My Playboy Boss

By paujhoe

8.6M 141K 2.3K

Sexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified pla... More

Prologue ***
One***
Two***
Three***
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty (Final)
Epilogue
Married Life of Mr. Playboy

Twenty

149K 2.5K 49
By paujhoe

Twenty

Issay's POV

Sa ilang oras na tinagal niya sa party na iyon ganoon din katagal siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

Alam niyang ang presensya niMalik ang dahilan ng lahat.

Na ultimo sa pag-uwi nalang niya hindi pa din siya nakatakas sa binata.

Konting tiis Issay. Malapit na kayo sa hotel.

Dapat kasama niya ang mga kaibigan niya na uuwi, pero hindi pumayag ang mga kaibigan ni Malik na isama niya ang mga ito.

Kaya naman pala sila hiwa-hiwalay ng sinakyan ay dahil kila Jake at Marco. Hanggang ngayon pa pala ay may gusto pa din ang mga binatang ito sa mga kaibigan niya.

Kitang kita nga niya na hindi maipinta ang mukha ng mga kaibigan niya na kasama ng mga ito ang mga binata.

Kaya ng paalis na sila sa venue hinatak ang mga ito ng mga kaibigan ni Malik. at hindi na niya alam kung saan ang mga ito ngayon. Kaya naman naiwan siya kasama si Malik.

Kung kanina may kasama silang driver at sa limousine sila nakasakay. Ngayon naman sa isang sports car sila nakasakay at si Malik na ang nagda-drive.

Tahimik lang silang dalawa sa biyahe.

Ayaw naman din kasi niyang siya ang unang magsalita sa kanilang dalawa. Kahit pa marami siyang gustong itanong at sabihin sa binata. Mas pinili nalang niyang manahimik nalang, at hintayin na makarating sila sa hotel.

Hanggang sa magsalita na si Malik, hindi na marahil nakayanan ang kinikimkim na mga tanong sa sarili nito.

"You have kids huh"sarcastic na turan ni Malik.

"Yes"sagot naman niya dito.

Nahihimigan niyang galit ito.

"Why Issay?...bakit?"madiing tanong nito.

She saw how Malik's jaw tighten. Ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang binata. Noong nagsasama pa sila nito palagi lang itong malambing at masayahin. Tampo lang ang nakita niya dito kapag nag-aaway silang dalawa.

Kahit kailan hindi niya nakitang nagalit ito.

"Anong bakit?"balik tanong naman niya.

Napatili siya ng basta nalang inihinto nito ang sasakyan. Buti nalang wala ng masyadong sasakya sa lugar kung saan sila dumaan.

"Bakit Issay. Bakit hindi mo man lang hinayaan na magpaliwanag ako noon. Bakit pinagpalit mo na ako agad?"galit itong humarap sa kanya at madiing hinawakan nito ang mga balikat niya para mapaharap siya dito.

"Malik, nasasaktan ako"awat naman niya dito.

Hindi naman siya natatakot kay Malik. Pero hindi niya gusto ang paraan ng paghawak nito sa kanya.

Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng binata pero sadyang malakas ito. nagulat nalang siya ng hapitin niya nito palapit at hawakan ang kanyang ulo at sapilitang halikan.

Nanglalaki ang mata siya ng maramdaman ang labi nito sa kanyang labi.

Mapusok at may halong pagnanasa ang paraan ng paghalik sa kanya ni Malik. Nanlalaban siya ng una pero dahil mas malakas ito wala naman siyang magawa kundi ang magpaubaya nalang sa lalaki.

Sa loob ng anim na taon ngayon na lang siya ulit nahalikan ng ganito. Madalas kasi ang mga anak lang niya ang nahahalikan niya.

Kaya nadadala na siya sa sensasyong binibigay sa kanya ni Malik. Malayan nalang niyang tinitugon na pala niya ang halik ni Malik. Kung noong una ay mapusok at mapagparusa ang paraan ng paghalik nito, ng tugunin niya naging masuyo na ito at may pagmamahal.

