Lipstick Lullaby

By RainbowColoredMind

25.2M 743K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... More

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Fourteen

458K 14.5K 10.3K
By RainbowColoredMind

SASKIA

"Gusto mo kaming ilipat ng bahay?" Umangat ang magkabilang kilay ko sa sinabi niya.

"Oo sana. If it's okay with you." Ngumiti siya. "I just want a safe environment for my child, Saskia. I'm concerned about your family and especially the baby's security. Tatlo lang kayong babae dito at bata pa si Cosme. Paano kung malooban kayo?"

"Lumaki na ako dito, Migs. Kilala na kami ng mga tao dito. Kahit naman sinusuka na kami dito ng mga mahaderang kapitbahay namin, tutulungan naman nila kami kapag nangyari yun. Ganito talaga dito. Syempre, dino ba bang magtutulungan kundi kami-kami rin." Sabi ko.

"I insist, Saskia." Lumiyad ang katawan niya sa akin. "I've already bought the house and had it furnished. You won't have to worry when it rains, hindi niyo na kailangan maglabas ng mga timba."

"Yun naman pala! Pumayag ka na, anak! Ang dami mong arte! Kapag hindi ka pumayag, kami ng mga kapatid mo na lang ang lilipat doon!" Singit ni Mammy.

"Oo nga naman! Para hindi na din akong magbayad ng renta sa apartment, syempre sasama ako sa inyo! Kailangan puro magaganda ang nakapaligid sa'yo habang naglilihi ka para kapag labas ni baby, beautiful just like Ninang Jodie." Masayang sabi ni Ninang Jodie.

"Kuya Migs, maganda ba yung bahay? Siguro sosyal dun no?" Usisa ng mahaderang si Yuka. "May bathtub ba dun, Kuya? Gusto ko kasing maranasan magbubble bath parang yung sa mga napapanood ko sa TV."

"Meron." Nakangiting sagot ni Migs.

"Ateeee! Pumayag ka na, please!" Pilit ni Yuka sabay kagat sa burger na pasalubong ni Migs. Kaya yang dalawang yan marinig pa lang nila ang boses ni Migs kala mo mga asong ulol na naglalaway. Tumitigil si Cosme sa pagbabasa at si Yuka sa pagdutdot sa phone niya kapag nandyan siya. Alam nila fiesta na naman dito sa bahay, marami na naman handa.

Sa halos araw-araw na pagdalaw niya, nakita ko naman kung gaano naging malapit ang loob ng pamilya ko sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan at marunong siyang makibagay. Malapit siya sa mga kapatid ko lalo na kay Cosme na kahit hindi niya sabihin alam kong naghahanap din siya ng kalinga ng isang ama o ng kuya man lang. At kay Migs niya nahanap iyon.

"Tumigil nga kayo!" Saway ko sa kanila. "Kami lang ang nag-uusap dito. Hanggang dito lang usapan. Sabat kayo ng sabat. Kayo ba si Saskia ha?"

"Wala naman kayong kailangan alalahanin. I'll pay for all the expenses. Ako ang bahala sa mga bills sa bago niyong tutuluyan. This is for the baby's sake, Saskia. I want you to move out of here. Please?" Nakikiusap ang mga mata niya sa akin. Sa tuwing titignan niya ko ng ganyan para akong ice candy na natutunaw. Pag tinitignan niya ako para akong nahihipnotismo at kahit anong pagawa niya sa akin ay gagawin ko.

"Nakakahiya na sa'yo, ang dami mo ng natulong sa amin." Mahinang sabi ko.

"Sasabunutan na kita eh! Ang dami mong arte!" May bahid na inis sa boses ni Mammy. Panira naman 'to! Masama bang magpakipot ng konti?

"I'll give everything to ensure my child's well-being."

Oo nga naman, masyado kang ilusyunada Saskia! Feeling mo naman para sa'yo to! Ilusyunada ka talaga.

"Kung gusto mo talaga, hindi naman kita matatanggihan." Sagot ko.

"Thank you, Saskia." Pinigilan ko ang sarili kong mapasinghap ng hawakan niya ang mga kamay ko. Parang nakuryente ako ng dumampi ang mainit na palad niya sa akin.

Nagpadala agad si Migs ng maliit na truck para hakutin ang natitirang gamit namin papunta sa bagong bahay. Syempre, nagsilabasan ang mga tsismosang kapitbahay namin na parang mga langaw na nakaamoy ng sariwang tae.

