PHANTASIA DOMINUM: Rise Of Th...

By _jammi

9.1K 530 60

This is Fantasy World Online's Second Book. FWO has ended. A new World Arise. Samahan uli natin sina Ashe, K... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
[P.D] CHAPTER 2: WISH'S EMBARRASSING MOMENT
[P.D] CHAPTER 3: NEW GAME?
[P.D] CHAPTER 4: ASHE'S ASTONISHMENT
[P.D] CHAPTER 5: KIRO MEETS WARD CALEB WALLHAVEN
[P.D] CHAPTER 6: ASHE & WARD'S CONVERSATION
[P.D] CHAPTER 7: GOOD NEWS
[P.D] CHAPTER 8: THREE WORDS, EIGHT LETTERS
[P.D] CHAPTER 9: THE PROJECT'S COMPLETION
[P.D] CHAPTER 10: THE BREAKING NEWS
[P.D] CHAPTER 11: THE QUALIFIERS
[P.D] CHAPTER 12: MYSTERIOUS GIFT
[P.D] CHAPTER 13: KIDNAPPED
[P.D] CHAPTER 14: OVERPOWERED?
[P.D] CHAPTER 15: ADVICE
[P.D] CHAPTER 16: 'UNKNOWN'
[P.D] CHAPTER 17: INESCAPABLE TOWN
[P.D] CHAPTER 18: THE ISLAND'S HISTORY & THE KEY
[P.D] CHAPTER 19: JOINT FORCES

[P.D] CHAPTER 1: THE BEGINNING

833 44 0
By _jammi

A  S  H  E

(Date: April 02, 2029)


*birds chirping sfx*

Iminulat ko ang aking mga mata nang matamaan ang mga ito ng sinag ng araw. Dahan-dahan akong umupo at kinusot-kusot ko ang mata ko. Hinawakan ko ang kwintas na nakasukbit sa leeg ko at tiningnan ito. Napangiti ako nang maalala ko si Yume. Miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko siya naa-alala. Hindi na din naman malungkot dahil alam kong parati lang siyang nasa tabi ko dahil sa kwintas na ito.

Ibinagsak ko ang katawan ko at nahiga uli sa kama.

"Hay inaantok pa ako. Anong araw nga uli ngayon?" banggit ko at tiningnan ang reminders ko sa phone ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"What the?! First meeting ko pala sa first client ko ngayon! 30 minutes nalang ang nalalabing oras para makapag-asikaso ako!" natatarantang sigaw ko. Pa'no na 'to? Mabagal pa naman akong mag-asikaso huhu. Maya-maya, narinig kong tumunog ang phone ko. Si Wish, nagleave siya ng message sa'kin.

Seriously Ashe? Ano ka ba naman! Sa lahat ng makakalimutan mo, 'yung client mo pa!


[Message content: Goodluck sa first client mo Ak! Kaya mo 'yan wooooooh!]

[From: Hiling]


Kinakabahan ako sa totoo lang. Ano kaya itsura ng first client ko? Mabait kaya siya? Susungitan niya kaya ako? Oh no. Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Alam ko naman pong hindi niyo ako papabayaan.

Bilis-bilis akong nag-asikaso. Toothbrush, ligo, suot ng damit, suklay at kung anu-ano pang mga ritwal ko sa umaga at ayan tapos na.

"Wala na ba akong nakalimutan?" tanong ko sa sarili ko at iniikot ko ang mga mata ko. Nakita ko 'yung folder na makapal sa ibabaw ng lamesa ko. Agad ko itong kinuha at inilagay sa bag ko. Natigilan nalang ako nang biglang may maalala ko.

"Hindi naman 'yun importante eh. Pero, hindi nga ba? Bahala na nga!" inis na sabi ko at bumaba na ako. Dumampot nalang ako ng kahit anong tinapay sa kitchen at lumabas na.

"Sana umabot pa ako. Please lang sana umabot."

Pumunta na ako sa garahe at agad na sumakay sa sasakyan. Habang umaandar ang ito, napapatingin ako sa paligid. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang FWO. Matagal-tagal niyo narin akong hindi nakasama so magpapakilala uli ako sa inyo. Ako nga pala ulit si Ashe Kyle Garcia at isa na akong ganap na arkitekto ngayon.

Sampung buwan na ang nakalipas nang matapos ang FWO. Ang bilis ng mga pangyayari no? Natupad ko rin ang pangarap ko. Twenty four (24) na ako ngayon at habang dumadagdag ang araw, unti-unti na ring nabubura ang alaala ng FWO sa mga tao. Pero, nananatili parin sakin ang mga ala-alang iyon.

