Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 6

8.1K 156 9
By PollyNomial

KABANATA 6 – The Reason Why

Parehas laglag ang panga namin ni Vincent. Hindi ko siya matingnan sa mga mata kaya naman diretso sa dibdib lang niya nakatama ang mata ko. Malayo ako sa kanya ng ilang metro pero ramdam na ramdam ko ang presensya niya sa harap ko. Totoo na nga ito. He’s in front of me and there’s no turning back. Hindi ko siya pwedeng talikuran nalang. At mukhang hindi ko rin naman iyon magagawa dahil nadikit na ako sa kinatatayuan ko. I’m stuck!

Unti-unti kong inangat ang mga mata ko para salubungin ang kanya. Nang gawin ko 'yon ay parang gusto kong tumakbo palayo. Oh. My. God. There it is… His beautiful and gorgeous eyes. But it is different from what I used to look at five years ago. His eyes are heavy. He looks tired. Wala ang masayang mata niya na nakasanayan ko noon. Ngunit may isang hindi nagbago. Dahil kahit matagal na panahon na ang lumipas, hindi pa rin nagbabago ang dating sa akin ng mga tingin niya. Nanunuot pa rin ito sa kaluluwa ko. Iyan lang ang mga matang matingnan ko palang ay kinikiliti na ang puso ko. At natutunaw na ko.

“Mikaella?” napakurap ako nang banggitin ni Manang Elsa ang pangalan ko. Pero si… Vincent, mataman pa rin akong tinitingnan gamit ang pagod niyang mga mata. Lumapit ako sa kanila. Palapit ng palapit, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

Nakatitig ako sa kanya habang ginagawa iyon. Akala ko bibigay ako sa tingin niya pero nagulat nalang ako nang makita ang sariling nakikipaglaban sa mga tigtig niya.

Oh God. Pwede ko ba siyang mayakap? Maaari ko bang hawakan ang mukha niya para malaman kung hindi ito isang panaginip lang? Nang huli ko siyang makita, akala ko totoo na pero panaginip lang pala. At hindi ko nagustuhan ang panaginip kong iyon. Halos ipagsigawan niya sa akin ang galit niya. Na ayaw na niya sa akin at gusto na niya akong mawala sa mundong ito, sa buhay niya.

Kung totoong nangyari ang panaginip kong iyon, malamang ay patay na talaga ako dahil hindi ko kakayanin ang sakit na idudulot noon sa akin. Ayokong isiping hindi na niya ako mahal. Na hindi niya ako minahal. Sana… kung totoo man ang nangyayari sa gabing ito, ay hindi iyon kagaya ng sa panaginip ko…

“Mi… Miss Santos.” Umawang ang bibig ko. Paos ang boses niya na halos bulong nalang iyon pero rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa akin. May kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko. I remembered his promises.

Pinigilan ko pero nanlabo pa rin ang mga mata ko. Pinilit kong patuyuin ang luhang nagbabadya nang tumulo sa pamamagitan ng pagpikit-pikit. Kinagat ko na rin ang labi ko.

His promises meant so much to me. But tonight, isa sa mga iyon ang hindi niya tinupad. He promised me that once I graduated, when he’s not my professor anymore, he will never call me in that way again.

Pinilig ko ang ulo ko. Why would he keep that promise? Eh yung nag-iisang pangako nga niya na gusto kong tuparin niya ay hindi niya natupad.

I looked away. Kinusot ko ang mata ko para tuluyan nang mawala ang namumuong luha saka ko binalik ang tingin sa kanya.

And then I smiled at him. Pero kahit nakangiti ako, sa loob loob ko, umiiyak na ang puso ko. Napansin ko ang pag-forward niya sa akin pero huminto siya. Mataman niya ulit akong tinitigan. Kumunot pa ang noo niya at umawang ang bibig. Ako, nakangiti lang.

