The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

Write The Saddest Lines

967K 13.4K 2.8K
By shirlengtearjerky

Twenty Four

by T. V.

Noong unang panahon, may isang manunulat ang mahilig gumawa ng mga salita. Araw-araw niyang kinakausap ang mga letra mula sa iba't ibang lenggwahe. Inaalam niya ang mga kwento sa likod ng mga letra: mga pasakit, saya, pangarap at kahilingan. Sa mga kwentong ito niya nakukuha ang mga salitang binubuo niya. Binabagay niya ang mga kwento sa bawat letra, hinahabol ang mga emosyon para maka makabuo ng isang makabuluhang salita.

---

May isa siyang paboritong letra.

Si A.

Kakaiba si A sa lahat ng letrang ginagamit niya. Wala nang ibang alam ang manunulat tungkol kay A. Kahit anong salita, sabi nito sa kanya noong unang beses silang magtagpo, babagay ako. Kaya kong maging masaya, malungkot, nakakatakot, nakakakilig.. lahat kakayanin ko. Madali lang sa'kin yan.

Totoo nga. Madaling nakibagay si A sa ibang letra. Sinubukan niyang isama ang paboritong letra sa iba't ibang salita. Nagulat siya na totoo ang ipinangako sa kanya.

Sa unang tingin ay aakalain mong mayabang si A, dala ng tangkad nito. Maraming letra ang naiilang sa kanya noong una, o natatakot na baka masapawan ang kwento nila at si A na lang ang magdala ng kahulugan ng salita.

Pero hindi ganoon ang ang nangyayari. Laging kinakausap at sinasamahan ni A ang ibang letra, sinisiguradong walang lamangan o ilangan sa kanila. Dahil dun, naging maayos ang samahan nila at nakabuo sila ng mga magagandang salita.

Di kalaunan ay nagkaroon ng mga matatalik na kaibigan si A: sina E, I, O at U. Wala namang pagkakasunud-sunod ng mga letra pero madalas silang magsamang lima.

---

Isang araw, may isang letra ang nakatawag ng atensyon ng manunulat.

Si Z.

Kailanman ay hindi niya nagamit si Z sa anumang salita. Mahiyain kasi ito, laging nagtatago sa pinakasulok. Ni hindi niya alam kung saan ito nanggaling, o ang mga salitang kasama niya.

Nalungkot siya para kay Z. Naniniwala siya na may magandang kwento ito na dapat ipahayag sa buong mundo.

---

Isang gabi ay naabutan ni A na namomroblema ang manunulat. Ilang araw na rin kasi itong hindi nakakagawa ng bagong salita. Nag-aalala na ang mga lupon ng letra, baka raw may sakit na ang kanilang pinakamamahal na manunulat.

Sinabi ng manunulat sa kanyang paborito ang problema niya. May isang salita siyang hindi mabuo.

May kulang na kwento, mahina niyang sabi. Gusto ko na sanang tigilan pero kailangan koi tong tapusin.

Hindi kayang tiisin ni A na malungkot ang manunulat.

Sige po, ako na ang bahalang maghanap ng iba pang letra. Ilan na lamang ba ang kulang niyo?

Isa na lang, A. Kaya mo ba akong hanapan ng iba pang letra?

Walang reklamong naghanap si A ng panibagong letra. Inisa-isa niya ang mga kakilala niya, tiningnan kung sasakto ang mga kwento nito sa salitang binubuo ng manunulat. Sa kasamaang palad, wala sa mga kakilala niya ang sakto para sa salitang 'yon. May ilang letra siyang gustong ipilit ngunit alam niyang hindi rin ito katanggap-tanggap. Natatakot siyang bumalik sa manunulat na bigo.

Pabalik na siya sa kanila nang may nakatawag sa kanyang atensyon.

Teka, sandali lang! sigaw niya. Gulat at kaba ang naramdaman niya nang lumingon sa kanya ito.

Ngayon lang niya nakita ang letrang 'yon. Hindi niya maipaliwanag pero nahihiwagaan siya rito. Maingat niyang nilapitan ang letra. Ayaw niyang matakot ito sa kanya at umalis bigla.

Bakit? Walang takot na tanong sa kanya ng letra. Mas namangha siya, matapang pala ito.

Anong pangalan mo?

