A Piece of Everything

Von candiedapple__

94.5K 2K 100

CDI Series 1: A Piece of Everything Copyright © 2013 || Ayan Mendez Fierce, quiet, and mysterious. Iyan ang m... Mehr

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Epilogue

Chapter Sixteen

2.2K 48 0
Von candiedapple__

                APPREHENSION was killing her. Isang linggo na siyang ganito, iyong pakiramdam na kahit na anong oras ay may mangyayaring hindi maganda.

                Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. She felt vulnerable. She felt like throwing up.

                Alam niyang sa mga susunod na araw ay may darating. Akala niya ay handa na siya upang harapin iyon ngunit nagkamali siya. Kinakabahan siya. Palaging tinatambol ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay may mga mata na palaging nakatingin sa kanya kapag lumalabas siya. Kahit sa unibersidad ay ganoon ay pakiramdam niya. Napa-paranoid na nga raw siya sabi ng mga katrabaho niya. Biro pa nga ng mga ito na delayed “aftershock” niya iyon buhat ng pagkakabaril sa namayapang mamamayahag. Sinakyan niya na lang ang ang sinabi nito. Ngunit hindi pa rin talaga siya mapalagay.

                Bakit ayaw pang dumating ng kung ano man iyon, para hindi na siya matakot ng ganito?

                She hugged her legs; a throw pillow was between her chest and lap. She felt safer here, at the confinement of her house. Dito, alam niyang walang makasasakit sa kanya. Alam niya, dahil pamamahay niya iyon. Alam niya kung may papasok, pumapasok o pumasok nang walang paalam. Hindi man alam ng kanyang mga kapit-bahay ay malakas ang pakiramdam niya. Hindi siya iyong normal na babae na walang alam sa kahit na anong bagay.

                Simula kasi nang patayin si Aries ay nag-aral siya siya ng self-defense. Hell, she even knew how to shoot a gun! But she knew that was not enough. She knew it too well to down her guards.

                She bolted up to her feet when she heard a soft knock on her door. Napahawak siya sa kanyang dibdib at hinagod iyon sa pagbabakasakaling bumagal ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Kinalma niya ang sarili. Mukhang tama ang mga katrabaho niya, napa-paranoid na nga siya.

                She made her way to the door and she slightly opened it to peek out whose outside. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ang naroon.

                Si Raffy.

                Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto pero hindi niya ito pinapasok. “Raffy, hi.” Nakangiti niyang bati habang mahigpit na hawak ang seradura ng pinto.

                She didn’t know how to react and what to expect knowing now the deepest secret of her friend. Though, she knew there’s nothing to be afraid of.

                “Hi. Hindi mo ba ako papapasukin?” She sounded so casual so she knew there’s nothing to be got awkward of.

                Pinapasok niya nga ito. Iminuwestra niya rito ang sofa ngunit mas pinili nito ang recliner at at-home na at-home na naupo. Nakangising binuksan pa nito ang TV at sinimulang maglipat-lipat ng channel.

                “Coffee? Orange juice, or water?”

                Umakto itong nag-iisip. “Orange juice.”

                Nginisihan niya ito. “Water lang ang available.”

                “Nang-alok ka pa.” nakangusong usal nito.

                Natawa siya saka ipinagpatuloy ang pagpunta sa kusina para paghandaan ito.

                “Freshly sqeeze, Becca!” habol pa nito.

                “Demanding!”

                Malakas itong tumawa.

                Napangiti siya. Kung mag-usap sila ay parang walang nangyari two weeks ago. Salamat naman kung ganoon. Ayaw naman niyang mapunta sa wala ang pagkakaibigan nila dahil lang sa sikreto nito na nabunyag sa kanya. Too bad because she knew she can’t pour her secrets to her as well. Sa mga nalaman niya tungkol rito…? She shook her head. It was really too much to bear.

                Bumalik siya sa sala na may dala nang tray ng dalawang baso ng orange juice at isang plato ng cookies.

                Naupo siya sa sofa at muling niyakap ang throw pillow. Binalingan niya ng tingin ang TV na naka-stay sa HERO channel. Hindi makapaniwalang napailing na naman siya. Ang tanda-tanda na ni Raffy pero ang hilig pa rin nitong manood ng mga cartoons.

                “Raff, cartoons? Seriously?”

                She threw her a glare. “Becca, cartoons? Cartoons? Seriously? It’s an anime, not a cartoon. There’s a big difference, duh.” She even rolled her eyes at her.

                “Edi, anime. What’s the difference?” She sipped her OJ. She then leaned at the sofa’s arm rest and stretched her legs in front of her, suddenly serious. “What brings you here?”

                Hindi ito sumagot, bagkus ay parang bata nitong ninamnam ang chocolate cookie na isinubo nito habang inosenteng nakatingin sa kanya.

                She shook her head ever so slightly while a smile formed her lips. Bakit ganoon? Kung sino pa ang mga tao na may mala-anghel na mukha at hindi makapatay ipis na ugali ay siya pang mga tao na may mga pasabog na sikreto?