“H-hi…” nanginig ang boses ko pero salamat nalang at nakapagsalita pa rin ako.

“Kilala ninyo ang isa’t isa?” tanong ni Manang Elsa habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

Mas lalo akong ngumiti. Ayokong mapansin nila ang kahinaan ko. Ayokong maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ayokong mabasa nila ang sakit. No, I will not let him see that.

Ako ang sumagot dahil mukhang wala siyang balak alisin ang titig sa akin at sagutin ang tanong ni Manang Elsa.

“O-opo, manang. Pro… professor ko po si S-sir Vincent nung college ako.” Gusto kong bawiin ang sinabi ko lalo na nang yumuko si Vincent, nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at lumayo sa akin. Tumabi siya kay manang at ako ay nasa harap nilang dalawa. Para akong natanggalan ng tinik nang mawala ang paningin niya sa akin at bumaling kay Manang Elsa. Pero nanghinayang rin ako. Lalo na nang masilayan ko ang pagkislap ng mata niya.

“Totoo ba 'yon Vincent? Aba’t tingnan niyo nga naman ang tadhana 'no? Magkakilala na pala kayo.” Napapalakpak pa si Manang Elsa. Hindi ko siya maintindihan kaya napakunot ang noo ko sa kanya. Si Vincent naman ay tumaas lang ang kilay. Natulala nalang ako sa itsura niyang iyon kaya nang magsalita siya ay umiwas agad ako ng tingin.

“Yeah. She was my… student back then. One of my favorite students.” ngumisi si Vincent sa akin. Kinilabutan ako sa ngisi niya. 'Yan rin kasi yung nakita ko noon sa panaginip ko nung nasa New York pa ako. No. Please. 'Wag kang gagawa ng bagay ng makakasakit sa akin.

Lumunok ako at umatras na sa kanila. Habang ginagawa iyon ay nagsalita ako. “M-manang, balik na po ako sa’min. Iniintay na po ako nila Mommy eh. Baka nag-aalala na rin si Nanay Linda. Sige po. Ba…” tiningnan ko si Vincent at blangko na ang itsura niya. “Babalik nalang ako ulit.” Sabi ko habang titig sa mata niya. Ngumiti ako sa kanila at tumalikod saka nagsimulang tumakbo.

'Wag mo na akong sasaktan ulit. I don’t want to get hurt because of you again. I was in so much pain back then and it took me more than a year to move on. Nawala na ang galit ko sa’yo Vincent. Mahal na ulit kita ngayon. Kaya 'wag. 'Wag mo akong bigyan ng dahilan para ihinto ang pagmamahal ko sa’yo.

Babalik… babalik… babalik ako…

Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko ang salitang binitawan ko kanina. Dapat hindi ko 'yon sinabi. Kung si Vincent nga ang apo ng mga matandang Ricafort, kailangan ko nang iwasan ang puting bahay na iyon. Hindi na ulit maaaring magtagpo ang mga landas namin.

Habang palayo ako ng palayo ay pabagal din ng pabagal ang takbo ko. Hanggang sa naging lakad nalang iyon. Hinihingal ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko o dahil sa lalaking iyon. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at mukhang anytime ay lalabas na iyon mula sa dibdib ko. Nangingig na rin ang mga tuhod ko kaya naman huminto muna ako at tinukod ang dalawang kamay ko sa tuhod ko. Nasa harap na ako ng nakasarang gate namin.

Naiiyak ako pero nakulong nalang ata ang mga luha ko sa aking mata dahil walang tumutulo sa kanila. Kinagat ko ang labi ko habang habol ang paghinga.

Sobrang nagulantang ang mundo ko sa nalaman. Si Vincent. Siya ang apo nina Lola Glory at Lolo Martin.

“Eh kung pakasalan mo nalang kaya ang apo namin, Mikaella? Para mapana namin sa’yo itong bahay.”

