Your Universe

Bởi pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... Xem Thêm

#YU1
#YU2
#YU3
#YU4
#YU5
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU40

4.5K 251 54
Bởi pureasfierce

•MAINE•

Naabutan ko si RJ na tutok na tutok na naman sa phone niya. Kakatapos lang ng sayaw namin for today's program. Galing ako sa CR para magbihis habang si RJ, nasa booth ng Sports Club.

"Naglalaro ka na naman ng Moba no?" bungad ko sa kanya. Tarantella si kuya, binalik agad yung phone sa bulsa niya. "Ano ka ba, ilabas mo na yan. Nahuli ka na eh."

"Baka ibalibag mo na yung phone ko eh," legit yung kaba niya guys. With matching pag-uutal pa. Namamawis na rin yung noo niya, sign na kabadong-kabado siya.

"Hindi ko ibabalibag, ano ka ba. Parang timang naman to. Pero itatanong ko... bakit nagdownload ka na naman ng Moba?" umupo na ko sa tabi niya saka ako sumandal sa kanya. Pagod na yung legs ko kakasayaw, bukas sayawan na naman. Valentine's Party kasi namin, just to wrap off our school's foundation week. Buti na lang tapos na yung ganap ng lahat ng clubs. Student Council naman ang bahala bukas.

"Sina Paolo kasi ang kulit eh. Maglaro daw kami. Sila nagdownload niyan sa phone ko."

"Mamatey???"

"Meng naman eh!"

"Oo na, sige na maglaro ka na. Pero utang na loob RJ ha kapag tinawagan kita at di mo na naman sinagot dahil diyan sa Moba na yan nako. Maggoodbye Menggay ka na."

"Grabe ka naman sakin!"

"Moba o ako?"

Yumakap siya sa'kin na parang bata. "Syempre yung Menggay ko!" he kissed the top of my head. "Tapos ka na?"

I nodded. "Pagod na ko love uwi na tayo."

"O tara na uwi na kita sa'min."

"Hoy Ricardo baka gusto mong sapukin ka ni Teodoro?!" I told him, giving him a slight punch on his stomach. "Lagot ka kay tatay sige ka!"

"OA naman nito, joke lang eh," we stood up and started walking hand in hand towards the school's exit. "Hindi pa ngayon yun, matagal pa."

"Luh siya..."

Tumigil maglakad si RJ saka humarap sakin. He started to lean towards me, his lips near my ears.

"Nicomaine, will you marry me?"

Feeling ko tumigil yung buong mundo ko, naestatwa na lang akong bigla sa kinatatayuan ko. Nagwawala yung internal organs ko habang yung mga kamay ko naman, nanginginig sa sobrang kaba.

Lumayo ng kaunti sa akin si RJ, saka niya ako tinitigan. Hindi ko alam kung tititig ba ako pabalik pagkatapos ng tinanong niya sakin kasi sobrang nagulat talaga ako.

"You don't have to answer right away, love. I mean, we're only 16. Marami pang mangyayari sa atin. I just asked you kasi alam ko sa sarili ko na ikaw na talaga," he said. Hinawakan niya yung kamay ko saka hinalikan yon. "Relax, uy. Sabi ko nga diba hindi mo naman kailangang sumagot agad. Mahaba pa naman yung oras eh."

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa naramdaman komg tumutulo na yung luha ko.

"Maine okay ka lang ba?"

"Ako? Okay lang? RJ NAMAN EH!!!" sinimulan ko siyang hampas-hampasin.

"Aray teka Meng aray awat muna!" he said, his arms blocking my every move. Inawat niya ko saka hinawakan yung magkabilang kamay ko. "Inaano ka ba?"

"You don't just drop a bomb like that, ano ka ba!!! Papatayin mo ba ko sa nerbiyos?!"

Lumungkot yung expression ng mukha niya. Ano ba yan ang hirap naman eh. "Don't you want to get married with me?"

I sighed, then I wrapped my arms around his waist. I leaned my head on his chest. "Mahal kita, alam mo naman yun diba?" I felt him nod. "Pero nakakagulat naman kasi yung pasabog mo. Di ako naorient kaya ganun yung reaction ko."

