Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU2
#YU4
#YU5
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU3

5.4K 357 35
By pureasfierce

•RICHARD•

Bukod kay Gio, wala pa atang nakakaalam sa school na magkasama kami ni Maine sa Pop's nung weekend. Buti na lang wala si Kuya Peter the following week doon kasi may pasok siya sa university. Hindi niya pa nababanggit sa team na nakita niya kami. Akala ko, makakaligtas na ako sa pang-aasar ng mga kaibigan ko. Pero hindi pala. Hinintay lang nilang dumating ang thursday bago nila ako asarin.

Nasa training kami ngayon nung harangin ako nina Kevin at Paolo. Langya, ito na. Na-corner na.

"Hep, hep. Papi, ano tong nalaman namin?" Sabi ni Kevin sakin habang hawak yung kanang braso ko.

"Oo nga, paps. May ka-date ka daw nung sabado?" Sabi naman ni Paolo na may hawak sa kaliwang braso ko.

"Maganda daw, makinis saka pwedeng model ng toothpaste!" Nakangisi na silang dalawa sa'kin.

"Hoy, tigil-tigilan niyo nga ako. Wala na naman kayong magawa. Saka bakit ba hawak niyo ko?"

"Kailangan mong sagutin yung tanong namin bago ka namin bitawan," sabi ni Paolo na hinigpitan yung hawak sa braso ko. "Si Mendoza ba yung kasama mo nung sabado?"

"Kumain pa daw kayo sa Pop's sabi nung little birdie na nagbalita sa amin."

"Pambihira talaga si Kuya Peter oh."

"Bisto!" Sabay nilang sabi pagkabitaw sa mga braso ko.

"Pucha, paps. Bakit kasama mo si Mendoza?! Diba matagal mo nang crush yun?!" Sabi ni Kevin. Bukod sa kapatid ko, silang dalawa lang yung nakakaalam na may crush ako kay Maine. Hindi pa nga nila dapat malalaman yun kaso nahuli nila akong nakatingin kay Maine nung minsang nagsayaw sila sa isang program sa school. Nakatutok naman kasi ako sa kanya. Simula non, hindi na nila ko tinantanan ng pang-aasar. Pero pinakiusapan ko na lang sila na wag nang sabihin sa iba. Nakakahiya kasi.

"Oo nga paps. Nagmilagro ata si Lord, kinausap mo na siya?" Sabi ni Paolo.

Binatukan ko silang pareho. "Mga gago. Mang-aasar pa kayo. Hindi ko nga alam kung paano ko nakausap yun eh. Nagulat na lang din ako sa sarili ko, kinakausap ko na siya."

"Sinagad mo naman ata yung panalangin mo kay Lord, inaya mo pa sa Pop's si Mendoza! May himala talaga!"

"Siraulo ka talaga, Kev. Tigilan niyo na nga ako."

"Pero papi, ano? Liligawan mo na ba? Ligawan mo na kaya! Sayang naman!"

"Saka na siguro, Pao. Ngayon nga lang kami nagkausap ng maayos, liligawan agad?"

"Gago baka maunahan ka. Balita ko kasi balak siyang pormahan ni Caleb, yung sa soccer team. Mas batu-bato katawan nun sayo, paps! Sayo kasi may burjer pa eh."

"'Tado. Kakaibiganin ko muna, take things slow, kumbaga."

"Inang to, take things slow ka pa. Kapag naunahan ka sige, tatawanan pa kita." Sabi ni Kevin.

Pero totoo kaya yun? Popormahan siya ni Caleb? Parang gusto ko munang malaman.

"Teka, bakit parang ang daming tumitingin sakin? May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Lumabas na kasi kami sa gym para pumunta sa locker room. Kakatapos lang kasi ng PE class namin.

"Aba malay ko," sabi ni Paolo. Tinawag niya yung isang classmate nila. "Gracie, anong meron?"

Lumapit sa amin si Gracie. "Pinost na kasi ni Ms. Alleje yung listahan ng captains ng bawat sports team natin," lumingon siya sa akin sabay ngiti. "Congrats nga pala, Faulkerson! Kayo pala ni Mendoza yung captains ng basketball and cheerleading team. In fairness, bagay kayo! Teka, mauna na ko ha? Nagugutom na kasi ako eh!"

