Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU2
#YU3
#YU4
#YU5
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU29

2.9K 253 47
By pureasfierce

•RICHARD•

After class, dumiretso na kami nina Paolo at Kevin sa Ateneo for the basketball tryout. Hindi na sumama sina Maine sa loob kasi baka magalit pa daw sa kanila yung coach ng team sa sobrang ingay nila. Hihintayin na lang daw nila kami sa Teaology.

Pagdating namin sa gym, there were players from other schools as well. We formed four groups, two groups played against each other, the other two as well. Lahat sila magagaling, at ginalingan talaga lalo ngayong tryouts. Nahirapan nga kami nina Paolo kasi yung iba malalaki din, walang panama yung mga height at built namin.

Hindi na ko nag-eexpect na makapasok sa team since alam kong malalakas talaga yung mga kinukuha nila. I might focus on my acads when I enter college, or I'll focus in UP's basketball team. Doon ko rin naman talaga balak mag-enroll kapag nakapasa ako.

After the game, their coach talked to all of us and told that they're going to call our coaches kapag nakapasok kami. We shook hands with everyone as the tryouts ended. Nagpasalamat na rin kami sa mga coaches at assistant coaches for giving us a chance.

Lumabas na rin kami sa gym saka dumiretso sa Teaology. Doon na rin kasi nag-park ng sasakyan si Paolo para hindi na daw masyadong hassle papasok at palabas ng Ateneo. Traffic kasi paglabas eh, uwian na kasi ng grade school. Pagdating namin sa Teaology, we saw the girls busy scribbling on their respective notebooks. Hindi na rin nila naramdaman na pumasok kami sa loob at umupo sa tabi nila.

I faked a cough which caught Maine's attention. She looked up and gasped, saka ako hinampas ng hinampas sa braso.

"Aray ko, Nicomaine! Inaano ka ba?" I asked her while rubbing my arm. Napaangat na rin ng tingin sina Gio at Karla.

"Kanina pa ba kayo?" Karla asked while scratching her head with her pen. "Ang hirap kasi nitong Trigo quiz na to eh!"

"Pansin nga namin eh," Kevin said after sipping on Gio's cup of lemonade. Gio glared at him pero hindi na masyadong inintindi kasi mas pinoproblema nilang mga babae yung take home quiz namin sa Trigo.

"Akin na, ako nang sasagot nung sayo," I told Maine and grabbed her pen and paper. "Wag mo nang intindihin yung example na binigay kasi may mali din naman doon."

"Weh? Seryoso? Panong may mali?" she asked, her brows furrowed. "Ugh, wag mo na ko sagutin. Simulan mo na lang yan please kasi sumasakit na ulo ko."

"Tapos mo na bang sagutan to, Richard?" tanong ni Karla sa akin. Sasagot na sana ako pero pinigilan niya ko. "Wag na, mabilis ka nga palang natapos kanina."

Natawa na lang ako saka ko tinuloy yung pagsagot. Natapos ko din naman agad kaya binigay ko na kay Maine yung notebook niya.

"Hala, ang bilis mo naman," sabi ni Maine sa akin pagkaabot ko sa kanya nung notebook niya. "No sweat ah?"

"Kaya nga diyan kami kumokopya kay Poks eh," sabi ni Kevin. "Mabilis na, tama pa."

Sinamaan naman ng tingin ni Gio si Kevin, saka binatukan. "Grabe ka talaga!" napapailing na lang kami sa kanilang dalawa eh. Di rin nagtagal, nagbangayan na rin sila.

"Kamusta nga pala yung tryouts niyo?" Maine asked after Gio and Kevin's mini quarrel. "Anong sabi nung coach nila?"

"Kay Coach Ayo daw namin malalaman eh," I told them. "Di na ko umaasa, magagaling mga kalaban eh. Magfocus na lang ako sa UP."

"Kayo din?" Maine asked Kevin and Paolo. Tumango lang sila saka uminom ulit. "Hay naku kayo. Ganun kagaling yung mga kalaban niyo?"

"Naku Maine, kung makita mo lang. Mas malaki pa sa'min," Paolo told her. "Nababalya pa nga kami eh."

"OA niyo ha. Pero di bale, may UP pa naman kayo. You can still try naman," Karla said while tapping Paolo on his shoulder.

"Ano? Tara na? Baka gabihin din kasi tayo eh," I told them. Nag-ayos na ng mga gamit sina Maine saka kami umalis.

***

Nagising akong bigla kasi nagriring yung phone ko. Pagtingin ko, si Maine yung tumatawag.

"Hello?"

"RJ, kanina pa kita tinatawagan! Anong oras na! May class reunion dinner pa kayo ngayon huy," she told me on the other line.

"Ha?"

"Anong ha? Bumangon ka na diyan, malapit na ko sa inyo. May dinner pa kayo! Sige na love maligo ka na please. I'll see you later," she said and dropped the call.

After ending the call, I saw 7 missed calls and 2 messages from Maine.

