Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 3

9.5K 161 7
By PollyNomial

KABANATA 3 — One is enough

Pag-uwi ko ay pagod na pagod ako dahil sa celebration na naganap. Kasama ang mga staff ko, nagpunta kami sa isang exclusive restaurant kung saan sila nagpa-reserve. Hindi ko alam kung paano nila iyon nagawa pero nakuha namin ang nag-iisang private room ng restaurant na para lang sa mga VIPs. Of course libre ko ang lahat pero worth it because we had so much fun. Sobrang ingay namin nun na halos gawin na naming ktv bar ang resto. Buti nalang at hindi kami sinuway ng waiter dahil sound proof naman pala ito.

Nag-shower lang ako at dumeretso na ako sa kama para humiga. Naka-spread ang kamay at paa ko habang nag-uunat dahil sumakit ang buto buto ko sa mga naganap ngayong araw. Tumitig ako sa puting kisame. At unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Sa wakas ay mapapatunayan ko na rin ang sarili ko. I can now prove them that I can live on my own, that this job is not just a waste of time. Na hindi sila nagkamali na pinayagan nila akong abutin ang pangarap ko.

Mom and Dad always expect so much from me. Kesyo dapat maayos ang itsura ko kapag nakikita ako ng ibang tao. Kailangan matalino ako para hindi ako mapahiya sa iba. Kailangan makakuha ako ng magagandang grades sa school at kasali ako sa honor. That it would be better if I’m the best. I’m their only child and their willing to give all the best for me, even if I don’t ask for it.

“Ikaw lang ang nag-iisang Santos na magmamana ng lahat ng pag-aari namin, Ella. And when the right time comes, you’ll take over our entire company. Everything will be yours at wala ka nang hihilingin pa.”

 

Yan ang palaging linya ni Mommy at Daddy. Kaya takot na takot akong pumalpak sa harap nila. Dahil ako lang ang inaasahan nila. Dahil ako ang nag-iisang anak nila.

Bumangon ako ng kama nang mag-ring ang telepono. Inabot ko iyon mula sa side table at sinagot.

Isang buntong hininga ang sumalubong sa akin. At kilalang kilala ko na ang buntong hininga na iyon.

“Dad.” Siguradong siya nga ang nasa kabilang linya.

“Ella. We need you here.” Sinasabi na nga ba. Hindi ako kukumustahin ng ama ko kaya siya tumawag. Kailan ba naman may nangyaring kumustahan sa pagitan naming dalawa? Hindi na ko nasanay. I should get used to this.

“I’m going home, dad. Hindi mo na kailangan sabihin dahil uuwi na ako.”

 

“Really?” mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tuwing tatawag kasi sila sa akin ay palagi akong humihingi ng extension. Pero ngayon… “When?”

“Probably next week. A certain company offered me to feature my works on their fashion event. Diyan sa Pinas gagawin so I don’t have any choice but to go there.” Hindi ko na nilagyan ng excitement ang pagsabi nun dahil masasayang lang ang effort ko. He will just ignore this news. Sasabihin nanaman niya ang famous line niyang, ‘what you’re doing is just a waste of time’.

“Wow.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mula sa pagsandal sa headboard ng kama ay dumiretso ako ng upo.

“What, dad?” tanong ko agad sa kanya. Gusto ko ulit iyong marinig. Sana ay ulitin pa niya.

“I said wow, anak. I’m so proud of you.” Pumalakpak ang puso ko sa narinig. Mula sa gulat ay naging masaya  ako. Malawak akong ngumiti at tinaas ang kamay at nag ‘yes!’ gesture.

“Thanks, dad!” Gusto ko na ring maiyak dahil sa narinig ko mula sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa niya nasabi ang salitang iyan. It will always be like, ‘A Santos always gets what he wants. Hindi dahil sa effort mo kaya yan napunta sa’yo. Dapat lang na mapasayo iyan.’

“Really, anak. I’m so proud of you. Ngayon nagawa mo na ang gusto mo. And you’re beginning to create your own name.” buo ang boses ni Dad pero rinig na rinig ko mula doon ang lambing niya. Ang sinseridad ng sinasabi niya. At parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang tuwa. Ngayon lang niya ako kinausap ng ganyan.

“Dad…” hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko sa kanya. This moment, I just wanna run towards him and hug him tight. Pero dahil malayo ako, hindi ko pwedeng gawin yun. Maiyak-iyako kong sinabing, “Thank you. Thank you, Dad for being proud of me.”

