The S.A.I.N.T.S 2: Reloaded

By iangelspark

953K 31.8K 6.7K

Every saints has a past, and every sinner has a future. -Oscar Wilde Book 2 of the The S.A.I.N.T.S. Basahin n... More

The S.A.I.N.T.S. 2 Reloaded
Prologue
Reloaded 1
Reloaded 2
Reloaded 3
Reloaded 4
Reloaded 5
Reloaded 6
Reloaded 7
Reloaded 8
Reloaded 9
Reloaded 10
Reloaded 11
Reloaded 12
Reloaded 13
Reloaded 14
Reloaded 15
Reloaded 16
Reloaded 17
Reloaded 18
Reloaded 19
Reloaded 20
Reloaded 21
Reloaded 22
Reloaded 23
Reloaded 24
Reloaded 25
Reloaded 26
Reloaded 27
Reloaded 28
Reloaded 29
Reloaded 30
Reloaded 31
Reloaded 32
Reloaded 33
Reloaded 34
Reloaded 35
Reloaded 36
Reloaded 37
Reloaded 38
Reloaded 39
Reloaded 40
Reloaded 42
Reloaded 43
Reloaded 44
Reloaded 45
Reloaded 46
Reloaded 47
Reloaded 48
Reloaded 49
Reloaded 50
Reloaded 51
Reloaded 52
Reloaded 53
Reloaded 54
Reloaded 55
Reloaded 56
Reloaded 57
Reloaded 58

Reloaded 41

13.6K 463 42
By iangelspark


Root



Nicola's POV


Huminga ako ng malalim pagkatapos ng pagtatalo naming iyon ni Vittoria.


Am I being stubborn?


Tama siya ng sabihing tanging si Colonel lang ang goal ko sa buhay ko. Na ang paghihiganti lang ang gusto kong gawin. Kahit nandyan ang mga kaibigan ko ay si Colonel lang ang tangi kong inaalala. Nawalan nga ako ng panahon na alamin kung tama ba ang mga sinabi ni Colonel tungkol sa nangyari kay Gunther. Naniwala nalang ako agad sa salita niya at sa video na ipinakita niya sa akin.


Umalis ako sa dining room at naglakad kong saan ako dadalhin ng aking mga paa sa loob ng Kastilyong ito.


Dito nagmula sa bayang ito ang aking ina at dito siya lumaki sa bahay na ito. Unti-unti ko ng naaalala ang bawat pasilyo dito dahil sa mga video ni Tita Meredith. Malamang ay nasira na ang mga iyon dahil sa nangyari sa Skylark...hindi ko man lang ito na balik kay Vittoria.


Pagpasok ko sa isang kwarto ay bumungad sa akin ang isang malaki at malawak na sala na katulad ng ibang mga kwarto ay napupuno rin ng mga antigong gamit.


Naglakad ako sa isang lamesa at may nakita akong mga nakalatag na lumang dyaryo doon. Hindi ko mapigilang hindi basahin ang headlines nito.


La Grosa, a new political dynasty.

Barrientos, Natividad withdrew their support in La Grosa's campaign

Extra Judicial Killings rate are climbing up.

Two journalists against mining in Albueva found dead.

Citizens from different municipality are joining the rebellion.

Rebellion camp was slaughter in the forest of Bingao.


Hindi ko mapigilang hindi ma-curious sa mga headlines na ito dahil punong-puno ito ng karahasan. Muli ay napatingin ako sa isang bagong dyaryo.


Albueva: Celebrating two years of freedom.


Simple lang naman ang headlines ngunit iba ang dating nito. Hindi ko mapigilang hindi basahin ang buong pahayag sa tungkol sa headline.


"Matapos ang halos dalawang dekada ng pamumuno ng mga La Grosa sa bayan ng Albueva na puno ng karahasan ay natuldukan ito dalawang taon na ang nakakaraan. Kahit nasugpo noon ang rebelyo laban sa mga La Grosa ay palihim na ipinagpatuloy ito ni Enrico Natividad at sa tulong ng mga kinauukulan ay nabigyan ng hustisya ang dalawang dekadang daing ng mga mamamayan ng Albueva.

