It Started In The Bus [BoyXBo...

By blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... More

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
2: Roommate
3: Bwiset
4: Pasukan
5: Alaga
6: Kakambal
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
13: Kumag VS Hambog Part 2
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
30: Man
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

10: Paglago

1.4K 28 2
By blackfoxsenpai

Sino ang nabigla sa last chapter? May ganun palang magaganap. Hahaha.

Anyway, ito na ang katuloy. Kung may opinion kayo ay magcomment lang sa comment box.

Enjoy reading!!!

===============

~=Khyron=~

Nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mukha. Umaga na nga pala. Medyo nilalamig nga ako, wala pala akong damit.

Bumangon na ako saka lang napansin na wala si Zarex sa tabi ko. Ewan, pero umasa pa man din akong nandyan sya at nakangiting sasalubong sa aking paggising.

Medyo inabsorb ko muna ang mga pangyayari saka lang naalala na may ginawa pala kaming tagpo kagabi. Nag UFC match pala kami sa kama, Lol.

Nakakahiya pala yon. Biruin mo, months pa lang kaming magkasama eh may ganun agad na nangyari, na alam kong nangyayari lang sa mga magkasinatahan. Pero, ginagawa ko rin naman din yun sa mga babae ko dati.

Pero...arghhh!!! Bakit ko ba sya hinalikan kagabi? Kundi dahil sa halik na iyon ay hindi, no wala pala sanang mangyayaring ganun sa amin kagabi.

Tanga ko. Baka isipin tuloy ni kumag na may something ako sa kanya. Shit.

Pero wala nga ba? Arghhh!!! Ewan ko! Basta nakakalungkot lang kapag hindi ko sya nakakapagdaldalan. Nakakalungkot lang kapag wala sya sa tabi ko. Ganun lang naman ah.

Pero bakit iba rin yung takbo ng isip at tibok ng puso ko kapag andyan sya? Haayy nakakasakit lamang ng ulo kapag iniisip ko iyon.

Bumangon na ako at nagsuot lang ng boxers. Wala na rin namang tao sa loob.

Saka ko napansin ang pagkain na tinakpan ng plato. Meron pang sticky note sa ibabaw nito. Naku! Buti naman at hindi iyon umalis ng hindi ako binibilhan ng makakain. Kundi! Humanda lang talaga sa akin yon.

Binasa ko muna ang sticky note:

Oy! Binilhan na kita ng pagkain mo. Baka mamaya eh bugbugin mo ako kapag hindi kita binilhan eh. Alam ko favorite mo ang egg sandwich at gatas lang sa umaga. Nakwento mo dati kaya ayan.

Tsaka magpalit ka na nga! Ipinapakita ko nanaman yang katawan mong nakita ko naman na kagabi. Hahaha. Hintayin na lang kita sa harap ng University nyo. Alam kong wala kang klase ngayon, natanong ko kay Ford. Maligo ka na at magbihis! Bilisan mo ah!

-Zarex

P.S. Ba't ba ang wild mo kagabi? Hahaha sana maulit yon ah! De joke lang. :)

Eh may pagkasweet rin naman pala itong laalaking ito. Akala ko puro kahanginan lang ang laman ng ulo nya.

Nagblush naman ako sa Post Script ng note nya. Buwisit talaga eh. Pinapaalala nya pa eh ayoko na ngang maalala iyon at nahihiya ako.

Kaya ayun, kinain ko na yung hinanda nyang pagkain at sinundan ko naman na ang kanyang mga instructions. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh.

==============

"Hello, Ford?" Sambit ko sa cellphone ko. Tinawagan ko kasi si Ford upang ipaalam sa kanya na aalis ako at magkikita kami ni Kumag.

"Uy, Khy, bakit ka napatawag?" Sagot naman nya.

"Sasabihin ko lang na umalis kami ni Zarex. Pero nauna sya. Makikipag meet up lang sya sa akin. May pupuntahan daw kami."

"Ah okay. Bakit nga pala bigla mo nalang hinila si Zarex nung hinalikan sya ni Rayzahh ba yun?" Tanong nya.

"Ah...eh wala! Kasi sumakit ulo ko nung time na yun. Kaya nagpasama ako kay Zarex. Hehe..." Pagtugon ko. Mamaya eh may isipin nanaman itong kakaiba sa akin.

"Eh parang hindi naman eh. Anyway, sinundan ko kayo sa kwarto nya. Nakalock na yun nung andun ako. Kakatok sana ako eh may narinig akong parang nagmomoan sa loob. Inisip ko na baka naman may ginagawa kayo kaya umalis na lang ako. Ayoko namang makaistorbo. Haha." Shit! So andun sya nun!! Eh ang lakas lakas pa man ding umungol ni Kumag!

