You Belong To Me (Published u...

By aLexisse_rOse

1.4M 28.6K 1.8K

Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakir... More

You Belong To Me
Prologue
Chapter One: Stalker
Chapter Two: Mistaken
Chapter Three: His Name
Chapter Four: Escape
Chapter Five: Stay
Chapter Six: Chance
Chapter Seven: His Coldness
Chapter Nine: His Presence
Chapter Ten: Wishful Thinking
Chapter Eleven: Goodbye Kiss
Chapter Twelve: Hope
Epilogue

Chapter Eight: Set Her Free

74.1K 1.7K 127
By aLexisse_rOse

Chapter Eight: Setting Free

                Just another bad dream!

                Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa carpeted floor. Iyon na naman ang mga panaginip na nagbibigay ng alalahanin sa akin. At aaminin ko na nagbigay iyon ng takot sa dibdib ko. Dahil malaki ang posibilidad na mangyari ang masamang panaginip kong iyon. At sa oras na malaman ni Bianca na hindi ako si Kirsten ay siguradong susugod siya.

                Mabilis akong napalingon sa sunud-sunod na pagkatok sa pintuan. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang mabosesan ko si Louie. Bumangon ako at tinungo ang pinto.

                "Are you okay?" Bungad niyang tanong sa akin.

                Naguguluhan na tumango ako.

                "Narinig kitang sumigaw kanina," naroon ang pag-aalala sa kanyang mukha. "What happened? Are you having a bad dream again?"

               

                Muli akong tumango. I couldn't seem to find my voice. Nagugulat ako sa kinikilos ni Louie. He is different again. Taliwas sa pinakita niya sa akin kaninang umaga. Unconciously I closed my eyes when I felt his warm palm on my cheek. Sa isang iglap ay nawala ang mga alalahanin ko. I feel safe with him.

                Rhyme...

                I heard he said my name. But I'm not so sure. Nagha-hallucinate lang yata ako.

                "May masakit ba sayo?"

                Doon ako nagmulat ng mga mata. "S-sumakit lang ang ulo ko," pagsisinungaling ko.

                "Nasobrahan ka siguro sa pagbabasa," yumuko si Louie at ginagap ang kamay ko. "Come, paiinumin kita ng gamot. Pero bago iyon kumain ka na muna."

                Walang kibo na sumunod na lang ako sa kanya. Kahit pa siguro tumanggi ako ay hindi rin siya makikinig sa akin. Nakababa na kami ng hagdan nang eksaktong may kumatok sa main door. Lumingon ako kay Louie at binigyan siya ng 'may in-expect ka bang bisita?' na look. Ngunit nagkibit-balikat lang siya at binuksan ang pinto.

                "Hello people!" Masiglang bati ni Bianca.

                Nagsalubong ang mga kilay ni Louie. "Why are you here?"

                "Masama bang bisitahin ang bestfriend ko?" Balik tanong niya at saka tumingin sa akin. There something in her smile that makes me shiver. Tila mayroon siyang binabalak na hindi maganda.

                "I brought your favorite," sabay abot sa akin ng bitbit niyang kahon. Cake yata ang laman n'yon. "Nag-dinner na ba kayo?"

                "Not yet," sagot ni Louie.

                "That's good. Makikisabay na rin ako," aniya na nagpatiuna sa dinning area.

                Sa hapagkainan, kapansin-pansin ang pagiging madaldal ni Bianca. Tila hindi napapagod ang bibig niya sa pagkukuwento. Karamihan ay puro tungkol kay Kirsten at sa nakaraan nilang dalawa. Magkababata pala silang dalawa at halos sabay na lumaki.

                "That's why I knew you so well, dear," baling niya sa akin na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. "I know when you are having a problem and acting really weird. I know when you are hiding something from me."

                Sa pananalita ni Bianca ay tila ay alam na niya na hindi talaga ako si Kirsten. Ganon na lamang ang pagkabog ng aking dibdib ng mga oras na iyon.

