Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 8

7.7K 121 7
By PollyNomial

KABANATA 8 — The owner of Formosa University

 

I readied myself for the next day. Lahat lahat ng kailangan ay dala ko na. DB told me na ngayon na ang start ko sa trabaho ko sa FF. Actually, ako naman talaga ang may gusto na mag-start na ngayon. Binigyan naman nila ako ng time to adjust myself dahil bago lang ako sa industriyang ito. Hindi naman kasi kalakihan ang business ko at wala pa sana akong balak na pumasok sa fashion industry but since may offer sa akin, ay wala na akong choice. Gusto ko naman talaga ang pinapasok ko.

As for what happened the other night, kilalimutan ko nalang. Saka ko nalang ulit iisipin kung magkita na ulit kami. Kahit naman anong plano ko incase na magkita kaming dalawa, maglalaho rin lahat 'yon at masasabutahe ng puso ko. What for kung maghanda pa ako?

Yung kwintas na bigay niya sa akin, eto, suot ko. I don’t know why I’m wearing this. Nakita ko nalang ang sarili ko na sinusuot ito kaninang umaga nung naghahanda ako. Maybe I’ll just consider this as my lucky charm. Iyon nalang ang role nitong kwintas sa akin. Minsan rin naman itong naging dahilan ng kasiyahan ko.

Hinawakan ko ang kwintas habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Nauna na sila Cody at Nerissa sa FF dahil may kailangan pa silang asikasuhin with DB. Maaga ko na silang pinapasok para naman hindi madisappoint ang boss ko sa mga staff ko. Sinadya ko talagang 'wag nang sumabay sa kanila.

Nasilip ko mula sa bintana ng sasakyan ang daanang tinatahak namin. Si Manong Eddie ang kasama ko ngayon. Ayaw naman kasi ni Daddy na ako nalang mag-isa ang mag-drive kahit na may international licence naman ako. Mahirap na daw at hindi ko pa kabisado ang daan dito sa Pilipinas dahil sa tagal kong nawala.

Nadaanan namin ang isang street kung saan puro estudyante ang makikita. Mga naglalakad, mga nakatambay, at nagkakainan. I used to be like them. Dito rin mismo sa lugar na ito. Nung nag-aaral pa ako ng college dito sa Pilipinas.

 

“Manong Eddie, kahit dito nalang po ako.” Sabi ko kay Manong Eddie nang madaan na kami sa lugar na puno ng carenderia.

“Ma’am?” tiningnan niya ako mula sa rear view mirror. Nagtataka ang mukha niya.

“Bababa na po ako dito. Ako nalang pong mag-isa ang pupunta ng Fortune Fashions. Magko-commute nalang po ako.” Paliwanag ko. Nalaman kong ang university na pinapasukan ko noon ay malapit lang sa pagtatrabahuan ko ngayon. 'Di sila kalayuan kaya nang ma-realize ko iyon ay nagdesisyon akong dumaan muna dito.

This is the reason kaya hindi ako sumabay kayla Cody. Gusto kong daanan ang lugar na ito.

Hininto ni Manong Eddie ang sasakyan at saka bumaling sa akin. “Pero Ma’am Ella, baka ho mapagalitan ako ng daddy niyo.”

 

“Hindi po. Hindi ko po sasabihin sa kanila. At ako naman po ang may gusto eh. Sige na po.” Pakiusap ko. Alam kong loyal 'to kay Daddy. Sa itsura palang niyang nag-aalala ay kitang kita na na hindi ko siya mapapapayag kaagad. “Sige na po.” Pakiusap ko ulit.

“Kagayang kagaya niyo ho ang anak ko. Nasa probinsya ho siya kaya hindi ko madalas nakikita. Pero nakikita ko ho siya sa inyo.” Pagkasabi niya niyon ay pumorma agad ang ngiti sa labi ko. Alam kong mapapapayag ko na siya.

Lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako. “Sige na ho, ma’am.” Sabi niya habang hawak ang nakabukas na pintuan ng kotse.

“Salamat ho!” natutuwang sabi ko.

“Pero ma’am, susundan ko po kayo. Hindi ko po kasi pwedeng suwayin ang daddy niyo. O kaya paparada nalang ako dito at kung aalis na po kayo ay tawagan niyo nalang ako.” Sabi niya sa akin. Hindi na ako nagreklamo. Naawa naman ako dahil baka kapag nalaman 'to ni Dad, mawalan pa siya ng trabaho.

“Sige po.” Ngumiti ako at tumango. “Dito nalang po kayo. May pupuntahan lang ako.”

 

“Okay po.” Matapos nun ay tumayo na si Manong Eddie sa gilid ng kotse. Ako naman ay nagsimula nang maglakad patungo sa pupuntahan ko.

