ZXO: Ace of Hearts

By AbbyGael

2.4K 100 49

Ace is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO... More

ZXO: Prologue
ZXO: 1
ZXO: 2
ZXO: 3
ZXO: 4
ZXO: 6
ZXO: 7
ZXO: 8
ZXO: 9
ZXO: 10
ZXO: 11
ZXO: 12
ZXO: 13
ZXO: 14
ZXO: 15
ZXO: 16
ZXO: 17
ZXO: 18
ZXO: 19
ZXO: 20
ZXO: 21
ZXO: 22
ZXO: 23

ZXO: 5

84 5 0
By AbbyGael

ZXO: 5

[Zai's POV]

Nilibot ko nang tingin ang buong Brewed Cloud, halos ilang table na lang ang hindi occupied dahil sa dami nang tao. Karamihan nang mga nandito ay mga Doches.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang magpart time job ako dito, Biyernes na ngayon at may event sa school kaya nirequest ni Ma'am Yana na magextend ako nang one hour dahil paniguradong maraming customers. Pumayag naman ako dahil dagdag din 'yun sa sweldo ko.

"Zai, for table number 8." inabot sakin ni kuya Mark ang isang tray nang frappe.

"Okay po." sagot ko, kinuha ko 'yung tray at naglakad papunta sa table number 8.

Ilang metro pa ang layo ko sa kanila, alam ko nang mga Doches sila dahil sa uniform, tatlong lalaki ang nandoon at isang babae.

"Here's your order ma'am, sir." sabi ko nang hindi sila tinitingnan, ibinaba ko sa table nila isa-isa ang mga orders nila.

"What are you doing here?" tiningnan ko ang nagsalita, napanganga ako nang makita si Claine. Teka, ako ba kausap nya?

Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ako ba kinakausap mo?" biglang nagbago ang reaksyon nya. Nagsalubong ang mga kilay nya.

"Who else? I was looking at you, wasn't I?" sabi nya nang pailing-iling tsaka nagbunting hininga.

"Uhm, so-sorry. Nagtatrabaho ako dito." paliwanag ko na may tipid na ngiti.

Tinaasan nya ko nang isang kilay. Eh? Ang sungit naman. "Since when?"

"Last Monday lang." napatingin ako sa iba pa nyang kasama. Nakatingin silang tatlo sa akin. "Ba-Bakit?"

"Hello po!" kumaway sya sa akin. "You're ate Zai, right?" napanganga ako bigla at natigilan.

Ang ganda nya! Para syang artista! Ang puti, ang kinis at mukhang anghel!

"Tsk. You're gawking." agad kong sinara ang bibig ko at kumurap nang ilang beses.

Tumawa naman 'yung batang babae. "You're funny ate Zai." sabi nya sabay subo nang lollipop, tumingin sya sa akin tapos binaling nya ang tingin nya kay Claine nang makahulugan.

"Arkisha." saway ni Claine sa kanya. Napahagikgik sya at halatang tuwang-tuwa.

"Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Thru your name plate." sabi nya habang nilalaro ang lollipop na hawak nya at namimili sa mga frappe na sinerve ko sa kanila.

Napatingin ako sa name plate ko. "Ahh... oo nga."

"Zai, another one for table number 8." narinig kong sigaw ni kuya Mark, agad naman akong nagexcuse at pinuntahan si kuya Mark. Kinuha ko sa kanya ang tray na may lamang apat na slice nang velvet cake at dinala 'yun sa table number 8.

Ngumiti sakin 'yung batang babae habang nilalagay ko sa table nila ang cake. "Yey! Cake!" pumalakpak sya at todo ang ngiti. "Kuya Claine can she join us?" nakangiti nyang tanong kay Claine.

"She's working so, no."

Nagpout 'yung babae. "Sayang naman." sumimangot sya nung una pero agad ding ngumiti. "Ate Zai, join us next time, okay?"

"H-Huh? Hi-Hindi pwede eh."

"Huh? Why?" nagpout ulit sya.

Yumuko ako. "Wa-Wala akong pambili nang mga pagkain dito." nahihiya kong sagot.

"What?! It doesn't matter. Don't worry about it, my treat."

Mabilis akong umiling. "Na-Naku wag na, nakakahi—"

"I insist! Join us okay? Pretty please po ate Zai?" kumikinang ang mga mata nya na para bang nanghihikayat.

