The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[5] The Education of Andreau Cortez

305K 5.2K 1.3K
By shirlengtearjerky

One thing I love about this chapter: nakapagshare ako kahit papaano ng dalawang bagay na hilig ko: ang major ko (Social Technology for the win!) and also, words. Supposedly 5k words lang 'to but I got so carried away.. kaya naging 7,200+ words (this AN included!)

Sana magustuhan niyo! Yay!

-A&Z-

Chapter 5: The Education of Andreau Cortez

April 10. Day 1

This is it.

After almost two months na pag-aasikaso at kabaliwan para sa aking sort of boss na si Andreau Cortez, tuloy na tuloy na ang immersion nila.

Madali lang naman ang paglalakad ng papers sa San Ignacio, lalo na sikat si Andreau. Agad na pumayag ang mayor ng San Ignacio sa request ni Big Boss (Kesh’s nickname for him, not mine) at nagprisinta pang maging host ng team nila. Surprisingly, Andreau declined the offer. Thank you po pero kailangan ko pong makisama po sa mga tao ng San Ignacio, I heard him say nung kausap niya si Mayor Pablo sa phone. Kailangan ko pong lumublob sa community para malaman ang totoong problema at mga kailangan nila.

Big words! In fairness, parang Community Development ang course ni Andreau dun sa sinabi niya ha. Galing umacting!

Naging bali-balita ang immersion ni Andreau sa internet (Thank God wala sa national news ‘to! Hindi na ako maniniwala sa responsible journalism pag nangyari ‘to) at maraming nagbabalak na pumunta sa San Ignacio para makita si Andreau. Wild.

“Sabihin mo nga kay Nana Tinang mo na gawing adventure park si Andreau,” comment ni Kesh nang makita niya ang ilang tweets ng rabies-infected Dreausters. “I’m sure yayaman kaagad kayo. Look, naghahanap na sila ng van o bus papunta sa inyo eh!”

Alam kong sikat si Andreau pero may times na nagugulat ako sa extent ng kasikatan niya. Si Nana Tinang nga, lola ko at ang kapitana ng barangay namin, sobrang excited na makita siya. I didn’t know fan pala ni Andreau ang lola ko!  Nagtext ba naman sa’kin, pinapatanong kay Andreau kung anong favourite nitong ulam para maipagluto niya. My god, dagdag sakit ng ulo ‘to!

Nga pala, Andreau never asked for my cellphone number. Habang nagpapakahirap akong makipagcoordinate sa LGU ng San Ignacio, siya naman ay nakikipaghalikan kay Jillian sa may Palace in the Sky para sa teleserye nila. Si Roldan ang lagi kong tinetext about sa updates and other concerns. Pakialam ko naman sa number niya? Nainis pa nga sa’kin si Kesh na wala akong number ni Andreau. Plano raw niyang ibenta ang number nito sa fangirls just in case kailanganin niya ng pera sa Cebu trip niya. Hmm.. nice idea!

6 AM, sa gas station malapit sa campus ang meeting place namin ngayong umaga. Sinadya kong magpalate kasi expected ko nang malelate sina Andreau. Hello, artista yun! Sanay maging VIP at cause of delay. Ayoko naman magmukhang tanga sa may gas station dahil sobrang early bird ko. Isang sakay ng tricycle lang ang layo ng gas station sa dorm namin kaya chill lang ako. Nasa Cebu na pala si Kesh since last week, pero di siya naubusan ng reminders sa’kin.

Girl pag may weird thing ha? Text me agad! Pag confirmed, itext mo ako ng !!!!!. Pag waley, tadtarin mo ako ng sad face!

Matanglawin, Scheherazade. Sa laki ng mga mata mo hindi naman siguro makakatakas sina Roldan at Andreau di ba? Idilat mo pa!

Lastly, wag kang tanga. Paobvious ka pa naman! Remember that, okay?

Nahawa na ata si Kesh sa pagiging neurotic ni Sir TJ!

Five minutes na tricycle ride ang layo ng dorm sa gas station, at dahil nagmamaganda ako, saktong 6 AM ako umalis. I’m sure maghihintay ako ng mga.. 45 minutes bago sila dumating. Okay na ‘to, at least hindi ako mukhang excited!

Siyempre excited akong umuwi sa’min! Five years na rin akong hindi nakakauwi. Ang dami kong namimi—

Ay shit.

Sabi ni Roldan, white na Urvan daw ang sasakyan namin. Ba’t may ganun na agad dito sa gas station?

“Uy Zadeeeee!”

Ay shit talaga. Nandito na nga sila!

Roldan rushed to me as I got out of the tricycle. Tinulungan pa niya akong ibaba ang mga gamit ko. “Puyat ka ba kagabi?” he inquired casually. Aasarin pa ata ako nito.

“H-hindi naman. Mahirap lang talaga makahanap ng tricycle sa may dorm namin.” Pasimple ko pang pinandilatan si Kuyang Driver para di na magcomment. Ugh, nakakahiya! Ba’t ang aga nila?

“Sana pala dinaanan ka na lang namin! Namasahe ka pa!”

Kukunin na agad ni Lord ‘tong si Roldan, sobra kung makangiti at ang bait pa! Siya na mismo ang naglagay ng duffel bag ko sa likod ng van. I peered inside the van, checking if Andreau’s already there. Baka mamaya wala pa siya dito, hihintayin pa namin na dumating with matching bodyguards. Hah!

Kaso.. I was wrong. Doon pala siya sa shotgun seat nakaupo. Saktong pagkasilip ko sa loob ng van, napalingon siya sa’kin. “Good morning!” he greeted me warmly.

Grabe ‘tong Good morning ni Andreau, talo pa ang kapeng barako sa tapang! Nagising ako dun ha! “G-good morning din!” Ugh, parang siraulo lang. “Sorry late ako. Tricycle kasi,” I added sheepishly. Kakahiya!

