Your Universe

By pureasfierce

197K 13.4K 2.2K

Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th... More

#YU1
#YU3
#YU4
#YU5
#YU6
#YU7
#YU8
#YU9
#YU10
#YU11
#YU12
#YU13
#YU14
#YU15
#YU16
#YU17
#YU18
#YU19
#YU20
#YU21
#YU22
#YU23
#YU24
#YU25
#YU26
#YU27
#YU28
#YU29
#YU30
#YU31
#YU32
#YU33
#YU34
#YU35
#YU36
#YU37
#YU38
#YU39
#YU40
#YU41
#YU42
#YU43
#YU44
#YU45a
#YU45b
Visuals

#YU2

6.6K 416 66
By pureasfierce

•MAINE•

First day of practice na namin mamayang 5pm, e wala namang tao sa bahay kaya inagahan ko na lang yung pagpunta sa school kesa ma-bore ako sa bahay. Wala naman kasi akong kausap don kasi wala yung mga kapatid ko. Wala rin sina nanay at tatay kasi may kailangan daw i-meet para dun sa binebentang lupa sa Bulacan.

Pagdating ko sa school, 3pm pa lang. May mga nakita akong students sa tabi ng stage, nag-aayos para sa program sa monday. May announcement kasi yung principal namin kaya naglalagay sila ng decorations sa stage. Medyo mainit kaya naghanap muna ako ng pwestong malilim. Sakto, medyo malilim dun sa dulong bench kasi may puno. Dun na ko tumuloy para tumambay.

Binuksan ko yung phone ko sabay hanap ng magandang song na pwedeng sabayan habang nagwawarm-up. Hindi pwedeng walang warm-up sa cheerleading kung ayaw mong sumakit lahat ng parte ng katawan mo. Naalala ko dati, hindi ako nakapagwarm-up before training. Sumakit buong katawan ko. After non, I made sure to warm-up at least thirty minutes bago magsimula yung training. Para mas energized ang feeling.

Nagsimula na kong magstretching nung biglang nag-ring yung phone ko. Pagtingin ko, si Ate Niki pala. Sinagot ko na agad, baka kasi importante pa.

"Hello, Ate? Bakit?"

"Nasa bahay ka ba, Meng?"

"Wala ate, nasa school ako. May training kasi kami. May problema ba?"

"Dadaan kasi sa bahay yung assistant ni nanay, may kukunin yata para dun sa lupa kasi pinapakuha nila. Naiwan ata ng nanay. Sino bang naiwan sa bahay? Wala kasing sumasagot."

"Nandun si Yaya Pe kanina bago ako umalis. Baka naman nakatulog, ate."

"Baka nga. Sige, tatawagan ko na lang si Coleen, baka pauwi na rin yon. Anong oras ka ba uuwi?"

"Mga 7 pa siguro, ate."

"7pm pa? 3:30 pa lang ah? Anong oras ba training niyo?"

"5pm."

"Hoy, Nicomaine. Naggagala ka na naman ano?"

"Ay grabe siya. Hindi ah! E wala naman kasi akong kasama dun sa bahay kaya inagahan ko na lang pagpunta dito. Gagawa na din ako ng homework pagkatapos ko sa paunang stretching ko."

"Palusot. Sige na. Magtext ka kapag pauwi ka na ha? Ipapasundo na lang kita kay Nico."

"OA naman nito ni ate, malapit lang kaya bahay natin dito sa school."

"Isusumbong kita kay nanay o magpapasundo ka?"

"Sabi ko nga magpapasundo na ko. Sige na ate, bye na."

"Ingat ka diyan. Sige bye."

***

Mga thirty minutes din akong nagwarm-up bago ako umupo at nagpahinga sa bench. Habang nagpapalipas oras, sinimulan ko naman yung homework ko sa History. Buti na lang walang Math. Baka mag-away na naman kami ng libro ko.

"Maine?"

Napaangat ako ng ulo para tingnan kung sino yung tumawag sa akin. Pagtingin ko... si Richard.

"Richard? Bakit?"

"Bakit mag-isa ka lang?" Tanong niya sakin. Haluuuuuh. First time to!