'Pumunta ako dito noon dahil kasama ito sa misyon ko pero ngayong tapos na ako masasabi kong hindi lang ako mission accomplish kundi parang maging ako ay nakalaya. Masaya akong aalis knowing na marami tao ang hindi na matatakot, hindi na mangangamba sa ano mang mangyayari masama sa kanila oras na sumalunghat sila sa mga namumuno sa bayan. Maging ang likas na yaman ng probinsya ay mapapangalagaan at ang mga katutubong naninirahan dito ay hindi na kailangang magpalipat-lipat ng tirahan.' Pahayag ni Agent Andrei Luis Ravendale na siyang humuli sa mga La Grosa sa kasagsagan ng isang paglusob ng mga miyembro ng rebelyon."


Andrei? Hindi ko inaasahang mababasa ko ang pangalan niya sa pahayagan ng Albueva. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.


"Dahil sa kanyang pahayag ay hindi na naming napigilan magtanong sa agent tungkol sa isang matandang kasabihan ng Albueva. "Sir, naniniwala po ba kayo doon sa pamahiin ng bayan na oras na may dayuhang dumayo at oras na mahulog ang loob mo sa isang taga-Albueva ay ito na ang iyong makakatuluyan...may babae po bang nakabihag ng puso ninyong taga-Albueva?"Hindi agad nakaimik ang agent ngunit nakikita naman ang kakaibang nining sa kanyang mata. 'Hindi nyo na po kailangan sagutin ang aming katanungan Sir.'

Isa rin sa mga tumulong upang mabalik ang kapayapaan sa Albueva ay ang nag-iisang tagapagmana ng mga Barrientos na si Vittoria McLine na matatandaang namatayan ng magulang ng matunton ang rebelyon noon. Siya ang tumulong upang makarating sa kinauukulan ang mga ebidensyang nakalap niya na magdidiin sa mga tiiwaling gawain ng pamilya La Grosa."


Mukhang nakuha ko na kung saan nagkakilala si Vittoria at Andrei.


"Ilang lamang yun sa mga pangyayaring sa nakalipas na dalawang tao na hanggang ngayon ay pinagpapasalamat ng buong bayan. Ngayon masasapi na ng buong mamamayan ng Albueva na 'Hindi na kami bilanggo sa sarili naming bayan.'"


Marami din palang nangyaring hindi maganda sa bayang ito. Hindi magtatakang bawat taon ay ipagdiwang nila ang araw ng kanilang paglaya.


Nakaranig ako na parang may kumakatok mula sa labas. Kailangan kong hanapin kung nasaan ang main door na magiging na namang pagsubok sa akin.


Mukhang magtatagumpay ako ngayon dahil palakas na ng palakas ang sigaw ng tao sa likod ng pintuang nasa harapan ko.


Pinagbuksan ko siya ng pinto at isang lalaking matangkad na may kayumangging balat tumambad sa akin.


"Magandang araw...nandyan ba si Tora?"


"Tora? Ahh!" Mag-aalangan pa sana akong sagutin siya ng maalala kung kaninong palayaw yun. "Pasensya na hindi ko alam kung saan siya nagtungo."


"Ganun ba...ikaw marahil ang pinsan niyang si Nira. Ako nga pala si Enrique Natividad." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay. "Enri nalang."


Dahil maganda naman ang pakikitungo niya sa akin at mukha siyang mapapagkatiwalaan ay inabot ko ang kamay niya.


Napapikit ako at isang pangyayari sa nakaraan ang nakita ko.


"Tora, bumaba ka na dyan may bagong dating." Sigaw ng batang si Enri na nasa ilalim ng isang puno.

"Trappppp!!!" Sigaw ni Tora na naglalambitin gamit ang mga baging sa puno.

"Papagalitan ka naman ng mama mo."

"Hindi yan! WHOO!!! Ang sarap!"

"Tora!!" Sigaw ng kararating lang na lalaki.

"Tito Gregory!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Enri.

Pailing iling naman lumapit ang lalaki sa kanila.

"Papa!" Sinalubong siya ni Tora na nakasakay parin sa baging. Agad naman siyang sinalo nito at niyakap. Bumagsak sila sa damuhan at sabay na tumawa.

"Tito pasensya na hindi ko po napigilan si Tora." Agad na hingi ng paumanhin nito ng makalapit sa mag-ama.

