ZXO: Ace of Hearts

By AbbyGael

2.4K 100 49

Ace is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO... More

ZXO: Prologue
ZXO: 1
ZXO: 2
ZXO: 3
ZXO: 4
ZXO: 5
ZXO: 6
ZXO: 7
ZXO: 9
ZXO: 10
ZXO: 11
ZXO: 12
ZXO: 13
ZXO: 14
ZXO: 15
ZXO: 16
ZXO: 17
ZXO: 18
ZXO: 19
ZXO: 20
ZXO: 21
ZXO: 22
ZXO: 23

ZXO: 8

77 5 0
By AbbyGael

ZXO: 8

[Zai's POV]

"Zai! Dito!" nakita ko si Boris na kumakaway sa akin. Napayuko naman ako ng tingnan ako ng mga tao sa loob ng cafeteria. Nasa gitna kasi sya at ang lakas ng boses.

Nakakahiya.

Lumapit ako sa kanya ng nakayuko. Nakareceived ako nang message mula sa kanya na sabay daw kami maglunch."Oh, anong problema?" umupo ako sa vacant chair sa harap nya.

Umiling ako. "Wala naman." sabi ko ng nakangiti. Napansin ko naman ang mga pagkain sa lamesa. "Nakabili ka na pala. Wait lang, bibili lang ako-"

"Naibili na rin kita." nilapit nya sakin ang isang plato na may lamang rice at fish fillet. May partner pang iced tea.

"Naku dapat hindi mo na ko ibinili. Nakakahiya naman." nakayuko kong pahayag. "Ma-Magkano?"

"It's okay. Treat ko na sayo 'yan."

"Huh?" agad akong napaangat nang ulo. "Lagi mo na lang ako nililibre."

"Pft. Okay lang. Mura lang naman 'yan. Shall we eat?"

"Sa-Salamat Boris." ngumiti ako sa kanya. Napatitig sya sakin at ilang segundo rin kaming nakatingin sa isa't isa bago sya umiling ng nakangiti.

"My pleasure." sabi nya habang nakatingin sa pagkain.

Eh? Ang weird nya.

Habang kumakain, napag-usapan namin ang mga klase namin kasama na ang mga teachers at classmates namin. May mga classmates sya sa ibang subjects na classmates ko rin.

Pareho kaming tumatawa ng biglang may lumapag na isang tray nang pagkain sa gitna namin. Sabay kami napatingin sa taong may dala nun. Naupo sya sa vacant chair sa pagitan namin ni Boris.

"I'll eat here." sabi nya pagkatapos ay sumubo nang pagkain. Nagkatinginan naman kami ni Boris. Halatang nainis siya sa ginawa ni Claine.

"There are still vacant tables for you to occupy." seryosong saad ni Boris.

"I know." sagot naman ni Claine habang patuloy lang sa pagkain. Ako naman napahinto at kinakabahan na nakatingin sa kanilang dalawa. Para kasing laging may tensyon sa dalawang 'to kapag nagaabot.

"Then why don't you-"

"I'll sit wherever I like."

"Tss. You're not invited to sit with us."

"Doesn't matter. I want to sit here. Go ahead, I won't interfere with your happy conversation." nakita ko kung paano nya ako saglit na tingnan habang nakayuko. Automatic na napahinto ako sa paghinga ng mga sandaling 'yun.

Bakit ganun? Sa tinging binato nya sakin, bakit feeling ko may ginawa akong masama.

"Tsk. Tsk." napapailing na react ni Boris. "I wonder kung kelan ka magbabago Claine." tumayo sya at lumapit sa akin. "Let's go Zai."

"H-Huh?" wala sa sariling tanong ko.

Hinawakan nya ko sa braso at kinuha ang bag kong nasa isang vacant chair. "May ice cream parlor sa labas ng campus, try natin." hinigit nya ko patayo at hinila na ko papalabas ng cafeteria.

Nilingon ko si Claine, kinabahan ako ng makita syang galit na nakatingin sa amin ni Boris.

Bakit naman kaya nagalit yun? May ginawa na naman ba kong mali?

Napailing ako. Naguguluhan ako sa dalawang 'to, ano kaya ang nangyari at mukhang hindi sila magkasundo?

Paglabas namin ng campus, agad din naman nyang binitawan ang braso ko at sinauli ang bag ko. Napakamot sya sa ulo sabay buntong hininga.

"Pasensya ka na sa nangyari kanina." napahawak pa sya sa batok nya at nahihiyang sumulyap sakin.