"Pumayag ka na. She won't stop until you accept her invitation." sabi ni Claine. Salubong ang mga kilay nyang naglalaro sa phone nya.

Naghesitate pa ako nung una pero pumayag rin ako kinalaunan. "Si-Sige." nahihiyang sagot ko.

"Yey! That's great!" tumayo sya at lumapit sa akin, hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "By the way, I'm Arkisha po pala ate Zai."

"Nice to meet you Arkisha." ngayon ko lang napansin na nakauniform sya nang pangsenior high school.

"The pleasure is mine." sabi nya nang nakangiti at patalon talon syang bumalik sa upuan nya.

Hindi sya pangsenior... parang junior high school pa lang sya.

Nagexcuse na ulit ako sa kanila para bumalik sa trabaho, pero hindi pa ko nakakaisang hakbang nang magdaan sa gilid ko ang sunod-sunod na mga babae. Lahat sila ay nakasuot nang mini skirt at damit na kita ang mga pusod. Napansin kong napatigil ang lahat dahil sa animoy parang fashion show na pagrampa nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang dumaan si Sheila, nakasuot sya nang katulad nang suot nang ibang mga babae. "She-Sheila." tawag ko sa kanya, tiningnan nya lang ako nang walang emosyon at dumiretso na sa mga kasamahan nya.

May bigla akong naalala habang nakatingin sa kanila, sila 'yung miyembro nang TPI. Kung kasama nila si Sheila ang ibig sabihin nun ay miyembro na sya nang soro nila?

"Ayos! Daming chicks!" narinig kong sabi nang isa sa mga miyembro nang Aces, si Carl Glympse.

"Not all of them." sambit nang isa pang Ace, si Bern Juno.

Napatingin ako kila Sheila, kinakausap sya nang isang babae. Napagitla ako nang bigla akong tingnan ni Sheila. "Zai!" sigaw ni Sheila, napansin ko ang pagtingin sa kanya nang mga customers bago ako lumapit.

"Sheila anong—"

"Table for twenty persons." sabi nya sa akin.

May mga bakante pang upuan kaya lang ay mga pang-apatan lang. Ipagdidikit dikit ko na lang para magkasya sila. "O-Okay, wait lang magpapatulong ako kay—"

"I want you to do it alone." napanganga ako at parang hindi makapaniwala sa narinig ko. Hindi naman sa ayokong gawin, kaya lang mabibigat kasi ang mga upuan at tables dito sa coffee shop. Kailangan nang dalawang tao para mabuhat ang isang upuan at apat naman sa isang table.

"Pe-Pero mabibi—"

"Nagrereklamo ka ba sa inuutos nang customer nyo?" natigilan ako at hindi makapagsalita. Tinaasan nya ko nang kilay at nagpameywang. Mapang-asar naman ang tinapong ngiti sakin nang mga kasama nyang babae.

Nilingon ko si kuya Mark, busy sya sa pagaassist at pagseserve katulad nang iba pang waiters. Binalik ko ang tingin ko kay Sheila.

Sa tingin ko wala na kong magagawa.

Huminga ako nang malalim. "Sige, sandali lang." sumilay naman ang malawak na ngiti sa mga labi nya.

Pumunta ako sa isang vacant table, hinila ko isa-isa ang mga upuan papunta sa isa pang vacant table. Sinubukan kong buhatin ang iba pero hindi ko talaga kaya. Nailipat ko na ang apat na upuan, napatitig ako sa malaking table na nasa harapan ko. Kahit hilahin ko 'to paniguradong mahihirapan ako. Baka masira ko pa ang flooring nang coffee shop at magcreate nang ingay. Napabuga ako nang hangin.

Sana may power ako katulad ni incredible Hulk para kaya kong buhatin ang mga 'to.

Binalingan ko nang tingin sila Sheila, kitang kita sa mukha nila ang sobrang pagkainip.

"Hey filthy girl, how long are we going to wait?" tanong nang isang babaeng bukod tanging may korona sa ulo.

Ngayon ko lang sya natingnan ng malapitan. Ang ganda rin nya, maputi, makinis at sexy. Bagay sa kanya ang maliit nyang tiyara. Mukha syang prinsesa.

"Zai bilisan mo nga dyan! Naiinip na ang leader namin!" sigaw sakin ni Sheila.

"So-Sorry." yumuko ako at hinawakan ang gilid nang table. Wala nang ibang choice. Hahatakin ko na sana ang table nang bigla itong umangat.

