Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 24

3.5K 156 43
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

~flashback~

Nasa labas na ako ng bahay nila Rhian, para sunduin siya. Medyo napaaga ako, hindi na ako pumasok, dahil for sure baka ihotseat nanaman ako ng tatay niya. Nakakaloka.

Ilang saglit lang ay lumabas na si Rhian kasama si Tita Clara at Tito Gareth. Sa wakas, makakaalis na kami..

"Oh Glaiza, ingatan mo tong si Rhian ah" paalala sa akin ni Tito Gareth habang binigay niya sa akin yung MGA MALETA NI RHIAN. Ako isang maleta lang, tapos siya dalawa. Parang dun na kami titira ah.

"Opo tito, don't worry." Sabay ngiti sa kanya.

"Susunod kami dun ok? Mag enjoy na lang muna kayo dun sa New York. Just wait for us" sabi naman ni Tita Clara.

"Sige na mom and dad, alis na po kami. Baka malate na kami sa flight namin" Rhain said.

Tumango na lang ako at nagpaalam sa dalawa.

"Hay! Di na ako makahintay na ikasal sayo." Sabi ko kay Rhian ng makapasok kami sa sasakyan.

"Yeah. Ako rin." Plain na sagot niya sa akin.

"May problema ka ba Rhi?" I asked her. Parang iba kasi mood niya eh.

"Wala. Just drive. Medyo antok lang ako. Maaga akong nagising eh. Sleep muna ako ah. Gisingin mo na lang ako kapag nasa airport na tayo" she said.

"Ok. Tulog ka na muna." Agad ko ng pinaandar yung sasakyan ko.. Gusto ko man kausapin si Rhian kung gaano ako kaexcited sa kasal namin, kaso wala sa mood, at gusto na lang matulog. Oh well, wala naman na akong magagawa if that what she wants. Maya na lang siguro kami mag kwentuhan. Alam ko naman na mas excited siyang ikasal kami kaysa sa akin.

Nagdrive lang ako, at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa airport.

"Rhi, gising na, andito na tayo." Sabi ko kay Rhian,

"Hmmmm" damn... Sound sexy.

"Rhi, andito na tayo." Ulit na sabi ko sa kanya.

"Ang tagal ko palang nakatulog hahaha." Napangiti naman ako sa kanya. I love her laugh.

"Oo nga eh. Wala akong kakwentuhan. Sige na mag ayos ka na diyan, maya maya andito na yung kukuha ng car." Sabi ko sa kanya.

"Bakit kasi hindi ka na lang kumuha ng driver" she asked.

"Eh gusto kitang masolo eh. Kaso tinulugan mo lang ako. Hmft!" Kunwari nag tatampo ako.

"Ito naman eh. Syempre inaantok ako. Sorry na"

"Kiss mo muna ako!" Pag demand ko sa kanya. Tignan ko lang kung kakagat. Haha

"Kapag ba ikikiss kita, ok na tayo?"

"Depende sa pag kiss mo" I said..

"Ok" walang patumpik tumpik, agad na niya akong hinalikan,. Nagulat ako., at hindi ko namalayan na tumutugon na pala ako sa bawat halik niya. Damn, nakakaadik.

Agad kaming nag hiwalay dahil kailangan namin huminga.

"Ano, ok na tayo?" She asked.

"Opo. Haha. Di naman kita matiis eh. Halika na" inaya ko na siyang bumaba sa sasakyan at kunin ang mga gamit namin..

Sakto naman na dumating si Alchris, siya ang kukuha ng kotse ko.

"Tamang tama pala ang dating ko tol. Hahaha. Hi Hipad!" Sabi nito kay Rhian.

"Oh, Hi Al!" Bati naman niya kay Alchris.

"Oh tol, pasok na kami. See you.. Sunod kayo dun ni Dad ah. Bonding moment niyo na rin yun. Hahaha" pagbibiro ko sa kanya. Ngayon kasi matigas pa rin ang pakikitungo ni Dad, dahil nahihiya siya kay Alchris, sa lahat ba naman ng kasalanan niya, kaya pinapakita muna ni dad yung strong personality niya.