"Okay lang." sagot ko habang naglalakad kami papuntang ice cream parlor.

"We were best of friends." napatingin ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

"Were?" tanong ko.

Tumango sya ng nakangiti. "Marami ng pinagdaanan ang pagkakaibigan namin kaya nauwi na lang sa wala. Hindi na kinaya."

Binalik ko ang tingin ko sa harapan. "Nakakalungkot naman." saad ko.

"Siguro. Pero mas okay na ang ganito."

"Huh? Bakit naman?"

"Komplikado eh." ginulo nya ang buhok ko na para bang sinabi nyang huwag ko ng alalahanin 'yun. "Tara na. Anong flavor gusto mo?" tanong nya habang pumapasok kami sa ice cream parlor.

"Uhm. Avocado." pagharap ko sa kanya, nagulat ako sa reaksyon nya.

Malalaki ang mga mata nya na para bang nagulat at medyo nakanganga. "Ba-Bakit?" tanong ko.

"H-Huh? Ah wala. May naalala lang ako." iniwas nya ang tingin nya sa akin at umorder na nang ice cream. Mango flavor ang kanya.

Pagkatapos namin umorder, bumalik kami ng campus at tumambay kami sa ilalim ng isang puno malapit sa soccer field. Masarap tumambay dito dahil sa malakas na hangin. Nakakatuwa pang panoorin ang mga nasa ibabang parte ng soccer field.

Tahimik lang kami ni Boris na kumakain ng ice cream ng maagaw ng mga paparating na kalalakihan ang atensyon namin. May dalawang lalaking nakawhite shirt ang naglalakad sa unahan habang may mga nakasunod din sa kanilang iba pa.

Pumunta sa gitna ng soccer field ang dalawang nakaputi at humarap sa nakararami. Ilang minuto pa ang lumipas, humarap yung isa sa katabi nya at bigla nya itong sinuntok sa mukha.

"Aray!" napatakip ako ng bibig, lumingon naman sakin si Boris. "So-Sorry." napapahiyang sabi ko.

Ano ba 'yan, nacarried away ako. Nakakahiya.

"Parang mas nasaktan ka pa sa sinuntok ah." sabi nya tapos tumawa sya.

"Pa-Pasensya na. Nabigla din kasi ako sa bigla nyang pagsuntok sa katabi nya. Ano bang nangyayari?"

"Initiation." nagsalubong ang mga kilay ko.

Initiation na naman? Marami atang sumasali sa mga fraternities ngayon ah.

"Anong tingin mo sa mga fraternities?" tanong ni Boris habang nakatingin sa dalawang lalaking nagsusuntukan sa gitna ng field.

Hindi ko talaga sila maintindihan, bakit sila nagpapakamatay makasali lang sa fraternity?

Umiling ako. "Hindi ko alam. Mahirap na rin magkomento. Baka pakagat pa nila ako sa asong ulul."

"What?" magkasalubong ang mga kilay nya nang tumingin sya sa akin.

Umiling ako. "Wa-Wala. Siguro ang first impression ko sa kanila ay nakakatakot."

"Talaga? Bakit naman?"

"Madalas kasi nakikipag-away sila diba? Tapos may initiation pa katulad ng ginagawa nila ngayon."

Umiwas ng tingin sa akin si Boris at muling tinapunan ng tingin ang fraternity sa ibaba.

Hmm... iniisip rin kaya nyang sumali sa fraternity?

"I see." sabi pa nya habang seryosong nanood na lang sa initiation at hindi na ulit nagsalita hanggang sa maghiwalay kami at pumunta sa kanya-kanya naming klase.

~*~

Kinabukasan, dapat susunduin ako ni Boris sa bahay dahil gagawa kami ng project kasama si Claine pero nakareceived ako ng message galing sa kanya na si Claine na daw ang susundo sa akin, hindi daw sya makakasama dahil may importanteng lakad sya. Kaya kaming dalawa lang ni Claine ang gagawa ng project ngayon.

"Ah... uhm... sa-saan tayo gagawa ng project?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive sya. Kinakabahan ako tuwing tahimik sya, feeling ko may mali akong ginawa at badtrip na badtrip ang itsura nya.

Napatingin na lang ako sa dinadaanan namin makalipas ang ilang minuto na wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.