"Ok lang yun Enri alam ko namang hindi mo hahayaan mahulog ang makulit kong prinsesa."

"Opo tito sasaluhin ko po siya."

"Ang sweet naman ni Trap." Nakangiting sabi ni Tora na nagpangiti na rin sa kanya.


Bumalik ako sa kasalukuyan at pinagmasdan ang lalaki sa akin harapan...siya si Trap na kababata ni Tora.


"Ayos ka lang?"


"Ahh...oo pasesnya ka na medyo nahihilo pa ako. Kinagagalak kitang makilala Enri. Pero hindi ko talaga alam kung saan pupunta si Vittoria kanina."


"Dahil siguro sa haba ng biniyahe ninyo mukhang may jet lag ka pa?"


Jet lag? Ibig sabihin ng eroplano kami patungo dito? Paano niya nagawa yun?


"Mukhang alam ko na kung saan siya pumunta...gusto mo bang sumama?" Biglang tanong ni Enri. "Sa likod lang naman ito ng bahay niyo."


Tumango ako sa kanya at nagsimula na siyang maglakad para ituro sa akin ang daan.


Napakaganda ng nilalakaran naming ngayong pathway patungo sa likod dahil punong puno ito ng mga naggagandahang bulaklak at halos lahat ng punong nakikita ko ay may bunga.


Habang pinagmamasdan ko si Enri ay naalala ko ang nakita ko sa nakaraan nila. Masaya silang namumuhay sa loob ng kagubatan bilang mga rebelde hindi mo sila makikitaan ng ano mang hirap dahil magkakasama sila doon.


"Pwede bang magtanong?" Sabi ko kay Enri, tumango ito. "Kaano-ano mo si Enrico Natividad? Nabasa ko kasi ang pangalan niya sa isang dyaryo."


"Ahh...lolo ko. Siya ang nagpalaki sa akin dahil katulad ni Tora namatay din ang mga magulang ko dahil sa rebelyon."


Hindi na ako muli pang nagtanong dahil biglang sumagi sa isip ko ang pinagtalunan namin ni Vittoria.


"Alam nyo po ba naalala ko noong unang dumating si Tita Belle kasama si Nira sa kuta." Napahinto kami sa isang malaking museleo ng marinig namin ang boses ni Vittoria. "Siya yung baby na hindi man lang ngumingiti laging poker face...pero hindi naman umubra sa akin ang kasungitan ng baby na yun."


"Nakikipagkwentuhan siya sa mga magulang niya." Sabi ni Enri ng nilingon niya ako. "Naalala ko rin ang araw na iyon kahit bata pa kami noon mga tatlong taon gulang palang. Binigyan ka niya nun ng bagong emosyon."


"Bagong emosyon? Paano?"


"Kinurot ka niya sa pisngi na nagpaiyak sayo ng malakas."


"Kaya pala hanggang ngayon nandun parin yung emosyon na yun."


"Talaga? Naiinis ka pa rin sa kanya?" Halatang amuse siya sa sinabi ko. "Akala ko nga noon mapapalo siya ni Tita Meredith at mapapagalitan ni Tito Gregory pero bago mangyari yun ay niyakap na siya ni Tita Belle."


"Lagi naman siyang nakakatakas tuwing may ginagawa siyang hindi maganda...which is so unfair." Komento ko sa sinabi ni Enri. Natawa siya sa sinabi ko.


"Nakakatuwa naman at kilalang kilala mo na ang pinsan mo. Masaya narin ako dahil meron pang natitirang kamag-anak si Tora bukod sa lolo niya sa tuhod na malapit lang sa edad niya. May makakaintindi na ngayon sa kanya."


"Trap!!" Nagulat ako ng biglang sinugod ng yakap ni Vittoria si Enri. "Na-miss kita kamusta ang Europe at nasaan ang pasalubong ko?"


"Hindi ka ba nahihiya sa pinsan mo?" Biglang sabi ni Enri na mukhang hindi yata sanay sa sitwasyon niya ngayon.


"Si Nira lang naman yan...nahiya ka pa." Kumalas ng yakap si Vittoria sa kanya.


"Nakakahiya parin bisita mo siya dito."