"Siraulo. Sige na pasok na kayo. Baka maiwan pa kayo ng eroplano. Sige na.. Don't worry, aalagaan ko tong car mo!"

"Aba dapat lang!" Sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na kami ni Rhian sa kanya..

-----

After 18 hours na byahe nakarating na din kami ni Rhian sa New York, medyo nakakapagod mag byahe, pero sinigurado namin na nag enjoy kami ni Rhian. Halos kami nga lang ang maingay eh. Hahaha.

Agad na kaming pumunta sa hotel kung saan kami nakacheck-in. Ako na ang umasikaso ng lahat alam kong pagod si Rhian eh.

Magkahiwalay kami ng kwarto ni Rhian, pero nasa kabilang room lang siya. Gusto kasi nila, magkahiwalay kami ng kwarto. Daming arte ng parents namin, after ng kasal namin, nasa iisang kama na kami. Jusko.

Agad na akong nag quick shower, para makatulog ako kaagad, medyo pagod ako eh. I want to sleep, I want to rest. At alam kong ganun din si Rhian. Sakto para pag gising ko, siguro mga dinner time na yun.

Pagkahiga ko, nakarinig ako ng ilang katok. Hindi naman ako nag pa-room service. Kaya agad agad akong tumayo.

"Wait!" Sigaw ko kung sino man yung kumakatok.

Pagkabukas ko ng pintuan, si Rhian pala.

"Oh anong ginagawa mo rito? Di ka ba magpapahinga?" Tanong ko sa kanya.

"Ehh... Gusto ko katabi kitang matulog eh. Pwede ba?"

"Hahaha. Halika nga dito." Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Ang cute cute mo talaga!" Kinurot ko yung ilong niya. Ang cute kasi eh.

"Aray ko naman!" Reklamo niya.

"Hahaha. Sorry, di ko mapigilan eh. Parang yung pagmamahal ko. Di ko mapigilan. Hahaha"

"De Castro! Yang mga banat mo ah!" Hahahaha. Nakokornihan nanaman siya.

"Yang mga banat mo talaga Glaiza, huwag kang ganyan kinikilig ako" napatawa lang ako sa sinabi niya. Aysus, nanglalambing talaga eh.

"Hahaha. Halika na nga, matulog na tayo, para pag gising natin, dinner na." I said.. Agad na kaming nahiga. Nakayakap ako sa kanya.

Ang sarap naman ng ganito, yung bago ka matulog at pagkagising mo, yung taong mahal mo yung makikita mo..

"I love you Glaiza!" Rhian said to me.

"And I love you too.. I love you. I love you. I love you! Walang makakapantay o makakahigit sayo. Mahal na mahal kita Rhian." Nakangiti lang kaming dalawa, at ilang saglit, pareho na kaming nakatulog..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Glai! Gising na!" Ayoko pa sanang imulat yung mga mata ko, kaso ang kulit ang kasama ko. Jusko.

"Hhmmm. 5 minutes pa Rhi.. Antok pa ako eh" tumalikod na lang ako sa kanya, para ituloy ang naudlot kong tulog.

"Glaiza gutom na ako!" Ok, wala na akong nagawa.

"Ok ok! I'm up." Agad na akong bumangon at nag tungo sa banyo para makapag ayos ng sarili, ganun din si Rhian bumalik na siya sa kwarto niya.

Dapat pala di ko na lang siya pinayagan na matulog dito, edi sana tulog pa ako. 6pm pa lang. Haizt.. Need more sleep.. Pero bahala na. Si Rhian naman tong pinag uusapan.

Ilang saglit lang ay natapos na ako, sakto naman paglabas ko sa kwarto nakaabang na si Rhian.

"Ano saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmmm. Gusto ko ng pasta eh."

"Sige dun tayo sa Italian Restaurant. Halika na, lagyan na natin ng laman niyan tiyan mo" Sabi ko sa kanya..

