Lost and Found

Par peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. Plus

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 6

9.5K 474 321
Par peachxvision

Sobrang init at nakakatamad. Dadadalawa lang kasi electric fan sa classroom. Tipong pinipilit kong makinig sa teacher pero ang lumalabas lang sa bibig niya ay "ajubarbarkulikaguhr."

"Ajubarbarkulikaguhr..."

"Hui!" bigla akong tinapik ni Allen, yung katabi ko. Babae yon by the way. "Anong ajubawhat?! Alien ka na ba?"

"Ha?"

"May sinasabi ka. Para kang alien."

"Sobrang init, alien na rin lumalabas sa bibig ko. Wala na akong naiintindihan. Ano yung latest na sinabi ni ma'am?"

"Di ko rin alam eh."

"Tamo. Pahiram na lang ng pamaypay."

Nakakatawa na nasabi ko pa pala yon. Sobrang init, kung ano-ano na lang nasasabi ko.

Paghiram ko ng pamaypay, bigla kong nakita yung pawis sa may leeg niya. Bigla akong napangiti nung kinuha ko yung panyo ko, tapos naisip ko, gusto ko punasan. HAHA kadiri yung mga pinagiisip ko.

Tapos maya-maya, pinunasan niya yung pawis sa may leeg niya gamit yung panyo niya.

Ang masaya doon, nahulog panyo niya.

HAHAHA jusko Tasha, hulos dili.

Lumingon siya pagkapulot ko tas binigay ko sa kanya.

"Tingnan mo."

"Ha?"

"Buksan mo."

"Ha?!"

"Yes, Mr. Agustino?" biglang huli ni ma'am sa kanya na nagsasalita. Nakakatawa kasi siya napagalitan kasi nakalingon sa likod. Haha!

"None, ma'am."

Hindi niya kinuha yung panyo. Eh di anong gagawin ko dito? Binato ko sa kanya sa may upuan. Narinig ko pa siyang nag 'ay.' Tapos noong nakatalikod si ma'am, binato niya sa kin sabay bulong, "basahin mo!"

Basahin ang alin?!

Humarap siya agad.

"Oi, harot niyo," sabi ni Allen. Natawa na lang ako kasi medyo totoo, pero di dapat ipahalata na medyo totoo kasi kahit ako, di ko naman alam score namin.

"Hala to. Di naman kami."

"Mas marami na kayang maharot na hindi naman sila ngayon."

"Malisyosa mo."

"Woo. Ewan ko sa inyo."

Pagbukas ko ng panyo, may nakatiklop na maliit na papel. Siyempre, excited akong makita.

Magdodota kami mamaya. Sama ka? :D

Wow. How romantic.

Kinuha ko yung ballpen ko at nagreply.

Di ako marunong. Tuturuan ko muna sarili ko.

Kunwari nalaglag yung pen ko tapos binigay ko sa kanya yung panyo niya kasama nung nakatiklop na maliit na papel. Wala pang isang minuto, bumalik ulit sa kin. Though, hindi na yung panyo. Yung maliit na papel na lang.

Sige turuan kita mamaya.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya na tuturuan daw niya ako mag DOTA. Hindi pala talaga pwedeng ako over DOTA. DOTA at ako talaga, with emphasis doon sa 'at.' Kailangan kasama ko.

Sabagay, mas okay na 'yon kesa wala.

Pagdating ng dismissal, nagkayayaan na. Ako, si Theo, Baste, Sean, at Paolo. Nauna ako sa labas, tapos sumunod silang apat. Nagdedecide sila kung saan sila maglalaro, eh baka makabangga daw nila yung isang tropa na puro trashtalk.

Mamaya, may dumaan yung teacher, si Sir Aguirre, sabay sabi, "O, F4 at Shan Chai, saan kayo pupunta?"

"Sir!" Sabay kaway naman nitong si Theo. "Mag-aaral po."