Sa pinakalikuran ako umupo, katabi ang favorite Jansport backpack ko. Mahirap na, baka iwan nila ako sa expressway eh! Pinakilala rin ako ni Andreau sa iba naming kasama, sina Gerald at Addie, film students din. So ang position namin sa van: si Roldan ang driver, katabi niya si Andreau. Sa gitna naman sina Gerald at Addie at ako ang emo sa likod.

“Okay ka lang, Zade?” tanong sa’kin ni Roldan once na nakaalis na kami ng gas station. “Parang may hinahanap ka pa na ewan eh.”

“Uhmm.. wala kayong dalang..” Shit, do I really have to ask this? “Dalang ano…”

I saw Andreau looking at me thru the rear view mirror. God, ingat ingat din ako sa pagtulog ko mamaya. Mahuli pa niya akong nakanganga, mawalan pa ako ng dangal. “Bodyguard ba?” he supplied. I nodded dumbly in reply. Kelan pa siya naging mind reader? “Hindi na kailangan nun. I’m there for academics, not showbiz shits.”

Whoa, showbiz shits!? May rebellious side rin pala si Kuya! I didn’t push any further, feel ko hanggang dun lang ang kaya niyang isagot sa’kin. Sabagay, agaw atensyon nga masyado kung may bodyguards siya. As if may magpapa-assassinate sa kanya sa lugar namin!

Five hours ang biyahe mula Manila hanggang San Ignacio. That means five hours ding napanis ang laway ko. The trip was very quiet but not awkward. Narinig ko sa usapan nina Gerald at Addie na kakatapos lang pala ng finals nila kahapon sa isang major, na whole day exam. Wow, may ganun pala sila? Intense!

Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ako matutulog sa biyahe, baka mamaya kunan nila akong ng stolen shot o iwan somewhere. Kaso nakakaantok yung soundtrip ni Andreau.. puro saxophone. I’ve always pegged him as the indie guy, after all ganun ang mga trip ng Film students (maka-generalize naman ako!). So.. he’s a jazz guy, huh. Interesting, wala sa itsura niya!

--

“Zade..”

“Hmmm?”

“We’re already here.”

Agad akong napabangon, hindi kasi si Kesh yung narinig ko. It took me awhile to realize kung nasaan ako. Nasa van pa rin ako! Oh god, hindi nila ako iniwan! Si Addie pala ang nanggising sa’kin, at kaming dalawa na lang ang nasa loob ng van.

“Sina Andreau?” tanong ko habang nagtatali ako ng buhok. Shit, naeexcite na natatakot ako bumaba ng van. This is it!

“Ayun.. dinumog na. Tingnan mo.”

Sumilip ako sa labas ng van.. shit. No way. Ang dami ngang tao! Sa may barangay hall pala kami tumigil, and kagulo nga! May mga barangay tanod na humaharang sa mga tao pero wild pa rin. Si Andreau, ayun sa gitna ng mga kababayan (lalim!) ko na biglang nagkaron ata ng rabies, todo smile at kamay. Politician tuloy ang dating niya!

Tahimik kaming lumabas ni Addie ng van at dumiretso sa loob ng barangay hall. Kaya na nina Andreau ang mga sarili nila, ginusto niya ‘to eh. At last.. I’m home! Naaamoy ko na yung lansa ng dagat.. yung lamig ng hangin.. at my god, may naaamoy akong inihaw! Kaso.. iiwan ko na lang basta si Andreau sa gitna ng mga may rabies?

“Saysay!!!!”

I immediately spun around and saw Nana Tinang. “Nanaaaaa!” agad akong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Five long years kong hindi nakita ang isa sa mga nagpalaki sa’kin! “Nanaaaaaaa!”

Aba, kung may fangirls with rabies si Andreau, may Nana Tinang naman ako.

**

After almost an hour (45 minutes traffic dahil sa kaguluhan kay Andreau, 15 minutes travel time), nakarating na rin kami sa barangay namin. Sinalubong kami ng mga cute na apo ni Nana, sina Butchoy, Kelly at Adrian.

Tahimik lang si Andreau, halos si Roldan na nga ang kumausap sa mga tao. Shit, suplado moves? Naku, ayaw pa naman ni Nana ng maangas! Patay si Big Boss nito!

“Andreau, okay ka lang?” tanong sa kanya ni Nana sabay abot ng orange juice. “May problema ba?”

Andreau smiled sheepishly at Nana and almost whispered, “Saan po CR niyo dito? Nature break.”

God, he’s so.. adorable.

**

Ihi lang pala ang katapat ng katahimikan ni Cortez. Siya na ang todong dumaldal sa mga tao sa bahay after ng nature break niya. Geez, can’t he just say ihi or jingle? Ang weird kasing marinig ang nature break sa lalaki.

Uh oh. Is this a sign?

Kesh, nasaan ka na!?

**

Bandang hapon ko na ulit nakita sina Andreau at ang team niya. Inikot kasi sila ni Nana Tinang sa barangay right after lunch. Eh ang init masyado kaya hindi na ako sumama. I have the whole summer vacation to spend here! Tsaka na ako mag-iikot!

Nakikipaglaro ako ng bangsak kina Butchoy nang nakita kong pabalik na ang white Urvan sa bahay ni Nana. God, hanggang dito ba naman sinusundan ng mga tao si Andreau? Like seriously?

Hindi ko na sila masyadong pinansin, mukhang busy sila at apparently, the kids are very handful today. Baby pa lang halos ‘tong mga bagets bago ako umalis tapos..

Drama rama, Zade? Hindi bagay. Kahit mas maganda ka kay Jillian Cabrera.

xxxx

April 11-13 (Days 2-4)

 

Sobrang uneventful ng tatlong araw ko, Andreau-speak. Inuna nilang i-shoot yung scenes sa kabilang side ng San Ignacio, kung saan malala ang damage ng toxic wastes. Akala ko nga saglit lang sila dun, whole day or what. Nagtext sa’kin si Gerald (kinuha nila ni Addie ang number ko. Si Andreau, kelan kaya?) na doon na raw sila pinapatulog muna ng mga tao. Andreau couldn’t say no, tsaka may nakuha silang additional material. Hay, creative minds!