                "Try this one," nilagyan ako ni Louie ng pagkain sa plato.

                "Kristen, kailan ka pa kumain ng hipon? Hindi ba allergic ka sa mga seafoods?" Tanong ni Bianca na nagpa-froze sa akin.

                Si Louie ang sumagot. "Na-overcome na niya ang allergy niya. So, there's nothing to be worry about." Hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo.

                Tumango-tango ang dalaga. Ngunit mukhang hindi siya kumbinsido. Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang matatalim niyang irap.

                "Oo nga pala, Kirsten," sabi ni Bianca pagkaraan na nagpaangat ng mukha ko. "Hindi ba may sasabihin ka kay Louie? You can tell him now."

                Kumunot ang noo ko. Ano ba ang gustong palabasin ng babaing ito?

                Nagtatakang lumingon sa akin ang binata. Pagkaraan ay bigla siyang ngumiti. "What is it? Do you have a surprise for me?"

                Kahit naguguluhan ay sinakyan ko na lang ang sinabi niya. "I'll tell you later...privately." At pilit akong ngumiti.

                "Oh come on, Kirsten! I'm your bestfriend. Wala ka nang dapat itago sa akin," pakikisakay na rin ni Bianca.

                Ngunit kung inaakala niya na magtatagumpay sa kanyang binabalak, p'wes nagkakamali siya.

                "Maybe, later. Makakapaghintay naman ako."

                Muntikan na akong mapabulanghit ng tawa sa sinabi ni Louie. Hindi ko malaman kung sinasakyan niya lang din ang sinabi ko o wala talaga siyang kamalay-malay sa tensyon na namamagitan sa aming dalawa ni Bianca.

                I need to do something. Kailangan ko siyang maunahan. Mas mabuti na sa akin malaman ni Louie ang totoo kaysa sa bibig ng babaing ito. Dahil alam kong mas lalo siyang masasaktan kung hahayaan ko si Bianca ang magsabi ng katotohanan sa kanya. Hindi magiging madali para sa binata ang tanggapin na magkaibang tao kaming dalawa ni Kirsten.

                "I'll help you," pagboboluntaryo ko kay Louie sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Hindi ko hahayaan na mapag-isa ako kasama ni Bianca. May pakiramdam ako na hindi ako ligtas sa kanya, patunay ang matatalim niyang sulyap sa akin magmula kanina.

                "Ako na rito."

                "I insist," pagpupumilit ko. At wala nang nagawa ang binata kundi hayaan ako.

                "I better go," pagpapaalam ni Bianca. "Thanks for the dinner. Bye guys," aniya bago humakbang palabas.

                Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang tuluyan siyang makaalis. Ngunit hindi ibig sabihin ay tapos na ang aking problema. Humugot ako ng malalim na paghinga at lumingon kay Louie.

                "Can I talk to you?"

                "Sure," sagot niya habang abala pa rin sa pagliligpit. "Just wait for me upstair. Tatapusin ko lang linisin ang mga ito."

                "I mean now." I couldn't wait. Hangga't hindi pa ako pinanghihinaan ng loob.

                Doon lamang lumingon sa akin si Louie. "Ano ba ang sasabihin mo na hindi makapaghintay?"

                "I-it's about-"

                "Just wait for me upstair, okay." Pinihit niya akong bigla paharap ng pinto at itinulak palabas. "Don't be stubborn. Now go."

                Hindi na ako nakapiyok nang ihatid niya ako palabas ng pinto. Maybe later. Hihintayin ko na lang siguro siya. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat na lang ako nang may biglang tumulak sa akin papasok ng kuwarto.

                "If you think you can escape me, then think again!" Nakangisi na sabi ni Bianca at ni-locked ang pinto.

                Buong akala ko ay nakaalis na siya!

                Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. "Ang kapal din naman ng mukha mo na magpanggap bilang si Kirsten. Maaaring naloko mo si Louie, pero hindi ako. Magmukhang-magkamukha man kayong dalawa ay alam ko pa rin na hindi ikaw ang kaibigan ko."

