Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

380K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰57th Catch╮

3.7K 141 48
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰57th Catch╮

NAKAYUKO si Lara habang papasok sa RDGU dahil ka-text niya si Arq. Hindi siya nito nasundo sapagkat may kailangan itong asikasuhin dahil sa nalalapit nilang Foundation Day.

Pareho silang abala dahil gumagawa rin siya ng samu't saring proyekto. Halos sabay-sabay pa ang pasahan kaya nagagahol siya sa oras.

Wala pa sa RDGU si Arq dahil may dinaanan pa itong importante. Pero nagsabi na ito na sabay silang manananghalian at ayos lang naman sa kanya kung mamaya pa sila magkikita.

Sa kabilang banda ay panay naman ang reklamo ni Arq sa palitan nila ng text messages dahil mamaya pa sila magkikita. Para namang hindi sila magkasama kahapon dahil miss na miss na raw siya nito. Hindi siya makapaniwalang araw-araw na itong nagiging clingy.

Nasa kalagitnaan na siya ng field nang hindi sinasadyang makabunggo na naman siya ng kung sinoman. Dahil doon ay muntik pa niyang mabitiwan ang cellphone na bigay sa kanya ni Arq. Mabuti na lang ay mabilis ang kanyang reflex.

"Watch where you're going, btch." An angry voice spat.

Nagtaas siya ng mukha para makuta kung sino iyon. Hindi nga siya nagkamali nang maisip kung sino ang taon sa likod ng pamilyar na tinig.

Otomatikong tumaas ang isang sulok ng kanyang kilay.
Sa dinami-rami ng pwede niyang makabangga, talagang si Luci pa!

"Alam mo, Shakira. Kahit naman siguro nakita kita sasadyain ko pa rin na banggain ka. Ang laki mo kasing harang." Mataray niyang tugon.

Napataas din ito ng kilay bago lumapit sa kanya. ""Okay, you can throw insults at me as much as you want, but I've already warned you, careful with what you're saying." Lalo pa itong lumapit para bulungan siya, "I look forward to the day when I'll see your pretty face, manifesting regret about everything, especially being with Arqui." Dagdag nito na may diin sa bawat salita.

Akala niya'y hindi na niya magagawa pang matakot kay Shakira. Ngunit matapos ang sinabi nito ay para siyang biglang kinabahan.

Would Shakira go to such lengths as to inflict harm on people? Would she personally mistreat her? If that's the case, it would be vile. While she often contemplates carrying off physical pain, the thought of annihilating someone never crosses her mind.

Does Shakira view her as a significant hindrance, which leads her to ruminate about eliminating her?

"I don't want to get my hands dirty, my dear." Muli nitong saad habang lumalayo sa kanya na animo'y nabasa ang kung ano'ng nasa kanyang isipan. "...but I will make sure that you bring about your own downfall."

Tanga ba ang tingin nito sa kanya kung kaya't naisip nitong kaya niyang saktan ang sarili? Bilib na talaga siya sa kabaliwan ni Shakira. Marahil ay sobrang lumbay na nito kaya kung ano-ano na lamng ang pumapasok sa isipan.

Nevertheless, a threat remains a threat. She should add extra caution.

Iiling-iling siya nang talikuran ito para magpatuloy sa kanyang paglalakad.




AS lunchbreak commences, Arq asks her to come to the Savage's quarters rather than the cafeteria to share lunch with her, explaining that there are still pending tasks for her to complete.

While she walks down the corridor, she unanticipatedly runs into Zach. A sudden encounter that immediately paints a sour expression on her face.

Her plan is to march past him, but he quickly catches her by the arm. "Lara, can we talk?"

She pulls away in a harsh and abrupt movement. "Para saan pa, Zach? Para mag-sorry? Well, hindi dapat sakin kundi kay Arq."

"'Yon na nga, e. I tried to say sorry to her, pero lalapit pa lang ako parang gusto na niya akong sakmalin." Tila bata itong nagsusumbong. Halata na rin ang pagkasiphayo base sa paraan nito ng pagsuklay ng kamay sa buhok. "Kaya sa'yo na lang ako magso-sorry. Sorry na sa nagawa ko."

