She's the Legend

By Anjjmz

42.1K 2.6K 2.7K

Malamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasa... More

Disclaimer
NOTICE TO THE PUBLIC!
Trailer
Prologo
Guni-guni -- 1
Pagkilala -- 2
Balatkayo -- 3
Silong -- 4
Titus -- 5
Orion -- 6
Magkaribal -- 7
Panganib -- 8
Kalaban -- 9
Hirang --- 11
Blood of Cosmos --- 12
Laban ni Esmé --- 13
Kamatayan ---- 14
Bagong Umaga --- 15
Maka-Alamat na Pagtatapos
---
Book 2 ~ Ligaya ~ Prologo
Book2 ~ Pagbabago ~ 1
Book 2 ~ Tuklas ~ 2
Book2 ~ Galit ~ 3
Book2 ~ Hapdi ~ 4
Book2 ~ Sergine ~ 5
Book2 ~ Kaguluhan ~ 6
Book2 ~ Atmos ~ 7
Book2 ~ Leo ~ 8
Book2 ~ Oblivion ~ 9
Book2 ~ Buwan ~ 10
Book2 ~ Trance ~ 11
Book2 ~Aftereffect~ 12
Book2 ~ Hiling ~ 13
Book2 ~ Pagbabalik ~ 14
Book2 ~ Sanggalang ~ 15
Book2 ~Desisyon~ 16
Book2 ~ Tulong ~ 17
Book2 ~ Devotion ~ 18
Book2 ~ Alon ~ 19
Book2 ~ Hamok ~ 20
Book2 ~ Strife ~ 21
Book2 ~ Salamin ~ 22
Book2 ~ Tibok ~ 23
Book2 ~ Salinlahi ~ 24
Book2 ~ Dulo ~ 25
Book2 ~ Milagro ~ 26
Book2 ~ Miracle and Curse ~ 27
Book2 ~ Kapalit ~ 28
Book2 ~ Nararapat ~ 29
Book2 ~ Kahilingan ~ 30
Book2 ~ Paglimot ~ 31
Book2 ~ Pahayag ~ 32
Book2 ~ Wakas ~ 33

Prime Kreeper --- 10

780 59 43
By Anjjmz

Sa madilim na gabi, sa gitna ng malamig na hangin. Nakilala ko ang dalawang nilalang na bumago sa takbo nang aking buhay. Maguluhan man at nangamba, masasabi kong puso ko'y natuto namang magtiwala.
Ngunit ang panahon ay nagkulang upang ako'y matauhan. Ngayong ako'y nasa bingit na nang kamatayan, masasabi ko kayang, naging makabuluhan ang aking buhay?

Nananatili pa rin akong nakagapos sa malaking batong nagye-yelo na't gumagapang sa likod ko. Halos wala na akong saplot sa katawan, kaya naman alam kong hindi magtatagal, malalagutan na rin ako nang hininga.

Sa pag-apak nang nilalang sa niyebe, lalo pa itong kumakapal, na sa palagay ko siya ang may gawa noong una pa lang.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na sa isang iglap, namatay si Rocco at sa harapan ko pa mismo. Kung iisipin ang nakaraan, malulungkot ako sa pagkawala niya. Pero kung iisipin ang ginawa niya sa 'kin kanina lang, ipinagpapasalamat kong nawala na siya.

Pero hindi ko alam na kapalit pala ni Rocco ay mas malakas pa na nilalang na nanggaling sa ibang mundo. Nararamdaman ko sa prisensya niya na malakas siya't nanggaling sa kadiliman. Nakapalibot sa kanya ang maiitim na aninong nasa dalawampu o tatlumpu ang bilang na pilit na kumakawala sa kanyang katawan.

Their eyes shows suffering like they had it for thousands of years and series of voices, men and women, shouting in pain lingers around the coldness of the air.

"Esmé, alam mo bang ilang beses ko nang tinangkang kunin ang dugo ng cosmos mula sa mga ninuno mo? At alam mo rin bang, ni isang pagkakataon ay hindi man lang ako nakalapit sa alamat."

Isang babae ang Prime Kreeper, hindi ako maaring magkamali. Maganda ang kurba nang kanyang katawan, na hapit sa itim na telang gulagulanit sa laylayan.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa mga umaalingid na aninong tumatakip sa kanyang itsura.

"Ngayon lang."

Kinumpas niya ang kamay at sa isang iglap nakalaya ako mula sa pagkakatali sa bato. Dali-dali akong tumayo, yakap-yakap ang sarili, pilit na binibigyan ng init ang katawan kong balot na ng yelo.

"You are a disgrace to your ancestors."

Nanindig ang balahibo ko sa balikat nang marinig ang malamig niyang boses, direkta sa tenga ko. Hindi ko alam kung paano na lang siyang napunta sa likuran ko, gayong may kalayuan pa siya sa 'kin kanina.

