Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU2
#YU3
#YU4
#YU5
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU6

4.7K 359 64
By pureasfierce

•MAINE•

Nasa hagdan pa lang kami ng 2nd floor ni RJ nung nadapa siya. Kami lang naman dalawa yung nandun sa hagdan pero kasi yung itsura niya, kunyari hindi affected. Pagkadapa, tumayo tapos lumingon pa sa kaliwa't kanan niya. Tawang-tawa talaga ako.

"Alam mo yung itsura mo, sobrang nakakatawa," sabi ko sa kanya habang natatawa. Naglalakad na kami sa 4th floor papunta sa room namin. "Pwedeng gawing meme kasi ang benta."

"Sama din ng ugali mo no? Nadapa na nga yung tao eh."

"Nawalan ng poise. Hahahahaha," napahawak ako sa braso niya kasi hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko. "Feeling ko talaga kung may nakakitang iba bukod sakin, tatawanan ka din ng malakas."

"Hindi na ko magpapakita sa inyo kapag nangyari yon," sabi niya sa'kin. Napapailing na lang siya kasi feeling ko, nahihiya pa din siya. Pero kahit ganon, natatawa pa din siya. Abnormal din to eh.

Si RJ na yung nagbukas ng pinto ng classroom namin para sa aming dalawa. Napatigil kaming dalawa nung napansin naming nakatingin lahat ng mga kaklase namin sa aming dalawa.

"Saan kayo galing?" tanong ni Lyka, yung isang kaklase namin. "Bakit nakakawit yung braso mo sa braso ni Richard, Maine?"

Saka ko lang napansin, nakakawit pa din yung braso ko sa braso ni RJ. Nabitawan ko agad kasi nahihiya naman ako. "Wala, napakapit lang," sabi ko sa kanila habang naglalakad papunta sa upuan ko. My classmates all tried to supress their laughter. "Mga judger talaga kayo."

Si RJ naman, nakasunod na rin sakin papunta sa upuan niya. Hawak hawak na naman niya yung kaliwang tenga niya, namumula na naman. Seryoso, ang weird ng habit niya. Para saan ba yun? Anong meron?

Pumasok sa room namin si Ms. Carvalho kaya umayos na kaming lahat ng upo. Dapat first class namin siya pero nakipagpalit siya kay Sir Santiago na History teacher namin kasi may importante siyang contest na pupuntahan kasama yung ibang mga students sa kabilang section.

"Okay, class. We have to change the seat plan for this month kaya aayusin ko kayo ha? I want you to pick up all your things and form a line outside, separate yung boys and girls and do it alphabetically. This will be your permanent seating arrangement for the rest of the year. Is that clear?"

"Yes, Miss."

Pumila na kaming lahat sa labas ng room namin. Sina RJ, Kevin at Paolo yung magkakasunod sa pila kasi Faulkerson, Garcia and Hernandez sila respectively. Ako naman Mendoza, si Gio naman napunta sa dulo kasi Zalderiaga siya. Mga ganitong pagkakataon yung winiwish daw niya na sana kahit paano, Mendoza na lang din yung surname niya. Isang beses, sabi niya sa nanay ko paampon na lang daw. Baliw talaga.

"Mendoza," tawag sa'kin ni Ms. Carvalho. "Please sit beside Faulkerson sa 3rd row. To his left, please."

That earned a loud cheer from our classmates. Nakangiti si RJ sa'kin habang naglalakad ako papunta sa upuan sa tabi niya.

"O, bakit kayo nagsisigawan?" narinig kong tanong ni Ms. Carvalho sa mga classmates namin pagkaupo ko sa upuan ko. "Sila bang dalawa?" nung hindi pa rin tumitigil yung mga kaklase namin, kami na ang tinanong ni Ms. Carvalho. "Ano, kayo na bang dalawa?"

"Hindi po, Miss," sabi ni RJ.

"Magkaibigan lang po kaming dalawa ni RJ, Miss." sabi ko naman.

Mas lalong naghiyawan yung mga kaklase namin nung marinig nilang tinawag ko na RJ si Richard. "Miss, iba na tawag oh! RJ na!" sigaw ni Dan, yung isang kaklase namin. Wrong move yata na tinawag ko siyang RJ. Wala kasing tumatawag sa kanya ng ganon dito sa school bukod sa akin. Si Gio naman kasi Tisoy ang tawag sa kanya, kahit nag-offer si RJ na yun na nga lang din ang itawag sa kanya.

