Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU2
#YU3
#YU4
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU5

4.6K 354 37
By pureasfierce

•MAINE•

Nasa may hallway pa lang ako papasok sa room namin nung makita ko si RJ sa loob, katabi nina Kevin at Paolo. 5 minutes na nga lang, magsisimula na yung klase. Anong ginagawa nito dito?

"RJ, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa upuan ko. Nasa likod ko lang kasi sina Kevin.

Hindi ko na nahintay yung sagot niya kasi pumasok na si Ms. Carvalho, yung class adviser namin.

"Okay class. As you can see, we have Mr. Faulkerson with us today," lumingon kaming lahat sa kanya. "He's transferred here effective today because we have three transferees na mas kailangan ng attention ni Ms. Ramos sa kabilang section. Any questions?"

Wala namang sumagot sa amin kaya nagsimula nang magdiscuss si Ms. Carvalho. Hindi ako mapakali na nasa likod ko si Richard. Ngayon na lang kasi kami naging magkaklase ulit since 2nd year highschool.

Naramdaman kong may kumakalabit sa likod ko. Pagtingin ko, si RJ, nakangiti sa'kin at may inaabot na papel. Kinuha ko naman saka ko binasa.

Okay ka lang ba?

Nagsulat ako saka ko inabot ulit sa kanya.

Okay lang ako. Bakit?

Para kasing hindi ka mapakali. Worried friend here. :)

Okay lang ako, ikaw talaga. :) Ikaw ba? Teka, pwede bang magtanong?

Ano yun?

Bakit ikaw yung lumipat dito sa section namin?

I knew you'd ask that. Nagvolunteer ako. But look in front of you, Maine. Mamaya ko na lang ikukwento. Baka mahuli tayo ni Ms. Carvalho. I don't want you to get into trouble because of me.

Napaharap akong bigla kay Ms. Carvalho na nagdidiscuss tungkol sa economic status ng bansa natin ngayon. Muntik pa niya akong mahuli na nagpapasa ng papel kay RJ kasi saktong pagharap ko sa kanya, saka naman siya napatingin sa'kin. Hay, buti na lang.

***

Sabay na kaming lumabas ng room ni RJ kasi nagpaiwan pa sina Kevin and Paolo para kausapin ni Ms. Carvalho. Si Gio naman, nagpunta ata sa History Department kasi pinatawag ni Mr. Santiago. Kaming dalawa lang tuloy ni RJ yung kakain.

"Gusto mong umupo na lang muna? Ako na lang bibili ng pagkain natin," sabi ni RJ sa'kin. "Ang dami kasing tao sa canteen, baka masiksik ka."

"Sige, thank you ha? Pabili na lang ako ng pancit canton, yung kalamansi flavor saka strawberry shake," nag-abot ako ng pera sa kanya pero hindi niya tinanggap. "Hala, bakit?"

"Wag na, Meng. Libre ko na," naglakad na siya papuntang canteen. "Diyan ka lang!"

Hinintay ko na lang siya sa usual spot namin, sa gilid ng stage. Madaming tao ngayon, sumabay kasi yung sophomores sa breaktime namin ng juniors, may exam kasi sila ngayon.

Nagmumuni-muni ako nung nilapitan ako ni Caleb, dating kaklase ni RJ sa kabilang section. Hindi kami friends, pero may ilang instances na nakakausap ko siya.

"Hi, Maine," sabi niya sakin pagkaupo sa tabi ko. "Hinihintay mo si Gio?"

"Uhm, oo eh. Nasa taas kasi siya, sa History Department, kausap ni Sir Santiago."

"Gusto mo samahan na kita?"

"Hindi na kailangan, pare. Kasama ako ni Maine."

Nagulat ako nung biglang lumitaw sa harap namin si RJ, may dalang paper bag at dalawang strawberry shake. Medyo nakakunot yung noo niya, halos magkasalubong yung kilay.

"Nandiyan ka na pala, RJ," sabi ko sa kanya. "Tara, upo ka dito sa tabi ko."

Umupo naman siya sa tabi ko, sa bandang kaliwa. Nasa kanan ko kasi si Caleb eh. Hindi ko alam kung paano kami magsisimulang kumain ni RJ, bigla bigla naman kasing sumusulpot tong si Caleb.

"Magkasama pala kayong dalawa?" tanong ni Caleb sa amin.

"Oo, kanina pa. Bumili lang ako ng pagkain namin ni Maine," sabi ni RJ, with emphasis on namin. Akala niya ata hindi ko narinig yon. "Ikaw? Wala ka bang balak kumain?"

Nakita kong tumawa ng pilit si Caleb sa sinabi ni RJ. Tumayo siya saka nagpaalam sa amin.

"Maiwan ko na muna kayo guys. Mukhang bad timing yata ako. See you around, Maine." sabi na lang niya tapos umalis na rin siya.

Napansin kong nakakunot pa rin yung noo ni RJ habang nakatingin kay Caleb. "Huy," bati ko sa kanya. "Kung nakakamatay lang yung tingin mo, kanina pa patay si Caleb."

"Anong sinabi niya sayo kanina?"