Marahas akong umiling sa naisip. No. This can’t be! Mula elementary palang ako ay kilala ko na sina lolo at lola pero hindi ko kailanman nalaman na apo nila si Vincent. Hindi ko siya nakitang bumisita kayla lola noon. Wala akong nakikitang bumibisita kayla lola noon.

Pero… hindi rin naman imposible. Maaaring hindi ko lang naaabutan pero malamang ay nagpupunta doon si Vincent. Ang sabi ni Manang Elsa ay lungkot na lungkot ang apo nina lola at lolo sa pagkamatay ng mga ito. Ibig sabihin lang noon ay malapit si Vincent sa dalawang matanda. Ibig sabihin ay madalas sila kung magkita. Pero bakit hindi ko 'yon nalaman?

Na-realize kong… mahal ko siya… pero wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi naging sapat ang kalahating taong pagkilala namin sa isa’t isa noon para malaman ang pagkatao naming dalawa. Naalala kong, puro sarili lang namin ang iniisip namin noon. Dahil limitado lang. Limitado lang ang naging oras naming dalawa. Marami kaming iniiwasan. Nagtatago lang kaming dalawa. Kaya tuwing magkasama kami, wala kaming ibang ginawa kundi sulitin ang bawat oras na magkasama kami.

Ni hindi ko alam kung may kapatid ba siya o wala. Kung meron, babae kaya ito o lalaki? Kung ano ba ang middle name niya. Kung ano ang dahilan at naging guro siya. Kung ano ang mga pangarap niya. Ang alam ko lang, siya ang anak ng may-ari ng university na pinasukan ko noong college. Iyon lang. Wala ng iba.

Mahal niya ako… Yun lang ang bagay na pinanghahawakan ko noon tungkol sa kanya. Na sa huli, nalaman kong kasinungalingan lang pala.

“Mi—Ella!” lumingon ako sa tumawag sa akin. Yung sarili ko na kakapakalma ko lang kanina ay agad nanamang nagwala nang makita ko ang mukha niya. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Taas-baba ang balikat niya siguro dahil hiningal siya. Teka? Bakit siya nandito? Tumakbo siya papunta sa akin?

“Vin—S-sir… Bakit po?” umawang ang bibig niya kagaya kanina. Natangahan ako sa sarili ko dahil sa tinawag ko sa kanya. Kailan ko ba siyang huling tinawag gamit ang pangalan niya? Sa puno. Yung gabi kung kailan huli ko siyang nakita. Ah… Let me rephrase it. Yung gabi bago ang huling kita ko sa kanya. Yun ang una at huling beses ko siyang tinawag sa pangalan niya.

Lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako. Huminto siya nang makita ang paglayo ko sa kanya.

“B-bakit?” basag ang pagkasabi niya nun. Mariin pa rin siyang nakatitig sa akin gamit ang seryosong mukha. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa at ang isa naman ay nakakuyom.

“H-ha?” nanginginig na ang tuhod ko sa kaba. Ang tagal tagal kong nag-aral pero hindi ko manlang natutunan kung paano i-relax ang sarili ko tuwing nasa harap ko siya. Hindi niya iyon tinuro sa akin kahit ng iba ko pang mga naging guro. Paano ba gawin iyon? Ganun ba talaga kapag mahal mo ang kaharap mo? Nagwawala ang sistema mo?

“B-bakit ka lumayo?” tanong niya. Lumapit siya, lumayo ako. Naiilang ako sa kanya kaya ako lumalayo. At isa pa, ayokong marinig niya ang nag-iingay kong puso.

“Eh...”

“Bakit ka lumayo?” tanong ulit niya. Gusto niya ng sagot. Alam ko yun. Gamit ang ma-awtoridad niyang boses kagaya noon kapag nasa klase kami. Kapag nagtatanong siya sa estudyante tuwing recitation at inaasahang may isasagot ito. “S-sagutin mo ko…” lumapit siya ulit.