Joke lang, hindi naman sobrang uneventful. Nakabonding ko rin sina Nana Tinang at mga apo niya. Nagswimming kami, sumakay sa Bangka, naglaro ng tumbang preso at kung anu-ano pa. Sobrang namiss ko ang childhood days ko dito! Kung pwede nga lang hindi ako bumalik ng Manila.. oh shut up, Zades. Papagalitan ka lang ni Nana Tinang! At ni Mima!

Thank god hindi na nanghihingi ng hourly updates sa’kin si Kesh. Tatlong text messages lang ang nareceive ko sa kanya sa loob ng tatlong araw:

Ba’t hindi ka sumama? Nakakahiya kay Kuya Kim! (Ugh, idol talaga niya si Kuya Kim!)

Hindi pa ba bumabalik? Sundan mo na kaya?

Scheherazade... you’re a hopeless spy.

I am not a spy. Damn it.

xxxx

April 14 (Day 5)

Isa sa favorite kong gawin dito sa probinsya ay ang magpuyat. Wala kasing mangigising sa’yo at sisigaw ng Tanghali na, ano ba! Hindi ganun si Nana Tinang. Gustung-gusto niya na matulog kami! Pero siyempre nakakahiya naman kung buong araw kami matutulog. Maaga na ang 10 AM para magising kami pag bakasyon dito.

I'm not sure kung ngayong araw ang balik nina Andreau, hindi kasi sila nagtetext sa'kin. Honestly, nagtatampo ako sa kanilang apat. Akala ko kasi part ako ng team for this docu. I thought kasama nila ako sa shooting, assistant or kahit tagapunas man lang ng pawis or gaffer (Hah. As if!). Yun pala, binabayaran lang ako ni Andreau para ayusin ang papers for his project. Wow lang.

Is this because I've been away from San Ignacio for a long time kaya hindi niya ako matanong ng something? Look, matagal man akong nawala dito pero kilala ko naman ng mga kababayan ko. Hey Andreau, I'm not dumb! Hindi nga lang ako nage-excel sa academics pero street smart naman ako!

10:15 AM na sa relo ko, time to get up and take a bath. I was mentally listing down my schedule for today: swimming, swimming, hiking, eating.. eating.. Ugh. Limang araw pa lang ako dito sa San Ignacio tapos wala na akong magawa? Sana matapos agad ang shooting nila dito para pwede na akong magbuhay baboy! Ang hirap namang ipakita ang tunay na kulay sa harap ng isang superstar. Yuck.

I was busy picking my outfit for the day (outfit = tokong, sando or shirt) when I heard children laughing outside. Sino naman kaya ang kalaro nila? Hindi pwedeng si Nana Tinang, nagluluto na yun ng lunch namin. Amoy na amoy ko na ang sinigang na hipon niya dito sa kwarto! Curiously, I peered outside the window and inmediately spotted the white Urvan.

White Urvan!? Shit, they're back.

Panic started to arise inside me. Nandito na agad sila? Ba't wala man lang akong nareceive na text from them? I checked my phone and damn, nagtext pala sa'kin si Addie last night. I must've opened it while half-asleep. Balik kami ng 6AM dyan! See you!

 

My god. Kamusta naman ang itsura ko? Mukha akong bruha at ang lala pa ng morning breath ko! What if nasa sala sina Andreau pagbaba ko? Malas, madadaanan ko pa ang sala bago makapunta sa CR! Damn it!

Sumilip ulit ako sa bintana para icheck kung nasaan sina Andreau. Sana wala sila sa sala. Sana wala. Sa--

Oh. My. God.

Unlike Kesh, I don't like men with abs. Sign of vanity para sa'kin yang mga mala-pandesal na abs eh. Most men only do it for ego boost, using fitness as their alibi. Hindi naman nakikita lagi ang mga abs nila, not unless kung trip nilang magtopless araw-araw. Ugh, Neanderthals!

PERO OH MY GOD.

The thing that I just saw..

Kesh warned me about this. Nasa beach nga kami and there's a huge possibility na makita kong nakatopless si Andreau. Heck, I've seen some topless photos of him from a fashion show and it didn't affect me like this.

My god. Andreau Cortez. Topless. Toned. Wet. Gleaming. Mostly naked.. if not for his wet red swimming trunks.

Triple shit, Kesh. Where in the hell are you?

My throat went dry, eyes fixated on him. Shit, I'm already ogling at him. Siguro matatawa si Kesh sa scenario na 'to: mula sa second floor ng ancestral house nila ay minamanyak ni Scheherazade Pascual si Andreau Cortez na tahimik at inosenteng naglalakad sa may seashore. I could picture her face now. Lord.

Kesh told me that he has a perfect acromion, and boy was she right. Other than that, I can see the strong line of shoulders, the trim narrowness of his hips, his strong legs.. and damn, his adonis belt.

Listing down his sexy features made me blush profusely, and continuing the list would turn me into an erotica novelist.

Yes. Andreau Cortez took my breath and sanity away.

Napako na ang mga paa ko sa bintana. My mind tells me to stop staring but my eyes won't cooperate.  Napapadalas tuloy ang pagbanggit ko kay God ngayon, thanks to Andreau. Sana hindi niya ako makita. Sana hi--

"Zade!"

Muntikan na akong mahulog sa bintana, thanks to whoever broke the Cortez evil spell. Si Roldan pala yun, nakaupo sa may hagdanan ng kubo nila. Shit shit shit! Kanina pa ba siya dun!?!? Did he see me.. ogle at Andreau!?

Oh my god nakakahiya!

"Uy Roldan!" I let out an awkward smile, eyes avoiding him. What to do? What to say? "What time kayo nakarating?"

Hindi ko mahulaan kung yung ngiti ba niya e nang-aasar o sadyang walang meaning yun. "Mga 7:30! Grabe tulog mantika ka pala! Ang ingay namin kanina dito, tas sabi ni Butchoy tulog ka pa rin."

Come on Roldan, just say it! Nakita mo ba ako o hindi? My god ang awk--

"Good morning, Zade."

