CHAPTER 24
HERO VS CARLSVIN
Carlsvin’s POV
Bakit na naman kaya nandito yung lalaking to??? May regalo pa ha.
“Hanna, para sa iyo. Happy Birthday.” Ang laki nun ah. Ano kaya yun???
“Naku thank you ha.”
“ Wala yun basta ikaw.” Tinitignan pa niya pero lumapit ako sa kanya at akmang kukunin sa kanya yun.
“Akin na lagay na natin sa kotse.” Kukunin ko na ng-
“Ah teka lang. Pede ko bang makita kung ano?”
“Ah oo naman.”
Mukhang tuwang tuwa pa tong babaing to ah. Yun lang eh. Mas maganda nga yung surprise ko sa kanya kanina eh.
“ Wow teddy. Life size pa ha. Di ba mahal to?? Ang cute naman. Matagal ko nang gusto to eh.” Am i here?? Eh parang wala ako dito ah.
“Naku hindi naman. Para sayo naman kasi eh”
“Hahahaha ikaw talaga. Dahil ikaw ang nagbigay Hero na lang ang pangalan nya. Ok lang ba?”
“Ou naman.”
“Ah ehem ehem!!!” Anong pinagsasabi nitong babaeng to?? Hero?? Tapos ano tatabi niya sa kama?? Tapos kakausapin niya??? Hero pa yung pangalan??
“Ui ok ka lang ba Carlsvin??”
“Bilisan mo na ng masara ko na yung kotse.”
“Ah o sige, Pasok ko muna dito ha.” Nagpaalam pa siya sa lalaking yun.
“A-ah sige.” Hero.
At yun ako pa yung pinaglagay sa kotse. Ayaw iwan yung lalaking yun. Kinakausap pa niya ngayon yun. Masyadong halata yung babaeng to.
“Ah Carlsvin wala ka bang pasok ngaun?” sabi nya WITHOUT LOOKING AT ME.
Eto talagang babaeng to.
“Wala nag absent ako. Matalino naman kasi ako eh.”
Then tumingin siya sa akin sa wakas “ Ano? Ano ka ba? Dapat di mo ginagawa yun.”
“Eh gusto nga kitang isurprise.” Ano ba yan, nasabi ko tuloy. Nagulat ata sya.
“Hanna halika na kailangan na nating umpisahan yung event. Magoobserve din kasi tayo eh.”
“Ah o sige. Lika na Carl.” Carl nanaman ang tawag nya sa akin?? I like it. Napangiti na lang ako.
At yun nagstart na yung event. Ang busy niya ah. Minsan di nya ko napapansin kaya nagpapapansin talaga ko. Bakit kasi nandito yung lalaking to eh. Hanggang nagtangghali busy pa rin siya. Aba wala atang balak kumain to ah. Hindi pwede un.
“Hanna, kumain na tayo. Hindi pedeng hindi ka kumain.”
“P-pero kasi marami pang gagawin eh.”
“Iwan mo muna. Mabilis lang tayong kumain.” Tapos nag-isip siya.
“Ok sige. Hero ikaw di ka ba kakain?. Sabay ka na samin”
“Ah sige sa dati ba?” Nakangiti pa yung lalaking to. Halata din to eh.
Aba talaga namang sinama pa tong lalaking to.
“Sige ba?” Sabi niya.
“Dun tayo sa fastfood Hanna halika na” sabi ko.
“Hanna dun na lang tayo sa Karinderya.” Sabi niya. Nagkatinginan kami... I would like to say... BACK OFF
“Sabi ko sa fastfood.”
“Di dun na lang sa karinderya. Libre kita.” He's looking at me.. sharply... as i loooked at him.
“Ako na pare. Girlfriend ko to. I should treat her. Ano bang problema mo?”
“Ikaw ano bang problema mo?”
“Hep hep ano bang problema niyong dalawa?" Lumagay siya sa gitna namin. "Ako na lang ang magdedecide ok. Saan nga ba? Then nag-isip siya sandal. “Tama sa mga booths na lang ok? Halika na. Tigilan niyo na yan ha. Hindi ko kayo maintindihan eh.”
Hero’s POV
Ano bang problema nitong lalaking to. Kanina pa mainit ang dugo sa akin ah. Siguro nagseselos. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Nagagalit din ako sa kanya.
Siguro dahil sa mahal ko si Hanna eh. Oo mahal ko siya. Matagal na. Ang torpe ko kasi eh. Naunahan na ko. At ngayon nagseselos ako.