Kinagat ko ang labi ko. Lumayo ulit ako sa kanya ng isa pang hakbang nang lumapit siya. “Masyado na po kasi kayong malapit sa akin—”

“God dammit, Ella! Don’t be stupid! Sagutin mo ako ng tama! Bakit ka lumayo? Bakit ka umalis? Bakit ka nawala? Five years ago, bakit mo ako iniwan?!” sunod sunod ang tanong niya. Hinihingal siya pero nasabi niya iyon ng buong buo at malinaw.

Nagulat ako sa kanya. Natameme nalang ako gaya ng isang estudyante na hindi masagot ang mahirap na tanong ng guro niya.

But I’m different. Natameme ako dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya. Of course I know the answer. But… he must know it also. Dapat alam rin niya iyon dahil siya ang dahilan kung bakit ako nawala.

Narinig ko ang pagbukas ng gate.

Suminghap siya at humakbang ng isa palayo sa akin. Siguro ay para mabigyan kami ng distansya sa isa’t isa. Nakahinga ako sa ginawa niya. Pero hindi kumalma ang puso ko dahil ramdam pa rin nito ang presensya niya.

Lumingon ako sa gate at nakita ko ang security guard namin.

“Ma’am, ano hong nangyayari dito? Nakarinig ako ng sigawan. Ginugulo ho ba kayo ng lalaking 'yan?” napairap si Vincent sa sinabi ng guard. Nilamukos niya ang buhok niya at hinilamos ang kamay sa mukha. Nagawa kong titigan siya habang ginagawa iyon dahil hindi siya nakatingin. He looked miserable. Mas miserable pa ata ito kesa sa nakita ko sa panaginip ko. Nang tumingin siya sa akin ay inalis ko ang tingin ko sa kanya.

“H-hindi po, kuya. Kilala ko po siya. Nag-uusap lang kami.” Sabi ko.

“Sigurado ho kayo?”

“Opo. Pumasok na po kayo. Tatawagin ko nalang kayo kapag papasok na ako.” Tumango naman siya at sinara ang gate.

Saglit na katahimikan. Tanging tunong lang ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Malamang ay dahil gabi na rin at tulog na ang mga tao dito sa village. Madilim na at patay na ang ilaw ng mga bahay. Ang street lights at buwan nalang ang nagbibigay ng liwanag.

“When you left me,” napalingon ako kay Vincent. Nagsasalita siya nang nakatingin sa lupa. “I promised to myself that as soon as I see you again, I’ll ask this question to you. Why, Ella? Why did you leave?” and then, again, he stared at me. Waiting for my answer. Mas kalmado na siya ngayon kumpara kanina.

I just gave him a faint smile. Because I love you… But I was hurt… And I don’t want to feel it again. I want happy memories with you. Ayaw kong maalala na sinaktan mo ko. Na masasaktan mo ulit ako. Isang beses lang and I don’t want it to happen again. Because if it does, I might despise you a lot. And I don’t wish for that to happen, Vincent. Gusto kong mahalin ka. Nais kong mahalin ka lang. Yun lang.

Hinihintay pa rin niya ang sagot ko. Nakataas ang kilay niya at kumikislap ang mata niya sa liwanag ng buwan. Sana naririnig nalang niya ang sinasabi ng puso ko. Kitang kita ko ang sakit sa ekspresyon ng mukha niya dahil hindi ko pa rin nasasagot ang tanong niya.

Kapag ba sinabi ko ang laman ng puso ko, anong mangyayari? Magkakabalikan ba kami? Sasabihin ba niyang mali ang ginawa ko dahil nasaktan siya? Na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako at hindi niya kinaya nang mawala ako noon? Magiging masaya ba siya sa isasagot ko?

Eh ako? Magiging masaya ba ako? Paano na ako kung hindi iyong mga inaasahan ko ang mangyari? Maiiwan nalang akong nasaktan ulit nang dahil sa kanya? Sa pangalawang beses, masasaktan nanaman ako?

