RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 10

5.2K 95 42
By calebnchloe

         Kanina , nang makita nya si Kim makalipas ang maraming buwan , aaminin nyang parang biglang natunaw ang inihanda nyang galit para sa asawa. Naawa kase sya sa itsura nitong payat at mukhang stressed sa kabila ng kaumbukan ng tyan nito. Kung sa ganda, walang nabago. Ito pa din ang pinakamagandang babae na nakilala nya.

Kararating lang nya galing sa States. Ilang bwan ang nilagi nya doon kasama ang kanyang Mommy. Malaking pagbabago ang nangyari din sa kanila sa nakalipas na buwan. Isang buong pamilya na sila. Isang pagkakataong pambihira at di nya inasahan.

Sino ba ang mag-aakalang sa tinagal ng panahon, magkakaharap pa sila ng isang taong di na nila inasahan  ng Mommy nya. Galit sya sa una pero madaling natunaw yun ng mag-umpisang humingi ng tawad ang Daddy nya at magpaliwanag. 

Sa Amerika pala dinala ito ng mga magulang at nagkaroon ng bagong buhay. Kung ano-anong kasinungalingan din pala ang pinapaniwala dito  kaya nagalit din ito sa nanay nya. Diborsyado na ito sa napangasawa sa Amerika pero walang anak. Nitong huling mga araw na lang ng Papa nito nalaman ang katotohanan at tungkol sa kanilang mag-ina ng mag-umpisa itong hanapin sila.

Saktong dumating ito sa panahong magulo ang utak nya sa pag-iwan nya kay Kim. Napatawad nman agad ng Mommy nya at nahikayat silang ayusin ang mga papeles at sumama dito sa States. Napakadali nyang nagpatangay na umalis dahil masyadong magulo ang kondisyon ng utak nya. Nahahati sya sa kagustuhang patawarin si Kim at sa galit sa mga ginawa nito. Kahit pa anong sermon ang marinig nya sa ina, pinanindigan nya ang desisyon. Sabi nya, para sa sarili nya pero sino ba ang niloloko nya? Pride lang naman talaga!

Kung hindi pa nya nakita sa isang Filipino news channel  si Kim, nang bahagyang ibalita ang pahapyaw na pagkaabswelto ng ama nito sa kaso at sa nangyaring aksidente, nadaanan ito ng camera . Pinanlamigan sya ng makita ang itsura nito. Buntis ang asawa!

Madali syang nagkwenta kung ilang bwan na ang nakita nyang pinagbubuntis nito kaya di sya nagkamali ng kutob.Kanya yun sigurado sya! 

Inalam nya agad ang tungkol sa kalagayan ng mga Chiu at naawa din sya. Kaya umuwi sya agad sa Pilipinas ng hind man lang sinasabi ang tunay na dahilan ng pagbabalik nya. Sinabi lang nya sa  mga magulang na may business syang gustong pag-aralan pero siguradong babalik din.

                                                                ***

                         Matapos umalis ng doctor na nagpaanak ay dumerecho sya sa kwarto ng asawa na pinagpahinga at nakatulog saka nya pinuntahan ang anak sa NICU, kung saan ito dinala.

Pinayagan sya ng nurse na makalapit pero nakasuot sya ng sterilized gown papasok. Parang gustong manlambot ng mga tuhod nya at nanikip ang dibdib nya  ng  makita ang kalagayan ng nasa loob  ng incubator . May mga mumunting tubong nakakabit sa ilong at sa dibdib nito para sa paghinga. May IV din at mga monitoring apparatus sa tabi nito. Kung titingnan, mukha na itong halos normal na sanggol maliban lang sa mabilis na paghinga nito.Under developed lungs na kalimitan sa mga premature babies.

Hindi napigilan ni Xian na hindi humapdi ang mata sa nakitang lagay nito. Sya ang nahihirapan para dito.Gusto rin nyang sisihin ang sarili . Kung di lang sya nagpakain sa pride hindi sana ganito ang kinahinatnan ng bata. May nagawa sana sya para di umabot sa ganito. Gusto nyang bumawi. Instantly, he made a promise to take care of his daughter and not to leave her side.