"Hindi ko siya bisita." Diin niya. "Isa din siya sa may ari ng Stone castle kaya hindi siya maituturing na bisita."


"Oo nga pala...paumanhin pero nandito talaga ako upang anyayahan kayo sa bahay. Mag-tanghalian...hiling ni lolo para makita niya narin si Nira."


"Ok lang naman sa akin...ewan ko kay Nira kung sasama siya?"


"Sasama ako." Sagot ko kaagad.


Mayroon kasing parte ng pagkatao ko ang gustong kilalanin ang mga taong naging bahagi ng buhay ng aking ina. Gusto kong malaman ang iba pang mayroon sa lugar kung saan siya sinilang at lumaki.


"Magandang balita yan matutuwa nito si lolo."


Pagkatapos noon ay gumayak na kami ni Vittoria patungo sa bahay ng mga Natividad.


Halos malula ako sa dami ng mga tao na nakikisaya sa malaking bahay ng mga Natividad at halos lahat ng mga tao doon ay magkakakilala. Masaya silang nagbabatian at nagkukumustahan.


"Ganito pala dito?"


"Oo Nira, wait till I introduce you to everyone." Nagtungo si Vittoria sa gitnang bahagi ng malawak na bakuran kung saan dinadaos ang pagtitipong ito. Hiniram niya sa MC ang mikropono at lahat ng naroroon ay napukaw niya ang atensyon.


"Magandang tanghali sa inyong lahat." Makangiting bati ni Vittoria sa lahat at sabay sabay din silang nagsabi ng 'magandang tanghali din.'


"Bukod sa ipinagdidiwang natin ang kalayaan ng ating bayan ay ipinagpapasalamat din natin ang ligtas na pag-uwi ng matalik kong kaibigan na si Enri dito sa Albueva mula sa kanyang matagumpay na pakikipagsapalaran sa Europa."


"Siyang tunay!" Sigaw ni isang lalaki na sinundan ng mga palakpakan at hiyawan.


Pinagmasdan ko si Enri na kahit nakangiti alam mong may isang bagay na sinabi si Vittoria na hindi katanggap tanggap sa pandinig niya. Makikita sa kaibuturan ng kanyang titig dito ang lungkot.


"Hindi lang iyon ang nais kong ibahagi sa inyo mga kababayan ko...dahil sa araw din ito ay may isang taong nagbabalik."


"Sino naman iyon Tora?" Tanong ng isang matandang babae ng binitin sila nito.


"Walang iba kundi ang isang pang taga-pagmana ng angkan ng mga Barrientos. Ang anak ng namayapa kong tiyahin na si Maribel Zelena Barrientos Lamarr. Ikinagagalak kong ipakilala ang aking pinsan...Nira Cornelia Barrientos Lamarr." Inilahad niya ang kamay niya sa direksyon ko.


Kaya napunta ngayon sa akin ang atensyon nila.


"Oo nga kahawig siya ni Belle...napakagandang bata." Ngumiti nalang ako sa mga taong naroroon at nakipagkamay. Inabot halos ng ilang minute ang naganap na pagpapakilala nila sa akin dahil halos lahat ng tao ay gusto akong makita ng personal. Meron pangang gusto magpakuha ng larawan kasama ako. Dahil sa masasayang desposisyon nila ngayon araw ay pinaunlakan ko sila.


Ngayon lang sa tanang buhay ko na may nagpakilala sa akin gamit ang tunay kong pangalan.


Natapos ang pagpapakilala ng mga tao sa akin ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng pagod.


"Maligayang pagbabalik sa Albueva Nira." Masayang bati ng isang matandang papalapit ngayon sa akin na akay-akay ni Enri.


Kahit matanda na at kulubot na ang balat nito ay simpatiko parin ang ag dating niya. Medyo may hawig sila ni Enri.


"Ako nga pala si Don Enrico Natividad." At inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "Kinagagalak kong makilala ang kaisa-isang anak ni Maribel."


"Ikinagagalak ko rin kayong makilala Don Enrico." Sabi ko pagtanggap ko sa kamay nya.


"Ngayon magiging panatag na ang loob ko dahil nandyan ka na."


Tumango lang ako sa sinabi ng matanda.


Siya pala yung nabasa kong pangalan sa lumang dyaryo na nagpatuloy sa laban kahit nawawalan na ng pag-asa ang nasa paligid niya.


