The Millionaire's First Love...

By iamanncollins

7.8K 428 40

"Your brain may forget but your heart won't." More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
ái

Chapter 19

136 8 0
By iamanncollins

"Magandang araw, ito ba ang bahay ni Mr. Anderson?"

Umangat ang ulo ng naka-tungong gwardya. Isang babae ang nasa harap nito na tanging mukha lang nakikita. Balot na balot ito ng kasuotan.

"Ito nga ho, ano pong kailangan nila?"

"Ako ho ang ina ni April, iyong babae na dito nakatira. Nandiyan ba siya sa loob? Paki-sabi naman na nandito ako, ang nanay niya."

Napakamot sa ulo ang naka-duty na gwardya.

"Ah, iyong kamukha ni ma'am Veronica. Naku! Wala po sila, nasa barko sila ngayon, nagbabakasyon."

"Nasa barko? Saan yun? Baka naman pwede kong malaman. Importante na maka-usap ko ang aking anak."

"Cruise ship ho, at sigurado malayo na sila sa Pilipinas ngayon. Kung gusto niyo ho, kay Aling Lilia niyo na lang ihabilin ang nais niyo sabihin. Sandali lang ho, ipapa-alam ko lang sa kanya."

"Sige, salamat. Ah, pwedeng paki-bilisan hindi kasi ako pwede magtagal."

Tumango ang gwardya at tumakbo sa loob ng mansyon. Kasama na nito ang matanda nang bumalik.

"Ikaw ba ang ina ni April?" Anito pagkalapit.

"Oho, ako si Tessa. Importante sana na maka-usap ko ang aking anak. Kaso wala raw siya rito. Pwede ko ho bang iwanan na lang ito sa inyo. Pag dumating si April, paki-sabi na puntahan ako agad sa address na iyan."

"Ako naman si Lilia. Ang katiwala ng mga Anderson. Sige, sasabihin ko agad kay April ang sinabi mo sa oras na makabalik sila. Halika, muna sa loob pumasok ka."

"Hindi na kailangan Aling Lilia, nagmamadali din kasi ako. Maraming salamat po. Mauna na ako."

May mga bagay pa sana na nais itanong ang matanda sa babaeng nagpakilalang ina ni April ngunit mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. Naiiling siya na sinundan na lamang ng tanaw ang babae.

Tiningnan niya ang papel na ibinigay nito. Address ang nakalagay. Ibibigay na lamang niya iyon pagdating ni April.

SAMANTALA, palingon-lingon si Tessa habang binabalagtas ang daan palabas ng Hacienda. Malakas ang kutob niya na may mga matang nakasunod sa kanya. Napa-sign of the cross siya.

Binilisan niya ang hakbang nang sa gano'n makalabas na ng tuluyan sa lugar. Ilang linggo na simula nang nilisan nila ang dating tirahan. Natatakot siya na baka bumalik ang mga taong nagkatangka ng kanyang buhay noon at mas lalo siyang natatakot na baka madamay ang mga anak.

Nakahinga siya ng maluwag nang marating ang mataong lugar. Nawala na rin ang pakiramdam na may sumusunod sa kanya. Sumiksik siya sa maraming tao at pumasok sa makipot na daan.

"NAY! buti naman nandito na kayo. Si Lucy ang bunsong anak."

"Bakit may mga taong kahinala-hila ka bang nakita dito?" Anya na labis ang takot at pag-aalala.

"Wala naman 'Nay. Nag-aala lang ako sa sa inyo. Nagkita ba kayo ni ate? Nakapag-usap kayo 'Nay? Makakasama na ba natin siya muli?"

Niyakap niya ang anak. Siyam na taon nang matagpuan niya ang walang malay ba babae noon sa kaingin ng namayapang asawa. No'ng una, inakala niya na napatay na ang babae. Sa takot niya, tumalikod siya at tatakbo na sana nang ma-uling-lingan ang ungol na tila hirap na hirap.