Saka nabuo ang plano nya...

"Gusto kong makita ang anak ko!"

Hindi agad nakahuma si Xian sa naging sagot ng asawa. Nakaka-alarma din ang kakalmahan nito. Ine-expect pa nman nya na mumurahin sya nito sa kagaguhan ng suggestion nya o kaya nman mag- breakdown sa pagmamakaawa na huwag nyang gawin yun dito.

Alam nyang may katigasan ang ulo ni Kim pero never pa nya nakita ang ganitong side nito. Masyadong matatag. Parang ibang tao! Sabagay, kelan ba sya tumama ng hula sa katauhan nito, di ba ilang beses syang naloko nito? Muntik pa ngang...

Tumalikod na lang sya para magrequest ng wheelchair dahil di nya alam ang susunod na sasabihin at kung ano-ano lang ang tumatakbo sa isip nya.

                    Tahimik na itinulak ni Xian ang wheelchair na kinauupuan ni Kim papunta sa NICU. May malaking viewing window yun kaya mula dun ay pwede ding tanawin ang mga 'preemies' sa loob. Nasa bandang bukana yung mga tinatawag na nasa level 1 at level 2, yung mga may hindi masyadong may mahigpit na pangangailangang mga babies.

"Kaya mo na bang tumayo?" Tanong ni Xian hawak na nito ang inabot na gown ng isang nurse.

Tango lang ang naging sagot ni Kim at walang imik na hinayaang tulungan ni Xian na maisuot ang gown.

Gustong madurog ng puso ni Xian sa ikalawang pagkakataon ng makapasok na sila sa loob. Dahil hindi na nahiya o itinago man lang ni Kim ang  pag-iyak ng makita ang anak sa loob ng incubator. 

                         Ang kaninang iyak na gustong labanan ni Kim at kanina pa nakabikig sa lalamunan nya ay parang nagkaroon ng lisensyang umalpas ng makita nya ang  itsura ng sanggol sa loob ng incubator sa ilalim ng phototheraphy.Nakatakip ang mga mata.

Hindi biro ang pakiramdam na makita mo ang sariling anak sa loob nun kahit gaano pa sabihing okay sya at inaalagaang maige kumpara sa kalagayan ng mga nasa may kaitaasang level.

Boses ng nurse ang  kumuha ng pansin ni Kim at Xian.

"Ma'am pwede nyo lang pong hawakan ang mga kamay nya mula dito sa opening na'to pero hindi pa ho pwedeng kargahin si baby sa ngayon.  Huwag po kayong masyadong mag-alala minsan mejo overwhelming lang yung mga monitors or yung mga tube pero mas nakakatulong sa kanya yun para magstabilized ang temperature and at the same time magnormalized ang billirubins nya" pa-anas na pag-explain nito. "Pero mamaya po misis, kailangan nyo ding mag-pump ng breast milk para makuha nya ang  colostrum ." may mabining ngiti ang nurse na nagpapagaan ng loob ni Kim.

"Hanggang kailan ang baby ko dito, nurse?" tanong ni Kim hindi inaalis ang mga mata sa anak.

"Maybe a week or two po . As soon as she'll be clear and could keep up her body temperature. And by that time po,well developed na lungs nya saka natin pwedeng ilipat sa open warmer and unti-unti na masanay sya sa normal temperature. Maiuuwi nyo na din ang baby nyo." Matyagang pagbibigay impormasyon nito.

"S-salamat !" sagot ni Kim ng magpaalam ang nurse na kausap. 

Katahimikan ang namayani sa pagitan ni Kim at Xian. Nakatingin lang sila sa bata . Parang may kanya-kanyang iniisip. 

Makalipas ang ilang saglit si Kim ang pumutol nun. Nagpakawala pa ng buntunghininga bago nagsalita.

"Pumapayag na ako sa suggestion mo..."

Bigla ang ginawang paglingon ni Xian. Hindi nya inexpect ang pagbro-brought up ni Kim ng suggestion nya. Para sa kanya alam nyang absurd and selfish  ang idea pero alam nman nyang hindi nman kailangan ng agarang desisyon. Kaya nyang maghintay o kung hindi nga pumayag si Kim tatanggapin nya. Nagulat lang talaga sya.