"Paano po kayong nagpatuloy?" Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ang tanong na iyon ang lumabas sa bibig ko.


Hindi ko alam kung maiintidihan niya kung saan patungkol ang tanong kong iyon ngunit laking gulat ko ng mas nilapitan niya pa ako at hinawakan niya ang aking kamay.


"Hangga't may naniniwala sayo huwag kang susuko. Hangga't alam mong may pag-asa pa kapitan mo ito kahit maliit lang ang tyansa na magtagumpay at higit sa lahat may mga taong matapat sayo na handang kang tulungan...at may darating pang tutulungan ka oras na hindi mo na alam ang iyong gagawin." Pagkasabi niya ng huling salitang iyon ay tumingin siya kay Vittoria.


"Nasa akin na lahat supporta, tulong at matatapat na tao pero hindi iyon sapat upang matalo ang opresyon...hanggang sa dumating siya ang tulong na hindi mo inaasahan. Ang tulong na tumapos ng lahat." Dagdag pa niya na nakangiting nakatingin sa kay Vittoria.


Mukhang naiintindihan ko na ngayon ang nais niyang ipahiwatig.


"Maraming salamat po."


"Walang anuman Nira...sana'y magtagumpay ka sa iyong mga pagsubok sa buhay."


Nauna na ang matanda pagkasabi ng mga salitang iyon dahil nais na niyang magpahinga. Patuloy parin ang kasiyahan sa bakuran at hindi ko na pinigilan ang sariling kong makisaya sa kanila ng hinila ako ng ilang mga kababaihan para sumayaw.


Ibang pakiramdam ang naging hatid sa akin ng mga sandaling ito. Kalinawan ng isip. Nagiging klaro ngayon sa akin ang mga dapat gawin.


Napatingin ako ngayon sa gawi ni Vittoria na masayang nakikipagsayaw kay Enri.


She's really lively.


Kung nagkakilala lang kami siguro sa ibang pagkakataon ay magkakasundo kaya kami? At Enri halatang nilulubos ang mga sandaling nasa tabi niya si Vittoria.


Nang magkasabay kami sa pagkuha ng pagkain ay hindi ko mapigilan magtanong sa kanya. Dahil sa pangitain ko palang sa nakaraan nila ni Tora noong mga bata pa man sila ay may pagtingin na siya dito.


"Inamin mo na ba sa kanya ang nararamdaman mo?"


"Huh? Hindi ko maintindihan ang nais mong ipahiwatig."


"Huwag ka ng magmaang-maangan Enri halata sa bawat kilos at galaw mo ang labis na pagmamahal sa pinsan ko."


Bumuntong hininga siya at pinagmasdan ngayon si Vittoria na nakikipaglaro ng bunong braso sa ilang kalalakihan. Kumaway ito sa amin bago ibinalik sa kalaban ang atensyon.


Napangisi naman si Enri ng matalo nito ang kalaban.


"Sa tingin mo ba hindi ko ginawa ang sinasabi mo?" Hinarap niya ako. "Hinintay ko siya na bumalik dito kahit walang kasiguraduhan iyon at hindi ko pinalampas ang pakakataon ngunit...mukhang may nakabihag na ng puso niya. Isang dayuhang salta na akala mo kung sino..."


Mukhang kilala ko kung sino ang tinutukoy niya ngunit paanong nangyaring hindi siya maalala ni Andy?


"Ngunit oras talaga na masaktan si Tora...hindi ko siya tatantanan hangga't hindi ko napupulbos ang pagmumukha niya."


"Good luck sa kanya..." Mahina kong sabi.


Masaya kaming umuwi dala-dala ang alaala ng araw na iyon. Hindi ko magawang makatulog kaya kahit hatinggabi na ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Naisipan kong lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin ng may napansin akong liwanag na nagmumula sa isang kwarto.


Nagtungo ako doon at tumambad sa akin ang isang napakalawak na library na mas malaki pa yata sa National Library. Ang daming estante ang nakapaloob nito at napakaraming librong nakalagay dito.


Dahan dahan akong pumasok sa loob upang pagmasdan ang ilang mga librong naroroon ng makarinig ako ng nag-uusap.