Nangunot yung noo ni Ms. Carvalho sa sinabi ni Dan. "Bakit naman?"

"Wala po kasing tumatawag ng RJ kay Richard dito, Miss," sabi ni Lyka. "It's either Richard po or Faulkerson."

"O kaya Poks kapag kaming teammates niya," sabi naman ni Kevin na nakangisi sa aming dalawa ni RJ.

"Okay, class. Tama na yan. Namumula na yung kaliwang tenga ni Richard," sabi ni Ms. Carvalho. Napatingin ako kay RJ at namumula na naman nga yung tenga niya.

"Huy, masyado na namang namumula yung tenga mo," sabi ko kay RJ. Hinawakan ko tapos ni-rub ko ng kaunti. "Baka naman magkasugat ka dito."

"Okay lang, wag mo nang pansinin yang tenga ko," sabi niya sa'kin. "Pero Meng..."

"Ano yun?"

"Hindi ka ba naiilang kapag inaasar nila tayo?"

Shocks, napansin kaya niya? Sa totoo lang, gusto kong mailang. Kasi naman crush ko to. Kahit slight lang, crush pa din. Kinikilig nga ako kapag kinakausap niya ko, pero syempre tinatago ko lang. Siguro ngayon, mas mabuti yung magkaibigan muna kami.

I tapped his cheek lightly. "Hayaan mo na lang sila. Ganyan talaga yang mga yan eh."

•RICHARD•

Hindi na kami nakapag-usap ng maayos ni Maine simula nung maglipatan kami ng upuan. Pagkatapos kasi ng klase namin, lumabas kaagad kami kasi may training kami pareho.

Iniisip ko tuloy ngayon kung napapansin niya bang may gusto ako sa kanya? Ayaw ko naman kasi siyang biglain. Matagal na nga kaming magkakilala, pero ngayon lang kami nagkausap talaga. Para sa akin, hindi pa sapat yung mga panahong nag-uusap kami ngayon para ligawan ko siya. Sabi nga nila, it's better to take things slow than to do things fast then take it for granted. Special kasi si Maine, ayaw ko naman mawala yung nabubuo naming friendship dahil lang atat akong maging kami.

"Poks, problema?" nasa locker room kami ngayon ni Kevin, nag-aayos ng gamit. Kakatapos lang din ng training namin kaya pauwi na rin kami.

"Wala, wala," sabi ko sa kanya. "May naisip lang ako."

"Tungkol saan?"

"Alam mo, para sa isang lalaki, napakachismoso mo no?"

"Tukmol na to, nagtatanong lang eh!"

I sighed and sat at the bench in front of my locker. "Feeling ko kasi naiilang si Meng dun sa pang-aasar ng mga kaklase natin."

"Teka..." napalingon siyang bigla sa'kin. "Anong sabi mo?"

"Ha?"

"Anong tinawag mo kay Maine?"

"Meng. Bakit?" Binato niya ko ng marumi at mabaho niyang jersey. "Langya naman, paps! Napakabaho ng jersey mo ah!" sabi ko sa kanya.

"Gago. Pero kingina ka, Meng talaga?!"

"Oo nga. Minsan Menggay. Ano bang problema mo?"

"Hoy Poks, saang planeta ka ba nanggaling ha? Mas may alam pa ko kay Maine kesa sa'yo. Naturingan kang may crush dun sa tao."

"Ano ba kasi yon?"

"Hindi ko alam kung natatandaan mo pa to, pero wala ka yata nito sa Pop's non, gumagawa ka yata ng homework," sinara na niya yung locker niya saka tumabi sa'kin. "Minsang napag-usapan si Maine ng team. Sophomores tayo non. Nandun kasi si Ate Mariel kaya natanong siya ni Paolo ng tungkol kay Maine—o tangina alam ko yang mga tingin tingin mong ganyan. Nagtanong lang kung pinsan ba! Hayop na to, pakaseloso mo."

"Dami mong satsat, dudukutin ko talaga dila mo."

"Ito na nga! E ayun na nga kasi, tinanong niya nga kung pinsan ba si Maine. Ang sagot syempre oo. Ang pagkakasabi pa, "Oo, pinsan ko yun si Meng. Ang pretty niya no?"

"Bilib din ako sa talas ng memorya mo, paps. Verbatim eh."

"Lul. Edi nagtaka kami kung bakit Meng. Kasi ang pangalan niya diba ay Nicomaine Dei. Kaya tinanong namin. Ang sabi ni Ate Mariel, Meng daw ang tawag kay Maine sa bahay nila. Minsan Menggay. Basta family at super close friends lang daw ang tumatawag sa kanya ng ganon."