"Nakahanap na yata ng gagarahe sa kanya." Narinig kong bulong ng isa sa kanila.

"Yun ba yung lalaking madalas na dumalaw sa kanila? Ang gwapo nun at saka mukhang bata pa." Komento ng isa pa.

Binigyan ko sila ng 'mamatay ka sa inggit' na ngiti ng magawi ang tingin ko sa kanila.

"Oy, Saskia! Huwag mo kaming kalilimutan ah." Natatawang biro ni Pia.

Mga hinayupak kayo, kung makalait kayo sa pamilya ko noon. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga mukha niyo.

Pakiramdam ko ngayong ako si Julia Roberts doon sa dating palabas niya yung paborito ni Ninang at ni Mammy, yung Pretty Human.

"Saskia..." Lumapit sa akin si Wendell. "Totoo ba yung sabi nila? Lilipat na daw kayo?"

"Hindi, Wendell. Ipapasyal lang namin yung mga gamit namin, nalulungkot na kasi sa loob ng bahay." Sarkastikong sabi ko.

"Talaga? Hindi kayo lilipat? Hindi ka aalis dito?"

"Wendell naman! Nakita mong naghahakot na kami ng mga gamit. Lilipat na kami. We go to greener departures." Umikot ang mga mata ko sa kanya.

"Greener pastures, Ate." Sabat ni Cosme.

"Tumulong ka na lang sa paglabas ng mga gamit." Sabi ko sa kanya bago ibinaling pabalik ang atensyon ko kay Wendell. Lumambot ang mukha ko. "Pero Wendell, nagpapasalamat ako sa'yo sa pagpapautang mo sa amin sa tindahan niyo kahit nagagalit ang Nanay mo. Napakabuti mo sa akin."

"Alam mong lahat gagawin ko para sa'yo, Saskia."

"Huwag kang mag-alala, alam ko makakahanap ka din ng babaeng para sa'yo. Saka kukunin kitang Ninong ng baby ko ha."

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Buntis ka?"

"Oo..." Pinatong ko ang kamay ko sa tiyan ko.

Bakas ang labis na lungkot sa mukha niya. "P—pwede bang mayakap ka? Kahit sandali lang?"


"Oo naman. For old timer's sake." Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Salamat, Saskia. Mamimiss kita." Yumakap siya sa akin.

Nakarinig ako ng mahinang pag-ubo mula sa likod ko at napakalakas ako sa pagkakayakap kay Wendell. Lumingon ako at nakita si Migs na nakatayo sa likod ko.

"Hey, ready to go?" Tanong niya sa akin.

"Sige na, Wendell. Aalis na yata kami. Kita kits na lang ulit ha?" Kinawayan ko siya ng huling beses.

Naglakad na si Migs papunta sa kotse niya at mabilis akong sumunod sa kanya. Sumakay ako at ini-start niya na ang kotse.

"Teka, nasan sina Mammy?" Tanong ko.

"Sa truck na daw sila sasakay. Kasama nila ang Ninang mo." Sagot niya bago mabilis na lumingon sa akin. "Who was that guy?"

"Si Wendell yun! Kapit bahay namin saka kaibigan ko." Kaswal na sabi ko.

"How come I'd never seen him before?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi naman din kasi kami madalas na magkita."

"I see..." Tumango-tango siya.

"Bakit? May problema ba, Migs?" Pinigil ko ang ngiti ko. Nagseselos ba siya kay Wendell?

"Wala." Umiling siya. Naghari ang katahimikan sa loob ng kotse. Pagkaraan ng ilang minuto ay nabasag iyon. "He's not a boyfriend?"

"Ha? Hindi ah!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang pagsungaw ng ngiti rito.

"I'm not going to stop you from having a boyfriend, Saskia. Personal na buhay mo yan. I just hope you're more careful now. Lalo na ngayon na buntis ka sa anak ko. I would prefer you not having any sexual relationship while you're pregnant but if you are, please be very careful. Ayaw kong makakuha ang anak ko ng kung anu-anong sakit."

Biglang bumigat ang dibdib ko. "Ganun ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?"

"I... no, Saskia. I'm just being realistic." Mahinang sabi niya. "Gusto kong maging open tayo sa isa't-isa, especially when the baby's involved."