Nilakad ko ang kahabaan ng street. Maraming estudyanteng nag-iingay at nagtatawanan. May mga lalaking nakatambay habang naninigarilyo at ang mga babae naman ay nagdadaldalan. May mga mag-syota rin na ang sweet sweet sa isa’t isa.

Napangiti ako. It’s like I’m back in my time when I was in college. Ganitong ganito rin ako noon. Kasama ko ang mga kaibigan kong naglalakad dito. Kumakain sa mga carenderia kapag hindi na namin trip ang mga fastfood at tumatamabay bago umuwi. Masayang tumititig sa mga lalaking taga ibang school na malapit rin sa university na pinapasukan ko. Meron pa nga akong crush noon eh. Dito mismo kung saan ako huminto at nakatayo siya nakatambay palagi.

But that was all before I he confessed to me. Inaamin ko, nawalan ako ng social life nang magsimula kong pansinin ang nararamdaman niya at nararamdaman ko sa kanya. Nung binigyan ko siya ng chance, sa kanya nalang umikot ang mundo ko.

After class, madalas kong gawin ay sasama ako sa mga kaibigan ko at mamamasyal sa malapit sa mall dito. Pero nung umamin siya at magsimulang maging close kaming dalawa, hindi ko na madalas makasama sa mga kaibigan ko.

It’s like I only focused on him and myself. Nawala ang iba, puro kaming dalawa.

Pero masaya ako. I was so happy kaya hindi ko na naisip ang iba. Sobrang saya ko na siya nalang ang naiisip ko kasama ko man siya o hindi. Kung sana lang nilimitahan ko ang lahat. Kung sana lang hindi ako masyadong nag-focus sa kung anong meron kami. Kung sana lang hindi ko binigay ang lahat ng pagmamahal dito sa puso ko sa kanya. Hindi siguro ako nasaktan kung lahat ng ‘kung sana’ ay ginawa ko.

Nakarating ako sa dulo ng street. Lumiko ako at nakita ang malaking signage na may nakalagay na, ‘To Formosa University.” Nilakad ko kung saan iyon nakaturo. At ilang minuto lang ay nakita ko na ang malaking paaralan na minsan ko nang pinasukan.

FORMOSA UNIVERSITY

Limang taon na nung huli akong nakarating dito. Mas maganda na kumpara sa noon ang university. Nakikita ko ang matataas ng building ng iba’t ibang colleges dito palang sa labas. May nakaharang na sementadong pader kaya hindi ko masilip ang loob mismo. Kailangan ko talagang pumasok para makita ng buo ang university.

Nilakad ko ang sidewalk ng university hanggang sa makarating ako sa entrance. Isang malaking gate iyon na maraming pasukan ng estudyante. May mga guard na nagbabantay. Entrance palang, samu’t saring alaala na ang bumalik sa akin.

Parang gustong magtatakbo ng puso ko papasok ng university pero pigil pigil iyon ng utak ko.

Mind over heart. Yan na ang bagong Mikaella hindi ba? Yup. That’s the new me.

Pero naisip ko, bakit ko nga ba nagawang kalimutan ang paaralang nagbigay sa akin ng pagkakataong maging malaya nung mga panahong nakakulong ako sa mga pader na tinayo ng mga magulang ko? Etong lugar na ito lang ang pinupuntahan ko kapag pakiramdam ko ay nasasakal na ako. How come I left this place without even thinking twice? Ngayon mas marami akong nare-realize. Nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya, ang dami kong sinuko. Nang dahil sa kanya, nalayo ako sa lugar kung saan masaya ako.

Yes I don’t like my course nung college ako dito. Hindi ko gusto ang Business Administration na pilit pinapakuha sa akin ng mga magulang ko. But I was able to set that aside because of my friends here na noon lang ako nagkaroon. Masaya ako dahil sa kanila. Pero… nagawa ko silang iwan lahat dahil lang sa pananakit niya.

“OH MY GOOOOD!” napalingon ako sa tumili sa gilid ko. “Ella? Mikaella Buenzalido-Santos, is that you?!” isang babaeng may sopistikadang itsura ang bara barang tumakbo palapit sa akin.

Tiningnan niya ako ng mataman at ako naman ay kinikilala siya.

“My gooosh! Ikaw nga! Look at you, ang ganda ganda mo! With the curly hair and your outfit? Oh my god! You’re sooo different from Ella the college girl!”

Parang bumbilyang umilaw sa utak ko ang pangalan niya. “Yannie?” tawag ko sa kanya gamit ang nickname niya.

“Yes! Ako nga. Hindi mo ko nakilala? Wala namang nagbago sa’kin ah? I’m still the beautiful and stunning Yannika Flores!” natawa ako sa pamumuri niya sa sarili niya. Yes. Hindi nga ako pwedeng magkamali. Si Yannie nga ito. Hindi ko siya nakilala dahil kitang kita ang pag-mature hindi lang ng mukha niya kundi ng katawan niya.