"I knew even if she didn't show it she's happy..." Boses ni Vittoria na mukhang may kausap na naman. "She deserved everthing...the acknowledgment, this house." At isang mahabang butong hininga ang naging kasunod noon.


Sumilip ako sa kinalalagyan niya. Nasa isang table siya at nakaharap sa isang laptop tanging ilaw na nagmumula sa lampshade ang nagbibigaw liwanag sa paligid. Nakatalikod siya sa aking habang may nakapasak na head set sa kanyang tenga.


"Hindi ko nga lang alam kong papayag siya sa gusto nyong mangyari..." Pilit kong inaaninag kung sino ang kausap niya dahil kahit hindi man niya pangalanan alam kong ako ang tinutukoy nila.


"Pero kung sakaling hindi siya pumayag...pwede naman siyang manatili dito para magpahinga muna at lumanghap ng sariwang hangin tutal naman nagpapagaling pa siya sa tinamo niyang pinsala."


Pagkatapos ng isang mahabang katahimikan kay Vittoria na nakikinig ng husto sa ano mang sinasabi ng kausap niya ay bigla niyang tumango.


"Makakaasa kayo sa akin."


Tumayo siya maya maya at tumagilid.


"Nicola?!" Nagulat siya ng makita ako. Naaninag ko na kung sino ang nakausap niya sa laptop ngunit tanging mafilim na monitor na may linyang puti lang tumambad sa akin.


"Sinong kausap mo?"


Nilingon niya ang monitor sandali bago muli akong hinarap.


"Kakilala..." She's already composed ngunit hindi ako satisfied sa sagot niya.


Bumuntong hininga ako dahil kahit pilitin ko siya ay mukhang wala talaga siyang balak magsalita.


"Fine...bakit gising ka pa?"


"May tinatapos akong paper works sa trabaho ko...overly due na kasi baka masisante ako. Ikaw?"


"Hindi ako makatulog..."


"Kung gusto mo magbasabasa ka muna ng mga libro dito." Alok niya.


Sinubukan ko ang sinabi niya at naghanap ng librong maaaring kong gawing pampalipas ng antok. Nang makahanap ako ng isang librong ng bigay sa akin ng interest na basahin ay umupo ako malapit sa kanya. Nakasuot siya ng reading glass at habang may binabasa sa laptop ay nagsusulat. May naalala akong bigla sa ginagawa niya...ang aking ina.


"Pwede ba kitang tawaging Tora?" Maya-maya ay tanong ko sa kanya.


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil napatingin siya sa akin ng hindi inaasahan at hindi yata siya makapaniwala dito.


"Ikaw ang bahala..." Nasabi niya nalang.


"Tsaka may isa pa." Dahil nakuha ko na naman ang atensyon niya ay oras na para sabihin sa kanya ang sagot ko tungkol sa inaalok niya sa akin.


"Ano yun?"


"Sumasang-ayon na ako sa nais mo..." Seryoso kong sabi. "Gusto kong ituro mo sa akin ang dapat kong matutunan upang matalo ang aking mga kalaban."


Ngumiti siya at tumango-tango. Sa itsura niya halatang masaya siya sa naging desisyon ko. Bigla siyang tumayo at nagtungo sa isang cabinet at may kinuha mula doon.


May dalawa siyang dalang module mula doon at iniabot sa akin.


"Ito nalang ang basahin mo mas kailangan mo ito para sa pagsisimula ng pagsasanay mo." Inabot ko ito. Binasa ko ang pamagat ng module.


Pamagat palang nito ay malalaman na agad kung saan tungkol ito. Isa itong thesis tungkol sa human enhancement at nagulat ako ng mabasa ang may akda nito.


"...by Maribel Zelena Barrientos."


"Siya ang ugat...sa kanya nagsimula ang lahat at ikaw ngayon ang bubunot sa ugat at sayo magtatapos ang lahat." Makahulugang sabi ni Tora bago niya ako iniwan sa library.




Third Person's POV


Magkaharap ngayon si Gunther at Euan dahil sila ang inatasan sa seguridad ng bagong headquarters ng Skylark. Pinagmamasdan ni Euan si Gunther mula ulo hanggang paa.


"Hindi ako makapaniwalang nasa harapan kita ngayon...buhay na buhay."