Love, don't forget ha. May dinner kayo later, baka ma-late ka.

RJ, sumagot ka naman.

Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 6pm na pala. 7pm daw yung class reunion dinner. Nagmadali na kong maligo kasi magda-drive pa ko. Nagbibihis na ko nung may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Love?"

"Saglit lang!" I put on my pants and opened the door.

"RJ naman magdamit ka nga muna!" sabi niya sa'kin saka tinakpan yung mga mata niya. She sat on the edge of the bed.

"Ang OA naman nito, nakita mo na kaya to dati pa!"

"Yuck ang taba mo kaya ngayon wala ka ngang abs oh," she said while peeking.

"Bakit ka naninilip?"

"Ewan ko sa'yo magbihis ka na!"

Tinawanan ko lang siya saka ko sinuot yung shirt ko.

"Dito ka lang ba muna?" I asked her. Wala daw kasi siyang kasama sa bahay nila kaya makikipaglaro daw muna siya kina Angel and Globie.

"Yup, nagtext na rin naman ako kina nanay na dito na muna ako. Baka sunduin na lang din nila ako dito."

"Sige. Uuwi din ako agad pagkatapos ng dinner para maabutan pa kita. Hindi ko rin kasi matanggihan si Ms. Castillo eh, bago man lang daw sana siya umalis papunta sa States makumpleto kaming mga students niya."

"Ay, oo nga pala no? Aalis na nga pala si Ms. Castillo."

"Sayang, hindi ka nga pala namin classmate dati," I told her as I held her hand. "Ayaw mo ba talaga sumama?"

She shook her head and smiled. "Hindi na, class reunion niyo yun. You should enjoy it with them."

Tumayo na siya saka kami lumabas sa kwarto. She linked her arms to mine as we walked down the stairs. Naabutan namin sina Mary and Angel na nanonood ng movie sa living room.

"Aalis na ko ha? Nandiyan naman sina Mary kung may kailangan ka," I cupped her face and kissed her forehead. "Mamimiss kita."

"Huy, ang OA mo ha. May dinner ka lang naman with your former classmates," she pushed me lightly and chuckled. "Sige na, alis na baka ma-late ka pa."

"Ano ba yan kuya, alis na. Natutunaw na si Ate Maine," saway sa'kin ni Mary. Nakatitig na lang kasi ako kay Maine eh. "Dali na kuya maglalaro na kami!"

***

Sinalubong ako ni Anya pagdating sa restaurant. Nandun na yung ibang mga kaklase namin, including Ms. Castillo.

"Hinihintay na lang sina Jacob and Jill, on the way na naman daw sila," sabi ni Anya sa'kin. She linked her arms to mine as we went inside the restaurant. Aalisin ko na sana kaso nakita na kami ni Ms. Castillo.

"Oh, Richard! I'm glad you came!" sabi sa'kin ni Ms. Castillo. "Kasama mo na pala si Anya."

"Ah, nakasalubong ko—"

"Hinintay ko po siya sa labas, Miss," Anya said and smiled sweetly. Tumuloy na kami sa mga upuan namin pero hindi pa man ako nakakaupo, may narinig na akong tumawag sa akin.

"RJ."

Paglingon ko, sina Maine at Mary, papalapit sa amin. Tinanggal ko agad yung mga kamay ni Anya sa braso ko. She walked towards me and gave me my phone.

"Naiwan mo sa bahay," she said nonchalantly. She turned to Ms. Castillo and smiled. "Good evening po, Ms. Castillo."

"Uy, Maine Mendoza! Kamusta na?"

"Okay naman po, aalis na rin po ako. Binigay lang po namin kay Richard yung phone niya," she said. "Mauna na po kami."

Naglakad na sila ni Mary palabas ng restaurant. "Ms. Castillo, saglit lang po," sabi ko saka ko sila hinabol.

Hinawakan ko si Maine sa braso nung maabutan ko sila, making her turn to face me. "Maine,"

"Oh?"

"Mag-usap naman tayo please."

"Hindi na, mamaya na. Bumalik ka na muna don."

"Maine,"

She removed my hand on her arm saka niya hinawakan yung kamay ni Mary. "Bumalik ka na doon, please. Mamaya na tayo mag-usap," she looked at Mary. "Tara na."

They started to walk away, leaving me behind, sweating profusely. Lagot. Lagot ka kay Maine, Pokerson, I mumbled to myself.

***
A/N: Anyare sa daily updates hahahaha. Unbeta'd, all mistakes are mine. Edit ko na lang next time hahaha. Nilagyan ko muna ng ganyan kasi kung puro pasweet, baka boring na sa iba sa inyo. If you have any prompt suggestions, comment niyo lang. Happy reading. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...
231K 5.3K 58
Dragomir Series #1 She was talented. He was an overachiever. She lied to him. He forgave her. She hurt him. He hurt her. They knew each other best...
68.7K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
402K 9.2K 46
Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na...