Naramdaman kong yumakap na din siya sakin. "Sorry kung nabigla kita," nilayo niya ng kaunti yung mukha ko sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "Pero sana... pag-isipan mo. In 6 years, I want your answer."

Mrs. Richard Faulkerson Jr. in 6 years? Why the hell not?

***

Sinundo na ko ni RJ sa bahay para sa Valentine's Party namin sa school. This events wraps up our school's foundation week. After nito, balik acads na naman. Konti na lang naman, gagraduate na rin kami!

Casual lang yung attire namin for tonight's event. Hindi pa naman kasi prom kaya okay lang din na casual.

Pagbaba ko, nasa sala si RJ hawak hawak yung phone niya. Naglalaro na naman siguro ng Moba.

"Huy, RJ."

Inangat niya yung tingin niya saka ngumiti sakin. In fairness pinansin naman niya ako agad.

"Ano tara na?" tanong niya sakin. Pinasadahan niya ng tingin yung damit ko, buti na lang mukhang pumasa yata. "Ganda ng girlfriend ko oh."

"Bolero ka tara na nga!"

Pagdating namin sa school, natuwa ako sa sobrang cute ng decors. Parang
isang malaking puso (yung shape ha) yung buong gym, tapos may maliliit na puso all around. Basta sobrang cute niya. Sinalubong kami ng barkada sa may entrance.

"Aba ano yan?! Couple OOTD?!" tanong ni Karla sa amin.

We looked at ourselves and oo nga, halos pareho kami ng suot. White top sakin, white shirt kay RJ. Parehas din kaming naka-jeans. Naka-flats lang ako tapos si RJ suot yung sushi shoes niya.

"Picture nga guys dali!"

Pumwesto na kami ni RJ for the photo sa may gilid lang. OA naman kasi kung nasa gitna kami ng daan diba? Karla took a photo of us using her polaroid camera.

"Hala ang pabebe ng pose niyo nakakainis!" Gio exclaimed after seeing our photo. Binigay na niya sa akin para makita namin ni RJ.

"Grabe kayo, okay naman ah!" sabi ko sa kanila. Kinuha ko na yung polaroid para sana ilagay sa bag ko kaso inagaw naman ni Kevin sa kamay ko.

"Poks, di ko alam kung najejebs ka ba dito o ano eh," sabi niya habang natatawa. "Mukhang constipated ka ah."

"Siraulo!"

"Hay nako tigilan niyo na nga yan, magsisimula na yung party!" inaya na kami ni Gio papasok sa loob. Pero bago yun, pumunta muna kami sa may booth ng SSG, lalagyan daw kasi kami ng parang wristbands. Daming pakulo. Pagkatapos naming malagyan, pumasok na rin kami sa loob.

•RICHARD•

Isa sa mga pangarap ni Maine ang makakanta sa harap ng maraming tao. Lagi niyang sinasabi sakin yun, na kung mabigyan man siya ng pagkakataon, gagawin niya talaga. Maganda boses ni Maine ah. Hindi ako bias dahil girlfriend ko siya. Maganda talaga. Kaso ang weird niya. Diba gusto niyang kumanta sa harap ng maraming tao? Nilalait naman niya yung boses niya. Ang pangit daw, hanggang banyo lang yung mararating niya. Nako, wag kayong maniwala.

Isang beses, dinaanan ko siya sa locker room. Nandun kasi siya para kunin yung ibang gamit niya na iniwan niya habang nasa practice ng volleyball. Hindi niya ko napansin, nasa may gilid lang kasi ako malapit sa pinto. Pero dun sa pwesto ko, naririnig ko siyang kumakanta ng Without You na version ni Lea Michele sa Glee. Para akong tangang nanonood lang don, mukha akong stalker. Hanggang sa nakita na niya ko. Tumigil na siyang kumanta.

Simula non, lagi ko na siyang sinasabihan na kantahan ako. Kahit ano lang. Ang sarap kasing pakinggan ng boses niya, hindi masyadong mataas o matining, hindi rin naman masyadong mababa. Sakto lang talaga.

Dapat nga kakanta siya nung Highschool Dance, pagkatapos ko. Pero hindi ko na siya naitulak kasi umalis na nga kami dahil nga kinailangan na naming puntahan si mommy.