Naiwan kaming tatlo, nagkatinginan lang.

"Gago, paps. Naalala niyo ba yung kwento kwento? Kapag naging captains daw ng basketball and cheerleading team, nagkakatuluyan!" sabi ni Kevin sa akin. "Diba? Sinimulan kasi to nina Kuya Dong and Ate Yan eh!"

Pucha. Oo nga. For four years, since naging sina Kuya Dong and Ate Yan. Hindi ko na sila naabutan kasi grade 6 pa lang ako noon pero kapag nagpupunta dito si Kuya Dong kapag may training kami, minsan kasama niya si Ate Yan. Sa kanila nagsimula yun eh, pagkatapos nila, lahat ng mga naging captains ng parehong team, nagkatuluyan.

Sus, baka coincidence lang naman?

•MAINE•

"Bakla, ano? Nililigawan ka ba ni Faulkerson?" bungad na tanong sa akin ni Gio pagdating namin sa locker room. May training kasi kami ngayon kaya mag-iiwan na muna kami ng gamit saka magbibihis.

"Gaga ka ba? Bakit naman ako liligawan non?" sagot ko sa kanya.

"Kasi maganda ka?"

"Sus, sayang lang brain cells niya sa'kin kapag niligawan niya ko. I'm not even worth it."

"Gaga!" sinabunutan niya ko ng slight. "Hindi nasusukat ang isang relasyon sa kung gaano kayo katalino. Hindi lang naman academics ang pinag-uusapan ng couples no!"

"E bakit kailangan mo akong sabunutan? Saka, bakla, ang gwapo masyado nun. Kita mo ba yung dimples? Total package na nga yun eh."

"E anong tingin mo sa sarili mo? Bukas na balikbayan box? Sira-sira, ganon?" inaya niya akong umupo sa bench. "Alam mo, Meng, maganda ka rin naman eh. Matalino ka din, hindi nga lang kasingtalino niya, pero matalino ka. Wag mong masyadong i-down yung sarili mo kasi lahat naman tayo worth it sa pag-ibig. Give yourself a chance. Malay mo, siya na pala talaga si Mr. Right mo."

"Siya na yung icing sa ibabaw ng cupcake ko?"

Inirapan na lang ako ni Gio. "Corny mo. Bwisit. Tara na nga, pumunta na tayo sa gym."

Saktong palapit na kami sa gym nung makita namin sina Kevin, Paolo at Richard.

"Uy, Kevin, Paolo!"

Hihilahin ko na sana si Gio papunta sa kabilang entrance kaso naunahan naman ako ng sigaw niya. Ugh. Kainis.

Kaklase namin sina Kevin at Paolo. Si Richard kasi nasa kabilang section. Wala na akong nagawa nung hinila ako ni Gio palapit sa kanilang tatlo.

"Ay, nandito ka din pala Richard. Akala ko kasi aparisyon lang yung kasama nina Paolo eh," sabi ni Gio. "Kamusta?"

Ngumiti si Richard, kitang-kita yung dimples. Hay, my heart. "Ayos naman," sagot niya kay Gio. Lumingon siya sa akin, sabay ngiti. "Hi, Maine."

Feeling ko natunaw yung buong pagkatao ko sa ngiti niyang 'yon. "Hi," yan lang ang nasabi ko sa kanya.

"Iwan na kaya muna namin kayo, ano?" Narinig kong sabi ni Paolo. Ugh, nakakahiya.

"Siraulo ka paps," sabi ni Richard. "Nakakahiya kina Maine."

"Nakakahiya, pero kung magtitigan kayo, wagas." Sabi ni Kevin. Saktan ko kaya to?

Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon. "Anong meron?" tanong ko sa kanila. "Bakit tayo pinagtitinginan dito?"

"Pinost na daw pala kasi ni Ms. Alleje yung listahan ng captains ng bawat sports team dito sa school," sagot ni Paolo. "Kayo ni Richard sa basketball and cheerleading team."

"OH MY GOSH, BESSY!!!!"