Shit, that Good morning voice again! Ganun ba talaga dapat ang tono niya? Parang nang-aakit na ewan! My eyes slowly drifted to Andreau, the topless Andreau and, of all things, I nodded at him. "Good morning din!"

Swallow me now, Earth. That image would forever be etched in my mind.

**

The rest of the day passed by like a blur. Natulog lang silang apat right after ng lunch. I tried my best to distance myself from Andreau para makarecover ako from that shock. I molested him inside my head, baka siya pa ang mangailangan ng counseling at di ako.

Pero.. medyo nalungkot ako sa narinig ko kanina. According kasi sa Gantt Chart ni Andreau, nasa 75% na sila ng shoot and material needed nila for the docu. Marami silang nakuhang kwento and footages sa three-day stay nila sa kabilang barangay. Dahil dun, they will leave four days earlier than scheduled.

Mas obvious ang lungkot kay Nana Tinang, tuwang-tuwa kasi siya sa apat. Hindi kasi sila palaasa at demanding, lalo na si Andreau. Akalain mong siya pa ang naghugas ng pinagkainan namin kanina?! Nagulat nga ako na alam niya kung paano gamitin ang dishwashing liquid!

Pinilit ni Nana Tinang na tapusin nila ang two week stay nila sa'min kaso tumanggi sila. May taping daw kasi si Andreau para sa isang episode ng drama anthology ng network nila. Si Roldan naman babalik ng US for vacation, at sina Ge at Addie (na couple pala! I didn't notice!) naman ay may summer class. Pero nagpromise si Andreau na dito sila magsi-stay sa last four days nila since hindi pa nila naiinterview ang barangay namin.

Ako? Of course I'm kinda sad. Una, wala pa akong participation sa mismong docu. Pangalawa.. mamimiss ko rin silang apat. Sana bago sila umalis makapagbonding kami dito!

**

Habang himbing na himbing ang mga bisita namin sa pagtulog, kabaligtaran naman ang nangyari sa’kin. Naging yaya lang naman ako ng mga apo ni Nana Tinang! After ng siesta, para nakalunok ng unli Energizer ‘tong mga bagets. Ako nga hindi nakapagsiesta! May inayos pa akong paperworks para sa bracketing ko sa upcoming school year. Thank goodness may signal dito ng broadband!

Maghapon kaming naglaro ng mga bagets: habulan, piko, tumbang preso, luksong baka (of course, ako ang baka), langit-lupa.. lahat ng larong kalye na alam ko tinuro ko na sa kanila. Nakakamiss ang childhood dito sa probinsya! Ngayon lang ulit ako nakaapak sa buhangin! Kanina pa nga ako pinapagalitan ni Nana, buong araw na raw akong nakapaa. Eh sa masarap sa paa yung buhangin! Dati.. kakaunti lang kaming bata dito eh. Karamihan sa mga kababata ko wala na dito, nasa Manila na rin at nag-aaral ng college. Yung iba naman, nagtrabaho na raw. Ako lang ang bumalik dito ngayong summer.

Naglalaro kami ng langit-lupa ng bandang 5:30 PM nang lumabas sina Ge at Addie sa kubo nila. Wow, halata sa kanila ang pagod! Dumiretso sila sa bahay ni Nana Tinang para maki-inom ng malamig na tubig. Sina Andreau kaya?

“Ate Saysay!” tawag sa’kin ni Butchoy. “Pwede ba natin isali sina Kuya Andreau sa laro natin? Gising na sila eh!”

Bigla kong naalala yung image ni Andreau.. oh god. “Uhmm.. wag na muna, Choy. Tingnan mo, pagod pa sila eh. Bukas baka pwede na!”

“Wow.. spokesperson na pala kita ngayon?”

I froze. Shit, ba’t habit nila ni Roldan ang sumulpot!?

Nagsitakbuhan ang mga bagets sa likuran ko, todo sigaw ng Kuya Andreau Kuya Andreau! Ah shit! This is really really embarrassing! I slowly turned around to face him. Triple shit, his Cortez Charm Smile greeted me. “Ah.. sorry! Akala ko tulog pa kayo.”

“Nagising kami sa ingay niyo,” Andreau teased, still flashing that smile of his. Medyo annoying pala ang Cortez Charm Smile pag lumagpas ng one minute!

He looked so.. normal right now in his white cotton shirt, khaki shorts and flip flops. Normal nga pero shit, bakit parang pupunta pa rin siya sa pictorial? Ganito ba talaga pag artista, kahit newspaper lang ipasuot mo magmumukha pa ring haute couture? Uhm lately medyo nagiging exaggerated na ata ako.

“Kuya Andreau Kuya Andreau tara laro tayo!” yaya sa kanya ni Butchoy sabay hila ng manggas ng t-shirt niya.

Andreau crouched down, levelling his height to the kids. “Pass muna ako ngayon, kids. Masakit kasi likod ko. Bukas na lang, ha?” natigilan siya saglit at napatingin sa kubo. “Wait lang, may kukunin lang ako sa loob. Saglit lang talaga!”

Dali-dali siyang bumalik sa loob ng kubo, leaving me and the children wondering. Ano naman kaya ang kukunin niya? Moments later he came back with his dSLR. Wow.. photoshoot?

“Okay lang ba na picturan ko sila?” ako na pala kinakausap ni Andreau! “I have this folio an—“

I can’t help but smile. Ang cute rin pala niya pag medyo nahihiya. Okay saan galing yun, Pascual? “Ask the children, not me.”

Bago matanong ni Andreau ang mga bagets, nagsitalon na ito sa tuwa. “Dali kuya gusto namin ng picture!”

Wala nang nagawa si Andreau kundi picturan sina Butchoy. Nakakatuwa siyang panoorin.. makikita mo talagang passion niya ang photography. He’s laughing with the kids! New fact: Andreau Cortez is good with kids.

“Say!!! Say!!!” tawag sa’kin ni Nana Tinang, papunta sa’min. At kasama pa niya si Roldan! Dala-dala pa niya yung tsinelas ko. “Sabi ko sa’yo magsuot ka ng tsinelas! Mabubog ka dyan!”