At hindi nya makalimutan ang mukha ni Kim. Walang tigil ang patak ng luha but devoid of any emotions. Nakakabahala sa totoo lang. Masuyong hawak na nito ang munting mga kamay ng anak nila sa butas ng incubator. DI nya napigil ang sariling mga kamay na hindi hawakan ang mga balikat nito na nakatalikod sa kanya.

"But i'll have a few requests....Kung pwedeng humiling ako sa'yo ng konting panahon kasama ang  anak ko. Kahit bago mo man lang sya iuwi?... Gusto ko ring masigurong maayos sya bago lumabas ng ospital."

"Walang problema" nakapamulsang sagot ni Xian

"Ibalato mo na rin sana sa akin ang pagbibigay ng pangalan ng anak natin!"  ni hindi tumitingin na sabi pa ulit ni Kim.

"S-sure! Salamat Kim...Hayaan mo, hindi mo na iintindihin ang kahit anong bayarin mo sa Papa mo at sa baby n-natin. Yun man lang maitulong ko sa'yo--"

Naputol ang karugtong ng sinasabi ni Xian ng mabilis na nilingon sya ni Kim. May kudlit ng galit yun,sigurado sya.

"Huwag mong isiping , pinagbili ko ang anak ko kapalit ng perang ipambabayad mo sa ospital. Dahil kapag okay na lahat ,babalikan ko ang anak ko. Kaya huwag mo sana syang ilalayo. Babalikan ko sya! "

Hindi sumagot si Xian . Hindi nya mahanap ang sariling boses dahil hindi nya alam ang pwede nyang sabihin na hindi mabibigyan ng pangit na kahulugan ni Kim. Vulnerable ito,naiintindihan nman nya. Hindi madali ang desisyong ginawa nito. To give up her daughter...

                      Matapos bisitahin ni Kim ang anak, nagpahatid nman sya sa Papa nya. Doon nagpaalam si Xian at sinabing babalikan sya after an hour dahil may mga aayusin daw ito sa registrar's office ng ospital.

Walang sinayang si Kim na sandaling makapagsumbong ng bigat ng dibdib sa amang comatose sa hospital bed. Alam nyang hindi ito sasagot pero nararamdaman nyang naririnig sya nito. At kung nasa gising na estado man ito ngayon, alam nyang ito lang ang kakampi nya at maiintindihan nito ang desisyon nyang ipaubaya ang anak kay Xian. Hindi ito manghuhusga kung anong klase ba syang ina na maatim na ipamigay ang sariling anak. Wala syang maririnig na sumbat . Ni ang magalit. 

"Pa, congratulations! You're now officially a grandfather!Lumabas na ang apo mo!" Nakaupo si Kim sa tabi ng ama habang hawak nya ang kamay nitong  hindi nalalagyan ng suwero. Pilit nyang pinasasaya ang boses pero di nman matigil ang luha nya. "Gusto mo bang marinig kung ano ang ipapangalan ko sa kanya? Kiara Alexis Chiu Lim Uy . Napag-isipan ko na yan eh at na-google.*sabay tawang nalulukot ang mukha sa hikbi*... Pinagsamang pangalan nmin ni Xian." May nakatakas na tunog ng hikbi mula kay Kim . Naalala nya ang usapan nila ni Xian na bigyan sya ng karapatang makapagbigay man lang ng pangalan ng anak. Dun man lang naging bahagi sya ng pagkatao nito habang lumalaki na hindi sya ang laging kasama.

"Kaya Pa, sana gumising ka na. Kase gusto kong ma-meet mo si Kiara bago sya-- " mabilis na huminto si Kim at pilit iniba ang pinatutunguhan ng sasabihin. "Alam mo bang ang ganda nyang bata. Singkit na singkit ang mata at sobrang puti. Medyo napaaga nga lang ang paglabas nya,excited na yata na ma-meet ka.." biro nya pa sa ama.