Isip! Magisip ka ng alibi

"Ah...oo... Naglinis kami ng tubo...ay shit mali! Nag-ano pala..nagayos kami ng tubo sa CR. Barado kasi hehehe kaya siguro may naririnig kang ganun. Oo yun yun. Hehe..." Pinagpapawisan ako ng malamig dahil dito kay Ford.

Buwisit na lalaking ito. Masyado kasing chismoso eh. Ayoko namang malaman nya na may nangyari sa amin ni Zarex kagabi at ako pa ang nagtrigger para mangyari yun. Sakit naman para sa pagkakalalaki at pride ko pag ganun.

"Ahh...talaga lang ah! O sige, magpakaenjoy kayo kung saan kayo pupunta! Basta wag lang dumiretsong Motel ah! Hahaha dejoke lang tol." Nang asar pa talaga ang gago. Pero buti na lang kinagat nya ang dahilan ko. Wheww.

"O sige na bye!" At pinutol ko na nga ang tawag namin. Masyado! Lumabas na nga akong boarding house at sumakay ng taxi. Masyado kasing mainit para mag jeep.

----------------

Pagkarating dun ay totoo ngang nandun sya. Buti na lang at tinotoo nya hindi ako inindyan. Talagang babatukan ko to eh.

Nakita naman nya agad ako pagbaba. Nakapolo pa nga ito na hindi nakabutones. May dala rin itong bag kaya siguro ay pumasok ito kanina.

"Uy!" Bati nya. Medyo naawkwardan pa rin ako pag tumitingin ako ng diretso sa kanya.

"Pumasok ka pala?" Tanong ko sa kanya pero nakatingin ako sa kalsada.

"Oo kanina. Pero iisang subject ko lang yun ngayong araw. Teka nga... Humarap ka nga sa akin!" Asta naman nya. Pinapaharap ako. Shet.

"Iniisip mo pa rin ba yung nagyari kagabi tol? Ano ba yan. Wala naman iyon. Dala lang iyon ng bugso ng damdamin. Kaya wag mo nang isipin yun atsaka nagustuhan ko rin naman." Sabi nya saka ngumiti sa akin at pinalo ang pwet ko. Nagulat pa ako sa ginawa nya.

Kaya naman ay sinuntok ko ang kaliwang braso nya.

"Ulol ka talaga!" Sabi ko.

"Eh bakit ba!? Ikaw rin naman nagustuhan mo rin yun eh. Aminin mo!" Pangaasar nya. Anubayan. Pinapunta ba nya ako dito para asarin lang about sa nangyari kagabi?

"Manahimik ka dyan. Teka...bakit mo ba ako pinapunta dito? May pupuntahan ba tayo?" Iniba ko na lang ang topic para machange ang usapan namin. Ayoko nang pagusapan ang nangyari kagabi.

"Syempre naman meron. Magdadate tayo. Hehe" Ano raw? Date?

Hindi pa ako nakasagot ay hinila nya na ako at pumara ng taxi. Loko talaga tong mokong na to.

May sinabi syang address sa taxi driver na hindi ko man lang alam kung saang lupalop ng Pilipinas. Hawak nya pa rin ang kamay ko habang magkatabi kami sa sasakyan kaya naman pinuna ko ito.

"Huy ugok! Pwede mo nang bitawan kamay ko?" Pangaalaska ko sa kanya.

At ang kumag talaga, ngumiti lang. At sinabing, "Paano kung ayoko? Hayaan ko lang na ganyan. Masarap namang hawakan kamay mo eh. Pero mas masarap pa ring hawakan yung saging mo."

Tingnan mo to. Kay libog talaga ng pagiisip. Batok tuloy ang inabot nya sa akin. "Gago ka talaga. Tigilan mo ngang banggitin yun! Mamaya marinig ka ng driver eh."

Tumawa lang ang mokong at hindi na nga nagsalita pa. Pero ako? Nagugustuhan ko rin namang hawak nya ang kamay ko. As if na parang may something sa aming dalawa. And that fact alone ay enough na para makapagpangiti sa akin.

-----------------

Nasa Antipolo na pala kami. Para itong bulubundukin at ang lamig pala dito. Para kang nasa tagaytay o baguio.

Mukha syang gubat pero magugulat ka na lang na may restaurant pala sa loob.

Pumasok na kami sa loob ng kainan at as usual, head turners nanaman kami. Lalo pa nga silang nagusyoso nung nakita nilang magkahawak kami ng kamay.