                Now, that she thought of it… Sa tingin niya ay totoo ang tsismis na isang hacker si Raffy. Tiningnan niya ito ng mataman habang iniisip ang napakalaking posibilidad.

                “Don’t look at me like that,” Raffy said after gulping the OJ.

                “Like what?”

                “Like you already decipher something in me.”

                She just smiled sweetly. Raffy groaned.

                “Ano 'yon?”

                “Hmm… I was just thinking that maybe the gossips were true?”

                “What gossips?” She was suddenly excited to whatever she was gonna say. “Tell me. Dali!”

                She chuckled. “Na hacker ka.”

                She sighed. “Ahh… Yeah. Yeah. That’s true.”

                “Oh?”

                “Uh-huh. Independent hacker naman ako. Trip-trip ko lang iyon, past time. Hindi naman ako nangunguha ng mga sikretong files though, I read them. Hindi ako katulad ng Anonymous Philippines.”

                Ang Anonymous Philippines na tinutukoy nito ay ang grupo ng mga hacker na karamihan ay mga aktibistang estudyante na nagmula sa iba’t ibang university sa Pilipinas. Karamihan sa mga iyon ay estudyante sa paligid ng University Belt.

                “Totoo pala talaga…” Ang astig pakinggan niyon. “Sabihin mo, kailan ka nagsimulang mang-hack?”

                “Hmm… Since I was in college. They say that I was a computer genius. Nakaka-amaze kasi ang bagong technology kaya naging sobrang interesado ako sa kanya. So, 'yon, the rest was history.”

                Tumango-tango siya. Alam niyang papasukin niya ang pribado nitong buhay sa susunod niyang tanong pero… Bahala na. “Paano… Paano ka naman napasok sa isa mo pang trabaho ngayon? I mean, uh…”

                “As assassin?” She chuckled. “Baliw talaga iyong si Blade.”

                “Si Blade iyong nakakatakot na babae?”

                “Oo.”

                “Oh, bakit ka natawa?”

                “Dahil hindi naman ako assassin.”

                “Hindi?”

                “Oo.”

                “Eh, bakit…?”

                Muli itong tumawa saka tumingala. “Hacker lang ako, Rebecca. Hindi pa ako nakakapatay ng tao. I was one of the team’s brains. I always do the digging, I always do the research. We’re a group of secret agents, Becca.”

                Rebecca felt her mouth slightly opened. She was shocked. She didn’t know that her questioning will lead to this. “Hindi ka ba natatakot na isiwalat ko sa lahat na isa kang secret agent?” Sa pagkakaalam niya kasi, as far as possible, walang makaaalam sa totoong pagkatao ng mga agent.

                “Becca, you were asking me that? Hindi mo nga kami isinuplong ni Blade, tama? Kaya alam kong hindi mo ako ilalaglag.”

                Ngumiti siya. Tama ito. Kung ilalaglag niya ito, dapat ay noon pa, nang maging saksi siya sa pagbaril nito kay Domingo Karson.

                Gusto niya sanang itanong ang rason nito ngunit huwag na lang pala. Masyado na siyang nanghihimasok at parang hindi niya kakayanin na malaman pa ang isa sa mga lihim nito.

                Then all of a sudden, she remembered something. “Raff…”

                “Yeah?”

                “Bukod sa akin ay may isa pang nakakita sa inyo.”

                Bigla itong napaayos ng upo. “Sino?”

                “Si… S-si Merc. Mercury Calasag.”

                “Ha?!”

                “Kinausap niya ako last week. Pero pinagsabihan ko siya na wala siyang ilalabas na kahit na ano. I deliberately threatened him not to speak. Ayaw kong mapahamak ka.”

                Nagbuga ito ng hangin.

                “W-wala naman kayong gagawin sa estudyante kong iyon, tama?”

                Naging blangko ang ekspresyon ng mga mata nito. Kinilabutan siya. “Hindi ko alam. Kailangan kong makausap si Blade.”

                Naging mabilis ang mga pagkilos nito. One second, she was on her seat. The next was she was out of her house, running.

                Hindi niya ito hinabol. Alam niyang hindi nito sasaktan si Merc... sana.

                She grabbed her phone and dialed Raffy’s number but before she could make the call someone was calling her already.

                Chlymate…

                Isa pa itong taong ito na nagpapagulo ng isip niya!

                Itong taong ito na parang kabute na bigla na lang sumusulpot, tatawag at magte-text!

                Ilang linggo na naman ba nang huli silang magkita? Natigilan siya nang maalala ang eksena nila. They kissed! Oh my God! They freaking kissed! And she can’t deny the fact that she liked it. No, no. Not just like but she loved it, loved the way how he kissed her. The way his warm mouth moved enticingly over hers… and how she responded to his…

                She groaned. Naramdaman niya bigla ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Erase! Erase! Ang halay ng iniisip niya!