Kinuha ko sa kanya yung tsinelas ko. “Nana naman! Namiss ko lang ‘tong sand!”

“The sand here is great,” comment ni Andreau. “Greater than Boracay’s, I think.” Whoa, English na naman!

Nana Tinang kinda blushed. Wow, 58 years old and blushing! Lakas ni Cortez! “Eh kasi ‘tong si Zade, lagi na lang nakapaa! Parang bata!”

“Ganun talaga, Nana. I’m a born nelipot,” I stated proudly. All of them shot me weird looks. “What? May mali ba akong sinabi?”

Roldan grinned at me. “Anong nelipot?”

Ah okay, they want me to explain! “Uhmm.. nelipot is someone who loves to walk barefoot.”

Butchoy whispered something to Andreau, then the latter spoke, “Sabi ng ate mo, mahilig daw siyang maglakad nang nakapaa.” His gaze turned to me afterwards. Okay.. ba’t amused na amused siya? “Bad example yan sa mga bata, Zade. They should wear slippers all the time, lalo na sa sandy areas. They might contract ascaris or other kind of worms.”

Sa salitang worms pa lang nandiri na agad ang mga bagets at agad silang nagsuot ng tsinelas nila. The kids bombarded Andreau questions about worms and stuff. Hah, know-it-all kasi eh! Pakialam mo ba kung mahilig akong magpaa?

While he wasn’t looking, I secretly put on my slippers. Hindi naman ako takot sa worms, baka mabubog lang ang mga paa ko.

xxxx

April 15 (Day 6)

 “Hala Roldan teka lang,” nahihiyang sabi ni Nana Tinang habang inaayusan siya ni Addie ng buhok. “Baka mabulol ako sa camera! Kinakabahan ako.”

“Naku naman Nana! Okay lang po yan! Hindi niyo naman po kailangang tumingin sa camera eh. Kwentuhan lang po ‘to, pramis!”

“Sure ka dyan ha? Baka mamaya magmukha akong bruha!” her eyes searched for Andreau, who was just standing behind her. “Andreau.. kinakabahan talaga ako. Sorry sa abala!”

“No worries, Na,” he replied with a smile. “You’ll do great! Wag niyo na lang ho pansinin ang cameras. Okay lang po yan.”

Hay, he can really get away with everything because of that smile! Sana naman mapagod ang facial muscles niya di ba!

Tinupad nga nina Andreau ang promise nila, sa barangay na namin ang huling shooting place para sa docu. They spent the whole day filming around our barangay pero hindi pa rin nila ako sinama. Nakakapagtampo naman ‘tong si Andreau! Apat na araw na nga lang sila dito tapos.. okay fine wag na umasa!

Isa si Nana Tinang sa pinakamatapang na babaeng kilala ko, along with my Mima. She may look frail but once she opened her mouth.. bam! Matalas ang dila niyan, kaya nga siya ang barangay captain dito sa’min. Yin at yang sa kanya ang tapang at bait. Kaya nga bilib ako kay Andreau, napapayag niya si Nana sa isang video interview. Ilang beses na siyang umayaw sa mga ganyan, si Andreau lang pala ang katapat niya. She’s also harboring a teenage crush on him, and that’s a big plus.

I kept my distance from them, baka kasi pag nakita ako ni Nana biglang magbackout yun. Tahimik kong pinanood si Andreau habang bini-brief niya si Nana sa interview. Ibang-iba siya dun sa napanood ko sa Waiting Shed at ibang pelikula niya.. he’s more serious. And damn, a serious Andreau Cortez is very very attract—

My annoying ringtone—which I assigned for Kesh—disrupted my little fantasy. Lumayo ako sa kanila at nagtago sa likod ng kubo. “What?” I said, a little annoyed.

“Okay.. bakit ka galit dyan ha?”

“May ginagawa kasi ak—“

“So.. any news?”

Her eagerness annoyed me more. “Wala akong napansin, okay? They’ve been working so hard on this project. Actually they’re interviewing Nana no—“

“As in WALA!? Come on, girl! Baka may so—“

“Wala nga!” tuluyan na akong nainis. Ano bang magagawa ko, wala namang something fishy sa magbest friend. My mind can be imaginative enough.. but Andreau’s so nice to me, to us.. nakakaguilty na pag-isipan siya ng masama!

“Whoa Zades sorry!” Kesh sounded kinda hurt. “I’m just asking!”

“Sorry about that, K. Hindi kasi magandang.. pag-isipan sila ng masama. They’re good people. Tsaka.. so what if may something sa kanilang dalawa? What if they’re really in love with each other? Masama na bang mainlove ngayon sa same sex? Gra—“

“Sinong in love with the same sex?”

For the nth time this week, muntik ko nang mahulog ang mumurahin kong phone. “Roldan ano ba!!!” I screamed at him. The cocky grin on his face irked me more. “Not funny. Sa susunod nga wag kang manggulat!” Pero shit.. what if kanina pa siya nakikinig!? Lagi na lang akong hinuhuli nito!

“Sorry naman!” he didn’t sound apologetic at all. “So.. sino naman yang binibigyan mo ng love advice?”

Shit, he heard it alright! “Uhmm.. just a friend. Actually.. I’m having a hard time giving her advice…”

“Advice? About what?”

“Uhmmm..” wala na, Zade. Ituloy mo na ‘to. “Kasi yung crush niya.. she’s.. kind of heartbroken right now. She just found out her crush is gay.”

Roldan slightly nodded, looking more interested now. “O tapos? Let me guess.. may boyfriend yung crush niya?”

“Yup! Ang problema.. hindi niya alam kung paano siya magrereact. See, ayaw niyang maging awkward sila nung crush niya. Magkaibigan din sila eh..”

Collecting his thoughts, Roldan fell silent. Did I trigger something? “Ah! She must respect his decision,” he simply said, face showing no emotion. “Tayo lang naman ang masusunod kung sino ang dapat nating mahalin eh. Fuck what society thinks!” naging agitated siya bigla. Uh oh.. “As for your friend.. marami namang iba dyan. She mustn’t waste her time for someone unworthy.”