"Wala kasi akong kasama sa bahay kaya inagahan ko na lang yung pagpunta dito sa school for training. Ikaw? Bakit ka nandito? Diba sa gym yung training niyo?"

Nakita kong nagsmile siya (Lord marupok po ako sa smile niya) sa akin. Ang cute, mahabaging langit!

"Napaaga lang," sabi niya sa'kin pagkaupo niya sa tabi ko dito sa bench. "Mamaya pang 5pm training namin eh. Kayo ba?"

"5pm din," sagot ko sa kanya. "Kaya nagstretching na muna ako kanina, tapos ngayon gumagawa ng homework."

"Yung History homework niyo?"

Tumango ako. "Oo, pero patapos na din naman ako."

"I see."

Napatahimik kaming pareho. Ako, gumagawa ng homework. Siya naman, nakatingin lang dun sa mga nagdidikit ng kung anik-anik sa stage.

"Maine?"

"Nakakagulat ka naman," sabi ko sa kanya. Nalaglag ko kasi yung ballpen ko. "Bigla bigla kang nagsasalita diyan."

"Ang cute mo," tumayo siya tapos humarap sa'kin, sabay inabot niya yung kamay niya para sa'kin. "Maaga pa naman. Kain muna tayo?"

Pinipigilan ko yung kilig ko pero Lord, marupok talaga ako sa ngiti at dimples niya. Pagpalain niyo po yung kaluluwa ko.

Inabot ko na yung kamay niya sabay tayo. "Tara."

•RICHARD•

Dinala ko si Maine sa Pop's, isang food hub sa tapat ng school namin. Hindi kasi kami pwedeng lumayo since parehong 5pm yung training namin. Pagdating namin sa Pop's, si Kuya Peter lang yung nandun, dati naming captain. Sila kasi yung may-ari.

Nagulat ako sa sarili ko kanina. Didiretso sana ako sa gym para magwarm-up nung makita ko si Maine sa isang bench sa may gilid ng puno. Nakaupo tapos nagsusulat. Para akong hinila ng mga paa ko papunta sa kanya. Sumunod na lang ako. Pati ata bibig ko, may sariling buhay. Kusang may lumalabas na mga salita para makausap ko siya. Lalo akong nagulat nung inaya ko siyang kumain. Paano ako nagkalakas ng loob na kausapin siya?!

Inaya ko si Maine sa table na malapit sa may bintana. Pagkaupo namin, nilapitan agad kami ni Kuya Peter dala yung menu.

"Himala, Poks. Ngayon lang kita nakitang may kasama dito ah. Magpapamisa na ba— pucha. Mendoza?!"

Nakita kong nagulat si Maine sa kanya. Nagulat din si Kuya Peter kasi alam ng lahat sa basketball team na nagbalak manligaw yung isa naming teammate kay Maine pero hindi natuloy. Hindi daw kasi siya pinayagan manligaw.

Sa totoo lang, madaming may gusto kay Maine sa school namin. Sabi ko nga sa inyo, maganda siya. Yung gandang hindi mo pagsasawaang tingnan. Kaya nga ako nahihiya sa kanya kasi sino ba naman ako para maging kaibigan niya diba?

"Hoy, Poks. Anong pinakain mo dito kay Mendoza at nadala mo dito?" tanong ni Kuya Peter sa akin.

"Sama din ng ugali nito. Wala akong pinapakain diyan, diba Maine? Ngayon pa lang kung kukunin mo na order namin."

"Hayop, gumaganyan ka na ah," lumingon siya kay Maine. "Mendoza, wag kang magpapaniwala dito ah? Sinungaling yan."

Nginitian lang kami ni Maine. Seryoso, pwede siyang model ng toothpaste kasi ang ganda ng ngipin niya. "Hindi naman siguro, Kuya Peter. Mabait naman tong si Richard eh."

Halatang nagulat si Kuya Peter sa sinabi ni Maine base na rin sa mukha niya. Gusto pa ata akong pintasan nito pero wala siyang masabi. Lokong to. Kinuha na lang niya yung order namin sabay alis pabalik sa counter.