Last week pa, alam ko nang magkakaroon ulit ng open mic ngayong Valentine's Party. Sinabihan ko na si Jill na kakanta ako at si Maine, pero wag na lang ipagsabi sa iba bukod sa barkada.

"Richard, ready ka na?" tanong ni Jill sakin. Nasa CR yung mga babae kaya kami na lang nina Paolo yung naiwan sa table namin.

"Punta na kami sa stage pagbalik nina Maine."

"Sige, sabihan ko na yung banda," bumalik na si Jill sa backstage, saktong kakarating lang din nina Maine galing sa CR.

"Ang tagal niyo naman?" tanong ni Kevin kay Gio. As usual, siniringan lang siya ng girlfriend niya.

"Madami kasing tao. Muntik pa ngang mapaaway yang si Giovanna," sagot ni Karla.

"Ang sama kasi ng tingin sa amin eh! Lalo na kay Maine!"

Dun ako napalingon bigla kay Maine. Kaya pala tahimik siyang umupo kanina sa tabi ko.

"May mga sinabi ba?" I asked her. Umiling lang siya saka hinawakan yung kamay ko.

"Wala, wala naman. Hayaan mo na yun."

"Sigurado ka ha? Sabihin mo lang kapag may umaway sayo," hinapit ko na siya palapit sakin saka ako bumulong sa kanya. "I love you."

"Attention guys!" narinig naming sabi ni Jill kaya napaharap kaming lahat sa kanya sa stage. "As you can see, meron po ulit tayong band set for tonight's event. Successful po kasi ang open mic natin nung Highschool Dance at maraming nagrerequest na sana magkaroon ulit kaya eto na! Pumunta lang po sa backstage ang gustong kumanta, magpalista po sa akin or kay Juls na nakabantay sa likod. Pero guys! May nauna na po tayong singer, tawagin na po natin si Richard Faulkerson Jr!"

Pucha, tinutok pa nung lightsman yung spotlight sakin.

"Naks naman Poks! Nawili ka ah!" asar ni Paolo sakin.

"Huy kakanta ka ulit?" tanong ni Maine. Tumango lang ako sa kanya saka ngumiti. "Galingan mo, love!"

Umakyat na ko sa stage. Ewan ko, bigla akong kinabahan. Nagpawis pa nga yung mga kamay ko. Pero nung tiningnan ko si Maine, nawala na yung kaba ko. Okay na ko ulit.

"Hi guys. Ako ulit no? Nirequest ko talaga kay Jill na kung pwede mauna ako ulit. Kakantahan ko kasi yung isang magandang babae diyan," nagtawanan lahat ng tao, pati mg teachers namin. "Ano? Simulan na natin? This is Endlessly by The Cab."

Nagsimula nang maghiyawan lahat ng tao, pero wala akong pakialam. I focused on Maine who is staring at me, smiling.

There's a shop down the street
Where they sell plastic rings
For a quarter a piece, I swear it
Yeah, I know that it's cheap
Not like gold in your dreams
But I hope that you'll still wear it

Nakatitig pa rin sakin si Maine habang kumakanta ako. Siya lang talaga ang nakikita ko ngayon kahit pa alam ko na maraming tao dito sa loob ng gym.

Yeah, the ink may stain my skin
And my jeans may all be ripped
I'm not perfect, but I swear
I'm perfect for you

And there's no guarantee
That this will be easy
It's not a miracle ya need, believe me
Yeah, I'm no angel, I'm just me
But I will love you endlessly
Wings aren't what you need, you need me

Gusto kong matawa kasi pinipigilan niya yung kilig niya pero sobra naman kung hampasin siya nina Gio at Karla. Nagwawala na nga yung dalawa sa tabi niya pero siya? Nakatitig pa din sakin.

Hanggang sa matapos ako, at naghihiyawan na ulit yung mga tao, nasa akin pa din ang attention ni Maine.

"Salamat sa pagpalakpak guys," tumawa na naman sila. "May isang tao nga pala na pangarap na makakanta sa harap ng maraming tao na kahit ang pangit daw ng boses niya. Wag kayong maniwala, hindi pangit ang boses niya."