Gusto ko sanang sabihin Hugot pa ba, Roldan? kaso baka soplahin ako nito.

**

Roldan’s answer bothered me the whole day. Sinasadya ba talagang ganun ang isagot para maguluhan ako o yun talaga ang stand niya regarding same sex relationships? Mukha naman siyang seryoso.. or not. Ugh, napapala ko talaga!

Nanahimik na lang ako buong araw at nagtago sa bahay. Feeling ko kasi sinabi niya kay Andreau yung tinanong ko sa kanya kanina at baka.. iniisip na nila na sila ang tinutukoy ko. This is so frustrating!

Sinadya kong matulog throughout dinner para hindi ako makasabay sa kanilang lahat. Kung anu-ano kasing naiimagine ko kina Andreau at.. oh god brain shut the hell up. Respect nga raw, sabi ni Roldan. Fine, kung may something man sa kanila, I must respect them.

Pinakiramdaman ko munang mabuti ang paligid bago ako lumabas ng kwarto ko. It’s already 9:30 PM, and surprisingly tahimik na sa labas. Tulog na siguro sina Andreau! Pwede na rin akong kumain sa wakas!

I heard a familiar laugh as I walk down the stairs. Shit, wrong move. Kaya pala tahimik sa labas, nasa kusina sila. Hindi pa ba sila pagod? Matulog naman sila, please?

Taking a deep breath, I emerged casually inside the kitchen. “Uy gising pa pala kayo?” sabi ko. Lumapit ako kay Nana para magmano. “Sorry nga pala, Na. Masama pakiramdam ko kanina, di ko na napanood yung interview niyo.” Nginitian lang ako ni Nana at inabutan niya ako ng plato na may pagkain na. “Thanks Na!”

She bade us goodnight, leaving the five of us in the kitchen. Isa-isa na rin silang nagsi-tayo sa kinauupuan nila at nag-good night na rin sa’kin. Oh great, anong meron? Pinag-usapan ba nila ako kanina? Dagdag pa ‘to sa paranoia ko!

I didn’t notice Andreau was still there, sitting on his chair and looking at me. Bigla tuloy akong naconscious. Sinabi kaya sa kanya ni Roldan yung kanina? I’m doomed.

“Di ka pa inaantok?” I asked him casually. Hindi tuloy ako makakain!

“Ano kasi..” Wait a minute.. tama ba yung narinig ko or imagination ko lang? Nahihiya ba si Andreau?

Natawa ako sa itsura niya, parang nahihiyang ewan. “Ano yun?”

“Gusto mo bang sumama sa’min bukas?”

Whoa. Ba’t siya nahihiya sa’kin? May sinabi dito si Roldan! “Saan naman?” chill kong tanong. Deep inside kinakabahan ako! Ba’t siya biglang naging ganito?

“Sabi ni Mang Nestor.. pwede raw maglakad sa dagat bukas since.. low tide? Am I right?”

Okay, the shy Andreau Cortez is now my official favorite. He looked so lost and innocent.. ang sarap niyang iligaw o pagtripan! “Ah oo bukas ng umaga. Pwede niyo makita yung corals and starfish. You should be up by 7, mga 10 or 11 kasi tataas na ulit yung tubig.”

“So sasama ka?”

Smiling at him, I nodded. “Oo na sige na. Wala naman akong ginagawa dito, tsaka miss ko na rin yung feeling na maglakad sa dagat.”

Todo ngiti rin siya sa’kin. Wow, what’s wrong with him? Ang weird weird lang! “Okay then. See you tomorrow!” dali-dali siyang tumayo at lumabas ng kusina, leaving me confused and happy at the same time.

Hay, Andreau Cortez is such a confusing guy.

xxxx

April 19 (Day 10)

I grimaced at my phone when I saw the date today.

Last day na nina Andreau dito sa San Ignacio.

Araw-araw ko namang ikinukondisyon ang sarili ko para sa last day na ‘to. Kulang na nga lang na i-chant ko ang Aalis din sila, Zade. Wag kang masyadong maattach sa kanila, okay? Lalo na kay Andreau!

Pero.. nakakalungkot pa rin.

Kasalanan ko kasi ‘to, pumayag pa ako na sumama sa kanila dun sa ocean walktrip nila. Sinadya ko na ngang magpahuli pero etong si Andreau.. sinamahan pa ako. Tahimik nga lang siya the whole trip dahil sobrang engrossed siya dun sa sea creatures na nakita niya. He took photos of almost everything he saw! Para siyang bata nung nakakita siya ng starfish at sea anemone! Mas magaan ang aura niya ngayon compared dun sa Andreau na nakilala ko two months ago noong Valentine’s Day. He seemed well rested now and happier. Ako lang ata ang nag-iimagine nung last one.

Akala ko huling gala ko na yung ocean walktrip na kasama sila. The next day niyaya niya ako sa trekking site ng San Ignacio. Buong araw kaming nasa bundok! Doon ko nalaman ang isang secret ni Andreau Cortez: he’s afraid of heights. Sobrang namutla siya nung tumawid kami sa hanging bridge! Ang higpit nga ng kapit niya sa ropes! Ang dami kong tawa nung nakita ko yun. Luckily Gerald took a video of him while crossing the bridge. Pag hindi raw sila nanalo sa contest, pamblackmail daw ni Ge yun kay Andreau. Hah, beat that!

Three days ko lang sila nakasama pero ang lapit na ng loob ko sa kanila. Those first impressions I had about them? Maling-mali pala. Akala ko sobrang yabang yng mga taong kagaya nila, the artsy and yammings (I learned that term from Kesh. Akala ko kung ano, mayaman lang pala ang meaning non!). Nakakatuwa nga, ang bilis nilang maka-adapt dito sa community namin, lalo na si Andreau. Ni isang reklamo wala kaming narinig sa kanya. Ang galing din niyang makisama sa mga tao dito sa’min. Oo na, everyone loved him here. May ilan ngang ayaw na siyang pabalikin sa Manila! Wild!