Ang hirap kausap ng taong nakasuot ng earphone. Haaaaay.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi pamilyar sakin ang lugar na 'to. Ang daming malalaking bahay. Pumasok kami sa isang subdivision, napanganga ako ng makitang mas malalaki pa ang mga bahay dito kumpara sa labas. At ang gaganda! Parang nasa ibang bansa kami, kakaiba kasi ang mga style ng mga bahay dito.

Pagkatapos ng ilang liko, pumasok kami sa isang gate na kulay purple. Gate na automatic na nagbukas at nagsara.

Wow! Ang galing!

Napanganga naman ako dahil sa laki ng bahay.

"We're here." paglingon ko kay Claine nakalabas na sya ng kotse kaya nagmadali na rin akong lumabas. "Let's go." palingalinga ako habang sumusunod sa kanya.

"Kuya!" napahinto ako sa likuran ni Claine. "Where's my cake?!" boses ng isang babae.

"Ask mom. Iniwan ko sa kanya kanina." napakamot pa ng ulo si Claine.

"Aish! Si mama talaga! I think inubos na nya!" pagmamaktol nya.

"You two should learn how to bake so you don't have to pester me whenever you want one."

"Err... no way. I don't have talent in baking. By the way, I thought you gonna-hey... who is...ate Zai?!" nanlaki ang mga mata ko ng makita si... Coreen?!

T-Teka... a-anong ginagawa nya dito? Tsaka... tinawag nyang kuya si Claine?! Ibig sabihin...

"C-Coreen? A-Ahh... he-hello?" pautal-ut at patanong na bati ko sa kanya habang nakasilip mula sa likuran ni Claine.

"You guys know each other?" tanong ni Claine habang magkasalubong ang mga kilay.

"Yes kuya! She helped me once! It's small world!" sagot ni Coreen.

"Ma-Magkapatid kayo?" tanong ko.

"Yes ate! I'm his most beautiful sister."

"Yeah right, as if I have another sister. Tsk."

Tumawa na lang si Coreen at hinatak nya ko sa living room nila.

"Classmate mo pala 'yung masungit kong kuya, ate." naupo kami sa malambot nilang upuan at inutusan nya yung isa nilang kasambahay na kumuha ng miryenda.

"Ah.. oo. Sa ilang mga subjects." tinitigan ko ng mabuti si Coreen.

"Bakit ate?"

"Wa-Wala. Napansin ko lang na magkamukha kayo ng ilong at mata ni Claine."

"Oh. Napansin mo rin. Hehe. We got our nose from our father and eyes from our mother."

Ahh. Ang galing, pareho sila ng nakuhang traits sa parents nila. Siya ang girl version ni Claine... in a nice way. Hehe.

Habang nagmimiryenda kami, ibinaba ni Claine 'yung gagawin naming project sa living room.

Inutos nya sakin kung anu-ano ang mga gagawin ko, habang gumagawa kami ng project nanonood sa amin si Coreen na inaasar ang kuya nya.

Minsan hindi ko napipigilang mapangiti at matawa sa kanila, yun nga lang sinasamaan ako ng tingin ni Claine.

"Hahaha! Ate Zai if nakilala mo si kuya noong ang payat-payat pa nya for sure hindi ka sasama sa kanya dito." at muli syang tumawa. Napatingin naman ako kay Claine. Masamang masama na ang tingin nya sa kapatid nya. "Hindi bagay sa kanya! Hahaha! Para syang walking stick!"

Seryoso? Payat sya dati? Ang ganda kasi ng katawan nya ngayon. Hindi halatang payat sya dati.

"Tsk. Ang OA mo magkwento!" singhal sa kanya ng kuya nya.

Hindi nya pinansin ang kuya nya sa halip ay sa akin sya tumingin. "Naggym lang si kuya nung matutong main-love. Nag-gain sya ng weight." natatawa pa ring kwento nya habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mga mata, naluha na sya kakatawa.

"Shut up Coreen Lois." walang emosyong utos nya sa kapatid nya.

"Hehe. I love you kuya!" ngumiti sya sa kuya nya ng napakatamis. Napatitig sa kanya si Claine ng ilang sandali tsaka umiling iling.

"How about our lunch?" sinulyapan ko si Claine, nakatingin sya kay Coreen.

"They're on their way. May dala si papa from RAC." sagot nya.

Hindi na ulit nagsalita si Claine at nagpatuloy na lang sya sa ginagawa nya.

Makalipas ang halos kalahating oras, napatingin ako sa dalawang kasambahay na tumatakbo papalabas.

Pagpasok nila, may bitbit na silang mga brown paper bags.