Matapos ng gabing iyan ay hindi na nawaglit ang saya ko. Nagbubunyi at nagse-celebrate ang puso ko dahil sa mga salitang binitiwan ng tatay ko. Mas lalo kong pinagbuti ang trabaho ko dito sa boutique. Tinapos ko na rin ang lahat ng nauna kong commitment at labag man sa kalooban ko ay hindi na muna ako tumanggap ng mga kliyente.

“How sad. I like your design that’s why my boyfriend and I went here. We really want you to design my wedding gown.” sabi ng isang kararating lang na kliyente. Si Nerissa ang unang nakausap niya at sinabi kong siya nalang muna ang mag-asikaso pero nang malaman kong isa ito sa mga nakilala ko noong nasa Paris pa ako ay ako na ang kumausap.

“I’m really sorry. I’ll be leaving for the Philippines next week and I can’t accept any commitments anymore. But I’ll definitely recommend you to someone I know.” Pangako ko dito. Marami rin naman akong kakilalang ibang mas magagaling na designers dito sa New York. Siguradong maaasikaso ng mga iyon ang mga taong sa akin lumapit.

Paunti-unti ay inaayos na ng mga staff ko ang boutique. Magsasara ito at hindi ko alam kung kailan ang balik ko kaya naman pinaligpit ako muna ang lahat. Nilagay muna nila ang ibang mga kagamitan sa storage room at hinayaan nalang ang iba kagaya ng mannequin na dito nalang sa taas ng boutique.

Sabay sabay kaming napatingin nang biglang tumunog ang glass door ng boutique.

“Welcome to El—” napatigil si Nerissa sa pagbati nang makitang si Zac ang lalaking kapapasok lang.

“Zac?” lumapit ako sa kanya nang nakangiti.

“So you’re not planning to tell me about this?” agarang tanong niya. Pinaikot niya ang tingin sa buong boutique na napapalibutan na ng mga puting tela.

Napangiwi ako sa reaksyon niya. Nakakuot ang mata niya habang kinakagat ang labi niya. Ganyan ang itsura ni Zac kapag may nagawa akong hindi maganda at galit siya sa akin.

“I’m sorry, I forgot to tell you. Biglaan kasi.” Nakalimutan ko talagang sabihin kay Zac ang tungkol dito. Sa sobrang tuwa ko sa mga nangyayari sa akin ngayon, mula sa offer ng Fortune Fashions hanggang sa mga sinabi sa akin ni Dad ay wala na akong ibang naisip kundi ang pagbalik ko ng Pilipinas.

“And when are you planning to tell me about this? On the day of your departure? Tatawag ka nalang at sasabihin nasa airport ka na? O baka naman tatawag ka kapag nasa Pilipinas ka na?” nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa. At gaya ng tuwing nangyayari kapag galit siya sa akin, iirapan niya ako na parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo at tatalikuran.

Ako naman ay hahabulin siya.

“Zac, wait!” hinawakan ko ang braso niya pero hindi siya humarap. “Let me explain, okay? Babalik naman ako eh. At saka may reason naman ako kung bakit ko nakalimutan.” Likod lang niya ang nakikita ko. Yumuko ako.

“And what is that?” malamig na tanong niya.

“Sinabi ni Dad sa akin na proud daw siya sa mga nangyayari sa akin ngayon.” Pagkasabi ko nun ay saka lang siya lumingon. Namimilog ang mga mata niya nang salubungin ko yun. At may sumilay na ngiti sa labi niya.

“Weh, ows, 'di nga?” kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Saan niya nakuha yan? Tumikhim siya. “I mean, really, Ella? Sinabi yun ng Dad mo?”

Mabilis akong tumango sa kanya at dun na niya ako niyakap.

 

“That’s great! I’m so proud of you!” masayang sabi niya habang yakap ako ng mahigpit. Binuhat niya ako at inikot habang tumatawa. Narinig kong nagsinghapan ang mga staff ko sa likod kaya naman nang ibaba niya ako ay bumitaw ako sa kanya. Inayos ko ang nagulo kong damit at tiningnan siya. “How long have you been waiting for that? Twenty-four years? I think I’m over reacting but, Jesus! I’m sooo proud of you!” at niyakap niya akong muli.

Alam ni Zac lahat ng hinanaing ko sa pamilya kaya naman yan ang naging reaksyon niya. Siya ang labasan ko ng sama ng loob noong mga panahong wala akong natatanggap na suporta mula sa mga magulang ko. I want encouring words but all they did is discourage me. Telling me that what I’m doing is just a waste of time. But now! Konti nalang at makukuha ko na ang suporta nila. Lalo na ni Dad!