I was lucky enough to have a chance to see the different faces of Andreau Cortez. Mas lalo akong humanga sa kanya bilang tao. Sure, he’s a very popular actor and all but to see him in his simplest makes me proud of him. Hindi lahat ng artista ganito sa likod ng camera, buti na lang may kagaya niya.

Oo na, malungkot na ako. Ang dami ko ngang nalaman tungkol sa kanya pero siya.. may nalaman ba tungkol sa’kin? Well, he’s not here to get to know me personally.. kaso.. gusto ko lang naman na may matandaan siya tungkol sa’kin. Ayokong matandaan niya ako na si Zade, yung babaeng naglakad ng papers namin at muntikan nang makaapak ng sea urchin sa San Ignacio. Ayoko ng ganun. I believe I did something great for him, and I don’t like him to forget about that easily.

Masama bang humiling na sana.. matandaan ka ng taong hinahangaan mo? Ang dami kong naipong pictures niya sa utak ko, and sure akong hinding-hindi ko makakalimutan yun agad. Eh siya kaya? Sa dami ng kinunan niyang pictures dito.. nahagip naman kaya ako? And if ever man kayang nahagip ako, would he still remember me months from now? O lalagpasan lang niya ang picture ko?

Ugh. I so don’t like the dramaqueen Zade. Itutulog ko na nga lang ‘to.

**

Just as expected, uneventful ang last day nila dito sa’min. Buong araw na nasa kapitolyo sina Andreau para mag-interview ng local officials at nag-ayos ulit ng ilang papers. Actually niyayaya nila akong sumama but I declined. Ang sakit talaga ng katawan ko sa kakagala namin. At ayokong mamiss silang masyado.

Dahil ayaw kong madepress, pinuntahan ko na lang yung mga kababata ko sa kabilang barangay at dun ako tumambay the whole day. Kaso nakakainis, hanggang dun ba naman si Andreau ang topic namin! Kelan pa nagkaron ng rabies ‘tong mga kaibigan ko? Five years lang kaming di nagkita tapos fans na sila ni Andreau!? They even asked me about the Roldan-Andreau thing. Unbelievable.

Sa totoo lang.. ayokong umuwi sa bahay nina Nana. Shit, ngayon lang ako nagkaron ng separation anxiety! As if namang super close ako sa kanila! Ngayon ko lang kasi ulit nakitang buhay na buhay ‘tong barangay namin eh. Pag umalis sila.. balik na ulit sa dati. Wala nang thrill.

Naabutan kong naglalagay ng bags si Gerald pagkauwi ko ng bahay, around 10 PM. “Aga ng uwi natin ah!” biro niya sa’kin. “Hindi ka ba papagalitan ni Nana?”

I shook my head in reply. “Sanay na yun sa’kin. So.. how did your interview go? Maayos naman ba silang kausap?”

“Yep! We got more than we wanted. Ay nga pala, hinahanap ka ni Andreau! Iinterviewhin ka raw niya.”

He.. what!?! Interview!? Ngayong GABI!? Triple shit naman, Cortez! Is he serious? Kung kelan aalis na sila tsaka.. Oh well, at least iinterviewhin na niya ako! Nakakakaba naman ‘to!

Sa may dampa raw niya ako iinterviewhin so pinuntahan ko siya dun. Lord, ano namang sasabihin ko dito? Baka magmukha akong tanga! Nandun nga siya, nakaupo at inaayos ang video camera niya.

I silently sat beside him and he didn’t flinch. Kaasar, gugulatin ko pa naman sana. “Sure kang iinterviewhin mo ako?” paninigurado ko. “Why now? I mean.. you had the chances days ago.. why only now?”

“I need you to adjust first,” Andreau replied while adjusting the camera. “Five years kang nawala dito, I just thought.. it would be easier for you to answer questions after few days.” Finally, naayos na rin niya ang camera niya. “Ready?”

Damn, he’s smart. Kung tinanong niya ako nung unang araw pa lang.. I’m sure wala akong maisasagot na matino. I admit, nashock ako sa ilang pagbabago dito sa lugar namin. Buti pa siya naisip yun!

“Naka-on na yan?” turo ko sa camera sa harapan ko. He nodded and encouraged me to say something. “Ha? Anong sasabihin ko? Wala ka bang question or something?”

Pinause muna ni Andreau ang camera. “Just.. say your name.. and tell me about your childhood here.” Then he pressed the record button again.

“Uhmm.. I’m Scheherazade Pascual.. 16 years old.. uhmm. Ano ba? Wait lang,” I cleared my throat, and Andreau laughed faintly. “Five years old ako nung lumipat kami ni Mima dito sa San Ignacio. I call my mom Mima. Infant thing, it stuck till now. Anyway.. at first ayaw ko dito sa’min, wala akong kalaro at ayoko talaga ng buhangin dati. Lumipat kami dito dahil kay Nana Tinang. She offered us to stay here since.. ang hirap ng buhay namin sa Manila. So ayun..”

“What’s it like growing up here?”

“Mahirap, syempre. Before.. nung buhay pa si Tata Greg.. asawa ni Nana.. mahirap na eh. Halos lahat ng tao dito sa barangay namin nakadepende sa dagat. Back then hindi pa kagandahan yung mga bangka nila pero grabe yung huli. Nakita niyo ba yung cargo ships kaninang umaga? Wala yan dati. Tapos.. one thing that amazed me was pag bored sina Tata Greg, magbababa lang sila ng lambat sa may tabi ng bangka tapos iiwan nila for three hours. Pag binalikan nila, may huli na agad!

Medyo mahirap yung buhay namin ni Mima sa Manila dati. Tinapa everyday! Imagine my surprise nang makita ko na nagtitinapa pala sila dito! Nana Tinang taught us how to dry fish and squids. Too bad, wala masyadong budget ang barangay para magawan ng social enterprise ‘tong pagtitinapa. They used to have a small place beside the barangay hall, nandun pa yun bago ako umalis. Ewan ko na kung anong nangyari.”