“How are you?” tanong ko sa kanya. Excited akong makakita ng dating kaibigan. Ang saya kasi siya ang una. She’s my closest friend back then.

“Kakasabi ko lang 'di ba? Still beautiful and stunning! Ikaw? Ikaw ang kumusta na? You’ve been gone since like… five years? Hindi ka na pumasok nung last year natin.”

 

Hindi alam ni Yannie ang tungkol kay Vincent kaya hindi iyon ang sasabihin ko sa kanya.

“I studied abroad. I persued my dreams.” Ngumiti ako. Ito ang alam niya. Ang pangarap kong maging fashion designer. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Ooh. That explains kung bakit ang ganda ganda mo. Pati yang suot mo. So fashionable!”

 

“Hindi naman.”

 

“Sus, pa-humble ka pa. Eh ang yaman yaman mo.” Natawa ako sa sinabi niya.

“So, bakit ka nandito? Ang dami mong dapat ikwento sa akin ah. Ako rin maraming kwento sa’yo. Back to my question, ba’t ka nandito? Mag-aaral sa ulit?” sunod sunod na sabi at tanong niya.

Natawa nalang ako sa kadaldalan niya. Hindi pa rin siya nagbabago.

“No.” tiningnan ko ang entrance ng university. Umiling ako. “Bumibista lang. Na-miss ko kasi eh. Kakauwi ko lang from New York nung isang araw.”

 

“Sosyal! Are you staying here for good?”

 

“I think so.” Siguro nga. Hindi ko alam. Depende sa itatagal ng trabaho ko, siguro. Depende kung papayagan pa ako nila Mommy na bumalik ng New York.

“Sandy!” sabay kaming napalingon ni Yannie sa sumigaw. Palabas ng gate ang isang matangkad na lalaki. Nakakunot siyang nakatingin dun sa maliit na babaeng tinawag niya. Galit na galit ang itsura niya nang lumapit dito. “Where are the files?”

 

“Eto na po, sir. Sorry ho.”

Kumunot ang noo ko. Sir? So boss siya. Obvious nga dahil sa itsura at ugali niya.

Pumalatak si Yannie. “Galit nanaman siya.” bulong niya sa gilid ko.

“Pasensya na po, sir. Papunta na po ako sa inyo pero inutusan po kasi ako ni Prof. Limson.”

 

“Sino bang boss mo dito? Huh? Who do you work for?” naiinis na tanong ng lalaki. Halos sumabog na siya sa galit dun sa kawawang babae.

“K-kayo po.”

 

“Ako. So ako lang dapat ang susundin mo. Naintindihan mo?”

“O-opo.” Halos literal na manginig na ang babae sa takot sa boss niya. Kung 'yan lang din naman ang boss ko, 'wag nalang. 'Di nalang ako magtatrabaho. Ano bang klaseng tao ang ganyang trumato ng kapwa niya tao?

“Monster.” Napalingon ako kay Yannie sa sinabi niya. Parang sinagot lang niya yung tanong ko. Gusto kong tumawa kaya lang napansin ko ang panlalaki ng mata niya. “Oh my god. He’s looking at me.” Parang kinikiliting sabi niya.

“What?” bumaling ako dun sa lalaki.

Kumunot ang noo ko nang makita nang nakaharap ang mukha niya. Nakatingin siya sa direksyon namin ni Yannie. Yung galit niyang mukha kanina ay nawala at parang naging blanko sa emosyon iyon.

Napako na ang mata ko sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya. Those eyes, it’s like I’ve seen them before.

Hindi mapagkakailang ang kisig niyang lalaki. Malaki ang katawan na kahit nakasuot siya ng long sleeves black polo ay mapapansing maskulado siya. Tama lang ang kulay ng balat niya. Hindi maputi hindi rin naman maitim. Sa itsura niya, mukhang kaedad ko lang siya.

And he looks so familiar.

Parang nakita o nakilala ko na siya somewhere pero hindi ko maisip kung saan at kailan.

“Who is he?” hindi ko namalayang tanong kay Yannie. Parehas na kaming titig sa lalaking nasa harap namin na nakatitig rin sa amin.

 

“Him? Well, he’s just the one and only. Oh, I mean isa sa dalawa.”

 

“Huh?” naguluhan ko sa sagot ni Yannie.

“The owner… The owner of Formosa University.”

Owner? As in may-ari? Pero hindi ba kayla Vincent ito? Iba na ba ang nagmamay-ari ng unibersidad? O kasosyo siya? Sino siya? At bakit kung makatitig siya eh parang kakainin niya ako ng buhay? Ako nga ba o si Yannie?

Who is this guy and why do I feel nervous?

Continue Reading

You'll Also Like

AFTERGLOW By Nam Aira

General Fiction

2.5K 134 39
Be the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio
26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
84.5K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
5.1K 69 17
"Lahat kaya kong ibigay sa'yo kasi mahal kita." Started: May 13, 2018 Finished: August 26, 2018