"Hahahahha. Sira ka talaga" she said.

Hindi ko na lang ako nag salita at agad ko na siyang hinila palabas ng hotel, tutal walking distance lang naman yung restaurant na pagkakainan namin, nilakad na lang namin, mas sweet kasi yun eh.

"Alam mo ang saya ko ngayon" sabi ni Rhian sa akin.

"Bakit ka naman masaya?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi kasama kita. Hawak ko ang kamay mo. Kahit malamig dito, ramdam ko pa rin yung init ng pagmamahal mo. Kung pwede lang sana lagi na lang tayong ganito eh. Yung walang kalungkutan." Ito nanaman si Rhian, nag ddrama nanaman.

"Hangga't andito ako Rhian, patuloy kitang mamahalin. Patuloy kitang papasayahin. Oo hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan, pero gagawin ko ang lahat para hindi ko magawa yun, mahal kita Rhian, mahal na mahal. Lahat gagawin ko, mapasaya lang kita." Sabi ko sa kanya, nakita ko na umiiyak na to.

"Hey, stop crying.." I said.

"I can't help it Glaiza. You're perfect. I am lucky to have you."

"No, mas maswerte ako because you love me so much. You believe in me.. At wala na akong mahihiling pa." Sabi ko sa kanya, agad ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema ni Rhian, medyo naweweirduhan na ako sa mga sinasabi niya. Ilang beses ko ng tinatanong kung may problema ba kami or kung may problema ba siya, pero never niya akong sinagot. So hinayaan ko na lang, dahil for sure mag oopen din siya sa akin. Maybe hindi pa sa ngayon, but soon.

"Thank you Glaiza. I love you so much!"

"I love you too." I gave her quick kiss..

"Tara na nga, kain na tayo. Gutom lang yan!" I said, masyado na kaming madrama.

"Ikaw talaga. Basag trip ka talaga. Tse!" Natawa na lang ako sa inasal niya. Tahimik na lang kaming naglalakad hanggang sa nakarating na kami sa restaurant.

----

Maaga akong gumising, dahil may lakad kami ni Rhian, dadalhin ko siya sa Central Zoo. Mahilig to sa mga animals eh. Hindi na kami nagtabi, dahil ayaw namin mag paistorbo pareho.

Lumabas ako ng kwarto ko para gisingin si Rhian. Nakatatlong katok lang ako at bigla na niya itong binuksan. Halata na medyo bitin pa to sa tulog. Hahaha. Ang cute niya lang, ang gulo pa ng buhok niya.

"Good morning sunshine!" I said to her, tapos bigla akong inirapan.

"Anong good sa morning!?" She said. Naku, galit na to. Nabitin ata to sa tulog eh.

"Ang good sa morning ako, pero ikaw, ikaw ang maganda sa morning." Nakangiting sabi ko. Medyo napansin ko na iba na ang mood niya. Ayun eh! Nadale ko rin.

"Ikaw talaga umagang umaga, bolera. Hahaha! Tsaka anong meron?" She asked.

"Lalabas tayo ngayon, so you better get ready. Dahil mag aayos na rin ako. Ok? See you in 30"

"Whaaa?! Glai! 30minutes, ang bilis naman, pwedeng 1hour. Mag aayos pa ako."

"No, 30minutes only. So bilis na!" Hindi ko na hinintay na mag reklamo pa siya, dahil for sure kung ano nanaman masasabi niya, kaya agad na lang akong pumasok sa room ko. Bahala siya.

"Kaasar!" Narinig kong sabi niya bago niya sinara yung door. Hahaha. Pikon talaga oh.

After 22 minutes natapos na rin akong magbihis, buti na lang talaga at maaga akong nakaligo kanina.

May 8 minutes pa si Rhian para mag ayos. So lumabas na lang ako ng kwarto at hintayin ko na lang siya sa room niya,

"Rhian, bukas mo yung door pasok ako!" I said. Pero mukhang hindi ako narinig.