Alam na alam ni Maine na siya yung sinasabi ko kaya mukhang naiinis siya. Hindi ko mabasa kung ano yung sinasabi niya kasi madilim, basta nandun siya sa gilid nina Karla.

"I would like to ask Ms. Maine Mendoza to come up on stage to sing a song for everyone."

Tinulak na siya ng barkada paakyat sa stage. Pagdating niya, kinurot naman niya ako sa tagiliran.

"Ano naman to?!" she asked, her nostrils almost flaring. Nakakatawa yung itsura niya.

"Masakit yung kurot mo ah! Pero ano ba, diba sabi mo gusto mong masubukan yung ganito?"

"But not in front of the school!"

"Labo mo Meng ah," inabot ko na sa kanya yung mic. "Ikaw na bahala, kaya mo yan. Love you!" hinalikan ko siya sa noo saka ako bumaba ng stage pabalik sa pwesto namin ng barkada.

"Hello po sa inyo. Pasensya na po kung nandito ako sa harap niyo ngayon, si RJ kasi eh," tumingin siya sakin sabay belat. Hay naku, Menggay. "So, nandito na rin lang naman ako, might as well do it."

When the rain
Is blowing in your face
And the whole world
Is on your case
I could offer you
A warm embrace
To make you feel my love

She started singing Make You Feel My Love by Adele, one of her favorite songs. Naalala kong kinantahan niya din ako niyan isang beses na nakatambay kami sa bahay nila.

When the evening shadows
And the stars appear
And there is no one there
To dry your tears
I could hold you
For a million years
To make you feel my love

I know you
Haven't made
Your mind up yet
But I would never
Do you wrong
I've known it
From the moment
That we met
No doubt in my mind
Where you belong

I'd go hungry
I'd go black and blue
I'd go crawling
Down the avenue
No, there's nothing
That I wouldn't do
To make you feel my love

The storms are raging
On the rolling sea
And on the highway of regret
Though winds of change
Are throwing wild and free
You ain't seen nothing
Like me yet

I could make you happy
Make your dreams come true
Nothing that I wouldn't do
Go to the ends
Of the Earth for you
To make you feel my love

Tumayo na ako para salubungin siya sa baba ng stage, hawak hawak ko yung bouquet of carnations, her favorite flower. Nagpalakpakan lahat ng tao pagkatapos niyang kumanta, and I am darn proud of this girl.

"Thank you po! Happy Valentine's Day sa inyong lahat!"

She went down the stage and walked straight to where I was.

"Alam mo nakakainis ka!" bungad niya sakin habang natatawa. "Nakakabigla ka naman kasi, di ako prepared!"

"Hindi ka pa prepared sa lagay na yan ah?" inabot ko na sa kanya yung bouquet. "Happy Valentine's Day, love."

Maine smiled at me, yung ngiting tagos hanggang bone marrow. The kind of smile I want to see from her all the time.

She wrapped her arms around my waist and leaned on my chest. "Love you, RJ. Thank you for making one of my dreams come true."

***
A/N: Ohaaaa!!! Surprise ulit! HAHAHAHA sorry dun sa mga naghihintay dito kung medyo natagalan ha. Medyo off ang creative juices ko lately, kahapon lang siya bumalik. Salamat sa mga matiyagang naghihintay ng update kahit minsan matagal. I hope you like this one, unbeta'd kaya all mistakes are mine. Will probably edit this kapag may maluwag na sched. Pakinggan niyo din yung song sa taas, that's one of my favorites! Happy reading, guys! Tweet me your thoughts, I'm @fymaichard 😊

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

The Sweetest Escape Bởi Aira

Tiểu Thuyết Chung

318K 8.6K 49
Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumaka...
748 76 10
Inatake ng sakit na makakalimutin si Lucia kaya naiwanan niya ang kanyang lumang diary sa ilalim ng punong kahoy na pinagtatambayan niya kapag wala s...
2.2K 77 28
(Liwanag at Dilim Series #4) Czarina Kaye Wager is a girl full of dreams in life. She is known to be the almost perfect girl in town. As time passes...
2K 133 58
What Chatserye 1/2 Phoebe, a new fan of the band BTB, has made up her mind that she'll make Gray Hueson notice her no matter what. But she tried reac...