Hindi ko alam kung alin ang dapat at tama. Magkaiba ang sinisigaw ng utak at puso ko. Pero sabi nga nila, kaya nasa itaas ng puso ang utak ay para ito ang kumontrol doon. Ang utak ang boss at ang puso ay sunud-sunuran lang dito. Mula nang umalis ako ng Pilipinas, utak na ang gumagana sa akin. Wala nang puso dahil mali naman ang mga desisyon noon nung ito ang ginamit ko. Nasasaktan lang ako kapag puso ko ang ginamit ko. Utak ang paiiralin ko. Patawad Vincent pero magsisinungaling ako sa’yo…

“Guess, you couldn’t answer my question. Or you just don’t want to answer it…” umatras siya at akmang tatalikod na pero tumigil siya ng magsalita ako.

“I have a reason, Vincent.” Lumunok ko. Hindi ako maaaring pumiyok once na sabihin ko ang dinidikta ng utak ko. Tatakpan ko nalang ang tenga ng puso ko para hindi nito iyon marinig. Para hindi na siya tumutol. Para hindi na ako makagawa ng isa pang kamalian.

Desperado niya akong tiningnan. May munting ngiti sa labi niya. “Vincent…” tumikhim siya dahil paos na ang boses niya. “I missed the way you say my name.  Ilang beses ko lang iyan narinig sa’yo noon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagbanggit mo ng pangalan ko.” may tumulong luha mula sa mga mata niya at nang makita ko yun, gusto ko siyang takbuhin at yakapin. Pero… pinigilan ng utak ko ang puso ko. Hindi ko hahayaang masaktan nanaman ako.

Siya na ang lumapit siya sa akin, hindi na ako lumayo. Hinawakan niya ang pisngi ko. Nakakatawa dahil kanina pa ako naiiyak pero kahit isang patak ng luha ay walang pumatak mula sa mga mata ko. Masunurin ang puso ko sa utak ko.

Hinaplos ng dalawang kamay niya ang pisngi ko. Tiningnan niya ako ng mataman gamit ang lumuluhang mga mata niya. Pumikit ako para hindi ko iyon makita.

Utak. Kailangang kong pairalin ang utak ko.

Kaya naman inangat ko ang kamay ko. Hinawakan ko ang kanya at tinanggal iyon sa pisngi ko. Sinundan niya ng tingin ang ginawa kong pagbaba sa kamay niya sa magkabilang gilid niya. Hanggang sa bitawan ko iyon at muling humakbang palayo sa kanya.

Umiling ako at tumaas ang kilay niya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakadiin ang bibig niya. Nagpipigil siya.

“I’m sorry ngayon lang. But I think this is the right time para malaman mo ito. I… I don’t love you, V-vincent.” Kaya mo yan Mikaella. Ituloy mo na ang nasimulan mo. “I realized that I don’t love you. I never loved you… That’s the reason why.”

Pagkasabi ko nun, sunud-sunod ang naging luha niya. Pumorma ang bibig niya sa isang ngiti. Pero lumuluha siya. Pumalatak siya.

“Tss. I should’ve known.” Ngumisi siya. Hindi niya pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi niya. “Salamat sa rason mo. Inasahan ko na ito. Pero hindi ko akalaing…” pinilig niya ang ulo niya at saka tumawa ng pagak. “By the way. It’s nice to see you back here. Mas maganda dito hindi ba? Welcome… welcome home.” Pagkasabi nun ay tumango siya at tumalikod.

Nananatili nalang akong nakatayo roon hanggang sa mawala siya sa paningin ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

175K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
216K 5.1K 53
Akala ni Grace Encarguez ay alam na niya ang saklaw ng pag-ibig. Naging pundasyon niya sa kanyang puso ang pananaw na ito. Akala niya katulad ito sa...
6.6K 167 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...