"How's our ki-... visitor? May bisita tayo?" agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko.

Isang lalaking nakapang-chef uniform ang dumating kasama ang isang magandang babaeng nakadress.

"He-Hello po." kinakabahan kong bati sa kanila.

"Hello hija." malambing na bati sa akin nung ginang na mukhang bata pa naman. "Kids do you mind introducing her to us?"

Narinig kong tumawa si Coreen. "Chill ka lang ate. They're our parents."

Hala! Nakakahiya! Magulang pala nila.

"Ma, Pa, she's ate Zai, kuya's next..." tumingin sya ng makahulugan sa kuya nya.

"Wanna die Coreen Lois?" seryosong banta nya sa kapatid nya. Napahagikgik na naman si Coreen.

Haaay. Kanina pa sya tawa ng tawa ah. Samantalang ako di ko alam gagawin.

"Aish. Kayo talagang dalawa." tumingin sakin ang mama nila ng nakangiti. "Welcome to our home Zai, feel at home." napangiti ako.

Ang bait naman nya.

"Th-Thank you po ma'am."

"Ma'am? Sobrang formal hija. Just call me tita Raine, okay? And he's my husband, just call him tito Cloud."

Eh? Raine? Cloud?

Ang cool ng names nila.

"So what are you guys doing?" nakangiting tanong ng papa nila Claine habang nakaakbay kay ti-tita Raine.

"Gu-Gumagawa po kami ng pro-project."

"Wow. Really?! This is the first time I saw my son doing a project."

"Nice one pa." sabi ni Claine habang busy pa rin sa pagtatype sa laptop nya.

"I can see now that you're really studying." natawa si Coreen sa tinuran ng papa nya.

"Pa! Coreen Lois, you'll stop laughing or I will force you to." pagbabanta ng kuya nya.

"Hay nako. Stop that. Sumunod na kayo sa dining area ah, our food's ready. Zai, join us, okay?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Thank you po."

Sa dining area, halos maglaway ako sa mga nakikita kong pagkain. Mga pagkaing hindi ko kakilala, hindi ko pa natitikman pero mukhang masasarap.

Napatingin ako kay ti-tito Cloud... suot pa rin nya 'yung chef uniform.

Kung nakasuot sya nun, ibig sabihin chef nga talaga sya.

Binigyan ako ni Coreen ng lahat ng ulam na meron sila sa lamesa. Habang kumakain inaasar pa rin ni Coreen si Claine na katabi ko.

Ang sasarap ng mga pagkain!

"Zai... how's the food?" tanong sakin ni tito Cloud.

Nilunok ko muna 'yung pagkain sa bibig ko bago sumagot. "Ang sarap po! Ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong pagkain! Kayo po ba nagluto? Chef po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko.

"I didn't know you can be this ecstatic... because of food." comment ni Claine.

"So-Sorry po." sabi ko nang nakayuko.

Nakakahiya ka Zai. Food lang yan oh. Maghunos dili ka.

"It's okay." sabi ni tito Cloud tapos tumawa.

"So Zai, kamusta ka naman hija?" napatingin ako kay tita Raine.

"O-Okay naman po ako." nahihiya kong sagot.

"That's good. How about your parents?"

"Ulila na po ako sa nanay, si tatay na lang po ang kasama ko sa nirerentahan naming maliit na bahay."

"I'm so sorry about that hija."

"Okay lang po." ngumiti ako ng mapait.

"So anong work ng tatay mo?" this time si tito Cloud naman ang nagtanong.

"Nagtatrabaho po sya bilang isang janitor sa isang kompanya."

"Eh ate, how do you manage to study at Docherty? Hindi ba nahihirapan tatay mo?"

"Nag-apply ako ng full scholarship sa Docherty tapos nagpapart time din ako sa isang coffee shop malapit sa school para makatulong kay tatay."

"Which coffee shop?" tanong ni tito Cloud.

"Sa Brewed Cloud po." nagkatinginan si tito Cloud, tita Raine and Coreen.

"Wow ate! You're amazing!"

"H-Huh? Hindi naman." nahihiyang sagot ko habang napapakamot pa ko sa ulo ko.

"You're such a good daughter hija." sabi ni tita Raine nang nakangiti.

"S-Salamat po." nagpatuloy na ulit ako sa pagkain.

Natahimik kami saglit habang kumakain hanggang sa lumapit kay Claine ang isa sa mga kasambahay nila. "Sir Claine, may bisita po kayo sa labas." napatingin sa kanya si Claine na may halong pagtataka.