"Kausapin mo ako nang harap-harapan!" Paghamon ko sa kanya.

Nilalakasan ko ang loob ko sa paghamon sa kalaban. Alam ko kung magtatagal pa ang usapan namin lalong umiliit ang tiyansang mabuhay ako.

Kung patay na ako, hindi na niya makukuha ang gusto niya.

"Iyan na ba ang huling..." Umikot-ikot ang hangin at pinalibutan ako. Bawat galaw niya'y nag-iiwan nang itim sa hangin na kalauna'y maglalaho rin.

"...hiling ng alamat?"

Sa paglaho nang itim na usok, isa muling pamilyar na mukha ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala, bakit siya? Totoo bang si Ajira itong nasa 'king harapan?

"Tama Esmé, ako nga ito, si Ajira." Tumigil ito sa 'king harapan. Ang kaninang halos mamatay ko ng puso ay biglang tumibok nang mabilis.

Purong itim ang kanyang mga mata, na una kong nakita na sumentro sa kanyang maputlang balat. Nagngingitngit ang kanyang mga maiitim na ngipin, hindi ko lang malaman kung iyon ba ay galit.

Nilibot niya kanyang matalim na kuko sa naninigas kong panga na halos ikasugat ko na.

"That sweet smell of your blood." She said seductively, inhaling the air near my face. "I couldn't almost resist."

"Hindi ikaw ang kaibigan kong si Ajira!" Pinilit kong maigalaw ang kamay ko at tinapyos ko ang kamay niyang nasa mukha ko.

Hindi ako makapaniwala na ang taong itinuring kong kaibigan sa loob ng isang taon ay isang singungaling at nilinlang lamang ako.

Bahagya siyang lumayo. She smiled dearly, "Kaibigan? Mabilis kang magtiwala Esmé, iyan ang dahilan kung bakit madali kitang nalinlang." Ramdam ko ang pagbigat nang hininga ko.

"S-si Rocco, ginamit mo lang din ba siya?" Hindi ko na magawang makatayo nang maayos. Nagyeyelo na ang mga paa kong nakaapak sa niyebe. Kung kaya alam kong kaunting pag-uusap na lang ay mawawala na ko. Magiging matagumpay ako sa 'king plano.

"Hmm iyon ba?" Lumingon siya sa balu-baluktot na katawan ni Rocco na tuluyan nang nagyelo. "Isang mahinang klase nang Henki ang isang 'yan. Napakadaling basahin nang utak."

Hindi ko na kaya. Nanlabo na ang paningin ko't himina na rin ang pandinig. Matigas na ang kabuoan ng katawan ko. Lumagpak ako sa nagyeyelong sahig.

Lumuhod si Ajira at muling idiniin ang mga kuko sa mukha kong itiningala niya. Kitang-kita ko mata niyang pinalilibutan ng mga kaluluwang nais makawala.

Ano bang klaseng nilalang ka, Ajira?

"Do you really think, you can fool me?" She said curling the end of her dark shaded lip. "In case they didn't tell you. I can read your mind."

Mainit at malakas na kapangyarihan ang ipinamalas niya. Lumabas mula sa kanyang katawan ang maitim na usok na sa 'king palagay ay hudyat ng kanyang malakas na kapangyarihan.

Sa isang iglap, naitulak niya ako nang malakas. Sa lakas nang pagkabunggo ay sumadsad ako sa pader ng isang gusali. "I won't let you die just like that. I have to take the cosmos first."

I felt several bones broke inside my body. Blood started seeping out from my skin. Hindi ito maganda.

Her eyes widened and smiled sinfully. She began tasting the blood running down my cheeks.

Sa unang tikim niya sa dugo ko, nagmistulan siyang isang baliw. Her body started to shake helplessly. Animo'y ang dugo ko'y nakakapagbigay nang kaligayahan sa kanya.

"Cosmos..." She finally said.

The terror grew stronger inside of me. I know at this point she's inhuman maybe a monster. Isang halimaw na uhaw sa walang kapantay na kapangyarihan. Demonyong walang gusto kung 'di kasakitan sa bawat nilalang.

Lumalabas mula sa kanyang mga mata ang itim na usok na korteng kaluluwa. Uminit ang kanyang katawan dahilan upang mawala ang yelo sa kalamnan ko.

"D-dugo. . . Dugo pa!"

Sa pag-ubos niya sa dugong tumagas sa katawan ko'y tila hindi pa iyon sapat sa kanya. Ang boses niyang nagbago, katulad nang Kreeper na sumugod sa 'kin kamakailan lang.

Hinugot niya ako mula sa pagkakabaon sa pader. She commandend her souls to wrap around my body. I could feel my body lifted up in the air, healing all my wounds. The souls formed a whirlwind surrounding me, fabricating a black gown fitted so well, I look like a princess from down under.