Hala anong nangyayari?! Bakit lumu-

"Step aside." napalingon ako sa nagsalita, nasa gilid ko pala si Claine.

Tumingin ako sa table, buhat-buhat na 'yun nang mga lalaking lagi nyang kasama.

"Kami na ang magbubuhat nito Miss Prettyful." sabi nang isa sa kanila. Napanganga ako dahil sa word na ginamit nya. May ganun bang word? At tama bang gamitin sakin 'yun?

"Ipaubaya mo na sa mga gwapo ang trabaho miss."

"Ituro mo na lang samin kung saan ito ilalagay."

Tumingin ako kay Claine, nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang ngumiti sa akin.

Totoo ba 'to?! Nakangiti sakin ang isang Claine Ezekiel?!

"Let them do it." ginulo nya ang buhok ko at bigla akong hinawakan sa braso, hinatak nya ko palayo. "Umpisahan nyo na 'yan, table for twenty ang kailangan." utos nya sa apat.

"Areglado pinuno!" sabay-sabay nilang sagot, walang hirap nilang binuhat ang table papunta sa vacant table. Ganun din ang ginawa nila sa ibang mga upuan at tables. Wala pang sampung minuto, ready na ang isang mahabang table for twenty persons.

"Miss Pretty—"

"Za-Zai na lang." nakayukong sabi ko.

"Ah... Zai pala. Okay, tapos na Zai! Sisiw!"

"Hindi man lang ako pinagpawisan!"

"Ulul. Malamang aircon dito!"

"Wala na bang mas mahirap pa dito?"

Sunod-sunod na pahayag nilang apat. Lumapit ako sa kanilang apat at ngumiti. "Maraming salamat sa pagtulong nyo sa akin."

"Sus! Wala 'yun!"

"Sabihan mo lang kami next time para matulungan ka namin ulit."

"Basta chicks ni pinuaray! Putcha! Joke lang pinuno." natawa ako nang bigla syang batukan ni Claine.

"Pfft. Buti nga sayo g*go."

"Excuse me!" natigilan sila nang biglang dumaan sa gitna namin 'yung babaeng may korona sa ulo. Huminto sya sa harap ni Claine. "Didn't know you already lowered your standard Claine Ezekiel." nilapit nya ang mukha nya kay Claine, diretso lang na nakatingin sa kanya si Claine at walang mababakas na emosyon. "Let's see kung hanggang saan sya." nagsmirk 'yung babae at saka sya umalis para maupo sa long table nila kasunod ang iba pa nyang kasama.

Nabaling ang tingin ko sa kasamahan ni Claine nang bigla syang nagwhistle gamit ang bibig nya. "Patay tayo dyan pinuno."

"Don't mind her." seryosong saad nya. "Go back to your work." sabi nya sa akin bago sya tumalikod at naglakad pabalik sa table nila.

Nagpakilala naman isa-isa sakin ang apat na tumulong sa akin bago ko sila iwan para bumalik na sa trabaho. Nakilala ko si Lance, Irvin, Amiel at Nicholas.

~*~

[Claine Ezekiel's POV]

Nakaupo ako dito sa itaas nang puno. Kitang-kita ko ang malaking stage sa bandang unahan nang soccer field at ang maraming manonood. Medyo malakas ang malamig na hangin at maliwanag ang paligid. I've got a good spot to watch the event.

Fifteen bands ang sumali sa contest galing sa iba't ibang fraternity, organization and clubs. May representative rin ang junior at senior high school, ganun din ang iba't ibang colleges.

Nagsisigawan at todo cheer ang mga fans o miyembro nang bawat frat kapag banda na nila ang tumutugtog, ganun din sa iba pang mga banda. Iba't ibang genre ang trip nang bawat banda at lahat magagaling. Mukhang mahihirapan ang mga judges.

Panghuling tutugtog sila kuya Bern, paglabas nila nang stage malakas na sigawan ang pumailanlang hindi lang mula sa miyembro nang frat namin kung hindi pati na rin mula sa ibang manonood.

Tatlo lang ang miyembro nang ZXO band, si kuya Bern, Arkisha and Loki.

Kuya Bern - lead guitarist, pianist and vocalist
Arkisha - drummer, pianist and violinist
Loki - bassist, pianist and guitarist

Madalas na vocalist and guitarist si kuya Bern, ganun din si Arkisha sa drums kaya kapag kailangan nang pianist, si Loki ang nakatoka. Minsan hinahatak ako ni kuya Bern o kaya si kuya Glympse para dumagdag sa grupo at pumalit kay Loki. Pero silang tatlo lang talaga ang totoong miyembro nang banda.