"Mag-aaral? Nako Dao Ming Si. Sana nga mag-aaral kayo."

Bigla akong napangiti. Si Dao Ming Si daw si Theo, at ako si Shan Chai. Haha. Nako, ang babaw ko na nga ata talaga. Pati mga simpleng ganon pinapatulan ko.

"Sir, yes, sir! Lagot po ko kay Shan Chai pag hindi eh."

"Bakit, kayo na ba ni Ms. Kaluag?"

"Sir!" Nako kung kaibigan ko lang tong si Sir Aguirre malamang nahampas ko na rin siya.

"Hindi pa sir, hindi pa naman ako nanliligaw."

Nanlaki yung mga mata ko. Tukso naman abot nitong si Theo doon sa tatlong itlog. Si Sir, tumingin na lang sa 'kin.

"Sir nako," at ako naman si Ms. Denial. "Wag kayong maniwala dyan. Friends lang po kami. Alaskador kasi tong si Theo eh!"

Sabay sabay na nag "aray" yung tatlo sa harap ni Theo.

"O, Dao Ming Si, basted ka ni Shan Chai."

"Oo nga sir, sakit nga po eh."

Sinabi niya yon na nakangiti. Alam kong nagjojoke lang tong kumag na 'to.

"Nako pag-ibig, pag-ibig. Ang babata niyo pa. Mag-aral muna kayo."

"Sir, yes, sir!"

Pag-alis ni sir, di pa rin tumitigil yung panunukso nung tatlo.

"Boss, may alam akong gayuma. Bigay ko sa'yo recipe mamaya."

"Gago. Lakas ng mga 'to o!"

Nagtawanan lang kaming lima. How I wish na totoo yung sinabi niyang manliligaw siya pero alam ko namang echos lang niya yon.

Pag pila sa may pila ng tricycle, itong tatlong itlong nag-unahan sa may loob. Nagulat kaming dalawa ni Theo, so wala kaming choice kundi sumakay pareho sa likod ni manong.

Medyo awkward pero kakayanin.

"Oy," just to break the silence, ako na nag-umpisa magsalita. "Ano ba?"

"Ha? Anong ano ba?"

"Wag mo nga saktan feelings ko."

ANG LUPIT KO AT ANG KAPAL NG MUKHA KO please patayuan niyo ko ng statwa after this.

Bigla siyang natawa.

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Nakakatawa ka kasi."

"Labo mo ano. Ako ba talaga unang aamin?"

Ay shete yan nadulas pa ako.

"Anong aaminin mo?"

Deep inside, hinihiling ko na magets niya, pero wala eh. Bat kasi kapag may gusto kang tao, slow motion lahat ng bagay? Pati tuloy daloy ng brain cells niya slow motion din.

"Anong aamin? May sinabi ba akong aamin?"

"Meron."

"Sabi ko unang a-amen. As in amen. Magdadasal."

"Ha? Bat ka magdadasal?"

Na sana joke lang na nagmamanhid-manhidan ka at nagbibingi-bingihan pa at nagbobobo-bobohan ka na di mo ako gets.

"Mag a-amen na sana wag kang paassume. Di ba napagusapan na natin 'to?"

"Eh ikaw naman 'yan eh. Alam ko namang gets mo."

Mahabaging lupa, bakit niyo ho ako hinayaang umibig sa tulad niyang slow?

"Pero bad nga 'yon di ba? Eh paano kung sa ibang girlaloo na madaling ma-fall mo 'yon ginawa? Eh di nakasakit ka na ng feelings?"

"Eh hindi ka naman ibang babae. T'saka..."

Naghintay ako pero ang tagal ng kasunod.

"Oy, t'saka ano?"

"T'saka kung liligawan kita, gusto ko yung okay lang sa magulang mo na magkaboyfriend ka na."

Hinampas ko siya sa braso.

"Para saan nanaman yang hampas na yan?!"

"Para sa feelings ko!"