"Oh...kay? Anong kinalaman ko doon?"

"Sa pagkakatanda ko, walang lalaking ka-close si Maine. Yung tipong close to bestfriend na ah. Mag-aapat na taon na tayo dito, paps. Medyo sikat pa si Maine sa batch natin. Wala akong natatandaang ka-close niya na lalaki."

Tumayo na kami at naglakad palabas ng locker room. "Anong gusto mong sabihin, Kev?"

Natawa siya sa'kin bigla. "Alam mo Poks, kung anong talino mo sa acads, siyang slow mo naman sa ibang mga bagay bagay," inambahan ko na siya, papatagalin pa eh! "Tangina, ikaw lang pinayagan niyang tumawag sa kanya ng ganon!"

Napatigil ako sa paglalakad. "Di nga?"

"Ay tanginang to," sabi niya pagkatapos niyang pumadyak. "Dami ko nang sinabi, hindi pala maniniwala. Ayan sina Ate Yan, tanungin mo," lumingon ako sa likod ko at nakita ko nga sina Ate Yan at Kuya Dong na papunta sa office ni Coach Ayo. "Ate Yan! Kuya Dong!"

Lumapit kami sa kanila at bumati. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ni Kuya Dong. Bago ako makasali sa team, isa siya sa mga nagturo sa akin maglaro ng basketball. Naging mentor ko siya hanggang sa makapasok ako. Pero hanggang ngayon naman, kapag may time, tinuturuan pa rin niya ako ng techniques. Player kasi sa university si Kuya Dong. "O, kamusta? Tapos na training niyo?" tanong niya sa'min.

"Oo Kuya," sagot ko naman. "Kakatapos lang halos. Teka, anong ginagawa niyo dito?"

"Mag-aapply ako for a teaching job dito sa school eh," sagot ni Ate Yan. "Sinamahan lang ako ni Dong dito. Saka dadalaw na din kina Coach Ayo and Coach Lena."

Sinisiko ako ni Kevin para yata magtanong tungkol dun sa sinabi niya. Nahihiya naman akong magtanong kaya siniko ko pabalik si Kevin. Ang kaso, napalakas ata yung pagsiko ko sa kanya kaya napaurong siya.

"Hayop ka naman, Poks. Ang lakas mo maniko!" sabi niya sa akin. Na-out of balance pa nga siya ng kaunti. "Ate Yan, may itatanong kami sayo. Actually, itong si Richard lang talaga. Pero nahihiya ata kaya ako na lang."

Natatawa sina Kuya Dong at Ate Yan sa kagaguhan naming dalawa ni Kevin. Langya naman kasi tong si Kev eh, pakadaldal ng hinayupak. "Ano yun?" tanong ni Ate Yan.

"Diba pinsan mo si Maine?" tumango si Ate Yan sa amin. "Anong tawag niyo sa kanya? I mean, ng family niyo."

"Uy, kayo ha. May gusto kayo kay Maine no?" hindi kami umimik pero nakita ko yung ngiti ni Ate Yan sa akin. "Meng yung tawag namin sa kanya sa bahay, basta family. Hindi nagpapatawag ng Meng yun sa iba, like sa friends, unless special ka sa kanya. Yung mga super close friends yung tinuturing niyang special talaga sa kanya."

"May lalaki bang super close friend si Maine?" pagtatanong ulit ni Kevin.

"Sa pagkakatanda ko wala eh."

Napapalakpak sa tabi ko si Kevin. Sina Ate Yan at Kuya Dong, hindi rin ata masyadong clueless kasi nakangiti silang dalawa sa'kin na parang may alam sila. "Nako, Ate Yan. Uwian na, may nanalo na."

"Bakit?" tanong ni Ate Yan kay Kevin.

"Sinabihan lang naman ni Maine si Poks na Meng o Menggay na lang daw ang itawag sa kanya."

***
A/N: Di ko kayo matiis eh. Hahahaha. Thoughts on the story so far? Please, comment lang kayo if you like it or hindi po. Or kung may kailangan ba iimprove. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 1.4K 46
❝ You hurt me and made me cry, yet I still love you. How stupid am I?❞ -Ycka Epistolary #01 © Thefearlessb Started: Sept 17, 2016 || Complete...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
151K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
24.2K 1K 9
Captain James Esteban and Daniella Tayao, cleared for take-off. A James x Dani AU flashfic Standard disclaimer applies. Work of fiction. The characte...