Lumayo nang kaunti ang letra kay A. Alam ko ang pakay mo. Sa tingin ko.. ako ang hinahanap mo.

Napangiti siya sa pinakitang katapangan nito. Hindi siya katulad ng iba na nayayabangan agad sa kanya. Talaga? Paano ka naman nakakasigurado?

Kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit ginawa ng manunulat ang salitang 'yan.

Sino ka ba?

Nginitian siya nito.

Ako si Z.

---

Tama nga si Z, para sa kanya nga ang salitang ginagawa ng manunulat. Ito ang pinakamagandang salita na ginawa ng manunulat sa lahat. Magkahalong saya, lungkot at sakit ang dulot nito sa mga mambabasa. Dinala ng kwento ni Z ang salita. Saktong-sakto ito sa kanya.

May ilang letra ang nagalit kay Z, kesyo bakit daw siya ang pinili ng manunulat para sa pinakamagandang salita sa mundo. Parang kailan lang ay hindi siya kilala ng tao, tapos ngayon siya na ang paborito. Pinabayaan na lang ni Z ang mga masasamang sinasabi ng iba at nagpatuloy sa kanyang buhay. Wala rin naman siyang mapapala kung papatulan niya ang mga ito.

Si A lang ang tuwang-tuwa kay Z. Araw-araw niyang binibisita ito sa lugar nito para mangamusta o mangulit. Gusto man niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa. May kung anong bagay na kakaiba kay Z na wala sa ibang letra. Simpleng pag-uusap lang nila ay tuwang-tuwa na siya. Hindi nga nakukumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakakausap si Z.

Maging ang manunulat ay masaya sa namuong pagkakaibigan nina A at Z. Ginamit niya ang dalawa sa iba't ibang salita, at gaya ng sabi ng karamihan, bagay silang dalawa.

---                                                                                                                                  

Di kalaunan ay nagselos ang mga kaibigang letra ni A kay Z. Sinubukan ni A na kausapin ang mga kaibigan ngunit nagkibit-balikat lamang sila. Masyado ka nang naaaliw sa kanya, A, nambibintang na sabi ni E, Kinalimutan mo na kaming mga kaibigan mo. Akala naming hindi ka ganyan.

Pinagtanggol ni A ang pagkakaibigan nila ni Z. Hindi naman namin kasalanan na bumabagay sa'ming dalawa ang mga salitang ginagawa ng manunulat!

Bahala ka na, A. Kung diyan ka masaya.. wala na kaming magagawa. Pero sana.. hindi mo kami kalimutan.

---

Hindi niya kayang magsinungaling kay Z. Kahit alam niyang masasaktan ito, sinabi pa rin niya ang totoo.

Kalmadong tinanggap ni Z ang sinabi ni A. Mali ba 'tong ginagawa natin? Inosente niyang tanong. Ayokong may masaktan. Gusto ko lang namang maging parte ng mga salita. Gusto ko.. kasama ka.

Ako rin naman. Kaso..

Mas importante sila kaysa sa'kin. Walang halong pagtatampo sa boses ni Z. Sinasabi lang niya ang totoo.

Wag mong sabihin yan. Importante ka rin naman sa'kin.

Ngayon lang nakaramdam ng ganitong sakit si Z. Dati, noong siya lang mag-isa, wala siyang nararamdamang ganito. Kuntento lang siya na nagmamasid sa ibang letra. Madalas niyang marinig si A, at minsang pumasok sa isip niya paano kaya kung makausap ko siya?

Imposible, Z. Magkaiba kayong dalawa. Kahit ano pang gawin mo, hindi ka niya mapapansin. Magkaiba kayong dalawa.

Pero iba pala pag naranasan mo na ang bagay na dati'y pinapangarap mo lang.

Ayaw na niyang pakawalan si A. Pero kailangan.

---

Ilang araw matapos ang away sa pagitan nina A at mga kaibigan nila, may nangyaring hindi inaasahan.

Sa kalagitnaan ng paggawa niya ng isa sa pinakamagandang salita, tahimik na pumanaw ang manunulat.

Punung-puno ng kalungkutan ang bawat pahina, tinta at letra noong araw na 'yon. Lahat ng letra ay nakiramay sa pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na manunulat. Malungkot man ang paligid, walang sumubok na umiyak sa kanilang lahat. Ayaw kasi ng manunulat na malungkot ang mga mahal niyang letra.