"Who?"

"Veronica daw ang-"

"F*ck!" sigaw ni Claine kasabay nun ang pagbagsak ng kutsara at tinidor nya.

"Claine!" saway sa kanya ni tita Raine.

"Tsk. Sorry ma." salubong ang mga kilay nyang tiningnan ulit ang kasambahay. "Tell her to leave." utos nya dito.

"S-Sige po sir." nagmamadali namang lumabas ang kasambahay.

"Ugh. So desperate." usal ni Coreen.

"I'm so sick of her." sabi naman ni Claine, ramdam ang inis sa tono ng boses nya.

"Bakit mo kasi pinatulan 'yun kuya eh!"

"What the hell."

"Sa lahat kasi ng mga naging ex mo kuya, sya ang pinakamakulet."

MGA naging ex? Hmm... ilan na kaya naging ex nitong si Claine?

"Alam ko. Titigil din 'yan" napabuntong hiningang sagot ni Claine.

Sumandal si Coreen sa upuan nya tsaka pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Ngayon pa lang kuya naaawa na ko sa magiging next girlfriend mo."

"Yeah? And why is that?"

"Because of her, your latest ex. I'm sure hindi sya papayag na basta-basta mo na lang sya ipagpalit."

"I don't need her permission Coreen Lois."

"Yeah, you don't. Pero kung makabuntot sya sayo daig pa ang mga body guards ng Imperial."

"Tss. I didn't know na magiging ganyan sya, okay?"

"Hindi ko akalaing may ganyan palang babae." napapailing na tugon ni Coreen.

"Just don't mind her. Mapapagod din 'yan."

"Oh yeah? Let's see kuya."

"Tss."

"Kids..." sabay-sabay kaming napalingon kay tita Raine. "Study first, okay?" nagkatinginan ang magkapatid, bakas sa mga mukha nila na nakalimutan nilang nasa tabi lang pala nila ang mga magulang nila.

"Son tigil-tigilan mo muna ang lovelife, baka makagulo 'yan sa pag-aaral mo." dagdag pang pangaral ni tito Cloud.

"Papa I think it's too late to say that." sabi ni Coreen habang nakangiti sa kuya nya.

"Huh? Why?"

"Papa... because he's your son, being playboy runs in your blood." natatawang sagot ni Coreen.

Ahhhh. Playboy pala sila. Namamana rin pala 'yun?

"Coreen Lois!" lalong natawa si Coreen ng bigla syang sigawan ng papa at kuya nya ng sabay.

"Hahaha! See!" sinamaan sya ng tingin ng kuya nya.

Ang cute nilang panoorin. Nakakatuwa sila.

"Someday... or maybe one of these days, makikilala rin ng kuya mo ang babaeng para sa kanya." sabi ni tito Cloud habang nakatingin kay tita Raine. Nginitian sya ni tita Raine na umabot hanggang sa mga mata nya. Hindi na nila inalis ang paningin sa isa't isa at parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata.

Inlove na inlove pa rin sila sa isa't isa. Nakakalambot ng puso ang ganitong eksena. Haaaaay. Masaya kaya talagang mainlove?

"Tss." nabaling ang tingi ko kay Claine na masama ang tingin sakin.

"B-Bakit?"

Iniwas nya ang tingin nya sakin. "Bumalik na tayo sa paggawa ng project." sabi nya sabay tayo. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng dining area. Napakamot ako sa ulo ko ng may pagtataka.

Mood swing? Daig pa ang babae?

"Hahaha! Ang sungit nuh. Pero wag ka ate, maraming naiinlove sa masungit na 'yan."

"Eh?"

"Huwag kang maiinlove dyan ate."

"Eh?!"

S-Saan nanggaling yun?!

"Hahaha! Nakakatuwa 'yang reaction mo ate Zai."

"S-Sorry. Nagulat lang ako sa s-sinabi mo." napapahiyang paumanhin ko.

"Hehe. Sundan mo na sya. Ayaw nun ng pinaghihintay sya."

"A-Ah. Oo, s-sige." agad-agad akong tumayo, nagpasalamat ako kay tito Cloud and tita Raine para sa masarap na pananghalian.

Pagpasok ko ng living room, nakaupo sya sa couch at seryosong nagtatype sa laptop nya. Tahimik naman akong bumalik sa pwesto ko kanina at tinuloy ang ginagawa ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...