"Ha?!"

Natatawa na lang kaming dalawa. Lechugas na walang gusto mag first move. Nag move on kami sa topic dahil bumaba na rin kami sa may comshop.

Medyo puno. Pero ang nakakakilig, kahit may dalawang seats na magkahiwalay pero available, nag insist si Theo na magkatabi kami magkaupo. After mga ten minutes, nagkaroon na ng seat para makaupo kaming lima. Kami ni Theo, magkatabi.

"Pili ka ng hero," sabi niya, as if naman malalaman ko kaagad kung sinong hero yung dapat kong kunin.

"Alin dito? Sino dito pinakamalakas?"

"Lahat sila malakas depende kung paano mo gamitin."

Leche may ganto ganto pa. Kung di ko lang gusto tong taong to—

"Ito na lang," nilock ko na yung character ko. "Crystal Maiden."

"Ui, okay yan. Support ka."

Support ako? Parang sa relationship status natin. Support na nga lang ata talaga ako.

"Ano ba 'to? Paano ko malalaman paano laruin?"

Bigla niyang hinawakan yung mouse, eh yung kamay ko nasa mouse pa so tinanggal ko. Nagkaroon ako ng chicken skin kasi nagkahawak yung pinky namin.

"Ito yung shortcuts. Basahin mo muna yung powers. Pause ko muna?"

"Sige."

At doon nalaman ko na yung skills pala nung pinili kong hero ay freeze. Natawa na lang ako bigla. Dapat sa kanya 'to eh. Ang cold niya kasi.

Nag-umpisa na kami maglaro. Natural, ako yung unang namatay, siya naman yung unang patay. Naka headphones kami pareho at nagwawala ako kapag namamatay ako.

Noong medyo late game na, may iba akong kasama sa lane tapos biglang may surprise attack ng kalaban at namatay ako. Siyempre, naghintay ako magrevive. Pag revive ko bigla siyang nagtype:

Tinorta: Punta ka dito sa akin.

By the way, Tinorta at Minantika yung mga pangalan namin. Sineen, Pinalo, Binasted naman kina Sean, Paolo at Baste respectively.

Pumunta naman ako sa may lane niya. Noong andon na ako nagtype siya ulit.

Tinorta: Pag may kalaban, i-freeze mo gamit second skill. Tapos ako bahala.

Minantika: Okay. Tapos?

Tinorta: Basta dito ka lang malapit sa akin.

Tinorta: Kahit in real life.

Binasted: Oy, baka nakakalimutan niyong nababasa din namin chat niyo?

Di ko alam kung ano mararamdaman—kung kilig o saya o takot na baka bumigay ako tapos sa DOTA pa.

Minantika: Nasa tabi mo lang naman.

Minantika: As in literal.

Tinorta: Pwedeng bukas din?

Sineen: HAHA TOL SEEN ZONE KA NG DALAWA!

Binasted: Oo nga eh.

Tinorta: At bukas na bukas.

Minantika: Wag ka nga.

Minantika: Feelings ko ah.

Pinalo: Tinuloy pa rin oh. Wala na, multo na lang tayo dito.

Binasted: Awooooo!

Tinorta: Walang torta kung walang mantika.

Sineen: BOOM!

Minantika: Eh ang mantika? Can live on its own.

Binasted: Yon ang BOOM na BOOM!

Tinorta: Eh para saan ang mantika kung di gagamitin?

Minantika: So gagamitin mo lang ako?

Pinalo: HAHAHA

Tinorta: Ibang usapan ka.

Tinorta: Paano tayo napunta dito? HAHA.

Pinalo: HAHA.

Binasted: HAHA.

Sineen: HAHA.

Minantika: HAHA.

And our landian ended with "HAHA." Just like that.