"Kay Arq mo sabihin 'yan. Natural lang naman na galit siya sa'yo. Atsaka kung hindi ka sincere sa pagso-sorry mo 'wag mo na lang ding gawin." Suhestyon niya bago ito sadyaing banggain para magpatuloy sa paglalakad.

Subalit pinigilan na naman siya ng binata. "Grabe naman, Lara. Bakit hindi niyo matanggap sorry ko?"

Muli niya itong nilingon habang nakasimangot. Hindi siya makapaniwala na hinahayaan pa rin nitong mangibabaw ang kayabangan habang humihingi ng tawad. Paano niya masasabing sinsero nga ito?

"Alam mo, Zach, kung ganyan ka kaangas humingi ng paumanhin, hindi namin matatanggap ang sorry mo."

Natawa ito ng mapakla na ikinataas ng kilay niya. "You know what, bagay nga kayo ni Arq. Napakatigas ng puso niyo. Paano niyo nasasabing mahal niyo ang isa't isa?"

Mukhang sinasadya nitong papangitin ang mood niya ngayong araw. Lalo siyang napasimangot. "Wala kang pakialam kung paano namin minamahal ang isa't isa. Atsaka nagso-sorry ka lang, ah? Bakit nakikialam ka pa? Hindi ko kailangan ng opinyon mo, Zach." Pikon niyang saad bago ito tuluyang talikuran.

May sinabi pa si Zach bilang pahabol ngunit hindi na niya iyon pinansin pa. Mas matindi ang kayabangan nito kaysa kay Arq kaya hindi talaga magkakasundo ang dalawa. Mabuti na lang ay hindi niya hinayaang maging malapit sa binata; yaw niyang magkaroon ng aroganteng kaibigan.

Nagpatuloy siya sa pagpunta sa opisina ni Arq. Dalawang tao na ang nagtangkang sumira ng kanyang araw subalit hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Kaya pinilit niyang iwaksi ang mga ito sa kanyang isipan.

Pagdating niya sa opisina ng Savage ay naabutan niyang nakaupo si Arq sa La-Z Boy chair nito. Nakatalikod ito sa pinto kaya hindi kaagad niya nakita ang itsura nito.

She ambles towards Arq's desk before calling her attention. "Arq..."

Arq pivots her chair in a careful movement. Their eyes meet for a moment until hers widen upon seeing that Arq's arm is finally free from the cast. A smile lights up her face, but it's short-lived as Arq's face turns grim all of a sudden.

"Bakit ang tagal mo?" Bungad nito.

"H-huh?!"

"Uulitin ko pa ba, Lara? Bakit ang tagal mo?" Anito na halata na ang inis.

"Uhh... K-kasi..." Tensyonado niyang saad. Kinakabahan na naman siya sa itsura ni Arq kaya hindi niya madiretso ang pagsasalita.

Ngayon na lang ulit niya ito nakitang nagsusungit.

"Ano'ng pinag-usapan niyo ng k*pal na 'yon?" Lalong tumiim ang bagang nito.

Gusto niyang matawa nang maisip na baka pinagseselosan ni Arq si Zach. Minamanmanan ba siya nito kaya alam nito na nagkita sila ng binata kanina?

"N-nakita mo ba kami? Sana lumapit ka para nalaman mo kung ano ang pinag-usapan namin." Nang-aasar niyang tugon.

"Just answer my question," Arq demanded with a firm tone.

"Okay," she clears her throat and transitions into a serious demeanor as she resumes, "...humihingi siya ng sorry. P—"

"Pinagbigyan mo naman?"

"Hindi. Napaka-arogante niya habang humihingi ng sorry."

"So, kung hindi siya arogante kanina baka napatawad mo na siya gano'n ba?"