                "H-hindi ko niloloko si Louie," wala sa loob na sabi ko habang patuloy na umaatras.

                "Ano ang sa palagay mo ang ginagawa mo? Hindi pa ba obvious na niloloko mo siya sa pagpapanggap mo? Tell me, sino ka nga ba talaga? Why are you doing this?"

                Gusto kong magpaliwanag at sabihin sa kanya ang totoo. Pero mabilis na nagbago ang isip ko. Hindi na niya kailangan malaman ang tungkol doon.  May kakaiba sa kilos niya. At kung tama ang hinala ko ay mayroon siyang ibang motibo.

                "How about you? Why are you so affected?" Matapang na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanya. "Matalik na kaibigan ka lang naman ni Kirsten. It's none of your business anymore sa personal affair ni Louie."

                Sa isang iglap ay nakalapit si Bianca sa akin at hinablot ako sa buhok. "You bitch! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Sinong pinagmamalaki mo si Louie? Sa oras na malaman niya na niloloko mo siya, siya mismo ang magpapalayas sayo sa bahay na ito!"

                "B-bitawan mo ako, Bianca," pagpupumiglas ko. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko at nasasaktan na ako.

                "Gusto mong sumigaw? Then go on. Para marinig ka ni Louie at nang malaman na rin niya ang totoo."

                Kumawala ang kamay ko at tumama iyon sa kanyang mukha. Dahilan para mabitawan niya ako. Mabilis akong tumakbo patungo sa pinto ngunit bago ko pa iyon mabuksan ay naabutan na niya ako. Muli akong hinablot ni Bianca sa buhok at ubod nang lakas na itinulak. Napaupo ako sa sahig. Nang tangka niya akong susugurin ay sinipa ko siya sa sikmura. Siya naman ngayon ang tumumba. Agad akong tumayo ngunit nahagip niya ako sa paa at muling akong bumagsak. Sinamantala niya iyon at sinugod ako. Tuluyan akong walang nagawa nang kubabawan niya at sunud-sunod na pinagsasampal. Sinubukan kong lumaban. Ngunit naunahan niya ako.

                "Bitch! Bitch! Bitch!" Tila isang mabagsik na tigre si Bianca at wala akong magawa para pigilan siya. Ilang sandal ay naramdaman ko na lang nang umangat ang dalaga sa ere. Binitbit pala siya ni Louie.

                "Let me go!" Pagpupumiglas niya. "Let me go!"

                "Enough, Bianca!"

                "She's not Kirsten! She's an impostor! Niloloko ka lang niya, Louie!" Muli sana niya akong susugurin ngunit naging maagap ang binata.

                "Bianca!" Sigaw niya at tinulak palayo ang dalaga na halos ikasubsob nito. Kung nagulat si Bianca ay nagulat din ako sa inakto ni Louie.

                "Loui, listen to me. Hindi si Kirsten ang babaing iyan!" Sabay turo sa akin. "Isa siyang impostor. Nagpapanggap lang siya bilang si Kirsten. Niloloko ka lang niya."

                "Umalis ka na, Bianca," pagtataboy ng binata at itinuro ang pinto. "Huwag mo nang hintayin na kaladkarin kita palabas," sabi pa niya sa mapanganib na boses.

                "Louie, bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Hindi siya si Kirsten! Hindi siya si Kirsten!" Parang nababaliw na sabi pa ni Bianca.

                "How did you know?" Mapanganib na tanong ni Louie.

                "Dahil na nasa New Jersey ang totoong Kirsten!"

                Sa isang iglap ay nakalapit ang binata kay Bianca. Napasigaw ako nang isang suntok ang ibinigay niya rito. Ngunit imbes na mukha ng dalaga dumapo ang kamao niya ay sa dingding iyon tumama. Ngayon ko lamang nakitang magalit nang ganoon si Louie. At kahit ako ay natakot na hindi ko magawang awatin siya.