"Wala naman," sagot ko sa kanya. "Nangamusta lang, saka tinanong kung hinihintay ko ba si Gio. Dun mo na kami naabutan."

•RICHARD•

Nainis talaga ako nung nakita kong tumabi si Caleb kay Maine sa gilid ng stage.

"Ate, keep the change na lang ho," sabi ko sa nagtitinda ng strawberry shake. Hindi ko na kinuha yung sukli para makalabas ako agad. Binilisan ko nga lang yung lakad ko para kahit paano, hindi sila matagal na magkatabi.

Narinig kong gustong samahan ni Caleb si Maine. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. "Hindi na kailangan, pare," sabi ko habang nakatingin kay Caleb. "Kasama ako ni Maine."

Hindi ako masyadong lumapit pero nagulat ako nung si Maine na ang nagsabi na umupo na ako at tumabi sa kanya. From the looks of it, she wanted to ward Caleb off. Napansin ko kasing hindi siya komportable.

"Magkasama pala kayong dalawa?" tanong ni Caleb sa amin. There's this smug look on his face; ang sarap sapakin.

"Oo, kanina pa. Bumili lang ako ng pagkain namin ni Maine," sabi ko sa kanya, with emphasis on namin. Makaintindi naman sana tong hinayupak na to. "Ikaw? Wala ka bang balak kumain?"

Nakita kong tumawa ng pilit si Caleb sa sinabi ko sa kanya. Si Maine naman, tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa. Tumayo si Caleb saka nagpaalam sa amin.

"Maiwan ko na muna kayo guys. Mukhang bad timing yata ako. See you around, Maine." sabi na lang niya tapos umalis na rin siya.

I've never liked Caleb, noon pa man. Wala naman siyang ginagawang masama, pero ang yabang ng dating niya sakin. I can also feel that he never liked me; the feeling is mutual.

Napansin kong nakatingin sa akin si Maine. "Bakit?"

Hinawakan niya yung noo ko. "Nakakunot kasi yung noo mo eh," kinurot niya naman yung pisngi ko. "Cheer up na."

***

"Nabusog ka ba, Meng?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng strawberry shake.

"Oo naman," sabi niya sa akin. "Hindi ko pala nasabi sa'yo na dalawang pancit canton pala yung ipapabili ko. Pero buti na lang, dalawa yung binili mo for me," ngumiti siya sa'kin. "Thank you ha?"

"Wala yun. Saka kapag nagluluto ako ng pancit canton, dalawa talaga agad. Kulang kasi sa'kin kapag isa lang."

"Hala, ako din!"

"Diba? Ang sarap naman kasi ng pancit canton kaya kulang yung isa."

"Oo nga pala, RJ. Ituloy mo na yung kwento mo dapat kanina nung nasa room tayo."

May mga juniors na umupo sa bandang kaliwa ko kaya napaurong ako ng kaunti sa side ni Maine. Napatingin pa nga sa amin yung mga babae, ewan ko pero parang nagtataka sila kung bakit kami magkasama.

"Ayun nga," pagsisimula ko. "Nalaman ko kasi na may tatlong transferees tayo this year. Medyo hirap yata sila sa acads kaya pinapatutukan ni Sir Marquez kay Ms. Ramos."

"Oh... kaya naman pala."

"Totoo namang nagvolunteer ako, but it turns out na ako din pala talaga yung ililipat ni Ms. Ramos sa section niyo."

"Sinabi ba niya kung bakit?"

"Hindi naman daw dahil sa grades kaya wag daw akong mag-alala. Yun lang ang sinabi niya sa'kin eh."

"Grabe si Ms. Ramos, daming pakulo," tumawa siya. Hay, Maine. Bakit ang ganda mo? Bigla niyang kinurot yung tagiliran ko. "Ikaw talaga yung pinili."

"Oo nga eh," sabi ko sa kanya. "Buti na lang makakasama na kita araw-araw." mahina kong sabi. Tumayo ako para alalayan siyang tumayo na rin. Nag-first bell na kasi kaya kailangan na naming umakyat. Tapos na kasi yung breaktime namin.

Inabot naman niya yung kamay ko para makatayo. Hinila ko na siya para maglakad paakyat sa room namin. Pero natigilan ako nung ngumiti siya sa'kin, sabay kurot sa mga pisngi ko. "Ako din, RJ."

Pucha. Narinig pala niya?!

***
A/N: Na-publish ko to kanina pero di ko pa naedit. Hahahaha! Last muna tong update ko na to, wala pa kasi akong chapter 6. Regalo ko na sa lahat kasi may #MaichardAtColdplayManila high pa rin ako 😂  wag muna kayo maghanap ng update ha? Nakadalawa na tayo today. Kalma lang beshies hahahaha. Tweet me your thoughts, I'm @fymaichard 😊

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.3K 52
Despite being bullied by Jeffrey San Juan since elementary, Jessica Fortuna is still obsessed with him. And since it's their last year in high school...
4.9K 1.5K 92
Totoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
1.8K 248 53
Liwanag, saya at pag- asa ang mga simbolong ipinapahiwatig ng bulaklak na mirasol. Matingkad ang dilaw na kulay ng mga talutot nito na mayroong kulay...