Naningkit ang mga mata niya. Aba! Ano'ng problema nito? "Hindi pa rin. Kasi kailangan niyang sa'yo mag-sorry, hindi sa akin." Pigil-inis niyang sagot.

"Next time, ignore him. Kinakausap mo pa kasi kaya ayan lapit nang lapit." Walang kagatol-gatol nitong pagbibintang.

Arq's fortuitous act of shifting blame onto her left her in disbelief. Despite her efforts to resist Shakira and Zach's attempts to ruin her day, in the end, it was Arq who succeeded.

"Teka! Bakit ba ang sungit-sungit mo? Inaano ba kita dyan?!" Halos pasigaw na niyang tanong.

"Nagtatanong lang ako. Pagsusungit ba 'yon?"

"E, bakit ganyan 'yang mukha mo? Para kang papatay ng tao. Kasalanan ko ba kung kausapin niya 'ko? Kung nakita mo lang sana na umiwas ako baka hindi na nagta-tantrums dyan!"

"Pwede 'wag kang sumigaw? Napaka-palengkera mo. Nabibingi na 'ko sa'yo!"

Sa pagkakataong iyon siya tuluyang natigilan.

Seriously? 

Gustuhin man niyang intindihin ang topak ngayon ni Arq subalit masakit na marinig mula rito na palengkera siya. Gano'n ba ang tingin nito sa kanya? Pero hindi dapat siya nito pagbuntunann ng galit kung may problema man ito.

Tumalikod na siya at akmang aalis nang magsalita ito. "San ka pupunta? Kakain pa tayo."

"Kumain ka mag-isa mo!" Sigaw niya nang hindi ito nililingon.

Diri-diretso siyang lumabas mula sa opisina nito. Nanginginig siya sa inis. Ito ang unang pagkakataon na nag-away sila bilang magkasintahan.

Medyo nakalayo na siya nang bigla siyang tumigil. Nilingon niya ang pinanggalingan para lalong madismaya. Kung nais ni Arq na magsabay silang kumain dapat sana'y sinundan na siya nito. Pero wala ang presensya nito sa kanyang likuran.

Pailing-iling siya habang naglalakad papunta sa cafeteria. Wala namang problema kung mag-isa siyang kakain. Kaysa naman magkasama nga sila ni Arq pero magkakapikunan lang silang dalawa.

Tuwang-tuwa pa naman siya na makitang magaling na ang pilay nito kaya lang mukhang bumabalik naman ang dating pag-uugali.



THREE days have passed since she walked out on Arq, yet the latter hasn't made an effort to see her. Even though she was unaware of the reason why Arq was grumpy, she attempted to understand her, yet she remained elusive.

Consequently, she adopted the same coldness as Arq.

Talagang matira-matibay sa kanilang dalawa. Wala naman siyang kasalanan. Bakit siya ang unang manunuyo?

Marahil ay nagtataka na ang mga usisero't usiserang estudyante dahil solo na naman siyang kumakain ngayon. Sa totoo lang ay wala naman siyang pakialam sa kung anomang isipin ng mga ito kaya nagkikibit-balikat na lang siya.

"Lara!"

Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nakita niya ang tatlong kaibigan ni Arq na palapit sa kinakainan niya. May kanya-kanyang bitbit na tray ang mga ito indikasyon na sasaluhan siya sa pagkain.

Ngumiti siya nang bahagya bago magpatuloy sa pagkain.

"Something's odd. Bakit ka nag-iisa? Pati ba naman ikaw hindi pinalagpas ni Arq sa PMS niya?" Diri-diretsong pahayag ni Elijah dahilan para mapako ang mga mata niya rito.

Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pasimpleng pagsiko ni Brenan kay Elijah habang papaupo ang mga ito, kaharap niya.

"Paano niyo naman nalaman 'yong ganyang bagay?"

"Kapag pinapalayo na niya kami sa kanya ibig sabihin totopakin na siya. Kaya kapag nagkakaganyan siya, tatlong araw kaming malayo. Minsan pinikon siya ni Elijah. Ayun! muntik ng ma-disalign ang ilong nitong isa." Natatawang kwento ni Greco.