Biruin mo, dalawang ang gwagwapong lalaki ay magkahawak ang kamay. Odd.

Kaya naman ay pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ngunit mahigpit talaga ito.

So ayun nga ang nangyare. Hanggang sa pagorder at pagupo sa mesa ay hawak nya ang kamay ko. Nagtataka nga ako kung bakit ang bait nito ngayon. Nakasinghot ata ng katol.

(Nakascore kasi sayo kagabi) Lul. Inamo! Gago ka. Bwiset.

At bakit ang sweet nya ngayon. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon ah. Parang ibang side ni Zarex ang nakikita ko ngayon.

Kaya naman pagupo pa lang ay tinanong ko na agad sya.

"Huy kumag! Bakit ba ang bait bait bait bait at ang sweet sweet mo ngayon sa akin. Gago ka, baka mamaya eh may ipapalit pala ako sayo. Subukan mo lang talaga." Sabi ko kay Zarex na hinahanda ang kakainin namin.

"Masama na palang maging sweet at mabait sa bestfriend/ roommate/ classmate/ ..." Lumapit muna ito sa akin saka binulong ang katuloy ng kaniyang sasabihin.

"...Fuck Buddy" pagtuloy nito saka hagalpak ng kakatawa. Alam nyo, kung hindi ko lang talaga ito kaibigan eh tinusok ko na ito ng tinidor na nasa mesa lang kanina pa.

"Syempre joke lang yon. Gusto ko lang talagang itreat ka at maging date mo ngayon." Sabi naman nito saka ngumiti sa akin.

Ayan nanaman. Ewan ko ba, kapag nginingitian ako ng lalaking ito eh napapangiti rin ako pabalik? Para syang magnet. Sya yung positive at ako yung negative.

Nagusap muna kami ng kung ano ano sa buhay. Minsan sa babae, minsan sa kung anong gagawin sa school, minsan naman sa hobbies, pero minsan sinisingit nya pa rin ang nangyari kagabi. Punyeta talaga.

Pagkatapos kumain ay madilim dilim na pala kaya naman ay lumabas muna kami at nagpahangin hangin.

Humiga kami sa ilalim ng puno ng acacia malapit sa restaurant.

"So, paano mo nalaman ang place na to?" Tanong ko kay Zarex na nuo'y nakahiga sa dalawa nyang palad.

"Dati kasi eh mahilig akong idaan dyan sa restaurant na yan kasi taga Antipolo yung mga kamag-anak namin kaya alam ko lang yan." Kaya pala.

"Bakit wala ka pang girlfriend?" Tanong ko ulit.

"Eh sa ayoko pa eh. Tsaka kung sex lang din naman pala ang paguusapan eh nandyan ka naman para tirahin ko. Hahahahaha!" Isa nanaman sa kanyang pangaasar.

"Ulul ka talaga kahit kailan." Natawa na lang sya sa aking sinabi.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Hanggang sa nagsalita sya.

"Tol, ang ganda ng mga bituin no? Maganda sila pero mahirap at napakaimposible mo silang abutin. Minsan kasi, may mga bagay na kayang kaya nating bilhin at mapasaatin. Ngunit marami rin namang mga bagay na mahirap mapasaatin. Na kahit na anong gawin natin ay hinding hindi natin pwedeng maabot. Parang mga bituin. Kaya tol, habang nabubuhay pa tayo ay gawin na natin ang mga bagay na gusto nating gawin. Tumakbo ka sa damuhan habang may lakas ka pa. Magtampisaw ka sa ulan habang may ulan pa. Sumigaw ka habang may boses ka pa. Huminga ka habang may hangin pa. At magmahal ka hanggat kaya mo pa. Ganun ang buhay tol, maloko."

Napangiti naman ako sa mga sinasabi nya. Hindi mo aakalain na ang isang Zarex ay nagsasabi ng mga ganito. Minsan makikita ko syang tumatawa nagloloko pero iba pala talaga sya kapag nagseryoso.

Nung oras na yun ay inangat ko ang kamay ko sa langit at mga bituin. Sana hindi sya maging isnag bituin. Sana ay mapasakin pa sya habang hindi pa sya imposibleng abutin.

===========

Good evening. Finished another update at sana tuloy tuliy ang inyong suporta sa akin.

Mabuhay kayo at maraming maraming salamat!






Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 49
"Hey let's get married, don't assume I don't have a choice okay?" "Huh? Anong sininghot mo Ms Monster?" Alam kong gas gas na yung mag papanggap si...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
480K 23.1K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
3M 84.4K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...