"Rhian!" Katok ako ng katok. Pero wala pa rin. Buti na lang pala, hindi niya nalock yung pinto, kaya agad na lang akonh pumasok.

And to my surprised, ang loko, bumalik sa pagtulog. Walangya..

"Hey, Rhi! Gising! Ano ba. May pupuntahan tayo. Wake up!" I said to her.

"Hmmmm. 5 more minutes pleasee!" She said.

"Oh no you don't! Bangon ka na diyan! Or else!"

"Or else what?!" She asked.

"Ako magpapaligo sayo. So you better get up."

"Fine! Babangon na geez! Di makapag hintay!" Well I won.. Pikon talaga.

"20 minutes lang ah!" I said.

"Bahala ka jan! Hmft!" Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo. Hayss. Bahala na nga kung gaano siya katagal. Siyam siyam nanaman to.

Nanuod na lang ako ng TV habang hinihintay ko si Rhian, medyo matagal talaga siyang mag ayos.

"Ok I'm ready" ahy sa wakas, tapos na rin siya, after 1 hour

"Ayan ah. Binilisan ko na ah"

"Mabilis na talaga sayo ang one hour nuh? Ok. Let's go!" I said.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Dun sa lunga mo, ibebenta na kita dun. Sa Central Zoo! Hahaha" asar na to.

"Ewan ko sayo. Pumunta ka mag isa mo!" Ito nanaman kami.

"Nagbibiro lang ako. Halika na. Naka bihis ka na oh. Sayang naman kung di mo ilalabas yang ganda mo. Tsaka hayop ka kaya. HAYOP KA SA GANDA!"

"Hahahaha! Funny Glaiza! Funny!"

"Oo na po. Sorry na. Can we just go? Please?"

"Fine! Halika na nga. Kawawa naman yung tarsier!" Wait what?

"Ano? Tarsier? Sino? Ako?" Takang tanong ko

"Malamang ikaw! Hahahahaha!" Ok, bumawi ang loko. Tsk.

"Osige na, tarsier na kung tarsier, halika na."

Agad na kaming umalis ni Rhian sa hotel. Nag taxi na lang kami papuntang Central Zoo.

Ilang saglit lang ay nadun na kami.

Pareho kaming namangha sa ganda nito. For sure mag eenjoy kami.

Una naming pinuntahan yung tiger, medyo natakot pa nga ako nung una eh. Ang laki naman kasi..

"Tara dun sa mga kalahi mo!" Sabi ni Rhian sa akin. Anong kalahi?

"What do you mean?" I asked her.

"Dun sa mga monkey. Diba kalahi ng unggoy ang tarsier. Halika na. Haha" hindi na ako nakasagot dahil hinila na niya ako kaagad. Haizt. Ang kulit kulit talaga. Kung di ko lang talaga mahal tong taong to, binatukan ko na to eh.

Nagpahila na lang ako kung saan niya ako gustong dalhin.

Grabe yung saya sa nakikita ko sa mata ni Rhian. Ganito yung mata ang gusto kong makita sa araw ng kasal namin.

Hay Rhian, di mo alam kung gaano mo ko napapasaya. Malapit na, ikakasal na rin tayo. At yang ningning sa mga mata mo, sisiguraduhin kong hindi mawawala.

----

Hello guys! Alam kong late update nanaman ako. Pasensya naman daw. Hahahaha! Miss niyo ba ako? Char.

Well may nag request kasi na mag update daw ako eh. Edi ok. Hahahaha!

Don't forget to vote! :)

-A.B

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
99.3K 4.2K 31
Rhiannon "RHIAN" Oswald - Rhian Ramos Gia Levinson Anastasia"GLAIZA" Collins - Glaiza De Castro Anna Nicollete "ANNE" Oswald - Anne Curtis Katherine...
43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
208K 6K 53
Characters Glaiza Galura Rhian Ramos A.N//salamat sa mga magagandahan, salamat din sa mga hindi magagandahan.