Gaya ng paghalik sa kanya noong ni Malik. punong puno ng pagmamahal at pag-iingat. Na para bang isa siyang mamahaling Kristal na madaling mababasag kung hindi pag-iingatan.

Naramdaman niyang nagsimula na ding maglakbay ang mga kamay ni Malik sa kanyang katawan. Na tinugon naman niya ng mahihinang ungol sa pagitan ng kanilang halikan.

Kapwa nila hinahabol ang kanilang hininga ng pakawalan ni Malik ang kanyang mga labi. Pinagdikit nito ang kanilang noon g matapos ang kanilang halik.

"Issay"masuyong tawag nito sa kanyang pangalan.

Masuyo din nitong hinahaplos ang kanyang pisngi at ang kanyang buhok.

Bumalik lang sila sa katinuan nila ng may busina silang narinig mula sa likuran nila. Agad na umayos si Malik at nagsimulang magdrive.

Gulong gulo siya sa nangyari.

Bakit pumayag kang halikan ka Issay. Pagalit niya sa sarili niya.

Ibinaling niya ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Hindi niya kayang tingnan ang binata sa kanyang tabi. Pakiramdam niya pulang pula ang kanyang pisngi, sa kahihiyan niya.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at marahang pinisil ito.

Ngunit hindi niya magawang tingnan ang binata. Hindi naman na di siya kinausap ng binata hanggang sa makarating sila sa hotel ay wala ng nagtangkang magsalita sa kanilang dlawa.

"Issay"tawag nito sa kanya ng huminto na sila sa entrance ng hotel.

"Please Malik, I don't want to talk right now. Gusto ko lang magpahinga. Isa pa hinahanap na ako ng mga anak ko"hindi siya makatingin sa binata habang sinasabi ang mga iyon.

Narinig niya ang buntong hininga nito.

"Fine, I will let you rest. But Issay please stop running away with me. I will wait until you are ready. Pag-usapan natin ang nangyari noon sa atin. I still love you"paki-usap nito sa kanya.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na yelo sa huling sinabi sa kanya ni Malik.

He still love her. Panoong nangyari yon.

Nilingon niya ito para makita kung gaano kasinsero ito sa sinabi nito.

"I love you Issay, walang nagbago sa nararamdaman ko mula pa noon hanggang ngayon"madamdamin na pahayag sa kanya ng binata.

Nangilid ang mga luha niya sa kanyang narinig. Kitang kita kung gaano kaseryoso si Malik sa mga binitawang salita. Pero natatakot naman siyang maniwala agad sa mga sinasabi nito.

Naalala pa niya ang itsura ng babaeng nagbukas ng pinto ni Malik noong pinuntahan niya ito sa condo nito.

Kaya naman bumalik ang inis at galit niya para dito.

Playboy pa din siya Issay, kaya wag kang papalinlang sa kanya ulit. Kausap niya sa sarili niya.

"I don't know what to say Malik. I have to go"aniya at lumabas na siya ng tuluyan sa sasakyan nito.

Lakad takbo ang ginawa niya para lang makalayo siya agad kay Malik.

Nang makasakay na siya sa elevator nakita niya itong lumabas pa din ng sasakyan at siundan siya ngunit hindi na siya nito nahabol pa.

"Please Mali, umalis ka na. wag mo na akong sundan pa"pakiusap niya dito na pakiramdam niya ay maririnig siya nito.

Dali dali siyang naglakad papunta sa unit nila, isang door bell lang niya ay pinagbuksan na agad siya ng pinto ni Ana.

"Ate buti dumating ka na. Sila King at Duke kasi kanina ka pa hinahanap"bungan sa kanya ni Ana.

"Nasaan sila?"hanap naman niya sa mga bata.

"Sa kwarto mo"turo naman nito.

Kaya naman agad siyang pumasok sa kwaro niya. Nakita niya ang nanay niyang pinapatulog ang kanyang mga anak na dilat na dilat pa hanggang ngayon.

"Mommy!!!!"sabay na tawag sa kanya ng mga anak niya.