At nang humarap siya muli. Naka-dilat ang isang mata ng babae. Nagawa pa nitong humingi ng tulong bago himatayin. Nilapitan niya ang babae at kinapa ang pulsuhan. Tumitibok at alam niya buhay pa rin. Nai-uwi niya ang babae ngunit bago ang lahat. Kinailangan muna nila magtago sa makapal na mga damuhan dahil may mga tinig siyang nauling-lingan sa paligid. Nasindak siya nang sumilip sa maliit na siwang ng damu nang makita ang baril sa kamay ng lalaking hindi niya kilala at malapit lang iyon sa pinagtataguan nila.

Dumagundong din sa pandinig niya ang sigaw ng isang babae. Veronica. Ang pangalan na paulit-ulit nitong tinatawag na may himig ng galit. Tanging taimtim na panalangin ang sandata niya noon para wag lang sila makita.

Malinaw na nakita niya ang mukha ng babaeng galit. Nakatatak iyon sa kanyang isipan at hindi mawaglit.

Dinala niya ang babae sa maliit nilang bahay. At kinabukasan nang magkamalay, wala itong maalala ng kahit na ano sa nakaraan. May malaki kasi itong sugat sa ulo na tila hinampas ng bakal.

Simula noon, tinawag niyang April ang babae. Gumawa siya ng kwento, at itinago ang katotohanan sa takot na baka patayin ito ng tuluyan nang kung sinoman.

Minsan na rin niyang nakita ang babae na may balak na masama kay April. Nagulat siya noon nang makita ito kasama si Omer. Ang walang hiyang lalaki na pinagkatiwalaan niya na mahalin ang anak-anakan na si April. Ang buong akala ni April ay boyfriend na nito noon pa man si Omer. Akala kasi niya, iyon ang nakakabuti para rito. Kilala niya noon pa si Omer, mabait at magalang. Kaya naman labis ang tiwala niya. Pero nagkamali siya, at nanghinala nang makita ito na kasama ang masamang babae.

"Sana makasama na natin si ate, Nay. Namimiss ko na si ate April."

"Ako man ay namimiss na rin ang ate mo. Sa ngayon, dito muna tayo. At kailangan natin mag-ingat."

"Bakit ba tayo gustong saktan ng mga masamang tao, Nay?"

"Hindi ko rin alam, ang mahalaga sa ngayon ay ligtas tayo. Halika na, may dala akong pansit. Alam ko na paborito mo ito."

Inakay ni Tessa ang anak. Totoo niyang anak si Cindy. Ito ang naiwan ng asawa sa kanya ng pumanaw sa sakit sa atay.

"SIR, I'm sorry to disturb you but there's an emergency call for you in the office." Magalang na pagkasabi ng Isang crew.

Sandaling nagkatinginan sina Ivan at April.

"All right, I'll take the call." Anya sa crew. Binalingan niya ang mag-ina. "Sandali lang ako, sasagutin ko lang ang tawag." Tumalikod siya at pumunta sa opisina.

"Hello? Who's this?"

"Sir, pasensiya na ho kung napatawag ako." Kilala niya ang nasa kabilang linya. Ang kanyang private investigator.

"It's okay, that must be important."

"Yung pinapahanap mo sir, nakita na namin."

He stood straight. "Thats good news. Where are they? Are they okay?"

"Pumunta kahapon sa mansyon ang babae sir. Tila may hinahanap, sinundan ko lang ito hanggang sa makita ko kung saan nakatira."

Napaisip siya. "Okay, just keep an eye with them and please, keep them safe."

"Makakaasa kayo sir."

"Maraming salamat."

He hang-up the phone and lean his butt on the edge of the table. Nabuhay ang pag-asa niya na malaman ang buong katotohanan sa pagkawala noon ng asawa.

Bago bumalik sa mansyon, plano niya na ipagtapat kay April ang katotohanan tungkol sa pagkatao. He heaved a long a sigh before heading the door. Bumalik siya sa mag-ina.