"Wala nga sabi akong boyfriend! Hindi pa ako nagkakaron ng boyfriend! Ikaw ang unang at tanging lalaking nakahalik at nakahawak sa akin." Pumihit ang ulo ko sa labas ng bintana ng kotse para hindi niya makita ang biglang paglukot ng mukha ko.

"Saskia, are you mad at me?" Tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit?" Mariin ang boses na tanong ko.

"I didn't mean to offend you but I'm sorry if I did." Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.

"Hindi nga sabi."


"WOOOOOW!" Magkasabay na sabi ni Cosme at Yuka pagbukas pa lang ng pinto ng bahay. Nasa loob ang bahay na iyon ng isang subdivision at mukhang mayayaman talaga ang nakatira dito. Malinis ang kalsada. Mapuno. Walang nagtatakbuhan na batang mga nakahubo sa labas ng bahay. Walang tambay na nag-iinuman. Walang mga tsismosang nakaupo sa harap ng palanggana habang naglalabas. Ibang-iba ang lugar na ito sa Tondo.

At ang bahay namin, ang bongga. Triple yata ang laki sa dating bahay namin at baba pa lang yun ha. Pagpasok mo sa bahay ay ang salas ang bubungad sa'yo, may brown na sofa at malaking flat screen tv na nandoon. Sa isang dulo ng salas ay nandoon ang kainin at pagliko mo naman sa kanan ay ang kusina. Meron din isang maliit na kwarto sa unang floor.

"There's a maid's quarter next to the kitchen. Sa taas naman may apat na kwarto." Sabi ni Migs.

"Ako na lang sa maid's quarter." Sabi ni Ninang Jodie.

"Hoy, bakla! Di ka naman maid dito! Tabi na lang tayo!" Sabi ni Mammy.

"Yuck! Hanggang ngayon ba naman pinagnanasahan mo pa rin ako Sasha?" Umirap si Ninang Jodie.

"MAAAAMMY! ATEEEEEEEE!" Nag-uunahang tumakbo si Cosme at Yuka mula sa taas.

"O, bakit?" Nag-aalalang tanong ni Mammy.

"May aircon lahat ng kwarto!" Sabi ni Yuka. "Mayaman na talaga tayo."

"Saka yung isang kwarto, My, may mga libro!" Nangingislap ang mga mata ni Cosme.

"Para sa'yo talaga yun. Sabi kasi ng Ate mo mahilig ka daw magbasa." Ginulo ni Migs ang buhok ni Cosme.

"Salamat, Kuya Migs." Yumakap si Cosme sa kanya.

"Super thank you talaga, Kuya!" Ipinulupot din ni Yuka ang mga bisig niya kay Migs.

Nagtama ang mga mata namin ni Migs habang nakayakap sa kanya ang mga bata. Binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti at agad naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko pa din makalimutan ang pag-uusap namin kanina sa kotse niya. Inaya ni Yuka at Cosme sina Nanay na silipin ang taas ng bahay. Hindi na ako sumama sa kanila at naiwan kami ni Migs sa  baba. 

Iniwasan ko siya. Pumunta ako sa salas at sumilip sa labas ng binatana. Napasinghap ako ng maramdaman ang mainit na mga palad niya sa baywang ko.

"Saskia..." Halos pabulong na sabi niya. "Nagustuhan mo ba?"

Nagkibit-balikat ako. "Nagustuhan naman nila Nanay."

"Are you still mad? I'm so sorry if I've offended you in any way." 

"Wala naman kasi akong boyfriend." Kasi ikaw lang ang gusto ko.

"Naniniwala naman ako sa'yo." 

"Saka hindi ako cheap no! Hindi porque nagtatrabaho ako sa club, malandi  na ako."

"That's not what I was trying to imply. Hindi din ganon ang iniisip ko sa'yo. I just don't want to stop you from having a life of your own. You're still free to do as you please." Mababa ang tonong sabi niya. Gumapang ang mga palad niya papunta sa ibabaw ng tiyan ko. "I only want what's best for our baby. That's all. You're a good woman, Saskia, that's what I think of you. Mabuti kang anak, kapatid at alam kong magiging mabuti kang ina sa magiging anak natin."

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko. Ang sarap marinig iyon mula kay Migs.

"Will you forgive me?" May bahid pagmamakaawa sa boses niya.

"Sige na nga..." Matitiis ba kita?