“ Ah nasaan ba si Jsey? Nakita mo ba hero? Ikaw Carl?”
Carl? Tsk. Ganun pa tawag niya sa lalaking to.
“Hindi eh.” sagot ko. Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya.
“Kanina ko pa hindi nakikita yun eh. Tinext lang ako ng Happy Birthday. Kasama siguro si Ervin. Hay naku." Then tumingin sya sa mga booths. “AHH wow ice cream. Lika gusto ko nun.”
“Ah sige, di ba mango ang paborito mo?” sabi ko
“Ou naman. Kaw Carl?”
Mukhang naiinis sya ah.
“Ayoko ng ice cream.”
“Ah bakit naman. Hay naku bahala ka nga dyan.” Nauna siya sa amin. Pero--
“Dun na lang tayo o may seafoods bili tayo ng shrimp.” Carlsvin
“Ah allergic si Hanna dun eh.” sabi ko
Then tumingin sya sa akin ng matalim.
“Bakit?” Sabi ko.
Hanna’s POV
Hay naku ano ba to??? Mukhang ayaw nila sa isat-isa ah. Kung di ko lang alam na kunwaring boyfriend ko lang itong si Carlsvin at wala namang gusto sa akin si Hero, iisipin kong may gusto sa akin yung dalawang to. Hay naku kailangan ko na silang paghiwalayin.
Nakita ko si Jsey na papalapit sa amin kasama si Ervin. “ O Jsey. Nandito ka na pala eh. Di mo man lang ako nabati ng personal ah. Kaibigan pa naman kita.”
“Ah pasensya ka na ha. May inutos kasi sa akin si Maam Ignacio sa may bayan. Sinamahan lang ako ni Ervin. Ngayon lang ako nakabalik. Pero Happy Birthday besty.”
“Thank you”
“Oh Hi Carlsvin. Ah Ervin eto nga pala si Carlsvin boyfriend ni Hanna at eto nga pala boyfriend ko.You should know him since you see him last time right???"
“Ah nice to meet you again Pare.” Ervin
“Ah same here.” Carlsvin.
“Jsey, lika nga muna may sasabihin lang ako about sa event. Dun muna tayo ha.”
“Ah dito na lang.”
“Ah bilis. Private to. Special project ni Maam. Maiwan muna namin kayo ha.”
Yun tumango naman yung tatlo. Hinila ko siya sa medyo malayong place. But enough to see them. Buti na lang nasa gitna nila si Ervin ngayon.
“Jsey, kailangan kong paghiwalayin si Carlsvin at Hero. Parang magpapatayan yung dalawa eh.”
“Huh bakit naman?”
“Ewan ko nga eh.”
“Ah oo nga pala manhid ka. May gusto sayo yung dalawa no.”
I suddenly paused.... but---- “HAHAHAHA” ahh teka napalakas ata. “Imposible yan ok. Basta ikaw munang bahala kay Hero ha. Ako na kay Carlsvin at tiyak na di naman lalayo sa akin yung lalaking to eh.”
“Hay naku ewan ko sayo. Dense!!!!”
“Anong dense ka dyan??”
“Hay naku sige ako ng bahala.”
“Ikaw ng pumartner kay Hero ha. Sama mo na lang si Ervin”
“Okie.”
Bumalik na kami. “Hero aalis muna kami ha. May kailangan akong gawin sa---“ teka saan nga ba? “ Sa..... Ah doon lang.” I smiled at him.
“Samahan na kita. Partner mo naman ako di ba?”
“Naku hindi na. Ok na.Tourism affairs kasi eh. Si Jsey muna papalit sa akin.”
“Halika na kung may gagawin ka pa.” Hinila pa ko ni Carlsvin.
“Ah mauna na kami ha”
“Hanna-“ Hero
“Pasensya na ha.” Sabi ko bago ako hinila ng palayo nito ng tuluyan.
At umalis na kami. Kumain muna kami sa fast food na kanina pa niya pinagpipilitan... then back to post again. At yun maghapong napakasungit nitong kasama ko.
“Oy Ano ka ba?? Nakasimangot ka dyan. May problema ba???”
“Wala.”
“Bahala ka nga. Napakamoody mo. birthday ko pa naman." Tumalikod na ko sa kanya. Pero---"ARAY!!!” May nabungo akong isang nilalang.
“What the?” sabi nya. Parang pamilyar ah. Then i looked up.
“Shinn?”
Is this kind of joke??? On my birthday???
*****