May ilang minutong nanahimik si Kim bago ulit nagsalita. "...Pa , hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko pero sana tama ako... Si Xian muna ang mag-aalaga sa kanya. Her Daddy will take good care of her. He adores her so much. Nakita ko mismo yun. Bagay na hindi ko nakitang tumingin sya ng ganun sa akin kahit kailan."

"Hindi nman ako naging instant kandidato na maging  masamang nanay kung gugustuhin kong maayos syang maalagaan,di ba? Naguguilty kase ako na dahil sa kapabayaan ko , maaga syang lumabas kse hindi din ako nag-ingat. Pero promise Pa, ngayon lang 'to, kukunin ko din sya at magkakasama-sama tayo ulit kapag okay na ang lahat." 

Walang sagot . Walang reaksyon. Pero alam ni Kim na kung makakasagot man ang Papa nya, alam nyang naiintindihan nito. Pipisilin ang kamay nya,yayakapin at hahalikan ang ulo nya.

Magulang ito kaya maiintindihan nito na lahat kayang tiisin para sa mga anak . Sa ikabubuti nila. Kahit ang pagpapatawad na minsan mahirap ibigay , kahit gaanong kasakit man ang ginawa nun sa magulang,mapipilit at mahahanap pa rin ang sariling buong pusong nagpapatawad bilang magulang. 

Kaya sana ang hiling ni Kim sa paglaki ng anak, mahanap din nito na patawarin sya at intindihin sa desisyon nya. Pansamantala lang nman. Kahit pa mga isa o dalawang taon lang nman pero sisiguraduhin nyang andun sya sa mahahalagang araw at milestones ng anak . Hindi lang nman sila agad magsasama sa isang bahay pero andun sya. Pangako yun!  

                       Ikalawang linggo ni Kiara mula ng ipanganak ito. Nailipat na ito sa open crib at unti-unti nang nagiging normal ang lahat. Sabi ng doktor, anytime ay pwede nang mai-release sa ospital ang bata. Halos kung  maari, minu-minuto ay hawak ni Kim ang anak. Kase iisa lang ang ibig sabihin nun, nabibilang na ang araw na kasama nya ito.

Magkarugtong ang mga pusod nila kaya siguro medyo panay ang ingit ng anak nya.Para bang ngayon pa lang , ang mahiwalay dito ng kaunting oras ay miss na miss nya na agad ito. Paano pa kaya ang isa o dalawang taong itinakda nyang hindi sila magkakasama? Ang mainit na katawan at amoy baby nito.  Bawat araw nagiging mahirap sa kanya ang naging desisyon. Kaya sa gabi, kapag mag-isa na lang sya at wala sa paligid si Xian,ay iniiyakan nya ang napipintong paghihiwalay nila pansamantala ng anak. 

Mapapatotohanan na nya ngayon ang sinabi ni Xian sa kanya noong gabing iniwan sya na hindi nya ikamamatay ang pagiwan nito sa kanya...tama!  Pero ang paghihiwalay nila ng anak, malamang oo!

Pinanghahawakan nman nya ang pangako ng asawang, hindi ilalayo sa kanya ang bata. Na lalaki itong nasa paligid sya. Hindi nga lang sa kanya pipirmi pero andyan pa rin sya. Aasahan nya yun!

                            Araw ng pag-uwi  ni Kiara. May inabot na papeles si Xian sa kanya at pinaliwanag nito na mga draft ng ino-notarized written consent yun na kung sakaling isama nito sa States ang bata para makita ng mga magulang nito ay may kasulatan at legal. Sa umpisa nagtaka sya at naiboses nya ang pagtutol. 

"Bakit hindi na lang sina Mommy ang pumunta dito?" nagtatakang tanong ni Kim. Hawak nya ang anak habang himbing ito sa tulog. Nakabihis na at ready na umuwi.

"Kung sakali lang nman yan at kung kailanganin."

Hindi na pinilit ni Kim ang pagtutol sana dahil malaking pasalamat nya nang pinagbigyan lahat ni Xian ang mga hiling nya sa set-up na ito. 

Ayaw nya ng panibagong stress.Walang pag-aaway sa pagitan nila. Nairaos nila ng maayos ang lahat. Ngayon pa ba?

Pumirma sya.