Nagulat kaming lahat sa sigaw ni Gio, lalo na ako kasi ako katabi niya. "Nakakainis naman to, nakakagulat eh!"

"Eh kasi naman! Kayo pala captains ng basketball and cheerleading team?! Oh my gosh, baka maging kayo din!"

"Ha? Bakit mo naman nasabi yan?"

"Hello, nagsimula kaya to sa pinsan mo!"

"Kay Ate Mariel? Two years ago lang naman siya naging captain ng team natin ah?" sagot ko kay Gio.

"Gaga! Kay Ate Yan! Sa kanila kaya nagsimula yung ganon! Hello, four years ago!! Grade 6 pa nga lang tayo non. Pero diba, usap-usapan na yon? Kasi after nila, yung captain ng both teams, nagiging sila. Tingnan mo si Kuya Peter saka si Ate Mariel!"

"Pinsan mo si Ate Yan, Maine?" tanong sa akin ni Richard.

"Ah, oo. Kapatid kasi siya ni Ate Mariel."

Nagpalipat-lipat yung tingin nung tatlo sa amin ni Richard. Nakakainis naman eh. Nakakahiya kaya. Tapos napangisi silang tatlo, sabay-sabay pa. Creepy.

"Nako, paps. Kayo na next ni Maine." sabi na lang sa amin ni Kevin.

Hinila na ni Richard sina Kevin. "Tara na nga, oy. May training pa ata sina Maine," lumingon siya sa amin. "Maiwan na muna namin kayo. Pasensya na sa istorbo."

"Ha? Ah, sige. Ingat kayo."

Pumasok na kami ni Gio sa loob ng gym para makapagsimula na ng warm-up. Sa totoo lang, ayoko namang isipin na dahil lang dun sa "tradition" na yon kaya magiging kami. Gusto ko yung normal lang, magugustuhan ba niya ko o hindi. Ayoko namang umasa dahil lang sa tradisyon na yon.

"Huy, anong iniisip mo bakla?" tanong sa akin ni Gio.

Umupo muna ako sa bleachers. "Yung kanina lang na sinabi mo. Feeling ko tuloy, mag-eexpect lahat ng tao na magiging kami dahil lang yung mga naunang team captains sa amin, nagkatuluyan."

Tinabihan ako ni Gio. "Ano ka ba, bakla. Wag mong i-pressure yung sarili mo. Go with the flow lang. Wag mong isipin yun. Pero kapag niligawan ka nga ni Richard, wag mo ring isipin na dahil lang sa tradisyon kemerut na yon kaya ka niya niligawan. Alam mo yun? Bigyan mo din siya ng chance. Kilala naman natin yun, hindi pa yun nagkakaroon ng girlfriend. Baka hinihintay niya lang talaga yung tamang panahon niyong dalawa."

"Saan mo napupulot yan, bakla? Love guru ka na agad."

"Alam mo kung hindi lang kita bestfriend, sinapok na kita. Echoserang to."

"Joke lang, ito naman."

Hay. Saka ko na nga lang iisipin yang love love na yan. Magcoconcentrate na lang muna ako sa training.

***
A/N: Natapos ko na tong chapter na to kahapon pa. Hindi ko lang napost agad. Wala pa rin akong matinong plot dito, but I'm trying my best to put all my ideas in order para matapos ko to ng maayos at matiwasay. Please pray for me. Hahahaha. Leave a comment and/or suggestions! I'd need them in the near future, lalo na kung may suggestion kayo na gusto niyong makita sa story. Thank you for reading! 💛

Continue Reading

You'll Also Like

148K 5.8K 54
Four hearts will crashed because of one lie. He Hates Me Romantically Side Story 2nd Installment of Chase of Hearts Series (Kyona.Kram.Dreena.Miguel)
2.2K 77 28
(Liwanag at Dilim Series #4) Czarina Kaye Wager is a girl full of dreams in life. She is known to be the almost perfect girl in town. As time passes...
192K 8.6K 44
Olivia has a secret. A secret she has been keeping for years. Ang sabi ng mga doctor, she's one in a hundred million. She cannot feel pain. Kahit i...
207K 4.3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...