"Thank you." Parang nakahinga na ito ng maluwag.

Maya-maya ay narinig ko na ang pagbaba ng pamilya ko. 

"Nako! Mag-hahapunan na pala wala pa tayong kakainin." Narinig kong sabi ni Nanay.

"Let's just go out for dinner." Sabi ni Migs.

"Nako! Magluluto na lang ako. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ni Nanay sa kanya. 

"I insist. Gabi na at alam kong napagod din kayo sa paglilipat. Saan niyo gustong kumain?"

"Kahit saan." Kibit-balikat na sabi ni Nanay.

"Why don't we ask, Saskia?" Naramdaman ko ang pagpisil ng mga kamay niya sa akin at napapihit ang ulo ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "We'll eat whatever you want..."

"O sige, pero kailangan hulaan mo." May naglarong mga ngiti sa labi ko.

"At least give me a clue." 

"Nagsisimula sa letter C."

"Letter C?" Hinimas-himas niya ang baba niya na para bang nag-iisip. "Hmm... Cake?"

"Hindi." Umiling ako.

"Chinese food?"

Umiling ulit ako.

"You want to have coffee?"

"Hindi. Ito naman ang dali-dali lang! Nandun na yung sagot." Medyo naiirita na sabi ko.

"I really can't think of anything else. Ano bang gusto mong kainin?"

"Ang tanga naman nito. Ang dali-dali lang. Gusto ko ng seafood." Inirapan ko siya.

"ATEEEE!" Halos magkasabay na sabi ni Yuka at Cosme.

"Bakit?" Nagtatakang-tanong ko sa reaksyon nila.

Umiiling na tumawa ng marahan si Migs at idinantay ang ulo niya sa balikat ko. 


"Parang nakakatakot naman pumasok diyan sa loob." Komento ko habang nakatayo kami sa labas ng restaurant. Para naman kasing pang sosyal lang ito saka lahat ng nakikita kong naglalabas-pasok maaayos ang mga damit. Nag-ayos naman kami pero kung itatabi kami sa mga yun, para kaming mamamalimos lang.

"Why?" Tumingin sa akin si Migs. "Ayaw mo ba dito?"

"Eh baka di naman kami papasukin diyan. Tignan mo nga ang suot namin." Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Naka-tshirt lang ako at tokong. 

"There's nothing wrong with what you are wearing. You'll be fine." Kinuha ni Migs ang kamay ko at dinala ako sa loob. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Inisip ko na lang na kunwari boyfriend ko si Migs at nagdadate kami with matching holding hands pa! Parang may libo libong paru-parong nagliparan sa tiyan ko. 

Pangarap na lang ba talaga kita, Miguel?

"Sana pala sinuot ko yung gown ko sa JS prom. Bagay dito yun." Sabi ni Yuka.

"Oo nga, saka sana Saskia, sinuot mo din yung gown mo noong nag Reyna Elena ka sa atin. Tignan mo sila o nakalong dress." Turo ni Mammy sa mga tao na nasa loob.

"Oo, tapos iilawan natin yung mga anak mo para lutang talaga sila." Natatawang sabi ni Ninang.

Sinalubong kami ng isang babaeng nakatayo sa likod ng desk. "Good evening, sir. Table for how many?"

"Table for six, please." Sagot ni Migs.

"Please follow me." Binigyan kami ng babae ng pormal na ngiti bago pumasok sa loob. Sinundan namin siya at dinala niya kami sa isang mesa. Hinatak ni Migs ang isang upuan para sa akin at ginaya niya ang kamay niya doon. Maingat na inalalayan niya ako sa pag-upo. Sa pagtrato niya sa akin, pakiramdam ko isa akong babasagin na gamitin na kailangan ingatan. Kung ganito rin lang, kahit taon-taon magpapabuntis ako sa kanya. 

Umupo din si Ninang at ang pamilya ko kasama namin sa mesa. Sa stage na nasa harap ay may babaeng nagpapiano at isang lalaking nagbibiyolin. Inabutan kami ng isang waitress ng menu at nagsimula na silang pumili ng pagkain.

Puro mga tunog pangmayaman din ang mga pagkain at parang ang hirap basahin. Si Migs na lang ang pinapili ko ng sa akin. Masarap daw ang lobster nila dito saka yung seafood soup. Maya-maya pa ay dumating na ang order namin at chumibog na ang pamilya ko.