"Handa ka na ba sa iyong katapusan?"

Bumalik ang mukha ni Ajira, mukhang inosente na nakita ko noon sa kanya. Marahan niya akong ibinaba mula sa ere patungo sa kanyang harapan.

"Its quite dissapointing to spoil such a pretty face." Malumanay niyang wika.

"Itigil mo 'to Ajira. Wala kang mapapala kung wawasakin mo ang mga mundo." She tilted her head sideways, moving her brow.

"Wasakin ang mga mundo? I won't do that." She smiled sweetly.

"Then why are you doing this?"

"Everyone should suffer like we did!"

Ang maamo niyang mukha ay unti-unting nawawala. Napapalitan ng galit at pagkamuhi. "We?"

"Namatay ang ama ko dahil sa pagtatanggol sa mga itinakdang Henki. Mawalan ako ng ama at nawalan kami ng kapit sa mundo namin." May kumakawalang luha sa kanyang mga mata niya ngunit alam kong pinipigilan niya ang mga ito.

"Ipinatapon kami ng nanay ko sa mundo ng mga tao. Nagdusa kami sa mundo ninyong balot ng kasamaan. Mga taong nananamantala! Mga taong walang puso!" Nakaramdam ako nang pagkaawa sa naranasan niya.

"Hindi lahat nang tao sa mundo namin ay masama. Naging masama ba ako sa 'yo? Hindi naman 'di ba?"

Sinubukan kong baguhin ang isip niya kahit alam kong mahihirapan ako. Pero kailangan ko pa ring gawin dahil ito lamang ang tangging paraan upang matakasan ko ang kamatayan mula sa kamay niya.

"Pwede ka pang magbago. Tutulungan kita."

She grinned and I know she was not convince. "See? This always happens. People will try to change people if its convinient to them. Walang tutulong kung wala silang mapakikinabangan."

She lifted her powerful hand calling her souls to change her once more. The souls look more powerful now, dramatically changing her to a vigorous queen.

Kaunting dugo pa lamang ang natikaman niya pero malaking pagbabago na ang nagawa nito sa kanya. Hindi na kataka-taka na gusto niyang makuha lahat.

Hindi ko ba kayang tumawag ng mga anghel? O ng kahit ano mang nilalang na makakatulong sa 'kin.

Malakas ngang maituturing ang dugo nananalantay sa 'kin pero hindi ko naman magamit. Instrumento lamang ba talaga ako?

With all this thoughts I slowly let my guard down. Once again, I am ready to what will come. I am ready to die.

Katulad lamang nang unang pagkakataon na iniligtas ako nina Titus at Orion sa rumaragasang sasakyan.

I am, yes, still hoping that they would come in my most defenseless situation.

"Titus, please come."

The tears I kept finally fell following the traces of my face.

"Orion, I need you."

I couldn't help but to held my hands up to my chest. Praying for them to rescue the damsel in distress.

Uttering these words below my breath, saddening to realize I am nothing without them.

Ajira distance herself to give way to the souls that would eat me alive. Dust of evil hurricane surrounded me, preparing to devour the blood of cosmos.

This is end.

Alam kong hindi sila makakabalik dahil sa mga salitang binitawan ko. At iyon tanggap ko na.

Bumalik ang mga naalala ko kasama sila. Kahit pa paano pala, naging masaya ako sa piling nilang dalawa.

"Kung nasaan man kayo, Orion... Titus... Gusto kong malaman ninyo, masaya akong nakilala ko kayo. Hindi man ako nakapili sa inyo pero itinuring ko kayong mga kaibigan kong malapit sa puso ko."

I could feel Ajira's power surrounds me. Paliit nang paliit ang ipuipo at malapit na akong maangkin.

Wala na akong nagawa kung 'di ang sumuko. Pumikit ako at ngumiti sa huling beses. Nang marinig ko ang tila anghel na tinig na nagmula sa labas nang ipuipo.

"Esmé!" Malamlam na boses na tila muling nagbalot nang lamig sa katawan ko.

Si Titus ba ang dumating.

"Pakawala mo siya! Kung ayaw mong magkapira-piraso 'yang katawan mo." Ang mayabang na boses na hinahanap-hanap ko.

Si Orion narito rin.

"Paanong?" May pagkagulat sa boses ni Ajira.

Bumagal ang pag-ikot nang ipuipo. Tamang-tama may oras pa para mailigtas nila ako.


Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 189 28
IMMORTAL PRINCE's TEASER Si Lawrence isang Bampira. At si Harvey Taong lobo. Magpinsan... at mahal ang isa't isa. Ngunit paano na lang kong mabunyag...
234K 6.7K 38
Ang Jailo University ay isang school ng mga Gangsters, mga patapon ang buhay, mga bagsak, record holder sa Guidance office at kung ano ano pa... Kaya...
446K 32.4K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...