                "Kailan mo pa nalaman?" Nag-aapoy ang mga mata na tanong ni Louie. Sa sobrang sindak ni Bianca ay hindi niya magawang makakilos. "Kailan mo pa nalaman?" Muling sigaw ng binata na nagpakislot sa akin.

                "K-kahapon ko lang n-nalaman."

                "Sinungaling! Matagal mo nang alam pero hindi mo lang sinasabi sa akin."

                "I swear, Louie kahapon ko lang nalaman."

                Mabilis na umangat ang mga kamay ni Louie sa leeg ni Bianca. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang mga pinaggagawa mo? All this time pinaniwala mo ako na wala kang alam kung nasaan si Kirsten. When all along ay pinagplanuhan mo ang lahat ng ito. Ginawa mo akong miserable sa pag-aakala na mapapalitan mo siya sa buhay ko!"

                "Louie!" Sigaw ko at mabilis siyang inawat. Kung hindi ko gagawin iyon ay baka mapatay niya si Bianca. "Louie please...let her go." Mabuti na lang at nakinig siya sa akin at unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa dalaga.

                Sunud-sunod ang ginawang pag-ubo ni Bianca. At nang mahimasmasan ay nagtatakbo ito palabas ng pinto.

                Nagtaas-baba ang dibdib ni Louie na sumandal sa pader at nahahapo na dumausdos paupo sa sahig. Nakamata lang ako sa kanya. Hindi ko malaman kung paano siya lalapitan. Nag-aalala ako para sa nagdurugo niyang kamay.

                "Don't!" Aniya nang magtangka akong lalapit sa kanya.

                "P-pero Louie..."

                "Please, Rhyme, I want to be alone."

                Napasinghap ako sa narinig. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko? Huwag mong sabihin..." Nanlaki ang mga mata ko nang bumalik sa isip ang pagtawag niya sa pangalan ko kanina. Kung ganon ay hindi ako nagha-hallucinate.

                "I'm sorry," malungkot na sabi ni Louie nang yumuko. "I'm so sorry."

                "K-kailan mo pa nalaman?"

                Hindi siya sumagot. Pero may hinala ako na matagal na niyang alam. Gayundin ang tungkol kay Kirsten. At kung alalahanin ko ang mga kinilos niya nitong mga nakaraang araw, nag-iba ang pagtrato niya sa akin. Subalit imbes na matuwa ako dahil nalaman na niya ang totoo,  bakit nasasaktan ako ngayon?

                "Y-you used me..." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. Mas matatanggap ko pa kung sinabi na lang niya sa akin. Hindi iyon ganito na pinagmukha niya akong tanga. And worst, pumayag pa akong magpagamit sa kanya.

                "Y-you can go and I won't stop you...I'm setting you free."

                Iyon ang mas masakit. Pagkatapos niya akong gamitin ay pakakawalan na lang niya ako na parang balewala ako talaga sa kanya. Kung sabagay kasalanan ko naman. Hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin. Naramdaman ko na lang may tumulo sa mga pisngi ko. Mabilis kong pinahid iyon ng palad at tumalikod sa kanya bago pa niya iyon makita.

                If I asked you, would you stay?

                He once asked me this question. But I don't have any reason to stay with him.

                Hanggang sa humakbang ako palabas ng pinto ay walang kibo si Louie. Nakayuko lang siya habang hinihintay ang pag-alis ko. Subconciously, nahiling ko na sana ay pigilan niya ako. Pero nang tuluyan akong makalabas, I knew my wish didn't come true.

Continue Reading

You'll Also Like

706K 19.9K 68
Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa...
11.1M 160K 41
Tigers #3 Adrian Buenavista
362K 12.2K 41
Sa mundo kong mapaglaro, may natitira pa bang matino? Lahat ng bisyo ay nasa harapan ko pero lagi kong tinatanggihan. Pero ang isang bisyo na hindi k...