Isa ako sa mga survivor ng FWO. Grabe, tatlong taon kaming nasa loob ng FWO. Imagine? Three (3) years kaming nasa state of coma, fighting for our lives sa loob ng isang laro. Hindi kami makausap. Utak lang namin ang gising at tanging ang machine helm lang ang nagpapagana nito.

Isang laro na mahirap paniwalaan na nagkatotoo sa totoong buhay. Kahit ako na kahit kailan hindi iyon pinaniwalaan pero nangyari. Nangyari ang mga hindi mo inaasahan at buong buhay mong hindi pinaniniwalaan. Isang mundo na pinasok ko at ngayon tinapos ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pero tanggap ko naman na. Tanggap ko na nangyari na ang lahat ng 'yun at wala na si Kuya. 

Hindi ko talaga siya magawang sisihin kung bakit niya ginawa ang FWO. Oo nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot at hanggang ngayon, nami-miss ko parin siya. Pero tapos na 'yun at hindi na muling babalik pa. Ang mahalaga, napatawad na namin ang isa't-isa.

Naging maayos na rin ang takbo ng pamumuhay ng mga tao dito. Ang mga pamilya naman ng mga taong namatay sa FWO ay namumuhay narin ng payapa at masaya dahil nabigyang hustisya din naman ang pagkamatay nila.

Hininto ko ang sasakyan nang umilaw ang red sa traffic light. Napatingin ako sa kaliwa ko at napa-wow nalang dahil sa ganda ng sasakyan niya. Ang astig! Mayaman siguro 'to.

Binaba ko ang bintana ng sasakyan ko para makitang mabuti ang sasakyan niya. Inilibot ko ang mga mata ko at may nakita akong logo na 'W'.

W? Ano kaya ibig sabihin nun? Isa kaya 'to sa mga mayayaman dito sa lugar namin?

Napatingin naman ako sa nagmamaneho ng sasakyan dahil nakababa din ang bintana ng sasakyan niya. Ang pormal ng suot niya at nakapang-americana siya. Maputi siya at mukhang matangkad. Napatigil nalang ako nang bigla siyang mapatingin sakin. Tiningnan niya lang ako ako at agad na pinatakbo ang sasakyan niya. Hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil nakasalamin siya.

"Hmm... May itsura siya. Ay mali. Gwapo siya."

Maya-maya, nagitla nalang ako nang sunud-sunod na bumusina ang mga sasakyan na nasa likod ko. Agad kong pinaandar ang sasakyan ko nang matauhan ako at napatingin sa wrist watch ko. Pinagpawisan ako bigla at nanlamig nang makitang five minutes nalang, late na ako. Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko at nakarating narin ako sa paroroonan ko. Sa isang mamahaling cafe.

"Grabe sobrang bigatin kasi ng cliente ko."

Pagkapasok ko sa loob, amoy na amoy mo 'yung kape. Ang bango. 'Yung interior din ng lugar sobrang ganda.

(ctto of the image below)

Maya-maya may babaeng nag-approach sakin. Napatingin ako sa name plate niya at nakita kong manager siya.

"This way ma'am." biglang sabi niya kaya nagulat ako. Umakyat kami sa taas sa may bandang terrace at doon may nakita akong isang lalaki. "Kanina pa po niya kayo hinihintay ma'am." sabi ulit ng manger. Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na siya.

Mula sa pinakagitna, may isang lalake na naka-upo nang patalikod sa akin. May kulay chestnut siyang buhok and wait... parang familiar yung damit niya ah. Napahinto nalang ako sa pag-iisip nang bigla siyang magsalita.

"Are you going to stand there, not talking and just stare at me Ms. Garcia?" biglang tanong niya. Tumayo siya at humarap sakin. Tinanggal niya ang salamin niya at nakipag-kamay sa akin. "My name is Ward Caleb Wallhaven. I am your client from Wallhaven Inc." sabi niya at ngumiti siya.

Oh! W! So Wallhaven pala ang ibig sabihin nun! Siya na ba ang cliente ko? At teka, Wallhaven ba kamo?! Isa siyang Wallhaven?!

Isa lang naman sila sa pinaka-maimpluwensiyang tao dito sa bansa namin at bigatin talaga 'to! Sobrang laki kaya ng building ng Wallhaven Inc. I still wonder kung bakit ako ang napili ng company nila. Nakakapagtaka lang. Madami namang famous architects dito sa lugar namin pero bakit ako pa?