Tumulong na din si Zac sa ginagawa naming pag-aayos. Maraming dapat gawin kaya naman wala kaming pahinga buong araw. Nakausap ko na rin ang ilang kliyenteng napangakuan ko at sinabing ire-recommend ko nalang sila sa mas magaling na wedding gown designer. Hindi lang naman ako ang designer dito sa New York. Marami pang iba diyan na mas magagaling sa akin. Sa ngayon, aabutin ko muna ang mga pangarap ko.

Nang matapos kaming lahat ay niyaya kami ni Zac sa bar niya.

“Guys! Who wants to go at The Wild?”

Naghiyawan ang lahat at sumang-ayon kay Zac. Hindi na sila tumaggi dahil sinabi ng lalaki na libre niya ang lahat at wala silang gagastusin. Umiling nalang ako sa lalaking ito. Hindi naman kaya malugi ang bar niya kapag lagi siyang nanlilibre? Ang bait talaga niya at mukhang hindi naman mangyayari iyon dahil sa yaman nila. Lumalangoy na ata yan sa pera eh.

Walang tigil ang pagsasayawan ng mga kasama ko sa bar. Hindi na sila umalis sa dance floor mula ng tumapak kami dito kaya naman naiwan nalang ako sa table ko habang pinapanuod silang nagwawala. Hinanap ng mga mata ko si Zac pero hindi ko siya makita sa dilim ng bar.

Juice nalang ang in-order ko imbes na alcohol. Tinatamad kasi akong uminom at saka gusto ko mamaya pag-uwi ko ay gising na gising pa ko. Sisimulan ko nang i-compile ang portfolio ko. Yung mga dating designs ko na at yung mga sisimulan ko. Gusto kong piliin ang mga gowns na ipapakita ko sa Fortune Fashions. Perfect dapat ang lahat. Ayoko kasing ma-disappoint sila sa pagpili sa akin.

“Hi, Miss. Alone?” tanong ng isang kano sa akin. Kapag nakakakita ako ng foreigner, unang tinitingnan ko ang features ng kanilang mukha. He’s blond, blue eyes pero malalim ang mga mata. May color light brown siyang nunal o birthmark sa gilid ng labi at tipikal na matangos ang ilong gaya ng lahat ng kanong nakilala ko. In short, gwapo siya. Ibinalik ko ang tingin ko sa iniinom kong juice. But still, he’s not my type.

“No.” Isang batalyong kaibigan ang kasama ko pero lahat sila ay nasa dance floor. Napangisi ako sa naisip habang hinahalo ang juice ko.

“Oh. Are you with Zac?” bumalik ang tingin ko sa kanya sa tinanong niya. “Are you his girlfriend? Ex-girlfriend? Ex-wife?” tanong niya sa akin. Nasisilaw ako hindi dahil sa neon lights kundi sa asul niyang mga mata. Kumikislap iyon dahil sa ilaw na naglalaro sa buong bar. Gusto kong matawa sa tanong niya pero hindi ko magawa dahil seryoso siya nang itanong iyon.

“No.” sagot ko ulit. I don’t wanna entertain him pero ang cute niya kaya sige. Kakausapin ko na muna siya para naman may makasama ako.

“Great! If your not his girlfriend, ex-girlfriend or ex-wife,” ngumisi ako nang isa-isahin niya iyon. Kakaiba talaga ang humor ng mga foreigner. Mukha silang seryoso pero sa totoo ay nakakatawa ang mga ginagawa nila para sa akin. Siguro ay dahil magkaiba kami ng kultura. “Then… can you dance with me?” itinuro niya ang dance floor kung saan nagwawala pa rin ang mga staff ko.

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa namumula niyang mukha dahil sa alak at sa dance floor. Nagpalinga-linga ako sa bar para hanapin si Zac pero wala pa rin siya. Hmm, pumayag nalang kaya ako? Kahit pampalipas oras lang? Hindi naman ako lasing kaya kung may gawing kalokohan sa akin 'tong kanong 'to eh makakalaban pa ako. Saka halos lahat dito ata ay kilala ako. Pati yung mga nag-iikot na bouncer. Kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumango sa kanya.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko iyon. Hinila niya ako papuntang dance floor.

“Wow, man! You got her!” sigaw ng mga ilang mga kano din na nadaanan namin. Ngumisi nalang ako at umiling. Siguro ay pinagpupustahan nila ako. Pero takot sila dahil madalas kong kasama si Zac tuwing nagpupunta ako dito. I don’t mind kung gawin nila iyon. Sanay na ako sa ugali ng mga tao dito.