Lalong lumakas ang sigawan nang mga manonood nang kumaway sa kanila si Arkisha. Nagready naman si kuya Bern at Loki, sumunod na pumwesto sa drums si Arkisha.

"Good evening. We are ZXO band and we're going to play Where Are You Now by Honor Society." kuya Bern said at nagsimula na syang magstram nang gitara.

Nagdim ang ilaw at nagfocus ang isang malaking spotlight sa stage. Kitang-kita ko pa mula rito ang pagwawala nang mga tauhan ko. Nakakahiya ang mga ugok.

"Where Are You Now by Honor Society"

To my favorite teacher
Told me never give up
To my fifth grade crush
Who I thought I really loved
To the guys I miss
And the girls we kissed
Where are you now?

Napailing ako sa ganda nang boses ni kuya Bern. Parehong singer ang parents nya kaya no doubt he's that good.

To my ex best friends
Don't know how we grew apart
To my favorite bands
And sing a longs in my car
To the face I see in my memories
Where are you now?

Nabaling ang tingin ko kay Arkisha, nakangiti syang nagdadrums habang naghehead bang. Napapasabay rin sya nang pagkanta kay kuya Bern.

Where are you now?
Cause I'm thinking of you
You showed me how
How to live like I do
If it wasn't for you
I would never be who I am

To my first girlfriend
I thought for sure was the one
To my last girlfriend
Sorry that I screwed up
To the ones I loved
But didn't show it enough
Where are you now?

Sunod na tiningnan ko naman ay si Loki, as usual poker face at mukhang masungit na naman ang lalaking 'yun. Nakafocus lang sya sa pagi-stram nang gitara at paminsan minsang tumitingin kay Arkisha.

Where are you now?
Cause I'm thinking of you
You showed me how
How to live like I do
If it wasn't for you
I would never be who I am

I know we'll never see those days again
And things will never be that way again
But that's just how it goes
People change but I know I won't forget you

Hindi pa rin magkamayaw ang mga manonood, may nagchicheer kay kuya Bern at Loki na halos mga babae and their troops. Pero mas malaki ang grupong nagcicheer sa drummer nang banda, karamihan ay halos mga lalaki.

To the ones who cared
And who were there from the start
To the love that left
And took a piece of my heart
To the few who'd swear
I'd never go anywhere
Where are you now?

Where are you now?
Cause I'm thinking of you
You showed me how
How to live like I do
If it wasn't for you
I would never be who I am
If it wasn't for you
I would never be who I am
If it wasn't for you I'd be nothing
Where are you now?

Natahimik ang lahat nang matapos kumanta si kuya Bern. Ilang segundo lang nagtagal ang katahimikan, maya-maya dumagundong ang sigawan nang mga manonood. Mukhang masyado silang namangha sa performance nang banda namin.

Bumaba na ako nang puno at naglakad papalabas nang campus. Alam ko naman na kung sino mananalo.

"Claine Ezekiel." napahinto ako at napatingin sa kanya. Nakatayo sya malapit sa kotse ko.

"What?"

"Tss. You know where I can find Zai? I forgot to ask her phone number."

"What for?"

"Obviously it's regarding our project."

"What about it?"

"Tss. Can you just tell me where I can—"

"Tell me what you wanna tell her and I'll be the one to tell her." I smirked.

Nagsalubong ang mga kilay nya, halatang naiinis na. Maya-maya bumuga sya nang hangin. "Fine. Just tell her na gagawa tayo nang project bukas. Instruct her how to get to our house, sa amin muna tayo gumawa since nasa bahay na ang lahat nang materials."

"Okay." nagpatuloy na ko sa paglalakad at sumakay na nang kotse ko.

Tsk. Ulul.

Pagdating ko nang BC, hinanap ko agad siya. "Sino po ang hinahanap mo sir Claine Ezekiel?" napalingon ako kay Ms. Yana.

"Ahh... is Z-Zai still here?"

Halatang nabigla si Ms. Yana sa tanong ko pero sumagot naman sya. "Nakauwi na sya sir. Pero sabi nya dadaan pa daw sya nang palengke kaya baka maabutan mo pa 'yun."