Himala, nakikinig sa’kin si Andreau. Akala ko mabobore lang siya sa kwento ko. “Where’s your mom, anyway? Is she in Manila?”

“Nasa New York si Mima ngayon,” proud kong sagot. “Chef na siya dun for 6 years.”

“So si Nana Tinang ang nag-alaga sa’yo the whole time?”

“For a year lang. Mag-isa lang ako sa Manila nung high school.” Hindi naniniwala si Andreau sa sinabi ko. “Palipat-lipat ako ng schools before. Long story, completely irrelevant to the topic.”

He was about to ask something, baka follow up question, kaso di na niya tinuloy. Inusog niya ang camera palapit sa’kin. “Based from what you’ve seen.. ano sa tingin mo ang malaking threat dito sa inyo?”

“Obviously those cargo ships! Sa dagat nila nirerelease yung wastes and toxins nila. Ewan ko ba kung mga tanga sila o ano. Hindi ata nila alam na kumakapit sa mga isda yung toxins, and it’s harmful for humans!”

“Seryoso?” he sounded so shocked by my revelation. “Pati yung mga galunggong na kinain natin kahapon?”

The look on his face.. PRICELESS! Parang maduduwal na ewan si Andreau! “My god don’t worry about it! Live your life dangerously kahit ngayon lang! Tsaka alam mo ba na ang nagpapasarap sa mga pagkain ay yung mga dumi?” He was terrified already so I had to do something. “Joke lang! Eto naman, masyadong health conscious!”

Gaining his composure, he replied, “Ayoko lang na mamatay dahil sa fish poisoning. At hindi ka magaling magjoke.”

Wow, was that an Andreau Cortez bitch slap? Pasalamat siya nage-enjoy akong kausapin siya ha! “Hindi na ako uulit, promise. Anyway, can I ask you a question? What made you decide to pick our place in the first place?”

“I told you, Any—“

“Aside from Ate Anya’s suggestion. I won’t buy that anymore.”

“Fine. This place.. somehow reminded me of California. Happy?”

“California? Bangag ka ba? I’ve never been there pero I’m sure ang layo nitong lugar namin sa California!”

Bigla siyang nalungkot. May inaalala ba siya or something? “Physically it isn’t the same.. but.. there’s something..” he trailed off. Ano ba ‘to, pabitin!

“Aha! Querencia!” I exclaimed proudly. Nagtaka na naman siya sa sinabi ko. “It’s a Spanish word which means a place where one feels at home, the place where you are your most authentic self.”

Shit, that smile again. Ba’t ba hindi na lang yung Cortez Charm Smile niya ang gamitin niya sa’kin? Kinikilabutan ako sa ngiti niyang ‘to eh!!! He’s.. really amused. “Do you always do that?” tanong niya sa’kin.

“I do what?”

“That thing with words.”

“What thing with words?”

“Do you always have a word for everything?”

“That would be impossible. Hindi lahat ng salita sa mundo ay may direct translation sa ibang languages.”

 “I know tha—“

“And we’re having a logomachy right now.  An argument over words.”

Parehas kaming tumawa. God, ang layo na ng napuntahan ng usapan namin! Talking to him like this is actually great. Thank goodness at hindi awkward ang atmosphere.

“Nawiweirduhan ka na sa’kin ano?”

Umiling siya. “Not at all. I find your love for weird words.. amusing. Ano nga course mo?”

“Comparative Literature.”

“Epekto ba yan ng pagbabasa ng lumang libro?”

“Judgemental ka! Hindi naman puro lumang libro ang binabasa namin!”

“Oh I see.. so never ka nagkaron ng judgement sa’ming Film students?”

He caught me there. Uso kasi sa university ang stereotypes sa bawat course. Sa course namin lagi nilang sinasabi na nakakatamad, daming binabasa, nosebleed etc.

“Fine. You want the truth? I think.. kayong Film students.. gusto niyo lang gumawa ng poverty porn para matawa na art film. Hey, I know what poverty porn means!”

Nagulat siya sa sinabi ko pero hindi naman naasar. “So sa tingin mo.. poverty porn ‘tong ginagawa namin?”

“Is that a trick question?”

“Just answer me, Zade.”

“Actually..” shit ayoko na. Answer him daw eh! “At first.. yes. This is for a contest after all. I was a little bit reluctant about this. Ayokong maexploit ‘tong lugar namin, sobrang exploited na nga ang dagat, pati ba naman mga tao. It’s kinda sad to know na maraming filmmakers ang gumagawa ng poverty porn just for the heck of it. They don’t even know what it’s like living and breathing poverty everyday.”

“Hindi ‘to magiging poverty porn, promise,” the assurance on his tone calmed me somehow. Cortez charm talaga! “I actually hate poverty porn. Pwede naming gumawa ng pelikula o dokyu na hindi tungkol sa kahirapan.”

“Kalma lang, boss. No one’s arguing with you,” I paused for a while, ang lamig kasi. “Sa totoo lang, I’m thankful na dito niyo napili gawin ‘tong dokyu niyo.”

“Bakit naman?”

“Aside from nakauwi ako nang libre..” natawa siya. “I believe that this docu could help us a lot. Maraming artsy fartsy activists and environmentalist ang sure na manonood niyan, plus your rabid fangirls.. nako, sobrang ganda niyan!”

“Don’t patronize it yet, wala pang editing. But yeah, I can picture the final product clearly. Thank you for this, Zade. You made this possible.”

Ay walang hiya uwian na! Quotang-quota na ako sa kilig! Grabe, this shameless crush on Andreau Cortez is really wild.

Sa sobrang wild, hindi ako nakatulog nang mahimbing sa kakaisip ng ngiting ‘yon.

At dahil sa ngiting ‘yon, hindi ko na nakita ang pag-alis nila kinabukasan.

-A&Z-

Two updates tomorrow! Yay! <3

Continue Reading

You'll Also Like

36.3K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
6.4K 128 4
(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings f...
12.7K 250 23
Lahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nag...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...