Hay, ano ka ba naman Ashe?! Big break mo na 'to no! Claim mo na! Dapat nga maging thankful ka eh.

Napako nalang ako sa kinatatayuan ko at hindi agad nakasagot. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo. Kinakabahan talaga ako!

"Why do you look so shocked and pale? It seems that you don't know your client whom you are going to meet." pagkasabi niya nun, agad akong napatingin sa folder na hawak ko. Bumalik uli ang pagkainis ko sa sarili ko.

Tama po kayo Mr. Wallhaven. Ang galing ko po dahil hindi ko man lang nireview 'yung folder ninyo. Oo 'yun 'yung naalala ko kanina. Masyado akong nagfocus sa mga ipapagawa niya at hindi ko man lang muna inalam kung sino ba ang client ko.

Parang anytime gusto ko tuloy sapukin ang sarili ko. Sana lamunin nalang ako ng lupa. Nakakahiya Ashe, hindi ka prepared! Isang Wallhaven 'yang kaharap mo lagot ka na!

"I'm very sorry sir." sagot ko nalang. Hindi ko pwedeng i-dahilan na nawalan ako ng oras kasi obvious na bad shot agad 'yun. Baka 'yung swerte ko maging bato pa. "Let's have a sit?" yaya ko sa kanya at tinanguan niya ako. 

Kailangan ko paring magpakatatag. Kailangan kong maging confident kahit na kinakabahan talaga ako.

"About po sa projects natin sir--" napahinto ako nang bigla niya akong pigilan sa pagsasalita.

"Relax Ashe and don't be nervous. Have you eaten already?" tanong niya. Uh, what? Kesa naman gumastos siya para sakin, sasabihin ko nalang na kumain na ako. Nakakahiya naman kasi.

"Yes sir. Thank you for your concern." nakangiti kong sagot sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang um-order ng pagkain at agad na dumating yun sa table namin.

Oh, baka siya ang hindi pa nag-aalmusal?

"Thank you." sabi niya sa nagserve.

"You're welcome sir." sagot naman sa kanya nito. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Go, eat." nakangiti niyang sabi.

Huh? Baligtad ata ang understanding nito.

"I can't accept this sir--" napahinto nanaman ako nang bigla nanaman siyang nagsalita.

"I want you to eat first. Tsaka wag mo na akong tawaging sir, Caleb nalang." sabi niya. "I know you're lying too." dugtong niya na mas lalo kong ikina-bigla kaya napangiwi ako at pilit na ngumiti.

Hindi maganda 'to! Ano nalang ang magiging first impression sakin ng cliente ko? Na sinungaling ako?

"Don't worry, hindi naman ako ganun mag-isip." bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Isa siyang dakilang mind reader.

Grabe sa sobrang bait niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan nito. Maya-maya, nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Wag kang kabahan Ashe. Just think of me as your colleague, friend, barkada or whatsoever. Disregard my surname." sabi niya. "Hindi porket isa akong Wallhaven na galing sa isang malaking company eh nakakatakot na." dugtong niya. Nginitian ko nalang siya at tinanggal ang kamay ko sa table ko.

Kasama talaga yung paghawak sa kamay ko? Hokage 'to ah. Pero medyo natanggal kaba ko dahil sa sinabi niya. Sinunod ko nalang siya na kumain nalang muna at pagkatapos, nag-usap na kami.


*****


Nakatingin ako sa folder habang pinipirmahan niya lahat ng contract papers na nandoon. Pagkatapos niya, sabay kaming tumayo at nakipagkamay ulit ako sa kanya.

"It was nice meeting you Ashe. Splendid proposal as well." sabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko at napangiti. 

"Thank God! Successful siya."

"Thank you very much sir." sagot ko naman at binitawan na niya ang kamay ko.

"See you around Ar. Garcia." sabi niya at umalis na siya. Maya-maya, biglang nag-ring ang phone ko at sinagot ko ito.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon. Sobrang saya ko!

"Hey." bati niya sa akin.

"Hi Kiro..." sabi ko naman.

"Nandito ako sa labas, naghihintay lang sayo." pagkasabi niya nun, napatingin ako sa bintana. Nakangiti siyang kumakaway sakin.

"Tara?" sabi niya. Tumango ako at bumaba na.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.1K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
47.2K 2.7K 50
Ada Clarisse Hawking was a granddaughter of a scientist name Gilbert Hawking and she will becoming a doctor of present time. Ang kanyang lolo na si...
759K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...