"Isa ka rin ba sa mga tanong naniniwalang agad agad akong mamamatay sa pagsabog ng eroplano?"


"Hindi mo ako masisisi balitang balita ang nangyari iyon at kahit ang mga taong nakaalis bago pa sumabog ang eroplano ay hindi nakaligtas. Sa isang liblib at mayelong lugar kayo sa Russia bumagsak."


Ngumisi lang si Gunther sa sinabing iyon ni Euan.


Nang biglang pumasok sa loob ng kwarto si Andrei.


"Dalawang araw na at wala parin akong balita sa nangyari sa magpinsan." Sabi nito kay Euan. "Hanggang ngayon ay hindi ko parin sila natatagpuan."


Pinagmasdan ni Gunther si Andrei.


"Kailangan na ba nating mabahala?" Tanong ni Euan dito. "Wala naman akong nararamdamang pangamba sa dalawang iyon. Kilala natin ang kakayahan nilang pareho. We witnessed it."


"Nandun na ako Euan pero si Colonel yung hinabol nila." Napapikit nalang si Euan sa mga salitang galing kay Andrei.


"Hinabol ni Nicola si Colonel?"


"Oo Gunther, habang pinagkakaguluhan ng lahat ang pagpigil ni Naya sa malakas na kapangyarihan ni Colonel ay sinundan nung magpinsan ang pagtakas niya."


Nalagay sa malalim na pag-iisip si Gunther.


"Hindi nyo na kailangan mag-alala sa dalawa. Nakatanggap ako ng mensahe kay Vittoria." Lahat sila ay napalingon sa pagdating ni Tammie. "Kahit hindi parin ganun kapalagay ang loob ko kay Vittoria ay alam ko namang hindi niya pababayaan ang pinsan niya."


"Hindi ba kayo marunong kumatok? Kahit sweetie pie kita hindi parin tama yun." Ngunit walang pumansin sa kay Euan. Ang atensyon nila ay napunta kay Gunther ng magsalita ito.


"Kay Colonel...may balita ba kayo sa kanya?" Tanong ni Gunther kay Tammie.


"Wala rin..." Tumango nalang ito sa sagot ni Tammie.


"Bakit ka nga pala nandito?" Nakasimangot na tanong ni Euan.


"Euan wag ka na ngang magtampo dyan ang totoo niyan ikaw naman talaga ang sinadya ko dito...gusto ko sanang tulungan mo akong humingi ng permiso kay General Hawk."


"Permiso? Saan?" Naging interesado si Euan sa sinabi niya.


"Isang expedition...isang quest upang mahanap ang nawawalang ikalawang bahagi ng Scripture ni Aprinus."


"Scriputure ni Aprinus? Ano yun?" Hindi mapigilang tanong ni Andrei.


"Isang philosopher na nagmula sa sinaunang Cendanna si Aprinus at dahil sa kanyang scripture ay nalaman naming ang mga kakayahang meron kami at kung saan ito patungkol." Mataman namang nakikinig si Gunther sa pinag-uusapan nila. "Ngunit tanging ang unang bahagi lang nito ang alam namin habang ang ikalawang bahagi ay hindi namin alam kung saan patungkol."


Tumango-tango si Andrei.


"Pero Lemon pie, may lead ka na ba kung nasaan ang ikalawang bahagi ng scripture?"


"Wala pa pero kung tama ang naiisip ko base sa mga nangyari nitong nakaraan araw ay may isang lugar na pumapasok sa isip ko."


"Anong lugar?"


"Ang lugar na ayaw ko na sanang muling balikan pa ang lugar kung saan maraming hindi magandang mga alaala ngunit ang lugar na ito ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon."


"Ang dami mo naman pasikot-sikot blueberry pie, sabihin mo na ng makagawa na ako ng proposal."


"Sa isla."


"Isla?" Sabay na tanong ni Andrei at Euan.


"Kung saan kami nabuo kung saan kami sinilang bilang ZelleCrow."


"Ang Isla ng Demise."


Muli ay naagaw ni Gunther ang atensyon ng tatlo...nanahimik naman si Tammie at hindi na muling nagsalita pa.



>>>>>>To be continued<<<<<<


Continue Reading

You'll Also Like

7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...