Tumayo pa ang mga ito at nagtatatalon sa kama na tinatawag siyang lumapit sa mga ito.

"Ako na po bahala dito nay"turan niya sa ina.

Alam niyang pagud na ito dahil sa sobrang kakulotan ng mga anak niya.

"Sige anak, boys you sleep, your mommy is tired"baling naman ng kanyang ina sa kambal.

Humahagikgik naman ang mga ito na tumango sa lola nila. Nang makaalis na ang kanyang ina nagsimula na siyang magtanggal ng mga accessories niya.

"Mommy hows the party?"tanong sa kanya ni Duke.

Linapitan na siya ng mga anak niya. Si King at inaalis ang kanyang sapatos at si Duke naman ay kumuha ng slipper niya. Ganito palagi ang mga anak niya sa tuwing galing siya sa trabaho. Sobrang maalaga ang mga ito at malambing. Kaya naman kahit pagu siya sa trabaho nawawala ang pagud niya kapag nilapitan na siya ng mga anak.

"Its okay. But super boring. B'coz I don't have my boyfriends there"nakapout na sagot niya sa mga anak niya.

"I told you mon to bring us there"sermon naman sa kanya ni King.

Tumatawa naman siyang ginulo ang buhok ng kanyang panganak. Napakabossy ng anak niyang ito. Sobrang possessive din nito sa kanya, manang mana kay Malik.

Naramdaman niya ang maliliit na kamay ng anak niyang sa likod niya at nag-tatalo pa kung sino ang magbababa ng zipper ng dress niya.

"Duke, let me do it. You did that last time"reklamo ng panganay niya.

"But I want to do now"palag naman nito.

Natatawa nalang siya sa mga anak niya, nawawala talaga lahat ng pagud niya ng dahil sa mga anak niya. makita lang niya ang mga ito sumasaya na din siya.

Sana ang nararamdaman niyang tuwa sa tuwing kasama niya ang mga anak niya katulad din ng kay Malik kapag nakilala na nito ang mga anak nila.

.............

Malik's POV

Hawak na niya kanina si Issay, may pagkakataon na siyang magkapaliwanag. Pero nawalan pa siya ng pagkakataon.

Kaya naman sobrang frustrated siya ngayon. Kaya naman after niyang ihatid si Issay sa hotel na tinutuluyan ng mga ito dumiretso siya sa bar ni Benjamin.

"Bro, nawala ka sa party nandito ka lang pala."bungad sa kanya ni Benjamin.

Mag-isa lang siyang umiinom sa VIP room na nakalaan para lang sa kanila.

"Kamusta, nakapag-usap ba kayo ni Issay?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Benjamin.

Bumuntong hininga bago sumagot.

"No, hindi ko alam kung pano sisimulan"nanghihinayang na sagot niya.

"Maayos din 'yan. Tingnan mo ung dalawang unggoy kasama nila ngayon ung mga chicks nila. Malay mo kailangan lang ng lambing ni Issay"pagpapalubang loob nito sa kanya.

"No, Benj. Hindi ko alam kung may chance pa ako kay Issay"nahihirapan na sagot niya.

"Bakit naman?... sa palagay ko mahal ka pa naman niya"ani Benjamin.

"She has a child. Twins to be exact."bitter niyang turan sabay uminom.

Hindi niya alam kung ano ba ang dahil ng paglalasing niya. Ang hindi niya naipaliwanag ang side niya noon, o ang pagkakaroon ng anak ni Issay sa ibang lalaki.

"Kasal na si Issay bro?"gulat naman na tanong ni Benj.

Isa pa iyon, ang malaman bang naanakan lang si Issay at hindi pinanagutan. Sana pala siya nalang ang gumawa noon kay Issay. Sana hindi nalang niya pinagpills noon si Issay, sana sa kanya ang mga anak ni Issay ngayon.

Lalo tuloy siyang nakaramdam ng sakit sa dibdib niya. Kaya naman inisang agok lang niya ang alak sa bote.