"Pasensya ka na kay Kuya Peter ha?" sabi ko kay Maine. "Makulit lang din talaga yun."

"Okay lang, ano ka ba. Nakakausap ko din naman siya kapag sinasama siya ni Ate Mariel sa mga family gatherings namin."

"Oo nga pala ano? Girlfriend niya pala yung isang pinsan mo."

"Yup, matagal na nga din sila eh. Three years na ata?"

Ngumiti na lang siya pagkatapos. Ang awkward ng pakiramdam ko. Nahihiya kasi talaga ako eh. Tapos pakiramdam ko, nahihiya din siya.

"Kamusta pala yung training niyo?" tanong ko sa kanya. Kailangang maalis na tong hiya hiya na to. Hindi naman to nakakatulong eh.

"Ayos naman, medyo mahirap kasi pinapasali kami sa Division Meet this year."

"Ahh. Congrats nga pala ah?"

"Saan?"

"Ikaw yung bagong head cheerleader diba? Bigatin ka na, Maine."

"Uy grabe siya, hindi naman."

"Ginalingan mo daw talaga eh. Narinig namin yung coach niyo nung kausap si Coach Ayo."

Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Lord, dahan dahan lang po. Mahina po ang kalaban. "Grabe naman. Pero pangarap ko din kasi talaga yun," sabi niya sakin. "Elementary pa lang talaga, gusto ko na maging team captain."

"Natupad mo naman yun kaya congrats. Galingan mo pa sa susunod kasi malay mo, kunin ka ng isang magandang school dahil sa talent mo."

Dumating na yung order namin na hinatid ni Kuya Peter. Nakakaloko yung tingin niya sa amin bago siya bumalik sa counter eh. Natatawang ewan. Siraulo talaga.

Kumain na muna kaming dalawa bago nagkwentuhan ulit. Ako kasi, nasanay na hindi pinagsasabay ang kwentuhan at pagkain. Pwede naman na ulit kayong mag-usap pagkatapos ng dessert. Kaya hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga family dinners namin. Hindi ako nakakausap ng matino sa harap ng pagkain. Turns out, ganun din pala siya, unless kailangang sagutin yung tanong sa kanya.

"Ganun ka din pala?" sabi niya sa'kin pagkatapos niyang uminom sa strawberry frappe niya. Palabas na kami ng Pop's at pabalik na sa school. "Akala ko ako lang yung may ganung weird habit."

"Hindi naman. Dalawa na tayo," sagot ko sa kanya. "Dalawa na tayong weird sa mundo."

Hinatid ko na muna siya sa may school grounds, dun sa bench na pinanggalingan namin kanina. Naabutan namin si Giovanna, yung bestfriend niya.

"Oh my god, bakit kayo magkasama?!"

Nilapitan agad ni Maine si Gio tapos nakita kong kinurot niya sa tagiliran. "Ingay mo, girl. May makarinig sa'yo."

Nagpaalam na rin ako kasi kailangan ko na ring magwarm-up sa gym. "Mauna na ko Maine. Kita na lang ulit tayo sa monday."

"Sige. Thank you sa meryenda ha? Bawi ako sa'yo next time."

Iniwan ko na silang dalawa sa bench. Bigla kong naalala, July 16 nga pala ngayon. Wala lang. Kaparehas lang ng locker combinations naming dalawa.

***
A/N: Guys, baka mag-expect kayo ha. Hindi po araw-araw yung magiging updates nito. May ibang ginagawa din po kasi ako pero I'll try to update pa din as much as I can. Thank you for supporting YU's first chapter! Sana maenjoy niyo din tong pangalawa. Leave comments and/or suggestions po. Or tweet me, I'm @fymaichard 😊

Continue Reading

You'll Also Like

402K 9.2K 46
Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na...
237K 3.9K 83
A famous icon in the music world and an heiress that is gifted with such fine talents, were connected by one fateful accident, meeting unconsciously...
7.8K 332 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
219K 3.3K 47
Sila ay kilala bilang "Phenoms" ng Ateneo, si Kiefer at Alyssa. Magkaibigan. Tawagan nilang dalawa ay "Phenom" din. Pero... Papaano kung may mamuo sa...