Kahapon ay nilibot nila ang buong barko. Naligo sa pool at kung ano-ano pa. Enjoy na enjoy ang dalawang babae at syempre masaya siya. Masaya na makitang masaya ang mga mahal sa buhay.

Maingat na binuksan niya ang pinto. Napangiti siya ng makitang tulog ang dalawang babae. Isinara niya ang kurtina at lumapit sa kama.

Magkayap ang mag-ina niya. Umupo siya sa gilid at tinitigan ang mga ito. Gumalaw si April. Disoriented na nagmulat nang maramdaman ang presensya niya.

"I'm sorry, nakatulog ako."

"It's okay, just sleep." Umisod siya at tumabi. Kinabig niya ang ulo ng babae at inilagay sa braso.

"May problema ba?"

"Wala naman, bakit?"

Umiling ito at isinubsob ang mukha sa dibdib. He caressed her spine back and fort. Hinayaan niya na muling makatulog ang babae. Inabot ng isang kamay niya ang anak at hinaplos ang buhok. Parang kailan lang, ang laki na nito.

Ano kaya ang maging reaction ni April sa oras na sabihin niya ang totoo? Tatanggapin kaya nito? Maniniwala kaya sa kanya ang babae? Ipinilig niya ang ulo.

NAGISING si April sa mahinang katok. Binalingan niya si Georgina sa tabi. Tulog pa rin at si Ivan hindi na niya makita sa loob ng silid. Maingat na tinabig niya ang kumot at dahan-dahan sa pagbaba ng kama para hindi magising si Georgina.

"Good evening, ma'am. Mr. Anderson would like to give this to you."

Kumunot ang kanyang noo. Nasa malaking box natuon ang kanyang paningin.

"Bakit daw? Ano ba 'to?" Kinuha niya ang box at binuksan. Napanganga siya nang tumambad ang isang simple ngunit eleganting dating ng damit, dalawa iyon na magkapareho. Hula niya ay para kay Georgina ang isa dahil maliit.

It was an evening dress. Elegant yet simple. The dresses are indeed, gorgeous.

"Bilin po ni sir na isuot niyo raw ito, ma'am. Babalik po ako after 30 minutes para sunduin kayo."

"S-sige, salamat dito." Magalang na tumango ang babaeng crew.

Ipinatong niya sa kama ang damit at ginising si Georgina.

"Baby, wake up. We have a group date tonight, daddy send us our dresses. C'mon, sweetie. Enough sleeping for now."

"Talaga mommy? May I see the my dress?" Anito na kinukusot ang mga mata.

"Oo naman." Tinulungan niya bumangon ang paslit. Inabot niya ang box at ipinakita ang damit nilang pareho.

"Wow!" She giggled cheerfully.

"Beautiful isn't it?"

"So beautiful, mommy."

"Good, now let's fix ourselves. Dahil ipapasundo tayo ni daddy mamaya-maya lang."

Excited na tumango si Georgina. Natawa siya ng tumakbo ito sa banyo para maghimos at toothbrush. After awhile ready na sila. Halos hindi siya makapaniwala sa babaeng nakikita sa salamin. The dress is perfectly fitted. It shows her curves. Akala niya ay damit lang ang naroon, may kasama pa lang sandals nang kunin niya ang damit.

Napangiti siya nang masilayan si Georgina. Super cute nito sa suot. They were really looked like mother and daughter.

There were knocks on door.

"Baby, let's go."

"Yes, mommy! Coming! You're gorgeous mommy, I'm sure daddy's jaw will drop, later."

Mahinang tumawa siya sa sinabi ni Georgina. Kinuha niya ang kamay ng paslit at sabay na tinungo ang pinto.

"And you are gorgeous too, sweetie."

Humagikhik si Georgina.

The crew assisted them going to the resto bar. Maraming tao ang naroon, pina-upo sila sa naka-served na table. Hindi niya makita si Ivan, inilibot niya ang paningin. Noon lamang niya napansin na may mini stage pala ang resto bar at may mga instrumentong naka-set up. Siguro ay may live band. Anya sa isip.