"Grabe magalit at mapikon 'yon kapag dinadatnan. Pero hindi ko alam kung bakit naman pati ikaw dinamay." Dagdag pa ni Elijah.

"Gano'n naman 'yon, e. Kahit sino madadamay kapag may monthly period. Di ba si Shakira sa'tin din nalaman kung bakit nagkakaganon si Arq?" Singit ni Brenan atsaka siya binalingan. "Hindi niya sasabihin sa'yo 'yong gano'ng bagay kasi nahihiya 'yon."

Salamat sa mga kaibigan ni Arq; naiintindihan na niya ang topak nito. Para tuloy gusto niyang matawa sa sitwasyon nila. Hindi man lamang sumagi sa kanyang isipan na nagkakaroon pa rin ng buwanang dalaw si Arq. Babae nga pala ang kanyang kasintahan.

"Teka, paano niyo naman nalaman 'yong tungkol sa monthly period niya?" Kunot-noo niyang tanong.

Lalaki kasi ang mga ito pero alam na alam ang pribadong bagay na iyon tungkol kay Arq.

"Noong time na pinikon siya ni Elijah. Kaya hindi niya nasuntok 'tong isa kasi bigla siyang namilipit sa sakit ng tyan. Sinugod namin sa ospital para lang malamang menstrual cramps. Then after that, siya na rin ang nagsabing once na pinalayo niya kami, 'yun na 'yon." Paliwanag ni Greco.

Tumango-tango siya. "Okay, naiintindihan ko na. Kaya lang sobrang sama niya magsalita kapag meron siya. Para namang lugi ako kung buwan-buwan siyang ganon." Aniya.

"Well, think of it this way— it's part of a relationship," Elijah counseled while wiggling his brows.

May punto si Elijah. Kung sabagay, sobrang lambing naman ni Arq kapag hindi ito nireregla kaya dapat lang din siguro na hindi na lang niya gawing isyu ang pagsasalita nito nang masakit noong nakaraang araw.

"I'm going." She announced before standing up.

The trio looked at her in perplexity.

"Hindi ka pa nga tapos kumain." Puna ni Greco.

"Mas importante si Arq." Rason niya.

"Kapag nagka-ulcer ka, mas importante pa rin ba si Arq?" Tumatawang tanong ni Elijah.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ewan ko sa'yo!"

Tuluyan na niyang tinalikuran ang tatlo na patuloy lang sa pagtawa.

Mabilis niyang narating ang special building kung saan naroroon ang opisina ng Savage. Sa kagustuhan na makipag-ayos na kay Arq, hindi na siya nag-abala pang kumatok. Mabuti na lang ay hindi naka-lock ang pinto.

Kung patuloy pa rin siyang pagsusungitan ni Arq ay nakahanda na siyang lambingin ito. Ito na rin siguro ang pagkakataon para siya naman ang mag-effort.

Subalit mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi sa naabutang eksena. Para siyang hihimatayin nang maramdaman ang biglang pagtaas ng kanyang presyon. Subalit nakatitiyak siyang mauuwi lamang sa pag-iyak ang napipintong galit.

Sinadya lang kayang magalit ni Arq nang sa gayon ay magawa nitong makipaglandian sa dating kasintahan?

Unti-unti niyang naramdaman ang panginginig ng katawan kasabay ng pagbilis ng kanyang paghinga.

Should she turn her back?

No! Never in this case!

Siya ang girlfriend! Hindi niya mapapalagpas ang bagay na ito!

Para siyang nag-teleport sa bilis niyang makalapit kay Shakira. Walang sabi-sabing hinatak niya ang mahaba nitong buhok dahilan para maputol ang paghahalikan nito at ni Arq.

"Mga walang-hiya! Dalawang araw lang akong hindi nagpakita, ganito na pala ang ginagawa niyo!" Galit na galit niyang sigaw habang sinasabunutan  si Shakira.