"Okay." agad akong lumabas nang BC at sumakay nang kotse. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko at palinga-linga ako sa paligid.

Halos wala na ko nakikitang sasakyan at tao sa paligid, dumaan ako sa pinakamalapit na wet market pero wala sya doon. Nagpatuloy pa ko sa pagdadrive hanggang makita ko syang naglalakad sa gilid nang daan habang may bitbit na plastic.

Binusinahan ko sya at pfft, natawa ako nang biglang tumilapon ang dala nyang plastic dahil sa pagkagulat. Agad akong bumaba nang kotse at tinulungan syang pulitin ang mga nagkalat na prutas at gulay.

"Here." inabot ko sa kanya ang plastic.

Nakanganga lang sya at malaki ang matang nakatingin sa akin. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"I was looking for you."

Tinuro nya ang sarili nya. "A-Ako? Bakit?" umiwas sya nang tingin sa akin at nagbago ang emosyon na hindi ko mawari kung ano. "Ayun! Nakalimutan ko nga palang magpasalamat sayo kanina. Salamat sa—"

"Pfft. Seriously?"

"Ba-Bakit?"

"Do you think that I came all the way here and looked for you to just ask for that?"

"Ah hindi ba? Eh bakit ka nandito?"

"Pinapasabi ni Boris na gagawa daw tayo nang project sa bahay nila bukas."

"Ah ganun ba. Si-Sige pupunta ako. Saan ba ang bahay nila?"

Sinabi ko sa kanya ang direksyon papunta kila Boris pero habang nagsasalita ako, magkasalubong ang mga kilay nya at halatang naguguluhan.

"Nakuha mo?" I frowned nang umiling sya habang may kasabay na pagkamot pa sa ulo at nakayuko. "Tsk."

"So-Sorry, mahina kasi ako sa directions. Tapos sabi mo subdivision 'yun diba, papapasukin kaya ako doon?"

This girl is really helpless. "Then I will pick you up instead. Sabay na tayong pumunta kila Boris."

"H-Huh? Sure ka?"

"I won't say it if I wasn't. Now tell me where your house is."

"Ah doon sa—"

"Get in. Ihahatid na kita para malaman ko na rin kung saan kita susunduin bukas."

"Ay naku huwag na. Nakakahiya naman—"

"Get in." utos ko muli sa kanya.

Yumuko sya pero bago 'yun nakita ko syang sumimangot. "Si-Sige." habang nasa byahe kami, sa labas nang bintana lang sya nakatingin kahit habang binibigay sa akin ang direksyon papunta sa kanila. Hindi ko alam kung nahihiya lang ba talaga sya sakin o natatakot.

Kumanan kami sa isang kanto, pumasok kami sa isang normal na barangay. May sari-sari store at normal na size nang bahay. May aso ring nakakalat sa daan at nag-iinuman sa kanto.

"Na-Nandito na tayo." tinuro nya ang isang maliit na bahay, may gate at kita ko mula rito ang isang light brown na aso na nakatali. Lumabas kami nang kotse, tumahol ang aso pagkakita sa kanya nito. "Pa-Pasok ka muna? Gusto mo ba—"

"No thanks. It's almost midnight, kailangan ko na ring umuwi."

"Si-Sige."

"What's your number?" nilabas ko ang phone ko para i-save ang number nya.

"Mo-Mobile number ba?"

I frowned. "Of course."

Yumuko sya at nahihiyang sinulyapan ako. "So-Sorry. Wala akong phone eh. Kaya wala rin akong number."

I pinched the bridge of my nose in disbelief and annoyance. Ano pa bang meron at wala ang babaeng 'to? "Okay. I will just pick you up tomorrow at 9am."

"Si-Sige. Salamat sa paghatid." hindi ko na sya sinagot, tumalikod na ko at sumakay na sa kotse ko. Narinig kong tumahol ang aso. Nilingon nya ang alaga nya at pinuntahan. Hinimas-himas nya ang katawan nang aso habang masayang nagsasalita. "Kamusta ka rafraf? Nakauwi na ba si tatay?" tumahol ang aso na sa tingin ko ay sagot sa tanong nya. "Talaga? Buti naman. Tingnan mo to oh, bumili ako nang prutas at gulay para kay tatay!" umikot ikot ang aso na para bang gusto makipaglaro sa kanya. Tumawa sya at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa alaga nya.

Napailing ako. "Insane." then I leave the place with a weird and freaking smile that I don't f*cking know why!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...