Hindi matigil si Kim sa paghalik at pagtitig sa anak bago ilagay sa car seat. Maya't-maya ang pag-amoy sa bata sa bisig nya. Parang gusto nyang habambuhay na nasa isip ang amoy nito. Ang lahat-lahat dito. Nakarig sya ng 'click' kaya napatingin sya sa pinanggalingan nun .Nang umangat ang tingin nya ,nakita nyang abala sa pagkalikot sa telepono si Xian. 

As usual, wala naman na talaga syang aasahan pa kay Xian kung damdamin ang pag-uusapan. Hindi na sya nito mapapatawad kahit kailan. Sibilisado lang syang hinaharap nito. Para sa bata.Hanggang dun lang.

Nalulungkot sya. Hindi maipaliwanag.Pinipiga ang puso nya. Kung bibigyan sya ng pagkakataon. Gusto nyang tuluyan na silang magkasundo nito at maging isang ganap na pamilya. Pero mukhang nabalot na ng kalamigan ang puso nito para sa kanya. Saka nya naisip ang huling sinabi nito noon:

                   'Hindi kita mahal! At kahit kailan di kita magagawang mahalin!'

Si Kim na rin ang bumasag sa mga iniisip nya. Wala na naipatalo na nya lahat . Wala ding nangyari. Mas masakit pa nga ang balik ng karma eh. Maging kuntento na lang sya na at least, ang hindi kayang ibigay sa kanya n Xian, ay buong nakukuha ng anak nila.

Bago umalis ang mag-ama nya, hiningi pa nya ang hospital bracelet na tinanggal sa anak. Sabi nya 'souveinir'.

Sinong mag-aakala na yun na pala ang una at huling beses na nakita nya ang anak. Dahil makailang araw na pinuntahan nya ang address ng tinitirhan ni Xian, wala na ang mag-ama nya. Madalian daw ang ginawang pag-alis sabi ng caretaker .

Emergency!

Apat mahigit na taon!

Ni anino nito hindi na nya nakita pa mula noon.

Naloko sya at napagnakawan ng ilang taon ng buhay ng anak nya!

Nasakripisyo ang panahong nasa tabi sana sya ng anak sa saya ng unang hakbang nito, sa tuwing magkakasakit dulot ng pag-iipin. Nang unang bakuna. Ang unang birthday at mga sumunod pa. Napagdamutan sya na masilayan man lang ang unang ngiti, halakhak o kahit ng pag-iyak at kung paano ang pagtatantrum nito....mahabang listahan ng milestones sa buhay nito...

Kung isa ito sa pinlanong parusa ni Xian sa kanya, sobra itong maningil. May sukli pa nga!  Ngayon kung galit ito kung sakaling naaalala sya nito...

Dapat nitong paghandaan ang galit nya...

  *PRESENT*

                          Nakatulugan ni Kim na kipkip sa dibdib ang bracelet na may pangalan ng anak. Kahit ang natuyong luha at pamamaga ng mata ay halata sa mga mata nya.

Kahit kailan hindi mawawala o makakalimutan man lang nya ang pagkasabik sa kanyang munting prinsesa. Hindi sya makakalimot na minsan sa buhay nya , naging isang ina sya. Kahit sa panaginip dinadalaw sya ng mga tahimik na kasabikan dito. Pero walang mukha.

At pinapangako nya sa sarili na magkikita at magkikita sila....iisa lang ang lagi nyang dasal at wish tuwing sasapit ang birthday nya o ng anak ...ang makita at makasama ito.

Isang bwan na lang maglilimang taon na ang anak . Pinaghahandaan nya ang bawat taon ng birthday nito walang mintis. Yun din ay pasasalamat nya sa Dyos na sa nakaraang apat na taong mahigit na  pangungulila, hindi pa sya luka-luka na parang si Sisa at matino pa ang pag-iisip nya .

Kailangan! Dahil hindi nya gustong masira ang pinaghandaan nyang pagbawi at pagkikita nilang mag-ina!

At sa estranged husband nyang si Xian...humanda ito dahil magtutuos sila!

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI 

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
124K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
85.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
15.3K 1.2K 28
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