Sina A at Z ang namahala sa burol at libing ng manunulat. Gustuhin man nila na mag-usap, maraming mga nakamatyag sa kanilang dalawa. Gusto nilang yakapin ang mga salitang iniwan sa kanila ng manunulat, sariwain ang mga kwento sa likod nito. Gusto nilang maramdaman na buhay ang mga alaala ng mga salita.

Ngunit hanggang gusto na lamang sila.

Alam nila na hindi ito dapat.

---

Kumalat ang usap-usapan sa mga letra. May pinili na bagong manunulat ang mga tao. Mas mahigpit daw ito, mas mapili kumpara sa mahal nilang manunulat. Ayon sa tsismis, magtatanggal daw ng mga letra. Masyado raw kasing marami ang mga ito, sabi ng mga tao, hindi naman nagagamit lahat.

Unang naisip ni A ay si Z. Siya ang pinakamadalang na ginagamit sa kanilang lahat. Baka mawala ka, bulong niya dito habang nasa pagpupulong sila kasama ang ibang mga letra. Hindi ka pwedeng mawala sa'min.

Tanggap na ni Z ang magiging kapalaran niya. Minsan nang nabanggit ng dating manunulat na baka magkaroon ng malaking pagbabago sa kanila kapag namatay siya, at maaaring si Z ang isa sa matanggal. Dapat ay sasabihin niya kay A 'yon kaso mas pinili niyang tumahimik. Hindi makakatulong sa sitwasyon nila ang dagdag na problema.

Ayos lang ako, A. Tanggap ko na. Hindi naman talaga ako ginagamit sa mga salita eh. Ikaw ang mas kailangan. Wag mo na akong problemahin pa.

Z..

May mga bagay na dapat hindi patagalin, A. Dapat alam mo yan. Lahat may hangganan. Malay mo.. kung.. ako man ang mawawala.. baka magkasama pa rin tayo sa ibang salita. Sabi nga ng manunulat.. bagay tayo, di ba? Ang mga bagay na bagay sa isa't isa.. kahit anong mangyayari.. dadating sa puntong magkakasama tayong muli. Magtiwala ka lang, A. Malakas ang mga salita. Pagsasamahin ulit nila tayo. Hindi man ngayon, o bukas. Maniwala ka lang. Dadating din ang panahon natin.

---


Nagkatotoo nga ang mga haka-haka, mas mahigpit ang bagong manunulat.

Katulad ng mga taong pumili sa kanya, wala siyang pagmamahal sa mga letra. Kung ano lang ang maisipan niyang letra para sa isang salita, yun ang gagamitin niya. Hindi niya tinitingnan ang mga kwento ng letra.

Wala siya siyang awa.

Unti-unting namatay ang ilang letra dahil sa kapabayaan ng bagong manunulat. May iilan na ang umalis at hindi na kailanman pang bumalik. Para sa kanila, wala nang saysay ang pagbuo ng mga salita kung walang pagmamahal ang manunulat.

---

Dalawampu't anim na lang silang natira sa dulo.

Ang mga tao na ang nagdesisyon na gumawa ng pagkakasunud-sunod ng mga letra.

Pinakauna si A. Nasa dulo si Z.

--

Lumipas ang maraming taon, nasanay sina A at Z na magkalayo sa isa't isa.

Dalawampu't apat na letra sa pagitan nila. 

At kailanman, hindi na sila magtatagpong muli.

----

Ang bawat pagtatapos ay may kaakibat na bagong simula.

Natapos man ang kanilang kwento, may bagong magsisimula.

Maaaring sila pa rin ang bida, maaaring hindi sila pero parehas ng katapusan.

Maaaring masaya, masakit o malungkot.

O maaari ring wala nang kwento.

Nasa kamay ng manunulat ang tadhana ng mga salita.

Sa kanya ka manawagan.

*****

A/N: Okay, FYI: ang most used letter sa English alphabet ay ang letter Eat least used naman ang letter Z. For this story, ginawa kong letter A kasi for me, yun ang popular letter (and of course, for the story's purpose HAHAHAHA)

 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
129K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
24.9K 1.5K 10
His Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her home...
3.7M 55.6K 61
PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75php. Please do grab a copy guys! Thank y...