yo. Kasi you helped me bring out the better version of me. You helped me with a lot of things too, RJ. And I'm thankful just the same. Just like you, kakayanin ko lahat basta nandiyan ka. Basta magkahawak kamay nating kakayanin lahat."

I heard the fireworks went out, the sky started sparkling with different colors as the clock struck midnight. I smiled at him sweetly and saw him smiling back at me.

"Happy New Year, my love. To more new years with you."

***
A/N: 10 more chapters to go. Happy reading! 💛

Continue Reading

You'll Also Like

402K 9.2K 46
Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na...
7.8K 332 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
237K 3.9K 83
A famous icon in the music world and an heiress that is gifted with such fine talents, were connected by one fateful accident, meeting unconsciously...
133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...