Nagsimula na ang yugyugan pagdating namin ng dance floor. Mabilis ang beat ng kanta at sumasabay ang lahat doon. Sa sobrang puno nito ay nababangga ako ng ilang tao kaya naman napapalapit ako sa kanong nasa harap ko.

“What’s your name?” sigaw niya sa tenga ko. Kung hindi niya kasi iyon gagawin ay hindi ko siya maririnig.

“Ella. And you are?” balik tanong ko sa kanya.

“Austin.” Malakas ulit na sabi nito sa gitna ng musika. Ngumiti ako sa kanya at saka sumayaw muli. May ilang taong tumatalon pa at ang ilan ay tinataas ang kanilang mga kamay habang humihiyaw. Nag-di-dirty dancing silang lahat kasama ang mga kung sino mang makatabi nila.

“Uy! Si Ms. Ella nandito na!” sigaw ng lalaki kong staff. Pilipino siya at tagalog ang salitang ginamit niya kaya naman sila-sila lang ang nakaitindi dito. Lahat sila ay tumingin sa aming dalawa ni Austin. Si Nerissa ay ngumisi sa akin habang naka-okay sign.

Sinasayaw pa rin ako ni Austin kahit na may mga bumabati sa kanya sa mga taong nasa dance floor. Hindi niya ako tinatalikuran kaya naman ganun din ako sa kanya. Nagtatawanan ang mga staff kong sina Nerissa, Reena, Belle, Betina, Albert, Cody at Roi habang si Zac naman, ayun at hindi pa rin nagpapakita.

Hindi naman ako finiflirt ni Austin kaya hindi ako nailang sa kanya. I think he’s not hitting on me. Kaya naman habang tumatagal ay napapalagay ang loob ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin ng tumigil ang mabilis na tugtog ng musika at unti uting napalitan ng mabagal na kanta. Pati ang mabilis na paggalaw ng lights ng bar ay bumagal din. Ilalagay na dapat niya ang braso sa bewang ko nang umiwas ako sa kanya.

May naramdaman akong kakaiba. Hindi kay Austin kundi sa paligid ko. Pakiramdam ko, may nakatitig nanaman sa akin kagaya ng nangyari nung gabi ng birthday ko. Parang may tumutusok na mga mata sa akin at nilulusaw ako.

“What’s wrong?” nakakunot na tanong sa akin ni Austin. Kumikislap pa rin ang asul niyang mga mata. Nakakamangha talaga ang mga ito pero mas lamang ang takot na nararamdaman ko sa isa pang matang nakatitig sa akin ngunit hindi ko malaman kung sino.

“Uhh..” hindi ko natuloy ang pagsasalita ko nang makita sa likod ni Austin ang nanlilisik na mga mata ni Zac. Tama ang nakikita ko 'di ba? Nanlilisik ang mga ito. Kung pwede lang makapatay ang tingin ay kanina pa siguro ako nakabulagta dito. Lumapit siya sa amin habang iniinom ng boteng hawak niya. Nang mas makalapit siya ay inabot niya iyon sa waiter bago tumigil sa tabi naming dalawa ni Austin.

“Z-zac.” Tawag ko sa pangalan niya. Ang nakakunot na mata ni Austin kanina ay bigla nalang napalitan ng hindi mabasang emosyon. Mukhang natakot siya?

“Uhm, Ella, I-I think I should go. Bye!” parang ipo-ipo si Austin na tumakbo paalis.

“Bakit ka nakikipagsayaw dun?” mariing tanong ni Zac matapos niya akong dalhin pabalik ng table namin. Nandun na ang ilan sa mga staff ko na tahimik lang at hindi tumitingin sa amin dalawa.

“He asked me. And you are no where to be found. Wala naman akong magawa kaya sumama ako.” Mahinanong sagot ko sa kanya.

 

“May inasikaso lang ako sa taas, Ella. Austin is a womanizer. Hindi mo ba yun nahalata? He’s hitting on you!” galit na sabi niya na nagpalingon sa mga babae kong staff. Ngayon lang nila nakitang ganito si Zac pero ako ay ilang beses na kaya sanay na ko. At hindi ko siya pinapatulan.

“I’m sorry, okay? I didn’t know.”

Huminga siya ng malalim at nakita ko ang pagdiin ng bibig niya. Pumikit din siya and I know na kinakalma na niya ang sarili niya.

“One is enough, Ella. Hindi ko na nga makuha ang puso mo dahil sa isang lalaking naiwan mo and then may iba nanamang papasok sa eksena? Ayoko nang may iba pa akong kalaban bukod sa kanya. No way, Ella. Please. One is enough.”

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
85.9K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
8.9K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...
4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]