                Sinagot niya ang tawag pero hindi agad siya nagsalita nang itapat na niya ang cell phone sa kanyang tainga. Ganoong din ang ginawa nito. Para silang mga tanga, nagpapakiramdaman.

                She could hear his breathing from the other line so she was sure that he was still there, not making fun of her.

                Nang maisip niyang putulin na lang ang tawag, dahil feeling niya ay wala naman itong balak magsalita, ay saka naman ito bumati sa kanya. “Hi, Becca.”

                She could sense his smile and before she could stop herself, she smiled, too. “Hi?”

                “Miss mo na 'ko?”

                She scoffed. “Asa.”

                “Nasaan ka ngayon?”

                “Bakit?” mataray niyang tanong.

                He chuckled.

                “May nakakatawa ba?”

                “Wala!” Pero tumatawa na ito sa kabilang linya.

                Nabubugnot na pinutol niya ang tawag. “Walang magawa sa buhay!” pagkausap niya sa cell phone. Pagkatapos siyang halikan nang marubdob, tatawanan lang siya nito?! Aba, hindi ito nagpapakita sa kanya tapos bibwisitin lang siya nito?! Grr!

                At bakit ka naman nabibwisit, ha? Kasi hindi mo na natikman muli ang mainit niyang halik? Ang mga kamay niyang humahaplos sa iyong malambot na katawan? Nami-miss mo na bang damhin ang abs niya? Ang hard yet smooth chest niya?

                Isinalpak niya ang throw pillow na nadampot sa mukha niya at saka nanggagalaiting sumigaw. What Chlymate do to her! Bakit ba kasi hinayaan niya ang sarili na magpahalik dito? Iyan tuloy, nahihirapan siya, naguguluhan, at… kinikilig.

                Yuck! So teenager-ish. Beinte-otso na siya para kiligin!

                Muling tumunog ang cell phone niya. Si Chlymate ulit ang natawag. “Ano?!” she snapped.

                “Woy, chill, Becca. Ito naman, masyadong mainit ang ulo. Miss na miss na nga kita, eh.”

                Her world seemed to stop hearing those words. She cleared her throat. “Ano nga kasing kailangan mo? Iniistorbo mo 'ko.”

                “Ah, you’re busy? Ay, sorry, sorry. Pero sandali lang naman 'to.”

                “Okay. Bilis.” Kunwa’y tinatamad niyang usal. Pero ang puso niya… Dug-dug-dug! Nang mabilis!

                “Uh…”

                Tumaas ang kilay niyang nang hindi na ulit ito nagsalita. Ang akala pa nga niya ay wala na ito sa kabilang linya.

                “Ano kasi… Sa Thursday?”

                “Yeah, what?”

                “May lakad ka ba? Iyon kasi ang araw ng uwi ko from Baguio. Don’t worry papasalubungan kita ng strawberries.”

                Baguio? The last time, he was in Bohol, now in Baguio? Sobrang gala talaga ng lalakiing ito.

                She thought for a second. Ano nga ba ang gagawin niya sa Thrusday? Tama, wala na. Iyon ang araw ng pasahan ng test papers para sa final examination. Makakapagpahinga na siya, malapit na ang semestrial break. “Wala.”

                “Yes!”

                “Ha?”

                “Ah,” he awkwardly laughed. “Yayayain sana kitang lumabas?”

                Lumabas? As in date? Seryoso?

                “Huy, Becca, nand’yan ka pa?”

                Umayos siya ng upo. Hindi siya agad nakahuma. Siya? Niyaya nitong makipag-date? Nananaginip ba siya? O ginu-good time siya nito?

                “Becca?”

                “Ah, yes. Yes.”

                “Yes? Pa… yag ka?”

                “No!” she said, a little bit loudly. Her voice filled with panic. “I mean, uh…”

                “Okay, I understand. May ilang araw ka pa para pag-isipan ang tanong ko, but Becca, I won’t take ‘no’ for an answer. See you.”

                He hung up before she could have respond.

                Nahiga siya sa sofa. Pakiramdam niya ay mali kung tatanggihan niya ang alok nito. Pero parang hindi rin tama na pumayag siya.

                “Argh!” Sinuntok niya ang sandalan ng sofa. Dagdag sakit ng ulo na naman! “Chlymate Osman, you’re such a pain in the ass! A very, very big nuisance! Hmp!”

                Kahit labag sa loob niya ay dinampot niya ulit ang cell phone niya nang tumunog iyon. May nag-text, guess who?

                Srsly, lady, I am missing you. :*

                Maybe, she was doomed.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

874K 19K 60
Nagsimula ang lahat sa isang bahay na may brown tape. Ang brown tape na naghahati sa bahay sa dalawa. Dito nagkakilala ang binata'ng si Kari, gwapo...
9M 232K 79
Sobrang insecure niya sa sarili. Lagi niyang kinukumpara ang sarili niya sa iba. Simula bata pa siya'y laman na siya ng mga tawanan at asaran ng mga...
473K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
383K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...