"Juice ma'am, and to you miss Georgina, your favorite strawberry smoothie."

"Thank you." Georgina said politely with a huge smile. And so she does.

Luminga ulit siya sa paligid. Umaasa na makikita ang hinahanap.

"Good evening, everyone." Humarap siya at nakita ang isang lalaki sa ibabaw ng stage. "Tonight, we will have our unexpected special guest. He'll sing a song that once he sang to a someone really special. And tonight, he will sing it again for his 9 years long lost love."

Dumagundong ang palakpakan sa paligid. Pati si Georgina ay naki-palakpak din.

Kinabahan si April. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng gano'n.

"Ladies and gentlemen, please welcome the reluctant Mr. Ivan Paul Anderson. Let's give him around of a applause!"

"That's my daddy! Go daddy!" Proud na proud na sigaw ng anak.

Her jaw was literally dropped seeing him. Naitakip niya ang palad sa bibig.

"Mommy! Look at daddy on stage! He'll going to sing!"

Saktong napatango-tango na lamang siya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Si Ivan, nasa harap ng microphone at nakangiti ng matamis.

Tinapik niya ang dibdib at pinakawalan ang paghinga na kanina pa pala pinipigilan.

"With all my love I would like to dedicate this song to my one and only, wife." Nakatuon sa kanya ang mga mata ni Ivan.

She was shocked. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Nahirapan siyang huminga.

A-anong ibig sabihin ng sinabi ni Ivan? Batid niya na palagi siyang napagkamalan na asawa nito. At pinapalampas niya iyon dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ng lalaki.

She was hardly swallowed the invisible lamp in her throat. Tumaas ang tingin niya sa ibabaw ng stage.

"Your brain may forget who you really are, but your heart? It won't. It will never. Just listen carefully to every beat of you heart, and with that... you will know the answer. You once requested me to sing a song despite of being sintonado... and please listen, love... I hope this song will bring back your lost memories..."

Napasinghap siya sa sinabi ni Ivan. May mga naririnig siyang bulungan, iyong iba kinikilig.

Hindi niya inaasahan ang lahat. Nanlalamig ang palad niya.

Sa oras na iyon, nais niya tumakbo nang tumakbo. Iyong walang makakakita sa kanya. Malayo sa lahat. Nalilito siya. Litong-lito. Sumasakit ang ulo niya.

She felt weak. Her knees was terribly shaking. Itinakip niya ang dalawang palad sa mukha.

If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?

She sobbed in silent when he started to sing. It felt nostalgic.

I never know what the future brings,
But I know you are here with me now,
We'll make it through,
And I hope you are the one I share my life with

She doesn't know why. Ang lamig ng boses ni Ivan. P-parang... parang narinig na niya ito dati pa.

I don't want to run away but I can't take it, I don't understand,
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?

Their eyes met. It speak thousands of emotions. She sobbed even more, shaking her head.

Si Georgina sa kabilang upuan ay patuloy na nagchi-cheer sa ama.

If I don't need you then why am I crying on my bed?
If I don't need you then why does your name resound in my head?
If you're not for me then why does this distance maim my life?
If you're not for me then why do I dream of you as my wife?

She stay still. Unable to speak.

Continue Reading

You'll Also Like

201K 7.4K 39
LETTERS SHE WROTE. ❝I hope that someday when I am gone, someone, somewhere, picks my soul up off of these pages and thinks: I would have loved her. ❞...
9K 328 24
Scarlett forced herself to marry Attorney Charles Arthur Dela Vega in order to please her father.
211K 4.5K 24
in which a girl moves to the city and falls for somebody she least expects to fall for. 𝐑𝐄𝐘𝐄𝐒𝐂𝐓𝐑𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍.✰
323K 9K 23
Warning: SPG|R-18|MATURED CONTENT Started: 08|March|2021 Ended: 19|March|2021