"Nagustuhan niyo ba?" Tanong ni Migs.

"Solb na solb!" Sabi ni Mammy habang ngumunguya.

"Salamat, Migs. Ngayon lang namin naranasan kumain sa ganito." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry. This won't be the last time." Kinindatan niya ako.

"Yung ganito ulit sana, Kuya Migs. Yung sosyal na restaurant." Hirit ni Yuka.

"Pagpasensyahan mo na ang pamilya ko. Likas na talaga ang pagkakapal ng mukha nila lalo na yan si Yuka." Naiiling na sabi ko.

"Si Ate naman!" Humaba ang nguso ng dalaga.

"It's perfectly fine. I'll take you all to another restaurant next time." Nakangiting sabi niya.

"Pasensya na din kung magulo at maingay kami." Kinagat ko ang pangibabang labi ko. Napansin ko kasi na yung mga tao sa ibang mesa nagbubulungan lang at kami ang pinakamagulo at pinakamaingay na mesa. Nakaramdam ako ng konting hiya. Syempre kahit papaano meron din ako nun!

"I'm very used to it. Sabi ko nga sayo noon, malaki din ang pamilya namin. I have a younger brother and two sisters with different personalities."

"Alam na ba ng mga magulang mo na magkakaapo na sila?" Tanong ni Ninang.

"Hindi nga, di ba? Kasi nga magpapakasal na itong si Migs." Sabi naman ni Mammy.

"Ay oo nga pala! Pero Migs, wala ka bang balak sabihin kahit sa pamilya mo lang ang tungkol sa bata?"

"Ninang..." Saway ko sa kanya.

"Balak ko naman sabihin sa kanila pati na din kay Hazel. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob." 

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napayuko siya. Para naman akong hinatak pabalik sa realidad. Kahit anong ilusyon ang isipin ko hindi mababago ang katotohanan na may ibang babae siyang mahal at pakakasalan. Pareho kaming natahimik.

"Are you done, ma'am?" Lumapit ang isang babae sa akin.

"Ay hindi po ako si Don! Ako po si Saskia." Sagot ko.

"Ate, tinatanong niya kung tapos ka na daw." Sabi ni Cosme sa akin.

"Ah oo, tapos na ako." Napahiya naman ako ng konti doon. Banayad na ngumiti ang babae at kinuha ang plato na nasa harap ko. Malay ko bang waitress yan! Kala ko napadaan lang at nagtatanong. 

"Would you like to have dessert?" Tanong ng babae matapos nilang ligpitin ang mga pinagkainan namin.

"No thank you. We're fed up already." Sagot ko, pangbawi man lang sa pagkapahiya ko. 

Narinig ko na lang ang malakas na buntong-hininga ni Cosme at inipit ng waitress ang mga labi niya na para bang nagpipigil ng tawa.  Edi kayo! Kayo na ang magaling mag-english!

"We're okay. Can we just have the bill, please?" Sabi ni Migs. Tumango ang waitress at umalis na. Ibinaling niya ang atensyon niya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang tiyan ko. "Nabusog din ba si baby?"

"Busog na busog." Nakangiting sabi ko at bumaba ang kamay ko sa ibabaw ng sa kanya.

"By the way, I've already scheduled an appointment with your new OB. Siya na ang magiging regular na OB mo." Sabi niya sa akin. "Do you still take your vitamins?"

"Miggy?" Biglang nag-angat ang tingin ko sa tumawag sa pangalan niya. Namilog ang mga mata ko ng magtama ang mga mata namin. Nakatayo sa harap ng mesa namin ang babaeng nakasabay ko sa elevator noong pinuntahan ko si Migs para sabihin sa kanyang buntis ako. Sa tabi niya ay ang isang matangkad na lalaki na kamukha ni Migs.

Lumingon si Migs at parang namutla ito ng makita sila. "Ma? Dad?"

"What are you doing here? Sino sila?" Tanong ng lalaki habang nakatingin sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 215K 53
[ARDENT SERIES #1] This a dangerous kind of love. A love that is like a fire that can't be ceased and kept on spreading around your heart until you...
100K 3K 7
This is where I belong, in the sidelines, as the bridesmaid.
6.1M 178K 49
Italian secret agent Vexen Bellucci ran away from her fiancé, adamantly refusing to marry him. She did not expect that escaping to the Philippines wi...
33.9M 671K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2