Sinusubukan nitong gumanti ng sabunot subalit hindi naman ito makapalag. Kayang-kaya niyang salagin ang mahaba nitong kamay.

"Ouch! Fck! Araaaay!" Nasasaktan nitong hiyaw.

Tinulak niya ito dahilan para mapahiga na ito sa sahig. Mabilis siyang kumilos para daganan ito bago pa ito makabangon. Wala ibang eksena na umuulit-ulit sa kanyang isipan kundi ang nadatnan niyang ginagawa nito at ni Arq. Dahilan para lalo lamang niyang higpitan ang sabunot sa dalaga.

"LARA! STOP IT!"

Bingi siya sa pagtawag ni Arq. Ganonpaman ay nararamdaman niya ang matigas nitong kamay para awatin siya.

Ngunit tila naging dahilan pa iyon para lalo siyang manggigil sapagkat naalala pa niya ang pagsasalita nito nang hindi maganda sa kanya noong nakaraang araw.

Palengkera pala, ah?

Hindi alam ng mga ito kung ano'ng kayang gawin ng palengkerang tulad niya. Kung si Arq nga na bigla na lamang nanununtok nang walang dahilan, siya pa kaya na nasaksihan ang panggagago sa kanya?

Tuluyan na siyang napahiwalay kay Shakira nang dumating ang tatlong kaibigan ni  Arq. Hawak siya nito sa braso samantalang inalalayan naman nina Greco at Elijah si Shakira sa pagtayo.

Both in their disheveled state, she haughtily stands up, relishing her triumph over beating Shakira real good.

"How dare you hurt me, btch! Idedemanda kita!" Pagbabanta ni Shakira.

"E, 'di idemanda mo!And you called me btch? Yeah, I can be a bitch once I see a whore fvcking with my girlfriend!" Galit na galit niyang tugon.

"Ano'ng sabi mo!" Sigaw ni Shakira at akmang susugurin siya.

Nakahanda siyang sugurin ito subalit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Arq.

"Tama na! Ano ba?!" Sigaw naman ni Arq.

Ipinaramdam niya ang galit sa kasintahan nang ito naman ang balingan niya. "Isa ka pa!" Sigaw niyang kaagad na ikinalukot ng mukha nito.

Marahil hindi nito inaasahan ang pagganti niya ng sigaw. Kaya rin lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso na nagbigay sa kanya ng pagkakataong kumawala nang marahas.

"Galingan mo naman ang paglalandi! 'Yong hinding-hindi kayo mahuhuli. Kasi baka sa susunod mapatay ko na kayo!" Dagdag pa niya.

Kitang-kita niya ang pagkabigla sa itsura ni Arq. Mukhang hindi nito inaasahan na kayang-kaya rin niyang mamisikal.

Sobra na kasi ang pamimikon sa kanya ni Luci kaya humulagpos na rin ang galit na matagal niyang pinipigilan.

Subsequently, Arq's demeanor softens. She reaches for her, but she immediately dodges her hand. There are so many nasty words that want to escape from her mouth, yet she decides against it. As she turns around, she swiftly transitions into a run.

Arq's voice echoes from behind, but the weight of the pain makes it too burdensome for her to turn around, leaving her numb.

She might have wielded all her anger towards Shakira but that didn't mean she was okay afterward. It wouldn't change the fact that Arq consensually kissed her slutty ex-girlfriend.

Running without a specific direction, tears continue to flow freely from her eyes.

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 265 45
Lavenders have been known scientifically to help people with anxiety and depression as it calms them due to it's aroma which has an anti-anxiety and...
50.8K 2.1K 65
ولدت من رحم الجحيم لاتظن ان حبك المتاخر سيغير شيءٍ بما احمل من ماضي مظلم
5.5K 135 61
In a world gripped by darkness and despair, Aveline knows only the harsh reality of survival. But when her path crosses with Margo Sinclair, an immor...
475K 15.5K 75
Comanche is a Native American word that means "he who fights all the time". The name is a fitting one for the mysterious biker who is part of the Dea...