Nanalo kami, no thanks to me na mas marami pa yung beses na namatay ako. Medyo may natitira pang oras so nag Facebook na lang kaming dalawa. Gulat ako may lumabas na post niya na picture ko na nag cocomputer na may caption:

"Busy sa DOTA. Hindi napansin na pinicture-an ko na siya. Ganda niya no?"

Nagcomment yung mga kaklase namin. Ang tanong lang naman, halos iisa: "Kayo ba?"

Ang reply niya, "Hihi."

Hihi-zoned na lang ako lagi.

Nagcomment ako, "Hihi short cut for hinding hindi."

"Oy," bigla akong nagulat sa kalabit niya. "Ano tong hinding hindi?"

"Hinding hindi na tayo."

"Sabi ko nga."

"Bakit, ano ba tayo?"

"Aray, feelings ko!"

"Nako wag ka nga magkunwaring nasasaktan dyan. Pa-fall ka kasi." Habang patayo, dinugtong ko, "Buti na lang, iba ako."

Lumabas kaming lima. Kumain lang at nanukso yung tatlo sa amin. Sabi naman nilang tatlo, okay naman daw, onting practice pa.

"Ano," sabi ni Baste, "Hatid mo pa?"

"Siyempre."

"Ingat kayo ah," tapos pinalo ni Paolo si Theo sa braso. "Una na kami."

Humiwalay na kami ni Theo. Nagkwentuhan tungkol sa game habang naglalakad. Hinatid niya ako hanggang sa dulo ng street namin. Eh baka kasi kung ano isipin ng mga kapit bahay kapag biglang nakita sa may tapat ng bahay, di ba?

"Penge akong pang install ng DOTA."

"O sige. Bukas."

"Game a, tapos pag-aaralan ko."

"Yes, boss!"

"O sige na, bye. Ingat ka at wag ka na gumala pagkatapos."

Tatalikod na sana ako nang bigla siyang may binulong.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala."

"Ano nga yon? May narinig ako eh."

"Wala nga."

"Alam mo, ang flirt mo talaga. Ibahin mo ko, okay?"

"Yon nga yung sabi ko."

"Alin?"

"Sana..."

Sabay halik sa kamay ko.

"Parehas ka na lang nila."

Nanlaki yung mata ko. Bumilis yung tubok ng puso ko. Sasabog na ata ako—

"O, wag kang madapa. Sabi mo, iba ka eh."

Hinampas ko siya ng bag with matching "Loko ka! Umuwi ka na you paasa ng feelings!" At tumawa at nag babay ulit.

Pagdating ng bahay, halos kagatin ko yung kama ko. Nag online ako agad at naghintay para mag online din siya. Nag-usap lang kami tungkol sa paulit-ulit na topic na alam ko pinagusapan na rin namin noon.

Di na ako nakapaghintay. Ako na mismo naghanap ng paraan para ma-install ang DOTA sa computer ko.

Dream Of Theo Agustino—pwede ding—Dream Of Tasha Agustino since dream ang maging kaapelyido niya.

Naisip ko tuloy, ano ba?

Sobrang kumportable na namin ba sa isa't isa na yung totoo, akala ng isa, joke lang?

Na kapag sinabi kong "gusto kita" nag sasagutin din niya sa 'kin, "gusto din kita" tapos pareho na lang namin pagtatawanan ang isa't isa kasi akala namin joke lang?

Minsan talaga, pag nagkakagusto ka sa isang tao, natatagpuan mo nga yung kilig at saya, pero nawawala ka naman sa sarili mo.

Tulad ngayon.

Tulag ng nangyayari sa 'kin ngayon.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

9.3K 1.3K 188
Aeri Miyawaki loves to have her daily morning walk. During her walk, a car stopped and asked for directions. Aeri was left speechless when the person...
1.2M 36.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
6.6M 219K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
He Stays, Always. Par Tiana Vianne

Roman pour Adolescents

347K 492 1
NM keeps on chasing someone who always ends up running away from her. But a heart knows how to get tired, too. And once the heart gets tired, it migh...