"Hindi, tangina bro. ako na lang sana ang bumuntis sa kana noon kung alam ko lang na magpapabuntis lang siya sa iba tapos hindi naman pala siya pananagutan"hinanakit niya.

Napabuntong hinanga na lang din si Benjamin sa sinabi niya. sinabayan na siya nitong uminom.

"Anak lang pala bro, hindi mo ba kayang tanggapin ang mga anak ni Issay? "tanong sa kanya nito ng makainom ito.

"Wala naman problema sakin bro, kaya kong ibigay ang pangalan ko sa mga anak ni Issay mapunta lang siya ulit sakin. Ang problema ko lang pano kung hindi na niya ako mahal. Pano kung mahal na niya ang ama ng mga anak niya."natatakot siyang marinig ang posibilidad na sabihin sa kanya iyon ni Issay.

Takot siyang aminin sa kanya ni Issay na wala na ito ni katiting na nararamdaman sa kanya.

"Sa tingin ko hindi bro. mukhang ikaw pa din naman"ani Benj.

"Bro, may anak sila bro. Panong hindi niya mamahalin ang tatay ng mga anak niya. pumayag siyang magpabuntis sa gago na yon"gigil naman niyang hinawakan ang bote ng alak bago ito ininom.

"Bro, kanina kung paano ka niya tingnan. Masasabi kong mahal ka pa ni Issay. At kung mahal man ni Issay yong nakabuntis sa kanya, eh di gumawa ka ng paraan para makalimutan yon ni Issay. Ikaw pa hindi ka magiging si Malik Perez sa wala."pagpapalakas ng loob niya nito.

"Hindi mo man lang ba naramdaman na mahal ka ni Issay, hindi mob a nakita kung pano ka niya tingnan kanina. Ganon yong mga tingin niya sayo noong kayo pa."dagdag pa nito.

Napaisip naman siya sa sinabi nito. Bigla naman niyang naalala ang nangyaring halikan sa kanila ni Issay kanina sa kotse niya.

Hindi naman siya lasing para hindi niya maalala na tinugon nito ang halik niya. Ramdam niya kung pano siya nito hinalikan. Kung hindi nga lang sila kinapos ng hangin kanina hindi pa siya titigil sa paghalik dito.

Hahalikan pa sana niya ito kung wala lang din bumusina sa kanila kanina.

Napapangiti naman siya sa kanyang naalala.

"Oh, ano lasing ka na bro. ang creepy mong tingnan. Para kang nababaliw dyan"puna sa kanya ni Benj.

"Hindi bro, may naalala lang ako"nakangiting uminom siya ng alak.

Napapailing naman na uminom ang kaibigan niya.

Kailangan na niyang makaisip kung paano niya mapapaibig muli si Issay sa kanya. Pag-aaralan na lang niyang tanggapin at mahalin ang mga anak ni Issay.

Wala na siyang magagawa pa sa bagay na iyon. Nandyan na ang mga anak ni Issay hindi naman niya pwedeng ipabalik sa pinanggalingan ng mga ito ang anak niya.

Malas nalang ng ama ng mga bata at pinakawalan pa si Issay.

Gagawin niya ang lahat ngayon mapasakanya lang si Issay.

Hindi na siyapalalampasin ang pagkakataon na ito. 

.................................................

A/N: AGAIN THIS STORY IS NOT EDITED. MARAMI AKONG WRONG GRAMMAR DITO. SASAKIT ANG ULO NIYO, KASI TAMAD MAG-EDIT SI AUTHOR

Continue Reading

You'll Also Like

181K 10K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3M 17K 29
Makakalayo ka pa ba sa tukso kung masarap palang trumabaho ang iyong ka-trabaho?
165K 3K 11
A love that isn't seem to be fair, regrets and pain have surrounded everything will chander be able to be happy? Or will her story end up with sadnes...
29.3K 1.1K 54
Matagal ng may gusto si Salve Regina Montecillo sa ultimate crush nya na si Alexander Montenegro. Alexander Montenegro was handsome and owned a Bar...